أيد

Pagsuspinde sa Dating President Trump

Sinuportahan ng Board ang desisyon ng Facebook noong 7 ng Enero 2021, para paghigpitan ang access ng dating Pangulong si Donald Trump sa pagpo-post ng content sa kanyang Facebook Page at Instagram account.

نوع القرار

معيار

السياسات والمواضيع

عنوان
حرية التعبير، سياسة، سلامة
معيار المجتمع
أفراد خطرون ومنظمات خطرة

المناطق/البلدان

موقع
الولايات المتحدة

منصة

منصة
Facebook

Para basahin ang desisyong ito bilang PDF, mag-click dito.

Buod ng kaso

Sinuportahan ng Board ang desisyon ng Facebook noong Enero 7, 2021, para paghigpitan ang access ng dating Pangulong si Donald Trump sa pagpo-post ng content sa kanyang Facebook page at Instagram account.

Gayunpaman, hindi naaangkop sa Facebook na magpatupad ng walang katiyakan at walang basehang pamantayan na parusa ng walang katiyakang pagsuspinde. Kasama sa mga karaniwang penalty ng Facebook ang pagtanggal ng lumalabag na content, pagpapatupad ng time-bound na panahon ng pagsuspinde, o permanenteng pag-disable sa page at account.

Iginigiit ng Board na suriin ng Facebook ang bagay na ito para matukoy at mabigyan ng katwiran ang naaayon na tugon na alinsunod sa mga panuntunan na ginagamit sa iba pang mga user ng platform nito. Dapat makumpleto ng Facebook ang pagsusuri nito sa bagay na ito sa loob ng anim na buwan simula sa petsa ng desisyong ito. Gumawa rin ang Board ng mga rekomendasyon sa patakaran para ipatupad ng Facebook sa paggawa ng malinaw, kinakailangan, at naaayon na mga patakaran na nagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at iginagalang ang malayang pagpapahayag.

Tungkol sa kaso

Mahalagang bahagi ng demokrasya ang mga eleksyon. Noong Enero 6, 2021, habang binibilang ang 2020 electoral vote, isang grupo ang sapilitang pumasok sa Capitol Building sa Washington, D.C. Nilagay sa panganib ng karahasang ito ang proseso ng konstitusyon. Limang katao ang namatay at marami pa ang nasaktan sa karahasan. Sa mga kaganapang ito, ang dating Pangulo na si Donald Trump ay nag-post ng dalawang content.

4:21 pm nang Eastern Standard Time, habang patuloy ang riot, nag-post ng video si Mr. Trump sa Facebook at Instagram:

I know your pain. I know you’re hurt. We had an election that was stolen from us. It was a landslide election, and everyone knows it, especially the other side, but you have to go home now. We have to have peace. We have to have law and order. We have to respect our great people in law and order. We don’t want anybody hurt. It’s a very tough period of time. There’s never been a time like this where such a thing happened, where they could take it away from all of us, from me, from you, from our country. This was a fraudulent election, but we can't play into the hands of these people. We have to have peace. So go home. We love you. You’re very special. You’ve seen what happens. You see the way others are treated that are so bad and so evil. I know how you feel. But go home and go home in peace. (Nararamdaman ko ang sakit sa inyo. Alam kong nasaktan kayo. Nagkaroon tayo ng eleksyon na ninakaw mula sa atin. Isa itong landslide na eleksyon at alam ito ng lahat, lalo na ang kabila. Pero kailangan na ninyong umuwi. Kailangan nating magkaroon ng kapayapaan. Kailangan nating magkaroon ng law and order. Kailangan nating igalang ang ating magigiting na mga tao sa law and order. Hindi natin gusto na may masaktan. Isa itong napakahirap na panahon. Hindi pa nagkaroon ng panahon na katulad nito, kung saan nangyari ang ganoong bagay, kung saan magagawa nilang kuhanin ito mula sa ating lahat, mula sa akin, mula sa inyo, mula sa ating bansa. Isa itong dinaya na eleksyon, pero hindi tayo maaaring makipaglaro sa mga kamay ng mga taong ito. Kailangan nating magkaroon ng kapayapaan. Kaya umuwi na kayo. Mahal namin kayo. Napaka-espesyal ninyo. Nakita ninyo ang nangyayari. Nakita ninyo ang pagtrato sa iba na sobrang hindi mabuti at napakasama. Alam ko kung ano ang nararamdaman ninyo. Pero umuwi na kayo at umuwi nang payapa.)

Tinanggal ng Facebook ang post na ito nang 5:41 pm Eastern Standard Time dahil sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon.

Habang sine-secure ng pulisya ang Capitol, 6:07 pm Eastern Standart Time, nag-post si Mr. Trump ng isang nakasulat na pahayag sa Facebook:

These are the things and events that happen when a sacred landslide election victory is so unceremoniously viciously stripped away from great patriots who have been badly unfairly treated for so long. Go home with love in peace. Remember this day forever! (Ito ang mga bagay at event na nangyayari kapag ang isang sagradong tagumpay sa landslide na eleksyon ay walang pakundangan at walang awang tinanggal mula sa mga dakilang makabayan na matagal ng tinatrato nang hindi maganda. Umuwi kayo ng may pagmamahal sa kapayapaan. Alalahanin ang araw na ito magpakailanman!)

Tinanggal ng Facebook ang post na ito nang 6:15 pm Eastern Standard Time dahil sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon. Na-block din nito si Mr. Trump mula sa pagpo-post sa Facebook o Instagram nang 24 na oras.

Noong Enero 7, pagkatapos na suriin pa ang mga post ni Mr. Trump, ang kanyang mga kamakailang pakikipag-ugnayan nang wala sa Facebook, at karagdagang impormasyon tungkol sa tindi ng karahasan sa Capitol, pinalawig ng Facebook ang pag-block nang “walang katiyakan at nang hindi bababa sa susunod na dalawang linggo hanggang sa matapos ang mapayapang paglilipat ng kapangyarihan.”

Noong Enero 20, sa inagurasyon ng Panguling si Joe Biden, tumigil na maging pangulo ng United States si Mr. Trump.

Noong Enero 21, inanunsyo ng Facebook na ni-refer nito sa Board ang kasong ito. Tinanong ng Facebook kung naging tama ba ang desisyon nito noong Enero 7 na pagbawalan ang access ni Mr. Trump sa pagpo-post ng content sa Facebook at Instagram nang walang katiyakang panahon. Humingi rin ng mga rekomendasyon ang kumpanya tungkol sa mga pagsuspinde kapag isang pinunong pampulitika ang user.

Bukod sa dalawa pang post noong Enero 6, may nakita ang Facebook na limang paglabag ng Mga Pamantayan ng Komunidad nito noong nakaraan sa organic content na na-post sa Facebook Page ni Doland J. Trump, tatlo rito ay ginawa sa loob ng nakaraang taon. Bagaman tinanggal ang limang lumalabag na post, walang ipinataw na mga pagpaparusa sa account.

Mga mahalagang nalaman

Nalaman ng Board na dalawa sa post ni Mr. Trump noong Enero 6 ay lumabag nang matindi sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram. Ang “We love you. (Mahal namin kayo.) You’re very special (Napaka-espesyal ninyo.)” sa unang post at “great patriots (mga dakilang makabayan)” at “remember this day forever (alalahanin ang araw na ito magpakailanman)” sa pangalawang post ay lumabag sa mga panuntunan ng Facebook sa pagbabawal ng pagpuri o pagsuporta ng mga taong kasali sa karahasan.

Nalaman ng Board na sa pagpapanatili ng walang basehang pahayag ng pandaraya sa electoral at paulit-ulit na panawagan ng pagkilos, gumawa si Mr. Trump ng isang kondisyon kung saan naging posible ang malubhang panganib ng karahasan. Sa oras ng mga post ni Mr. Trump, nagkaroon ng malinaw at napipintong panganib ng pinsala at ang kanyang mga salita ng pagsuporta para sa mga sangkot sa mga riot ay nagbigay ng pahintulot sa kanilang mga marahas na pagkilos. Bilang presidente, nagkaroon ng mataas na antas ng impluwensiya si Mr. Trump. Malaki ang naabot ang kanyang mga post, may 35 milyong follower sa Facebook at 24 na milyon sa Instagram.

Dahil sa pagiging malubha ng mga paglabag at ang patuloy na panganib na magdulot ng karahasan, nabigyan ng katwiran ang Facebook sa pagsuspinde sa mga account ni Mr. Trump noong Enero 6 at pagpapalawig ng pagsuspindeng iyon noong Enero 7.

Gayunpaman, hindi naaangkop para magpatupad ang Facebook ng isang ‘indefinite o walang katiyakang’ pag-suspinde.

Hindi pinapayagan ang Facebook na panatilihing wala sa platform ang isang user nang walang katiyakang panahon, na walang mga pamantayan kung kailan o kung maibabalik ba ang account.

Sa pagbibigay ng penalty, hindi sinunod ng Facebook ang malinaw at naka-publish na pamamaraan. Hindi inilarawan ang ‘indefinite’ na mga pagsuspinde sa mga patakaran sa content ng kumpanya. Kasama sa mga karaniwang penalty ng Facebook ang pagtanggal ng lumalabag na content, pagpapatupad ng time-bound na panahon ng pagsuspinde, o permanenteng pag-disable sa page at account.

Tungkulin ng Facebook na gumawa ng kinakailangan at naaayon na mga penalty na tumutugon sa mga malubhang paglabag ng mga patakaran nito sa content. Ang tungkulin ng Board ay tiyakin na ang mga panuntunan at proseso ng Facebook ay alinsunod sa mga patakaran nito sa content, mga pagpapahalaga nito at sa mga commitment nito sa mga karapatang pantao.

Sa paggamit ng hindi malinaw at walang batayang pentaly at pagkatapos ay pag-refer ng kasong ito sa Board upang malutas, hinahangad ng Facebook na iwasan ang mga responsibilidad nito. Tinanggihan ng Board ang request ng Facebook at iginiit sa Facebook na gumamit at gawing makatwiran ang tinukoy na penalty.

Ang desisyon ng Oversight Board

Sinuportahan ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na suspindihin ang access ni Mr. Trump para mag-post ng content sa Facebook at Instagram noong Enero 7, 2021. Gayunpaman, dahil sinuspinde ng Facebook ang mga account ni Mr. Trump nang ‘indefinitely,’ dapat muling i-assess ng kumpanya ang penalty na ito.

Sa loob ng anim na buwan simula ng desisyong ito, dapat muling suriin ng Facebook ang arbitrary penalty na ipinatupad nito noong Enero 7 at pagpasyahan ang naaangkop na penalty. Ang penalty na ito ay dapat ibatay sa bigat ng paglabag at ang inaasahang pinsala sa hinaharap. Dapat din alinsunod ito sa mga panuntunan ng Facebook para sa mga matinding paglabag, na dapat maging malinaw, kinakailangan at patas.

Kung magpapasya ang Facebook na ibalik ang mga account ni Mr. Trump, dapat gamitin ng kumpanya ang mga panuntunan nito sa desisyong iyon, kabilang ang anumang mga pagbabagong ginawa bilang pagtugon sa mga rekomendasyon ng Board sa patakaran na nasa ibaba. Sa senaryong ito, dapat tugunan ng Facebook ang anumang karagdagang paglabag nang maagap at alinsunod sa mga naitatag nang patakaran sa content.

Binigyang-diin ng minority ng Board na dapat gumawa ang Facebook ng mga hakbang upang mapigilan ang pag-ulit ng hindi magandang mga epekto sa mga karapatang pantao at tiyaking kikilalanin ng mga user na maghahangad na muling maibalik ang kanilang account pagkatapos itong masuspinde, ang kanilang maling ginawa at mangakong susunod sa mga panuntunan sa hinaharap.

Noong ni-refer nito ang kaso sa Board, partikular na humiling ang Facebook ng “mga obserbasyon o rekomendasyon mula sa Board tungkol sa mga pagsuspinde kapag ang user ay isang pinunong pampulitika.”

Sa isang pahayag ng policy advisory, gumawa ang Board ng maraming rekomendasyon para gabayan ang mga patakaran ng Facebook tungkol sa mga seryosong panganib ng pinsala na idinudulot ng mga pinunong pampulitika at ng iba pang maimpluwensiyang tao.

Sinabi ng Board na hindi palaging kapaki-pakinabang na kumuha ng mahigpit na pagkakaiba sa pagitan ng mga pinunong pampulitika at ng iba pang maimpluwensiyang mga user, kinikilala na ang iba pang mga user na may malalaking audience ay posible ring magdulot ng mga seryosong panganib ng pinsala.

Bagaman ang ilang panuntunan ay naaangkop pa rin sa lahat ng user, mahalaga ang konteksto kapag ina-assess ang posibilidad at napipintong mangyayaring pinsala. Kapag magdudulot ang mga post ng mga maimpluwensiyang user ng mataas na posibilidad na napipintong pinsala, dapat na kumilos kaagad ang Facebook upang ipatupad ang mga panuntunan nito. Bagaman ipinaliwanag ng Facebook na hindi nito ginamit ang ‘newsworthiness’ allowance sa kasong ito, hiniling ng Board sa Facebook na tugunan ang malawakang pagkalito tungkol sa kung paano ginagawa ang mga desisyon na may kaugnayan sa mga maimpluwensiyang user. Binigyang-diin ng Board na hindi dapat bigyan ng prayoridad ang pagbibigay ng mga konsiderasyon sa newsworthiness kapag kinakailangan ng agarang aksyon upang maiwasan ang malaking pinsala.

Dapat ipaliwanag ng Facebook sa publiko ang mga panuntunan na ginagamit nito kapag ipinapatupad nito ang mga sanction sa account laban sa mga maimpluwensiyang user. Dapat tiyakin ng mga panuntunang ito na kapag nagpapatupad ang Facebook ng pagsuspindeng may limitadong oras sa account ng isang maimpluwensiyang user para bawasan ang panganib ng malaking pinsala, ia-assess nito kung nabawasan na ang panganib bago matapos ang pagsuspinde. Kung matutukoy ng Facebook na ang user ay nagdudulot ng panganib ng panghihimok ng napipintong karahasan, diskriminasyon o iba pang aksyon na hindi sumusunod sa batas sa oras na iyon, dapat magpatupad ng isa pang time-bound na pagsuspinde kapag ang nasabing pamamaraan ay kinakailangan para maprotektahan ang kaligtasan ng publiko at naaayon sa panganib.

Isinaad ng Board na ang mga pinuno ng estado at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno ay puwedeng magkaroon ng mas maraming kapangyarihan para magdulot ng pinsala kaysa sa ibang tao. Kung paulit-ulit na nag-post ang isang pinuno ng estado o mataas na opisyal ng gobyerno ng mga message na nagdudulot ng panganib ng pinsala sa ilalim ng mga internasyonal na kaugalian tungkol sa mga karapatang pantao, dapat suspindihin ng Facebook ang account sa loob ng panahon na sapat para magbigay ng proteksyon laban sa napipintong pinsala. Ang mga panahon ng pagsuspinde ay dapat sapat na mahaba para mapigilan ang maling asal at posibleng may kasama itong pag-delete ng account o page sa naaangkop na mga kaso.

Sa iba pang mga rekomendasyon, iminungkahi ng Board na ang Facebook ay dapat na:

  • Mabilis na ipaabot ang content na may pampulitikang salita mula sa mga lubhang maimpluwensiyang user sa mga natatanging staff na pamilyar sa pang-wika at pampulitikang konteksto. Ang mga staff na ito ay dapat maprotektahan mula sa mga pampulitika at pang-ekonomikong pangingialam, pati rin sa pang-iimpluwensiya gamit ang kapangyarihan.
  • Maglaan ng sapat na mga mapagkukunan at husay para ma-assess ang mga panganib ng pinsala mula sa mga maimpluwensiyang account sa mundo.
  • Gumawa ng mas maraming impormasyon para tulungan ang mga user na maintindihan at masuri ang proseso at mga pamantayan para sa paggamit ng newsworthiness allowance, kasama ang kung paano ito naaangkop sa mga maimpluwensiyang account. Dapat ding ipaliwanag nang malinaw ng kumpanya ang dahilan, mga pamantayan at proseso ng cross check na pagsusuri, at i-report ang mga kaugnay na bilang ng error sa mga pagpapasyang ginawa sa pamamagitan ng pag-cross check laban sa mga ordinaryong pamamaraan ng pagpapatupad.
  • Gumawa ng komprehensibong pagsusuri ng posibleng kontribusyon ng Facebook sa pahayag ng electoral na pandaraya at ang lumalang mga tensyon na umabot sa karahasan sa United States noong Enero 6. Ito dapat ay isang bukas na pagsalamin sa disenyo at mga pagpili ng patakaran na ginawa ng Facebook na posibleng magbigay-daan para maabuso ang platform nito.
  • Linawin sa patakaran ng kumpanya nito sa mga karapatang pantao kung paano nito kinokolekta, pinapanatili at, kung saan naaangkop, ibinabahagi ang impormasyon para tumulong sa imbestigasyon at posibleng pag-uusig ng mga seryosong paglabag ng internasyonal na batas ukol sa kriminal, karapatang pantao at sa tao.
  • Ipaliwanag ang mga strike at proseso ng mga penalty nito para sa paghihigpit ng mga profile, page, group at mga account sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram.
  • Isama ang dami ng profile, page, at mga paghihigpit ng account sa transparency reporting nito, kung saan hahatiin ang impormasyon nang ayon sa rehiyon at bansa.
  • Bigyan ang mga user ng naa-access na impormasyon sa kung gaano karaming paglabag, strike at mga penalty ang na-assess laban sa mga ito, at ang mga kahihinatnan na kasunod ng mga paglabag sa hinaharap.
  • Bumuo at mag-publish ng patakaran na namamahala sa pagtugon ng Facebook sa mga krisis o mga natatangi at hindi inaasahang sitwasyon kung saan ang mga regular na proseso nito ay hindi mapipigilan o maiiwasan ang napipintong pinsala. Dapat magtakda ang gabay na ito ng mga naaangkop na sukatan para sa mga nasabing aksyon, kasama ang pangangailangang suriin ang desisyon nito sa loob ng hindi nagbabagong panahon.

*Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at walang halaga na katulad sa naunang pagpapasya.

Buong desisyon sa kaso

Sa kasong ito, hiniling ng Facebook sa Board na sagutin ang dalawang tanong:

Isinasaalang-alang ang mga pagpapahalaga ng Facebook, partilkular ang commitment nito sa boses at kaligtasan, tama ba ang desisyon nito noong Enero 7, 2021, na pagbawalaan ang pag-access ni Donald J. Trump sa pagpo-post ng content sa Facebook at Instagram para sa walang katiyakang tagal ng panahon?

Bilang karagdagan sa pagpapasya ng board kung susuportahan o babaliktarin ang walang katiyakang pagsuspinde, tumatanggap ang Facebook ng mga obserbasyon o rekomendasyon mula sa board tungkol sa mga pagsuspinde kapag ang user ay isang pinunong pampulitika.

1. Buod ng desisyon

Sinusuportahan ng Board ang desisyon ng Facebook noong Enero 7, 2021, para paghigpitan ang access ng dating Pangulong si Donald Trump sa pagpo-post ng content sa kanyang Facebook page at Instagram account.

Gayunpaman, hindi naaangkop sa Facebook na magpatupad ng walang katiyakan at walang basehang pamantayan na parusa ng walang katiyakang pagsuspinde. Kasama sa mga karaniwang penalty ng Facebook ang pagtanggal ng lumalabag na content, pagpapatupad ng time-bound na panahon ng pagsuspinde, o permanenteng pag-disable sa page at account.

Iginigiit ng Board na suriin ng Facebook ang bagay na ito para matukoy at mabigyan ng katwiran ang naaayon na tugon na alinsunod sa mga panuntunan na ginagamit sa iba pang mga user ng platform nito. Dapat makumpleto ng Facebook ang pagsusuri nito sa bagay na ito sa loob ng anim na buwan simula sa petsa ng desisyong ito. Gumagawa rin ang Board ng mga rekomendasyon sa patakaran para ipatupad ng Facebook sa paggawa ng malinaw, kinakailangan, at naaayon na mga patakaran na nagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at iginagalang ang malayang pagpapahayag.

2. Paglalarawan ng kaso

Mahalagang bahagi ng demokrasya ang mga eleksyon. Pinapayagan ng mga ito ang mga tao sa buong mundo na mapamahalaan at malutas nang payapa ang paghahangad ng kapangyarihan sa lipunan. Sa United States of America, sinasabi ng Konstitusyon na pinipili ang presidente sa pamamagitan ng pagbilang sa mga electoral college vote. Noong Enero 6, 2021, sa pagbibilang ng 2020 electoral vote, sapilitang pumasok ang isang grupo sa Capitol kung saan binibilang ang mga electoral vote at inilagay nito sa panganb ang proseso ng konstitusyon. Limang katao ang namatay at marami pa ang nasaktan sa karahasan.

Bago ang Enero 6, iginiit ng dating Presidente na si Donald Trump nang walang ebidensiya na dinaya ang eleksyon sa pagkapresidente noong Nobyembre 2020. Ang mga paghahabla na hinain ni Mr. Trump at ng iba pa tungkol sa pandaraya sa eleksyon ay tinanggihan sa mahigit70 kaso, at sinabi ng dating Attorney General, pagkatapos ng imbestigasyon, na walang nangyaring pandaraya “sa lawak na posibleng nagdulot ng epekto sa ibang kinalabasan sa eleksyon.” Gayunpaman, nagpatuloy si Mr. Trump na gumawa ng mga walang basehang pahayag na ito, kasama ang paggamit ng Facebook, at pagbanggit sa isang rally na nakaplano para sa Enero 6.

  1. Noong Disyembre 19, 2020, nag-post ang Facebook page ni Trump ng: “Peter Navarro releases 36-page report alleging election fraud 'more than sufficient' to swing victory to Trump - A great report by Peter. Statistically impossible to have lost the 2020 Election. Big protest in D.C. on January 6th. Be there, will be wild!” (Naglabas si Peter Navarro ng 36 na pahinang report na nagsasabi ng pandaraya sa eleksyon 'na sapat' para mailipat ang pagkapanalo kay Trump - Isang magandang report ni Peter. Ayon sa istatistiko, imposibleng matalo sa 2020 Eleksyon. Malaking protesta sa D.C. sa ika-6 ng Enero. Pumunta kayo, magiging magulo ito!)
  2. Noong Enero 1, 2021, nag-post ang Facebook page ni Trump ng: “The BIG Protest Rally in Washington, D.C., will take place at 11.00 A.M. on January 6th. Locational details to follow. StopTheSteal!” (Magaganap ang MALAKING Protesta sa Washington, D.C., nang 11:00 A.M. sa ika-6 ng Enero. Susunod na ibibigay ang mga detalye ng lokasyon. ItigilAngPagnanakaw!)

Noong umaga ng Enero 6, 2021, dumalo si Mr. Trump sa isang rally malapit sa White House at nagsalita siya. Nagpatuloy siyang gumawa ng mga walang basehang pahayag na siya ang nanalo sa eleksyon at iminungkahing dapat baliktarin ng Bise-Presidente na si Mike Pence ang pagkapanalo ng Ihinalal na presidente na si Joe Biden, isang kapangyarihan na wala si Mr. Pence. Sinabi rin niya ang, “we will stop the steal (ititigil natin ang pandaraya),” at “we’re going to the Capitol (at pupunta tayo sa Capitol)”.

Karamihan sa mga dumalo sa rally ang nagmartsa papunta sa U.S. Capitol Building, kung saan sinamahan sila ng iba pang nagprotesta na nagtipon-tipon na. Karamihan sa mga nagprotesta ay inatake ang seguridad ng Capitol, marahas na pumasok sa gusali, at nag-riot sa buong Capitol. Nalagay sa malubhang panganib ng tina-target na karahasan si Mr. Pence at ang iba pang Miyembro ng Kongreso. Limang katao ang namatay at maraming nasaktan.

Sa mga pangyayaring ito, nag-post ng video si Mr. Trump at ng isang pahayag sa kanyang Facebook page (na nagkaroon ng hindi bababa sa 35 milyong follower), at na-share rin ang video sa kanyang Instagram account (na nagkaroon ng hindi bababa sa 24 na milyong follower). Sinabi ng post na “dinaya” at “kinuha” ang eleksyon ng 2020. Pinuri at sinuportahan din ng mga post ang mga nagra-riot sa loob ng Capitol, habang sinasabi rin sa kanilang manatiling mapayapa. Ang parehong Facebook page at ang Instagram account ay nagpapakita ng asul na check sa tabi ng page o pangalan ng account, na nangangahulugang nakumpirma ng Facebook na “authentic presence ng public figure” ang account na kinakatawan nito.

Sa isang minutong video, na na-post nang 4:21 pm Eastern Standard Time, habang patuloy ang riot, sinabi ni Mr. Trump ang:

I know your pain. I know you’re hurt. We had an election that was stolen from us. It was a landslide election, and everyone knows it, especially the other side, but you have to go home now. We have to have peace. We have to have law and order. We have to respect our great people in law and order. We don’t want anybody hurt. It’s a very tough period of time. There’s never been a time like this where such a thing happened, where they could take it away from all of us, from me, from you, from our country. This was a fraudulent election, but we can't play into the hands of these people. We have to have peace. So go home. We love you. You’re very special. You’ve seen what happens. You see the way others are treated that are so bad and so evil. I know how you feel. But go home and go home in peace. (Nararamdaman ko ang sakit sa inyo. Alam kong nasaktan kayo. Nagkaroon tayo ng eleksyon na ninakaw mula sa atin. Isa itong landslide na eleksyon at alam ito ng lahat, lalo na ang kabila. Pero kailangan na ninyong umuwi. Kailangan nating magkaroon ng kapayapaan. Kailangan nating magkaroon ng law and order. Kailangan nating igalang ang ating magigiting na mga tao sa law and order. Hindi natin gusto na may masaktan. Isa itong napakahirap na panahon. Hindi pa nagkaroon ng panahon na katulad nito, kung saan nangyari ang ganoong bagay, kung saan magagawa nilang kuhanin ito mula sa ating lahat, mula sa akin, mula sa inyo, mula sa ating bansa. Isa itong dinaya na eleksyon, pero hindi tayo maaaring makipaglaro sa mga kamay ng mga taong ito. Kailangan nating magkaroon ng kapayapaan. Kaya umuwi na kayo. Mahal namin kayo. Napaka-espesyal ninyo. Nakita ninyo ang nangyayari. Nakita ninyo ang pagtrato sa iba na sobrang hindi mabuti at napakasama. Alam ko kung ano ang nararamdaman ninyo. Pero umuwi na kayo at umuwi nang payapa.)

5:41 pm EST, tinanggal ng Facebook ang post na ito dahil sa paglabag sa Pamantayan ng Komunidad nito sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon.

Pinost ni Mr. Trump ang sumusunod na nakasulat na pahayag nang 6:07 pm EST, habang sine-secure ng pulis ang Capitol:

These are the things and events that happen when a sacred landslide election victory is so unceremoniously viciously stripped away from great patriots who have been badly unfairly treated for so long. Go home with love in peace. Remember this day forever! (Ito ang mga bagay at event na nangyayari kapag ang isang sagradong tagumpay sa landslide na eleksyon ay walang pakundangan at walang awang tinanggal mula sa mga dakilang makabayan na matagal ng tinatrato nang hindi maganda. Umuwi kayo ng may pagmamahal sa kapayapaan. Alalahanin ang araw na ito magpakailanman!)

6:15 pm EST, tinanggal ng Facebook ang post na ito dahil sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon at nagpatupad ng 24 na oras na pag-block sa kakayahan ni Mr. Trump na mag-post sa Facebook o Instagram.

Noong Enero 7, 2021, matapos na higit pang suriin ang mga post ni Mr. Trump, ang kanyang mga kamakailang pakikipag-ugnayan nang wala sa Facebook, at karagdagang impormasyon tungkol sa tindi ng paglabag sa Capitlo, pinalawig ng Facebook ang pag-block “nang walang katiyakan at sa loob ng hindi bababa sa susunod na dalawang linggo hanggang sa matapos ang mapayapang paglilipat ng kapangyarihan. Sinabi ng Facebook ang “paggamit ni Mr. Trump sa aming platform para manghimok ng marahas na panggugulo laban sa demoktraikong nahalal na gobyerno."

Sa mga araw kasunod ng Enero 6, sinabi sa publiko ng ilang kalahok sa riot na ginawa nila ito ayon sa utos ng presidente. Isinama ang sinabi ng isang kalahok sa Washington Post (Enero 16, 2021): “I thought I was following my president. . . . He asked us to fly there. He asked us to be there. So I was doing what he asked us to do.” Nakunan ng video ang isang nagra-riot sa mga hagdan ng Capitol at sumisigaw sa isang opisyal ng pulis ng, “We were invited here! We were invited by the president of the United States!” (Sinusunod ko lang ang aking presidente... Hiniling niya sa aming lumipat papunta doon. Hiniling niya sa aming pumunta doon. Kaya ginagawa ko lang ang sinabi niya. Inanyayahan kaming pumunta dito! Inanyayahan kami ng presidente ng United States!)

Nagdeklara ang District of Columbia ng isang public emergency noong Enero 6 at pinalawig ito hanggang Enero 21 sa parehong araw na iyon. Noong Enero 27, naglabas ang Department of Homeland Security (DHS) ng National Terrorism Advisory System Bulletin warning tungkol sa “tuminding banta sa kondisyon sa United States, na pinaniniwalaan ng DHS na magpapatuloy sa mga darating na linggo kasunod ng matagumpay na Inagurasyon ng Presidente.” Sinabi nito na “drivers to violence will remain through early 2021 and some [Domestic Violent Extremists] may be emboldened by the January 6, 2021 breach of the U.S. Capitol Building in Washington, D.C. to target elected officials and government facilities. (Ang mga nanghihimok ng karahasan ay mananatili hanggang sa pagsisimula ng 2021 at posibleng mapalakas ang ilang [Extremist ng Domestikong Karahasan] ng walang pahintulot na pagpasok sa U.S. Capitol Building sa Washington, D.C. para puntiryahin ang mga hinalal na opisyal at mga pasilidad ng gobyerno noong Enero 6, 2021).”

Bagaman tinanggal ang mga post na nalaman ng Facebook na lumalabag sa mga patakaran nito sa content, nananatiling maa-access ng publiko ang Facebook page at Instagram account ni Mr. Trump sa Facebook at Instagram. Walang abiso sa page o account tungkol sa mga paghihigpit na ipinatupad ng Facebook. Noong Enero 21, 2021, inanunsyo ng Facebook na ni-refer nito sa Oversight Board ang kaso.

Bukod sa dalawa pang post noong Enero 6, 2021, may nakita ang Facebook na limang paglabag ng Mga Pamantayan ng Komunidad nito noong nakaraan sa organic content na na-post sa Facebook Page ni Doland J. Trump, tatlo ang ginawa sa loob ng nakaraang taon. Tinanggal ang limang lumalabag na post, pero walang ipinataw na mga pagpaparusa sa account. Bilang pagtugon sa tanong ng Board kung gumamit ng anumang strike, sinabi ng Facbeook na nakatanggap ng isang strike ang page para sa isang post noong Agosto 2020 na lumabag sa patakaran nito sa Maling Impormasyon tungkol sa COVID-19 at Pinsala. Hindi ipinaliwanag ng Facebook kung bakit hindi nagresulta sa mga strike ang iba pang lumalabag na content na tinanggal nito.

Ang Facebook ay may “newsworthiness allowance” na nagpapahintulot sa content na lumabag sa mga patakaran nito na manatili sa platform, kung ituturing ng Facebook ang content bilang “newsworthy at ayon sa kapakanan ng publiko.” Iginiit ng Facebook na “hindi nito ginamit kailanman ang newsworthiness allowance sa content na na-post ng Facebook page o Instagram account ni Trump.”

Sa pagtugon sa mga tanong ng Board, inihayag ng Facebook na “may 20 content mula sa Facebook Page at Instagram Account ni Trump na inisyal na minarkahan ng mga content reviewer o automation bilang lumalabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook pero sa huli ay natukoy ding hindi lumalabag.”

Sinabi ng Facebook sa Board na gumagamit ito ng “cross check” system sa ilang “high profile” na mga account para “mabawasan ang panganib ng mga error sa pagpapatupad.” Para sa mga account na ito, ipinapadala ng Facebook ang content na malalamang lumalabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad nito para sa karagdagang internal na pagsusuri. Pagkatapos ng escalation na ito, nagpapasya ang Facebook kung lumalabag ang content. Sinabi ng Facebook sa Board na “hindi ito kailanman nagkaroon ng pangkalahatang panuntunan na mas pumapayag sa content na na-post ng mga pinunong pampulitika.” Bagaman naaangkop ang parehong mga pangkalahatang panuntunan, ang “cross check” system ay nangangahulugang iba ang mga proseso ng paggawa ng desisyon para sa ilang “high profile” na mga user.

3. Awtoridad at saklaw

May kapangyarihan ang Oversight Board na suriin ang isang malawak na set ng mga tanong na ni-refer ng Facebook (Article 2 ng Charter, Seksyon 1; Article 2 ng Mga Internal na Patakaran, Seksyon 2.1). Ipapatupad ang mga desisyon sa mga tanong na ito at posibleng may kasama itong mga pahayag ng policy advisory na may mga rekomendasyon. Hindi ipapatupad ang mga rekomendasyong ito pero dapat itong tugunan ng Facebook (Article 3 ng Charter, Seksyon 4). Ang Board ay isang independent na mekanismo ng karaingan para tugunan ang mga dispute sa isang malinaw at may prinsipyong paraan.

4. Mga may kaugnayang pamantayan

Sa ilalim ng Charter ng Oversight Board, dapat nitong isaalang-alang ang lahat ng kaso nang isinasaalang-alang ang mga pamantayan:

I. Mga patakaran sa content ng Facebook:

May Mga Pamantayan ng Komunidad ang Facebook na naglalarawan sa kung ano ang hindi pinapayagang i-post ng mga user sa Facebook, at ang Instagram ay may Mga Alituntunin ng Komunidad na naglalarawan sa kung ano ang hindi pinapayagang i-post ng mga user sa Instagram.

Ipinagbabawal ng Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon ang “content na pumupuri, sumusuporta, o kumakatawan sa mga event na itinatalaga ng Facebook bilang mga pang-aatake ng terorista, mga event na bunsod ng galit, maramihang pagpatay o pagtangkang gumawa ng maramihang pagpatay, sunod-sunod na mga pagpatay, mga krimen na bunsod ng galit at mga lumalabag na event.” Ipinagbabawal din nito ang “content na pumupuri sa alinman sa mga binanggit na organisasyon o mga indibiduwal sa itaas o anumang pagkilos na ginawa nila ," na tumutukoy sa mga organisasyon na nagbubunsod ng galit at mga kriminal na organisasyon, bukod sa iba pa.

Sinasabi ng Mga Alituntnin ng Komunidad ng Instagram na “Ang Instagram ay hindi lugaar para suportahan o purihin ang terorismo, inorganisang krimen o mga grupo na bunsod ng galit,” at nagbibigay ito ng link sa Pamantayan ng Komunidad sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon.

Sinasabi ng Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen na “tinatanggal nito ang content, dini-disable ang mga account, at nakikipagtulungan sa nagpapatupad ng batas kapag naniniwala [ito] na may tunay na panganib ng pisikal na pinsala o mga direktang banta sa kaligtasan ng publiko.” Partikular na ipinagbabawal ng Pamantayan ang: “Mga pahayag na nag-a-advocate ng karahasan na masyadong matindi” at “Anumang content na may mga pahayag ng nilalayon, nananawagan ng pagkilos, mga pahayag na may kondisyon o hinahangad, o pag-a-advocate ng karahasan dahil sa pagboto, pagrerehistro ng botante o ang pangangasiwa o kinalabasan ng isang eleksyon.” Ipinagbabawal din nito ang “Maling impormasyon at mga tsismis na hindi napatunayan na nag-aambag sa panganib ng napipintong karahasan o pisikal na pinsala.”

Sinasabi ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram na tinatanggal ng Facebook ang “content na may mga kapani-paniwalang banta” at “hindi pinapayagan ang mga seryosong banta ng pinsala sa kaligtasan ng publiko at personal.” Ang parehong seksyon ay may kasamang mga link sa Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen.

Sinasabi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Facebook na ang Facebook ay “posibleng suspindihin o permanenteng i-disable ang access” sa isang account kung matutukoy nitong ang user ay “malinaw, seryoso, o paulit-ulit” na nilabag ang mga tuntunin o patakaran nito. Isinasaad ng panimula sa Mga Pamantayan ng Komunidad na “iba-iba ang mga kahihinatnan para sa paglabag ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad depende sa tindi ng paglabag at ang history ng tao sa platform.”

Sinasabi ng Mga Tuntunin ng Paggamit ng Instagram na ang Facebook ay “puwedeng tumanggi o tumigil na magbigay ng buo o hindi buong Serbisyo sa iyo (kabilang ang pagtapos o pag-disable ng iyong access sa Mga Produkto ng Facebook at Mga Produkto ng Kumpanya ng Facebook) kaagad para protektahan ang aming community o mga serbisyo, o kung gagawa ka ng panganib o legal exposure para sa amin, lalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa aming mga patakaran (kabilang ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram) .” Sinasabi ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram na “Ang paglampas sa mga limitasyong ito ay posibleng magresulta sa na-delete na content, na-disable na mga account o iba pang mga paghihigpit.”

II. Mga pagpapahalaga ng Facebook:

May limang pagpapahalaga ang Facebook na nakabalangkas sa panimula sa Mga Pamantayan ng Komunidad na sinasabi nitong gumagabay sa kung ano ang pinapayagan sa mga platform nito. Tatlo sa mga pagpapahalagang ito ay “Boses,” “Kaligtasan,” at “Dignidad.”

Inilalarawan ng Facebook ang “Boses” bilang kagustuhang “magawang makapag-usap ang mga tao nang bukas tungkol sa mga isyu na mahalaga sa kanila, kahit na posibleng hindi sumang-ayon ang ilan o hindi kanais-nais. […] Ang aming commitment sa pagpapahayag ay napakahalaga, pero batid naming gumagawa ang Internet ng mga bago at nadagdagang oportunidad para sa pang-aabuso.”

Inilalarawan ng Facebook ang “Kaligtasan” bilang commitment ng Facebook na “gawing isang ligtas na lugar ang Facebook” at sinasabi nito na “Ang pagpapahayag na nagbabanta sa mga tao ay may posibilidad na manakot, magtangi o magpatahimik ng iba at hindi ito pinapayagan sa Facebook.”

Inilalarawan ng Facebook ang “Dignidad” bilang paniniwala nito na “ang lahat ng tao ay may pantay-pantay na dignidad at mga karapatan” at sinasabi na “inaasahan nito sa mga tao na igagalang ang dignidad ng iba at hindi mangha-harass o manghahamak ng iba.”

III. Mga pamantayan sa mga karapatang pantao:

Noong Marso 16, 2021, inanunsyo ng Facebook ang patakaran ng kumpanya nito sa mga karapatang pantao, kung saan inalala nito ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatan nang alinsunod sa Mga Gumagabay na Prinsipyo ng UN sa Negosyo at Mga Karapatang Pantao (UN Guiding Principles on Business and Human Rights, mga UNGP). Ang mga UNGP, na inindorso ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Bilang pandaigdigang korporasyon na committed sa mga UNGP, dapat igalang ng Facebook ang mga pamantayan sa mga karapatang pantao kung saan ito nag-o-operate. Inatasan ang Oversight Board para suriin ang desisyon ng Facebook tungkol sa mga internasyonal na mga pamantayan sa mga karapatang pantao gaya ng naaangkop sa Facebook.

Sinuri ng Board ang mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Facebook sa kasong ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga pamantayan ng mga karapatang pantao kabilang ang:

  • Ang karapatan sa malayang pagpapahayag: International Covenant on Civil and Political Rights ( ICCPR), Article 19 at 20; gaya ng binigyang-kahulugan sa Pangkalahatang Komento Bilang 34, Human Rights Committee (2011) ( Pangkalahatang Komento 34); ang Rabat Plan of Action, OHCHR, (2012); Special Rapporteur ng UN sa report tungkol sa malayang opinyon at pagpapahayag A/HRC/38/35 (2018); Magkasamang Pahayag ng internasyonal na mga monitor sa malayang pagpapahayag sa COVID-19 (Marso, 2020).
  • Ang karapatang mabuhay: ICCPR, Article 6;
  • Ang karapatan sa seguridad ng tao: ICCPR Article 9, para. 1.
  • Ang karapatan sa kawalan ng diskriminasyon: ICCPR Article 2 at 26; International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination ( ICERD), Article 1 at 4.
  • Paglahok sa mga pampublikong ugnayan at ang karapatang bumoto: ICCPR Article 25.
  • Ang karapatan sa remedyo: ICCPR Article 2; Pangkalahatang Komento Bilang 31, Committee ng Karapatang Pantao (2004) ( Pangkalahatang Komento 31); Mga UNGP, Prinsipyo 22.

5. Pahayag ng content creator

Kapag nire-refer ng Facebook ang isang kaso sa Board, binibigyan ng Board ang taong responsable para sa content ng pagkakataong mag-submit ng pahayag. Sa kasong ito, nag-submit ng pahayag sa Board sa ngalan ni Mr. Trump sa pamamagitan ng American Center for Law and Justic at ng administrator ng isang page. Hinihiling ng pahayag na ito sa Board na “baliktarin nito ang walang katiyakang pagsuspinde ng Facebook sa Facebook account ng dating Presidente ng U.S. na si Donald Trump.”

Tinatalakay ng pahayag ang mga post na tinanggal sa Facebook at Instagram noong Enero 6, 2021, pati rin ang pagsasalita ni Mr. Trump noong umaga ng araw na iyon. Sinasabi nito na ang mga post ay “nanawagan para sa mga naroon at malapit sa Capitol noong araw na iyon na maging mapayapa at sumunod sa batas, at igalang ang pulis” at na “hindi mawari na ang alinman sa dalawang post na iyon ay puwedeng ipagpalagay bilang banta sa kaligtasan ng publiko, o isang panghihimok ng karahasan.” Sinasabi rin nito na “Napakalinaw sa kanyang pagsasalita na walang panawagan ng rebolusyon, walang panghihimok ng karahasan, at walang banta sa kaligtasan ng publiko sa anumang paraan,” at inilalarawan ang isang “kawalan ng anumag seryosong pagkakaugnay ng pagsasalita ni Trump at ang paglusob sa Capitol building.”

Tinatalakay din ng pahayag ang mga dahilan ng Facebook para sa pagpapatupad ng mga paghihigpit. Sinasabi rin nito na dahil “wala sa sinabi ni Mr. Trump sa mga dumalo sa rally ang posibleng makatwirang magbibigay ng kahulugan bilang banta sa kaligtasan ng publiko,” ang basehan ng Facebook para sa pagpapatupad ng mga paghihigpit ay hindi maaaring may kaugnayan sa kaligtasan. Sinasabi rin nito na “ang anumang content na pinaghihinalaang makakaapekto sa kaligtasan ay dapat may direkta at kitang-kitang kaugnayan sa aktwal na panganib ng karahasan.” Higit pang inilalarawan ng pahayag na ang mga salitang “laban” o “nakikipaglaban” na ginamit sa rally speech ay “inugnay sa isang panawagan ng pampulitika at pansibikong pakikibahagi na ayon sa batas,” at napagpasyahan na ang “mga salitang iyon ay hindi nilalayon, o paniniwalaan ng sinumang makatwirang nanonood o nakikinig bilang isang panawagan ng marahas na paglusob o hindi pagsunod sa batas.”

Tinutugunan din ng pahayag ang "Paglusob sa Capitol.” Sinasabi nito na "sumusunod sa batas ang lahat ng tunay na supporter sa pulitika ni Trump" at ang paglusob ay “talagang naimpluwensiyahan, at pinakamalamang na pinasimulan ng mga puwersa mula sa labas.” Inilalarawan nito ang isang pederal na reklamo laban sa mga miyembro ng Oath Keepers, at sinasabing ang grupo ay “walang kaugnayan kay Mr. Trump o sa kanyang pampulitikang organisasyon.” Pagkatapos, sinabi nito na ang Oath Keepers ay “umaasang gamitin ang Trump rally at sumasali sa isyu ng debate tungkol sa Electoral College para sa mga sarili nilang layunin.”

Sinasabi rin nito na “hindi sinusuportahan ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen ang pagsuspinde ng Facebook account ni Trump” dahil ang dalawang post ay “nanawagan lang ng kapayapaan at kaligtasan” at “wala sa mga salita sa speech ni Mr. Trump, kapag isinaalang-alang sa tunay na konteksto nito, ang maktwirang maituturing bilang panghihimok ng karahasan o hindi pagsunod sa batas.” Binanggit din nito ang pag-refer ng Facebook sa Board na nagbabanggit sa “mapayapang paglipat ng kapangyarihan” at sinasabi na ang “bagong kinakailangang panuntunang ito sa pagtiyak [sic] sa mapayapang transisyon sa gobyerno ay hindi lang masyadong malabo, hindi ito umiral hanggang sa mangyari ang mga event na ginamit ng Facebook para mapatunayan ito.”

Iginiit din ng pahayag na ang Board ay "dapat ipagliban ng ang batas ng Amerika sa apelang ito” at tinatalakay ang mga internasyonal na pamantayan ng batas para sa paghihigpit sa karapatan sa malayang pagpapahayag, legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at pagiging naaayon, sa bawat elementong binigyang-kahlugan sa pamamagitan ng pagtukoy sa batas na nasa konstitusyon ng United States. Sa legalidad, binanggit ng pahayag ang pagprotekta sa mga exaggerated at maling pahayag ng katotohanan at kahalagahan ng Facebook sa pampublikong usapan. Sinasabi nito na ang “paggamit ng mga desisyon sa content batay sa kung ano ang mukahng ‘makatwiran,’ o kung paano magre-react ang isang ‘makatwirang tao’ na hindi sapat ang content” at dapat "pag-isipan ng Facebook na magkaroon ng mas mataas na pamantayan.” Sinasabi nito na nag-aatas ang Korte Suprema ng mahigpit na pagsisiyasat para sa mga batas na nagpapahirap sa pampulitikang pananalita at na mayroong market dominance ang Facebook. Tinatalakay din nito ang mga pamantayan ng konstitusyon para sa panghihimok ng karahasan. Sa lehitimong layunin, sinasabi nito na isang lehitimong layunin ang pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko, pero hindi nagpakita ng mga alalahanin sa kaligtasan ang speech ni Mr. Trump. Sa pangangailangan at pagiging naaayon, itinatanggi nito ang pagiging valid ng mga paghihigpit at sinasabing hindi naaayon ang penalty.

Nagtapos ang pahayag sa mga mungkahi para sa mga rekomendasyon sa patakaran ng Board tungkol sa mga pagsuspinde kapag ang user ay isang pinunong pampulitika. Iginigiit nito na ang Board ay dapat na “ipagliban ang mga legal na prinsipyo ng estado ng bansa kung saan namumuno o dating namuno ang pinuno.” Pagkatapos, inilarawan nito ang maraming exception sa pagpapaliban na ito batay sa mga pag-assess ng pagpapatupad ng batas, mga paggarantiya ng mga karapatan, mga proseso ng paggawa ng batas, mga proseso ng panghukumang pagsusuri, at ang pag-iral ng mga may kaugnayang prinsipyo ng batas sa mga partikular na bansa.

6. Paliwanag ng Facebook sa desisyon nito

Para sa bawat kaso, nagbibigay ang Facebook sa Board ng paliwanag ng mga aksyon nito, at nagtatanong ang Board sa Facebook para linawin ang karagdagang impormasyon na kinakailangan nito para gumawa ng desisyon nito. Sa kasong ito, sinasabi ng Facebook na tinanggal nito ang dalawang content na na-post noong Enero 6, 2021, dahil sa paglabag sa Pamantayan ng Komunidad sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon. Partikular na tinanggal ang content dahil sa paglabag sa “patakaran nito sa pagpuri, pagsuporta, at pagkatawan sa itinuturing na Mga Marahas na Kaganapan.” Sinabi rin ng Facebook na ito ay may “paglabag sa patakaran nito sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon na nagbabawal sa pagpuri ng mga indibiduwal na sumali sa mga pagkilos ng inorganisang karahasan.” Sinasabi ng kumpanya na malinaw na ipinagbabawal ng Mga Pamantayan ng Komunidad nito ang “content na nagpapahayag ng pagsuporta o pagpuri para sa mga grupo, pinuno o mga indibiduwal na sangkot sa” mga aktibidad na tulad ng terorismo, inorganisang karahasan o kriminal na aktibidad, at na may kasama itong inorganisang pang-aatake pati rin ang naplanong marahas na pagkilos na sinusubukang magdulot ng pinsala sai sang tao na may layuning takutin ang isang gobyerno para makamit ang nilalayon sa pulitika.

Sinasabi ng Facebook na ipinakita ng pag-assess nito ang parehong sulat ng patakaran nito at ang mga kasamang konteksto na ginawang basehan para magawa ang pahayag, kasama ang kasalukuyang nagaganap na karahasan sa Capitol. Sinabi nito na bagaman hiniling ni Mr. Trump sa mga tao sa kanyang video na “go home in peace (umuwi na kayo nang mapayapa)” inulit din niya ang mga pagpaparatang na nagkaroon ng dayaan sa eleksyon at nagmungkahi ng may isang layunin sa pagsasabi ng, “I know how you feel (Alam ko kung ano ang nararamdaman ninyo.)” Dahil sa kasalukuyang kawalan ng katatagan sa oras na sinabi ang kanyang mga komento at ang kabuuang tenor ng kanyang mga salita, nagpasya ang Facebook na ang “We love you. You’re very special (Mahal namin kayo. Napaka-espesyal ninyo)” ay nilayon bilang pagpuri ng mga taong lumalabag sa batas sa pamamagitan ng paglusob sa Capitol. Naniniwala rin ito na ang pangalawang post ay may papuri sa kaganapan, dahil tinawag ni Mr. Trump ang mga lumusob sa Capitol bilang “great patriots (mga dakilang makabayan),” at hinimok ang mga tao na “[r]emember this day forever (alalahanin ang araw na ito magpakailanman).”

Sinasabi ng Facebook na palagi nitong nililimitahan ang functionality ng mga Facebook page at profile at mga Instagram account na paulit-ulit o matinding lumalabag sa mga patakaran nito. Kapag pinagpasyahan nito na mayroong “agaran at seryosong panganib sa kaligtasan,” ang Facebook ay “hinihigitan ang mga protokol nito sa pagpapatupad ng pamantayan para gumawa ng mas matibay na mga aksyon laban sa mga user at page na kasali sa lumalabag na gawi.” Sa mga nasabing pangyayari, sinasabi ng Facebook na mananatiling nakabatay ang mga aksyon sa pagpapatupad nito sa Mga Pamantayan ng Komunidad nito at sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram. Sinasabi nito na “sinusuri nito ang lahat ng magagamit na tool sa pagpapatupad, kasama ang mga permanenteng pag-ban, bago magpasya kung alin ang pinaka naaangkop na gamitin sa natatanging pangyayari. Sa mga pangyayari kung saan dapat gumawa ng pang-emergency na desisyon ang Facebook na may malawakang interes, pinagsusumikapan nitong ibahagi sa publiko ang desisyon nito at dahilan, kadalasan ay sa pamamagitan ng post sa Newsroom nito.”

Sinasabi ng Facebook na karaniwan ay hindi nito bina-block ang kakayahan ng mga page na mag-post o makipag-interact sa content pero tinatanggal nito ang mga page na matindi o paulit-ulit na lumalabag sa mga patakaran ng Facebook. Gayunpaman, sinasabi ng Facebook na ang mga protokol nito sa pagpapatupad para sa mga profile, kasama ang mga pag-block ng feature, ay posible ring gamitin sa mga Facebook page kapag ginamit ang mga ito sa isang boses ng tao, gaya ng ginawa sa page ni Donald J. Trump. Sa kasong ito, sinasabi ng Facebook na, alinsunod sa mga protokol sa pagpapatupad ng pamantayan, inisyal itong nagpatupad ng 24 na oras na pag-block sa kakayahang mag-post mula sa Facebook page at Instagram account. Pagkatapos na higit pang ma-assess ang lumalaking sitwasyon at lumilitaw na mga detalye ng karahasan sa Capitol, nagpasya ang Facebook na hindi sapat ang 24 na oras na pag-ban para matugunan “ang panganib na gagamitin ni Trump ang kanyang Facebook at Instagram presence para mag-ambag sa isang panganib ng higit pang karahasan.”

Sinasabi ng Facebook na pinanatili nito ang walang katiyakang pagsuspinde pagkatapos ng inauguration party ni Mr. Biden dahil sa pagsusuri na hindi pa natapos ang karahasang may kaugnayan kay Mr. Trump. Sinabi nito ang National Terrorism Advisory System Bulletin na inilabas noong Enero 27 ng Department of Homeland Security (DHS) na naglarawan sa “tuminding banta sa kondisyon sa United States, na pinaniniwalaan ng DHS na magpapatuloy sa mga darating na linggo kasunod ang matagumpay na Inagurasyon ng Presidente” at ang “mga nanghihimok ng karahasan ay mananatili hanggang sa pagsisimula ng 2021 at posibleng mapalakas ang ilang [Extremist ng Domestikong Karahasan] ng walang pahintulot na pagpasok sa U.S. Capitol Building sa Washington, D.C. para puntiryahin ang mga hinalal na opisyal at mga pasilidad ng gobyerno noong Enero 6, 2021.” Sinabi ng Facebook na kahit na nabawasan na ang panganib ng karahasan, posibleng naaangkop na permanenteng i-block ang kakayahang mag-post ni Mr. Trump batay sa pagiging seryoso ng kanyang mga paglabag noong Enero 6, ang kanyang patuloy na paggiit na may daya ang pagkahalal kay Mr. Biden, ang kanyang pagbabahagi ng iba pang maling impormasyon, at ang katotohanan na hindi na siya presidente.

Sinabi ng Facebook na ang desisyon nito ay “ayon sa Article 19 ng ICCPR, at Pangkalahatang Komento ng U.N. Bilang 34 sa malayang pagpapahayag, na nagpapahintulot ng kinakailangan at naaayon na mga paghihigpit sa malayang pagpapahayag sa mga sitwasyon ng pampublikong emergency na nagbabanta sa buhay ng bansa. Sa kasong ito, nag-o-operate ang District of Columbia sa ilalim ng isang state of emergency na idineklara para maprotektahan ang U.S. Capitol complex.” Sinabi ng Facebook na isinaalang-alang din nito ang anim na may dahilan ayon sa konteksto mula sa Rabat Plan of Action tungkol sa pagbabawal ng pag-a-advcoate ng galit sa bansa, lahi o relihiyon. Ang Rabat Plan of Action ay binuo ng mga eksperto nang may suporta mula sa United Nations para gabayan ang mga estado sa pagtugon kapag ang pag-a-advocate ng galit sa lahi, relihiyon o bansa na nanghihimok ng diskriminasyon, poot o karahasan, ay masyadong malubha na humahantong sa mga kriminal na pagpaparusa na ipinapatupad ng estado ay naaangkop, habang pinoprotektahan ang malayang pagpapahayag, alinsunod sa mga obligasyon ng mga estado sa ilalim ng Article 19 a Article 20, talata 2 ng ICCPR.

Iginiit ng Facebook na ang mga kaganapan noong Enero 6 ay kumatawan sa isang hindi pangkaraniwang banta sa mga demokratikong proseso at sistema ng konstitusyon ng United States. Bagaman iginigiit ng Facebook na pinagsusumikapan nitong kumilos nang naaayon at nang may pananagutan sa pagbawas sa pampublikokng pagsasalita, dahil sa hindi pangkaraniwan at pabago-bagong mga pangyayari, naniniwala ang Facebook na dapat nitong panatilihin ang flexibility sa pag-operate para gumawa ng higit pang aksyon kasama ang permanenteng pag-ban.

Sa kasong ito, tinanong ng Board ang Facebook ng 46 na tanong, at tumangging ang Facebook na sagutin nang buo ang pito, at sagutin nang bahagya ang dalawa. Kasama sa mga tanong na hindi sinagot ng Facebook ang tungkol sa kung paano nakaapekto ang news feed ng Facebook at iba pang feature nito sa visibilituu ng content ni Mr. Trump; kung nagsaliksik ba ang Facebook, o pinaplanong saliksikin ang mga desisyon sa disenyong iyon kaugnay sa mga nangyari noong Enero 6, 2021; at ang impormasyon tungkol sa lumalabag na content mula sa mga follower ng mga account ni Mr. Trump. Natanong din ang Board ng mga taong na kaugnay sa pagsuspinde ng iba pang mga pulitiko at pag-alis ng ibang content; kung kinontak ba ang Facebook ng mga may katungkuluan sa pulitika o ng mga tauhan nito tungkol sa pagsuspinde ng mga account ni Mr. Trump; at kung ang pagsuspinde o pag-delete ng account ay nakakaapekto sa kakayahan ng mga advertiser na i-target ang mga account ng mga follower. Sinabi ng Facebook na ang impormasyong ito ay hindi makatwirang kinakailangan para gumawa ng desisyon nang alinsunod sa nilalayon ng Charter; hindi ito posibleng maibibigay sa teknikal na paraan; tinalakay ito pribilehiyo ng abugado/kliyente; at/o posibleng hindi o hindi dapat ibigay dahil sa mga alalahanin sa batas, privacy, kaligtasan, o pagprotekta ng data.

7. Mga isinumite ng third-party

Nakatanggap ang Oversight Board ng 9,666 komento ng publiko kaugnay sa kasong ito. Walumpu sa mga komento ay sinumite mula sa Asia Pacific at Oceania, pito ang mula sa Central at South Asia, 136 mula sa Europe, 23 ang mula sa Latin America at ang Caribbean, 13 mula sa Middle East at North Africa, 19 mula sa Sub-Saharan Africa, at 9,388 mula sa United States at Canada.

Tinalakay ng mga pagsusumiteng ito ang mga sumusunod na tema, na kinabibilangan ng mga isyu na partikular na tinanong ng Board tungkol sa panawagan nito para sa mga komento ng publiko.

  • Ang walang katiyakang pagsuspinde ng Facebook sa mga account ni Mr. Trump, ang posibleng pagsunod nito sa mga responsibilidad ng kumpanya para igalang ang malayang pagpapahayag at mga karapatang pantao, at kung dapat gumawa ng mga alternatibong hakbang.
  • Ang mga patakaran at kasanayan ng Facebook sa pag-assess ng konteksto na wala sa Facebook sa pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad nito, lalo na kung posibleng manghimok ng karahasan ang content na iyon.
  • Mga isyu na kinabibilangan ng paglilinaw ng mga panuntunan ng Facebook para sa pag-disable ng mga account.
  • Ang mga pandaigdigang patakaran ng Facebook sa content kaugnay sa mga kandidato sa pulitika, mga may katungkulan, at mga dating may katungkulan, kabilang ang kaugnayan ng “newsworthiness” allowance ng Facebook at ang karapatan ng publiko para makakuha ng impormasyon.
  • Mga alalahanin tungkol sa pagiging naaalinsunod sa pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook batay sa pampulitikang bias.
  • Mga alalahanin tungkol sa pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook kaugnay sa mga nakaraang post ni Mr. Trump, kabilang ang mga posibleng nag-ambag sa pinsala sa mga partikular na grupo ng mga tao at ang pagkalat ng maling impormasyon.
  • Kung humantong sa panghihimok ng karahasan o hindi ang pahayag ni Mr. Trump, bago ang at noong Enero 6.
  • Ang kinahinatnan ng eleksyon sa U.S. at ang pagkapresidente ni Trump.

Para basahin ang mga komento ng publiko na naisumite para sa kasong ito, paki-click dito.

8. Pagsusuri ng Oversight Board

8.1 Pagsunod sa mga patakaran sa content

Sumasang-ayon ang Board sa desisyon ng Facebook na dalawa sa post ni Mr. Trump noong Enero 6 ay lumabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram. Sinasabi ng Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Mapanganib na Mga Indibidual at Organisasyon na hindi dapat mag-post ang mga user ng content na “nagpapahayag ng suporta o pagpuri para sa mga grupo, pinuno, o mga indibiduwal na sangot sa” mga lumalabag na kaganapan. Itinuring ng Facebook ang paglusob sa Capitol bilang “lumalabag na kaganapan” at sinabing binibigyang-kahulugan nito ang mga lumalabag na kaganapan para isama ang mga itinuturing na mga “marahas” na kaganapan.

Sa oras na ginawa ang mga post, kasalukuyang nangyayari ang karahasan sa Capitol. Ang parehong post ay pinuri o sinuportahan ang mga taong kasali sa karahasna. Ang mga salitang “We love you. (Mahal namin kayo) You’re very special (Napaka-espesyal ninyo)” sa unang post at “great patriots (mga dakilang makabayan)” at “remember this day forever (alalahanin ninyo ang araw na ito mapagkakailanman)” sa pangalawang post ay katumbas ng pagpuri o pagsuporta sa mga taong kasali sa karahasan at ang mga kaganapan sa Capitol sa araw na iyon.

Sinabi ng Board na posibleng nilabag ang iba pang Mga Pamantayan ng Komunidad sa kasong iso, kasama ang Pamantayan sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Dahil ang desisyon ng Facebook ay hindi batay sa Pamantayang ito at ang karagdagang nalaman tungkol sa paglabag ay hindi makakaapekto sa kalalabasan ng paglilitis na ito, ang majority ng Board ay pinipigilang magkaroon ng anumang pagpapasya tungkol sa alternatibong basehan. Ang desisyon sa pagsuporta sa pagpapatupad ng Facebook ng mga paghihigpit sa mga account ni Mr. Trump ay batay sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon.

Isasaalang-alang ng minority ng Board ang karagdagang basehan at malalaman na nilabag ang Pamantayan sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Magpapasya ang minority na, kapag binasa ang konteksto, ang mga post na nagsasabing ang eleksyon ay “stolen from us (ninakaw sa atin)” at “so unceremoniously viciously stripped (walang pakundangan at walang awang tinanggal)” kasama ng mga pagpuri sa mga nagra-riot, ay kwalipikadong “mga panawagan ng pagkilos,” “nag-a-advocate ng karahasan” at “maling impormasyon at hindi napatunayang mga tsismis na nag-ambag sa panganib ng napipintong karahasna o pisikal na pinsala” na ipinagbabawal ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen.

Nalaman ng Board na dalawang post ang matinding lumabag sa mga patakaran ng Facebook at nagpasya na makatwiran ang Facebook sa paghihigpit sa account at page noong Enero 6 at 7. Pinuri at sinuportahan ng user ang mga taong kasali sa patuloy na riot kung saan namatay ang mga tao, nailagay sa seryosong panganib ng pinsala ang mga gumagawa ng batas, at naantala ang mahalagang demoktratikong proseso. Dagdag pa rito, sa oras nang pinalawig ang mga paghihigpit na ito noong Enero 7, hindi naging matatag ang sitwasyon at nanatili ang seryosong mga alalahanin sa kaligtasan. Dahil sa mga pangyayari, ang paghihigpit sa access ni Mr. Trump sa Facebook at Instagram pagkalipas ng Enero 6 at 7 ay gumawa ng naaangkop na balanse sa kabila ng nagpapatuloy na panganib ng karahasan at pagkaantala. Gaya ng tinalakay nang mas buo sa ibaba, gayunpaman, ang desisyon ng Facebook na gawing “indefinite o walang katiyakan” ang mga paghihigpit na iyon ay walang nakitang suporta sa Mga Pamantayan ng Komnidad at lumalabag ito sa mga prinsipyo ng malayang pagpapahayag.

Sinabi ng Board na may limitadong detalyadong pampublikong impormasyon sa cross check system at newsworthiness allowance. Bagaman sinabi ng Facebook na ginagamit ang parehong mga panuntunan sa mga high-profile account at mga regular na account, ang iba’t ibang mga proseso ay posibleng humantong sa iba’t ibang mahahalagang kahihinatnan. Sinabi ng Facebook sa Board na hindi nito ginamit ang newsworthiness allowance sa mga post na may isyu sa kasong ito. Sa kasamaang-palad, ang kakulangan ng transparency tungkol sa mga proseso ng paggawa ng desisyong ito ay mukhang mag-aambag sa mga paniniwala na ang kumpanya ay posibleng malinaw na naiimpluwensiyahan ng mga pampulitika o pang-komersyal na mga konsiderasyon.

8.2 Pagsunod sa mga pagpapahalaga ng Facebook

Ang pagsusuri sa itaas ay alisunod sa sinabing mga pagpapahalaga ng Facebook na "Boses" at "Kaligtasan." Para sa mga dahilang sinabi sa opinyong ito, sa kasong ito ang pagprotekta sa kaayusan ng publiko ay binigyang-katwiran ang paglilimita sa malayang pagpapahayag.

Naniniwala ang miniroty na partikular na mahalagang bigyang-diin na mahalaga rin ang “Dignidad”. Inuugnay ng Facebook ang “Dignidad” sa pagkakapantay-pantay at hindi dapat “mang-harass o manghamak” ang mga tao ng ibang tao. Itinuturing ng minority na ang mga nakaraang post ni Mr. Trump sa platform ay nag-ambag sa tensyon at pagbubukod ng lahi at na ang kontekstong ito ay mahalaga para maunawaan ang epekto ng content ni Mr. Trump. Sa pagharap sa kasong ito gamit ang iba pang mga basehan, hindi nagkomento ang majority sa mga post na ito.

8.3 Pagsunod sa mga responsibilidad ng Facebook sa mga karapatang pantao

Ang mga desisyon ng Board ay walang kinalaman sa mga obligasyon sa mga karapatang pantao ng mga estado o paggamit ng mga batas ng bansa, pero nakatuon ito sa mga patakaran sa content ng Facebook, mga pagpapahalaga nito at ang mga responsibilidad nito sa mga karapatang pantao bilang isang negosyo. Ang Gumagabay na Mga Prinsipyo ng UN sa Negosyo at Mga Karapatang Patanao, na inindorso ng Facebook (Tingnan ang Seksyon 4), ay nagtatatag ng dapat gawin ng mga negosyo nang boluntaryo para matugunan ang mga responsibilidad na ito. Kasama rito ang pag-iwas na magdulot o mag-ambag sa mga pinsala sa mga karapatang pantao, bilang bahagi nito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga posible at aktwal na pinsala at pagsusumikap na maiwasan o matugunan ang mga ito (Prinsipyo 11, 13, 15, 18 ng UNGP). Pinalalawig ang mga responsibilidad nito sa mga pinsalang idinulot ng mga third party (Prinsipyo 19 ng UNGP).

Ang Facebook ay naging kinakailangang medium sa virtual na paraan para sa usapang pampuliitka, at lalo na sa mga panahon ng eleksyon. May responsibilidad ito na parehong payagan ang pampulitikang pagpapahayag at iwasan ang mga malubhang panganib sa iba pang mga karapatang pantao. Ang Facebook, tulad ng iba pang mga digital platform at media company, ay lubhang pinuna para sa pamamahagi ng maling impormasyon at pagdagdag sa kontrobersyal at nagbubunsod ng galit na materyal. Dapat maunawaan ang mga responsibilidad ng Facebook sa mga karapatang pantao sa kabila ng mga nakikipagkumpitensyang mga konsiderasyon kung minsan.

Sinusuri ng Board ang mga responsibilidad ng Facebook sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng mga internasyonal na pamantayan sa malayang pagpapahayag at ang karapatang mabuhay, karapatan sa seguridad, at pampulitikang paglahok. Nakatakda sa Article 19 ng ICCPR ang karapatan sa malayang pagpapahayag. Sinasabi ng Article 19 na “dapat magkaroon ang lahat ng karapatan sa malayang pagpapahayag; dapat kasama sa karapatang ito ang kalayaang maghangad, tumanggap at magbahagi ng lahat ng uri ng impormasyon at mga ideya, anuman ang mga limitasyon, sa pamamagitan man ng pagsasabi, pagsusulat o pag-print, nang nasa anyo ng sining, o sa pamamagitan ng anumang iba pang media na pipiliin niya.” Hindi ginagamit ng Board ang First Amendment ng Konstitusyon ng U.S., na hindi namamahala sa asal ng mga pribadong kumpanya. Gayunpaman, sinabi ng Board na sa maraming may kaugnayang aspeto ang mga prinsipyo ng malayang pagpapahayag na ipinakita sa First Amendment ay katulad o pareho sa mga prinsipyo ng malayang pagpaphayag na nasa Article 19 ng ICCPR.

Nakakatanggap ang mga pampulitikang pagsasalita ng mataas na proteksyon sa ilalim ng batas sa mga karapatang pantao odahil sa kahalagahan nito sa demokratikong pagtatalo. Nagbigay ang UN Human Rights Committee ng gabay na nagbibigay ng kapangyarihan sa Article 19 ICCPR sa Pangkalahatang Komento Bilang 34, na nagsasabing “mahalaga ang malayang pagbibigay ng impormasyon at mga ideya tungkol sa mga pampubliko at pampulitikang isyu sa mga mamamayan, kandidato at mga hinalal na representante” (talata 20).

Ang desisyon ng Facebook na suspindihin ang Facebook page at Instagram account ni Mr. Trump ay mayroong mga implikasyon ng malayang pagpapahayag hindi lang para kay Mr. Trump pero para rin sa mga karapatan ng mga taong may marinig mula sa mga pinuno sa pulitika, sinusuportahan man nila ito o hindi. Bagaman ang mga pulitiko ay walang mas maraming karapatan sa malayang pagpapahayag kaysa sa ibang tao, ang paghihigpit sa kanilang pagsasalita ay puwedeng makapinsala sa mga karapatan ng ibang tao na magkaroon ng kaalaman at lumahok sa mga pampulitikang ugnayan. Gayunpaman, inaasahan ng mga internasyonal na pamantayan sa mga karapatang pantao sa mga kinaukulan ng estado na kondenahin ang karahasan (Rabat Plan of Action), at para magbigay ng tamang impormasyon sa publiko sa mga bagay na tungkol sa kapakanan ng publiko, habang winawasto ang maling impormasyon (2020 Joint Statement ng mga internasyonal na tagasubaybay sa malayang pagpapahayag tungkol sa COVID-19).

Pinapayagan ng mga internasyonal na batas na maging limitado ang pagpapahayag kapag natugunan ang ilang kondisyon. Ang anumang paghihigpit ay dapat na matugunan ang tatlong kinakailangan – dapat malinaw at naa-access ang mga panuntunan, dinisenyo dapat ang mga ito para sa lehitimong layunin, at ang mga ito dapat ay kinakailangan at naaayon sa panganib ng pinsala. Gumagamit ang Board ng may tatlong bahaging test para suriin ang mga aksyon ng Facebook kapag pinaghihigpitan ang content o mga account. Iginigiit din ng mga prinsipyo ng First Amendment sa ilalim ng batas ng U.S. na ang mga paghihigpit sa malayang pagpapahayag na ipinapatupad sa pamamagitan ng aksyon ng estado ay hindi dapat malabo, ito dapat ay para sa mahahalagang dahilan ng gobyerno at dapat na paliitin para maikma sa panganib ng pinsala.

I. Legalidad (pagiging malinaw at pagiging naa-access ng mga panuntunan)

Sa internasyonal na btas sa malayang pagpapahayag, hinihiling ng prinsipyo ng legalidad na ang anumang panuntunan na ginamit para limitahan ang pagpapahayag ay dapat malinaw at naa-access. Dapat maunawaan ng mga tao kung ano ang pinapayagan at kung ano ang hindi pinapayagan. Mahalaga rin na dapat malinaw na makapagbigay ang mga panuntunan ng gabay sa mga gumagawa ng desisyon sa paglilimita ng pagpapahayag, para hindi magbigay ang mga panuntunang ito ng walang paghihigpit na diskresyon, na maaaring magresulta sa may pagpiling paggamit ng mga panuntunan. Sa kasong ito, ang mga panuntunang ito ay ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram. Layunin ng mga patakarang ito na itakda kung ano ang hindi puwedeng i-post ng mga tao, at ang mga patakaran ng Facebook sa kung kailan nito puwedeng paghigpitan ang access sa mga Facebook at Instagram account.

Ang paglilinaw ng Pamantayan laban sa papuri at pagsuporta ng Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon ay hindi sapat, gaya ng sinabi ng Board sa naunang desisyon (kaso2020-005-FB-UA). Nagpakita rin ng mga alalahanin ang Special Rapporteur ng UN sa Malayang Pagpapahayag tungkol sa pagiging malabo ng Pamantayan sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon (A/HRC/38/35, talata 26, footnote 67). Gaya ng sinabi ng Board noong nakaraan sa kasong 2020-003-FB-UA, posibleng may mga pagkakataon kung saan ang ilang salita ay posibleng magdulot ng mga alalahanin sa batas, pero gaya ng ginamit sa isang partikular na kaso, hindi ginagarantiya ang mga alalahaning iyon. Ang anumang hindi malinaw sa mga tuntunin ng Pamantayan ay hindi itinuturing na kaduda-duda ang paggamit nito sa mga pangyayari sa kasong ito. Ang riot noong Enero 6 sa Capitol ay walang dudang napapabilang sa mga uri ng mapanganib na kaganapan na itinaka sa patakaran ng Facebook, at pinuri at sinuportahan ng mga post ni Mr. Trump ang mga kasali sa mismong oras na nagaganap ang karahasn, at habang hinihiling sa kanya ng Mga Miyembro ng Kongreso na tumulong. Kaugnay sa mga katunayang ito, ang mga patakaran ng Facebook ay nagbigay ng sapat na abiso sa user at gabaya sa mga nagpapatupad ng panuntunan.

Kagunay sa mga penalty para sa mga paglabag, naka-publish ang Mga Pamantayan ng Komunidad at mga kaugnay na impormasyon tungkol sa mga paghihigpit ng account sa maraming source, kasama ang Mga Tuntunin ng Serbisyo, panimula ng Mga Pamantayan ng Komunidad, ang Pamantayan ng Komunidad sa Integridad ng Account at Authentic na Identity, sa Facebook Newsroom, at sa Facebook Help Center. Gaya ng binanggit sa kasong 2020-006-FB-FBR inulit ng Board na ang iba’t ibang paggamit ng mga panuntunan ay ginagawang mahirap para maunawaan ng mga user kung bakit at kung kailan pinaghihigpitan ng Facebook ang mga account, at nagdudulot ito ng mga alalahanin na ayon sa batas.

Bagaman satisfied ang Board na sapat na malinaw ang Pamantayan sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon sa ilalim ng mga pangyayari sa kasong ito para matugunan ang mga pamantayan sa pagiging malinaw at pagiging malabo ng malayang pagpapahayag, hindi malinaw at hindi tiyak ang pagpapataw ng Facebook ng “indefinite o walang katiyakang” paghihigpit. Ang “indefinite” na mga paghihigpit ay hindi inilarawan sa Mga Pamantayan ng Komunidad at hindi malinaw kung anong mga pamantayan ang magti-trigger ng penalty na ito o kung anong mga pamantayan ang gagamitin para mapanatili o matanggal ito. Walang ibinigay na impormasyon ang Facebook tungkol sa anumang naunang pagpapatupad ng indefinite na mga pagsuspinde nito sa anumang iba pang kaso. Kinikilala ng Board ang pangangailangan ng ilang diskresyon sa bahagi ng Facebook para suspindihin ang mga account sa mga apurahang sitwasyon tulad ng nangyari noong Enero, pero hindi dapat maiwan ang mga user sa kawalan ng katiyakan para sa walang tiyak na panahon.

Tinanggihan ng Board ang request ng Facebook na i-endorso ng Board ang indefinite na mga paghihigpit, ipatupad at alisin ang walang malinaw na mga pamantayan. Mahalaga ang mga naaangkop na limitasyon sa mga discretionary na kapangyarihan para malaman ang lehitimong paggamit ng diskresyon mula sa mga posibleng senaryo sa buong mundo kung saan psoibleng labis na mapatahimik ng Facebook ang pagsasalita na walang kaugnayan sa pinsala o maantala ang aksyong mahalaga sa pagprotekta ng mga tao.

II. Lehitimong layunin

Ang kinakailangan sa lehitimong layunin ang nangangahulugan na ang anumang hakbang na naghihigpit sa pagpapahayag ay dapat para sa layuning nakalista sa Article 19, talata 3 ng ICCPR, at malawak ang listahan ng mga layuning ito. Kasama sa mga lehitimong layunin ang pagprotekta sa kaayusan ng publiko, pati rin ang paggalang sa mga karapatan ng iba, kabilang ang mga karapatang mabuhay, karapatan sa seguridad, at karapatang lumahok sa mga eleksyon at na igalang at ipatupad ang kinahinatnan. Hindi magiging lehitimo ang layunin kung saan ginamit ito bilang paunang teksto para pigilan ang pagpapahayag, halimbawa, para sabihin ang mga layunin ng pagprotekta sa seguridad o ang mga karapatan ng iba para i-censor ang pananalita dahil lang hindi ito sinasang-ayunan o ito ay nakakasakit (Pangkalahatang Comment Bilang 34, talata 11, 30, 46, 48). Ang patakaran ng Facebook sa pagpuri at pagsuporta ng mga indibiduwal na kasali sa “lumalabag na mga event,” karahasan o kriminal na aktibidad ay alinsunod sa mga layuning binanggit sa itaas.

III. Pagiging kinakailangan at proporsyonalidad

Ang requirement na pangangailangan at proporsyonalidad ay nangangahulugan na ang anumang paghihigpit sa pagpaphayag ay dapat, bukod sa iba pang bagay, maging hindi masyadong mapanghimasok na paraan para makamit ang lehitimong layunin (Pangkalahatang Comment Bilang 34, talata 34).

Naniniwala ang Board na, kung saan posible, dapat na gumamit ang Facebook ng hindi masyadong mahigpit na mga hakbang para tugunan ang mga posibleng mapaminsalang pagsasalita at protektahan ang mga karapatan ng iba bago humantong sa pagtanggal ng content at paghihigpit sa account. Sa pinakamababa, mangangahulugan ito sa pagbuo ng mga mabisang mekanismo para maiwasang madagdagan ang pananalita na nagdudulot ng mga panganib ng napipintong karahasan, diskriminasyon, o iba pang aksyon na hindi sumusunod sa batas, kung saan posible at naaayon, sa halip na i-ban kaagad ang pananalita.

Sinabi ng Facebook sa Board na itinuring nito ang “paulit-ulit na paggamit ni Mr. Trump sa Facebook at iba pang mga platform para pahinain ang kumpiyansa sa integridad ng eleksyon (na nangangailangan ng paulit-ulit na paggamit ng Facebook ng may awtorisasyong mga label para itama ang maling impormasyon) na kumakatawan sa isang hindi pangkaraniwang pang-aabuso ng platform.” Humingi ng paglilinaw ang Board mula sa Facebook tungkol sa lawak kung saan ang mga desisyon sa disenyo ng platform, kasama ang mga algorithm, patakaran, pamamaraan at mga teknikal na feature, ay nagpaigting sa mga post ni Mr. Trump pagkatapos ng eleksyon at kung gumawa ang Facebook ng anumang internal analysis kung ang nasabing mga desisyon sa disenyo ay posibleng nag-ambag sa mga kaganapan noong Enero 6. Tumangging sumagot ang Facebook sa mga tanong na ito. Ginagawa nitong mahirap para sa Board na ma-assess kung naging sapat ang ginawang hindi masyadong malubhang hakbang para maprotektahan ang mga karapatan ng iba.

Ang mahalagang tanong ay kung ang desisyon ng Facebook na paghigpitan ang access sa mga account ni Mr. Trump noong Enero 6 at 7 ay kinakailangan at naaayon para maprotektahan ang mga karapatan ng iba. Para maunawaan ang panganibg na idinulot ng mga post noong Enero 6, in-assess ng Board ang mga post sa Facebook at Instagram ni Mr. Trump at mga komento na hindi ginawa sa platform simula eleksyon noong Nobyembre. Sa pagpapanatili ng walang basehang pahayag ng pandaraya sa electoral at paulit-ulit na panawagan ng pagkilos, gumawa si Mr. Trump ng isang kondisyon kung saan naging posible ang malubhang panganib ng karahasan. Noong Enero 6, ang mga salita ng pagsuporta ni Mr. Trump sa mga sangkot sa riot ay naging dahilan para sa kanilang mga marahas na aksyon. Bagaman ang mga mensahe ay may kasamang mukhang mabilisang panawagan sa mga tao na kumilos nang mapayapa, hindi ito sapat para alisin ang mga tensyon at alisin ang panganib ng pinsala na idinulot ng kanyang mga sumusuportang pahayag. Naaangkop na bigyang-kahulugan ng Facebook ang mga post ni Mr. Trump noong Enero 6 sa konteksto ng pagpapatindi ng mga tensyon sa United States at mga pahayag ni Mr. Trump sa ibang media at sa mga pampublikong kaganapan.

Bilang bahagi ng pagsusuri nito, ginamit ng Board ang anim na factor mula sa Rabat Plan of Action para ma-assess ang kapasidad ng pananalita para gumawa ng seryosong panganib ng panghihimok ng diskriminasyon, karahasan, o iba pang aksyon na hindi sumusunod sa batas.

  • Konteksto: Ginawa ang mga post sa panahon na mataas ang tensyon sa pulitika na nakatuon sa walang basehang pahayag na dinaya ang eleksyon sa pagkapangulo noong Nobyembre 2020. Dinala ng kampanya ni Trump ang mga pahayag na ito sa korte, pero dahil kaunti o walang ebidensiya, patuloy itong tinanggihan. Gayunpaman patuloy na iginiit ni Mr. Trump ang mga pahayag na ito sa social media, kasama ang Facebook at Instagram, gamit ang kanyang makapangyarihang status bilang pinuno ng estado para mabigyan siya ng kredibilidad. Hinikayat niya ang mga tagasuporta na pumunta sa kapital ng bansa sa Enero 6 para “StoptheSteal (Itigil ang Pandaraya),” na nagmungkahing magiging “wild (magulo)” ang mga kaganapan. Noong Enero 6, hinimok ni Mr. Trump ang mga tagasuporta na magmartsa sa Capitol building para hamunin ang pagbilang ng mga electoral vote. Sa oras ng mga pag-post, nagpapatuloy ang matinding karahasan. Noong pinalawig ang mga paghihigpit noong Enero 7, nanatiling walang katiyakan ang sitwasyon. Kasama sa iba pang mga indicator ng konteksto, gumawa ang District of Columbia ng mga hakbang para magbigay ng babala tungkol sa tuminding panganib ng karahasan kaugnay sa mga kaganapan sa Capitol.
  • Status ng nagsalita: Ang identity ni Mr. Trump bilang pangulo ng United States at isang pinunong pampulitika at binigyan ng mataas na antas ng impluwensiya ang kanyang mga post sa Facebook at Instagram. Sinabi ng Board na bilang pangulo, nagkaroon ng kredibilidad at awtoridad si Mr. Trump sa mga miyembro ng publiko, na nag-ambag sa mga kaganapan noong Enero 6. Ang katayuan ni Mr. Trump bilang pinuno ng estado na may mataas na posisyon ng tiwala ay hindi lang nagdulot ng mas malakas na puwersa sa kanyang mga salita at kredibilidad ngunit gumawa rin ito ng panganib na mauunawaan ng kanyang mga follower na maaari silang kumilos nang hindi mapaparusahan.
  • Layunin: Wala sa posisyon ang Board para walang duda na ma-assess ang mga intensyon ni Mr. Trump. Ang posibilidad ng karahasan na iniuugnay sa mga pahayag ni Mr. Trump ay malinaw, at naisip ng Board na posibleng alam niya o nalaman niya na ang mga pakikipag-ugnayang ito ay magdudulot ng panganib ng pagbibigay-daan o panghihikayat sa karahasan.
  • Content at anyo: Ang dalawang post noong Enero 6 ay pinuri at sinuportahan ang mga nag-riot, bagaman hiniling nila sa mga ito na umuwi nang mapayapa. Inulit din ng mga post ang walang basehang pahayag na dinaya ang eleksyon. Ayon sa mga report, naunawaan ng ilan sa mga nag-riot ang pahayag na ito bilang nagbibigay ng pahintulot sa kanilang mga aksyon. Ipinapakita ng ebidensiya rito na ginamit ni Mr. Trump ang kapangyarihan sa pakikipag-ugnayan bilang pangulo para suportahan ang mga nang-atake sa Capitol at isang pagtangka para mapigilan ang pagbibilang ng mga electoral vote nang ayon sa batas.
  • Lawak at naabot: Malaki ang naging audience ni Mr. Trump, na may nagpa-follow na hindi bababa sa 35 milyong account sa Facebook at hindi bababa sa 24 na milyong account sa Instagram. Mahalaga dito, ang mga post sa social media ay madalas na kinukuha at ibinabahagi nang mas malawakan sa pamamagitan ng mga mass media channel pati rin ng mga high-profile na tagasuporta ni Mr. Trump na may malaking audience, na higit pang dumagdag sa naabot nito.
  • Napipintong pinsala: Ginawa ang mga post sa panaon ng isang dynamic at walang katiyakang panahon na may nagaganap na karahasan. Nagkaroon ng malinaw na napipintong panganib sa buhay, integridad ng electoral at paglahok sa pulitika. Nagsimula ang karahasan sa Capitol sa loob ng isang oras mula sa inorganisang rally sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook at iba pang social media. Bagaman nagpo-post si Mr. Trump, lumusob ang mga nag-riot sa mga bulwagan ng Kongreso at nagpahayag ng pagkatakot ang Mga Miyembro ng Kongreso sa pamamagitan ng pagtawag sa White House at pakiusap sa pangulo na pakalmahin ang sitwasyon. Direktang inantala ng riot ang kakayahan ng Kongreso na alisin ang responsibilidad nito sa konstitusyon tungkol sa pagbibilang ng mga electoral vote, na nagpaantala sa prosesong ito ng ilang oras.

Kung susuriin ang mga factor na ito, napagpasyahan ng Board na ang karahasan sa kasong ito ay matindi kaugnay sa mga pinsala nito sa mga karapatang pantao. Ang pagpapatupad ng Facebook ng mga paghihigpit sa account noong Enero 6 at ang pagpapalawig ng mga paghihigpit na ito noong Enero 7 ay kinakailangan at naaayon.

Para sa minority ng Board, bagaman ang isang pinalawig na pagsuspinde o permanenteng pag-disable ay posibleng mabigyan ng katwiran sa basehan lang ng mga kaganapan noong Enero 6, dapat ding isama sa pagsusuri ng proporsyonalidad ang paggamit ni Mr. Trump sa mga platform ng Facebook bago ang eleksyon sa pagkapangulo noong Nobyembre 2020. Bilang partikular, sinabi ng minority ang post noong Mayo 28, 2020, na “when the looting starts, the shooting starts (kapag nagsimula ang pagnanakaw, magsisimula ang pamamaril)” na ginawa sa konteksto ng pagpoprotesta laban sa hustisya sa lahi, pati rin ang maraming post na nagbabanggit sa “China Virus.” Gumawa ang Facebook ng mga commitment para igalang ang karapatan sa kawalan ng diskriminasyon (Article 2, talata 1 ICCPR, Article 2 ICERD) at, alinsunod sa mga kinakailangan para sa mga paghihigpit sa karapatan sa malayang pagpapahayag (Article 19, talata 3 ICCPR), para maiwasan ang paggamit ng mga platform nito para mag-advocate ng galit sa lahi o bansa na bumubuo sa panghihimok ng poot, diskriminasyon o karahasan (Article 20 ICCPR, Article 4 ICERD). Ang dalas, dami at lawak ng mapaminsalang mga pakikipag-ugnayan ay dapat ipagbigay-alam sa pagsusuri ng panghihimok ng Rabat (Rabat Plan of Action, talata 29), partikular ang mga salik sa konteksto at nilalayon. Para sa minority, magiging mahalaga ang mas malawak na pagsusuring ito para mabigyan ng kaalaman ang pag-assess ng naaayon na penalty ng Facebook noong Enero 7, na dapat magsilbi bilang adlang sa iba pang mga pinuno sa pulitika at, kung saan naaangkop, isang pagkakataon ng rehabilitasyon. Dagdag pa rito, kung pipiliin ng Facebook na magpatupad ng time-limited na pagsuspinde, dapat ding isaalang-alang ng pagsusuri ng panganib na kinakailangan bago ang pagbabalik ang mga factor na ito. Sa pagharap sa kasong ito gamit ang iba pang mga basehan, hindi nagkomento ang majority sa mga bagay na ito.

9. Desisyon ng Oversight Board

Noong Enero 6, nabigyan ng katwiran ang desisyon ng Facebook na magpatupad ng mga paghihigpit sa mga account ni Mr. Trump. Ang kinukuwestyon na post ay lumabag sa mga panuntunan ng Facebook at Instagram na nagbabawal sa pagsuporta o pagpuri ng mga lumalabag na kaganapan, kasama ang riot na kasalukuyang nagaganap noon sa U.S. Capitol. Dahil sa pagiging malubha ng mga paglabag at ang patuloy na panganib na magdulot ng karahasan, nabigyan ng katwiran ang Facebook sa pagpapatupad ng mga paghihigpit sa account at pagpapalawig sa mga paghihigpit na iyon noong Enero 7.

Gayunpaman, hindi naaangkop para magpatupad ang Facebook ng isang indefinite o walang katiyakang pag-suspinde.

Hindi sinunod ng Facebook ang malinaw at naka-publish na pamamaraan sa kasong ito. Ang mga karaniwang penalty ng Facebook sa account dahil sa mga paglabag ng mga panuntunan ito ay magpataw ng alinman sa time-limited na pagsuspinde o permanenteng i-disable ang account ng user. Nalaman ng Board na hindi pinapayagan ang Facebook na panatilihing wala sa platform ang isang user nang walang katiyakang panahon, na walang mga pamantayan kung kailan o kung maibabalik ba ang account.

Tungkulin ng Facebook na gumawa at ipaalam ang kinakailangan at naaayon na mga penalty na ginagamit nito bilang pagtugon sa mga malubhang paglabag ng mga patakaran nito sa content. Ang tungkulin ng Board ay tiyakin na ang mga panuntunan at proseso ng Facebook ay alinsunod sa mga patakaran nito sa content, mga pagpapahalaga nito at sa mga commitment nito na igalang ang mga karapatang pantao. Sa paggamit ng walang katiyakan at walang batayang pentaly at pagkatapos ay pag-refer ng kasong ito sa Board upang malutas, hinahangad ng Facebook na iwasan ang mga responsibilidad nito. Tinanggihan ng Board ang request ng Facebook at iginiit sa Facebook na gumamit at gawing makatwiran ang tinukoy na penalty.

Sa loob ng anim na buwan simula ng desisyong ito, dapat muling suriin ng Facebook ang arbitrary penalty na ipinatupad nito noong Enero 7 at pagpasyahan ang naaangkop na penalty. Ang penalty na ito ay dapat ibatay sa bigat ng paglabag at ang inaasahang pinsala sa hinaharap. Dapat din alinsunod ito sa mga panuntunan ng Facebook para sa mga matinding paglabag, na dapat maging malinaw, kinakailangan at patas.

Kung magpapasya ang Facebook na dapat ibalik ang mga account ni Mr. Trump, dapat gamitin ng Facebook ang mga panuntunan nito sa desisyong iyon, kasama ang anumang mga pagbabago na ginawa alinsunod sa mga rekomendasyon sa patakaran na nasa ibaba. Kung magpapasya rin ang Facebook na ibalik siya sa platform, dapat nitong tugunan ang anumang mga karagdagang paglabag nang maagap at nang alinsunod sa mga itinatag nitong mga patakaran sa content.

Naniniwala ang minority na mahalagang bigyang-diin ang ilang pinakamababang mga pamantayan na nagpapakita sa pag-assess ng Board sa mga responsibilidad ng Facebook sa mga karapatang pantao. Sa halip, mas pinili ng majority na ibigay ang gabay na ito bilang rekomendasyon sa patakaran. Malinaw na sinabi ng minority na kasama sa mga responsibilidad ng Facebook na igalang ang mga karapatang pantao ang pagpapadali sa pag-aayos ng mga hindi magandang epekto sa mga karapatang pantao na naidulot nito (mga UNGP, Prinsipyo 22). Ang pag-aayos ay mahalagang bahagi ng UNGP ‘Protektahan, Igalang, Ayusin’ na framework, na mas nagpapakita sa internasyonal na batas sa mga karapatang pantao (Article 2, talata 3, ICCPR, gaya ng binigyang-kahulugan ng HUman Rights Committee sa Pangkalahatang Comment Bilang 31, mga talata. 15 - 18). Para matugunan ang responsibilidad nito na magarantiya na hindi uulitin ang mga hindi magandang epekto, dapat i-assess ng Facebook kung ang pagbalik sa mga account ni Mr. Trump ay magpdudulot ng seryosong panganib ng panghihimok ng napipintong diskriminasyon, karahasan o iba pang walang basehang aksyon. Ang pag-assess ng panganib na ito ay dapat batay sa mga konsiderasyon na idinetalye ng Board sa pagususri ng pangangailangan at proporsyonalidad sa Seksyon 8.3.III sa itaas, kasama ang konteksto at mga kondisyon sa at wala sa Facebook at Instagram. Dapat masiyahan ang Facebook, halimbawa, na tumigil na si Mr. Trump sa paggawa ng mga walang basehang pahayag tungkol sa pandaraya sa eleksyon sa paraan na nagbigay ng katwiran sa pagsuspinde noong Enero6. Nilalayon ng mga pamamaraan ng pagpapatupad ng Facebook na maging rehabilitative ito, at naniniwala ang minority na ang layuning ito ay naaayon mabuti sa prinsipyo ng pagtugon sa batas sa mga karapatang pantao. Binigyang-diin ng minority ng Board na dapat tiyakin ng mga panuntunan ng Facebook na dapat tanggapin ng mga user na gustong maibalik pagkatapos masuspinde ang maling ginawa nila at mag-commit sa pagsunod sa mga panuntunan sa hinaharap. Sa kasong ito, iminumungkahi ng minority na bago maibalik ang account ni Mr. Trump, dapat ding layuning tiyakin ng Facebook ang pag-alis sa pagpuri o pagsuporta para sa mga sangkot sa mga riot.

10. Pahayag ng policy advisory

Kinikilala ng Board ang mga mahirap na isyung naidulot ng kasong ito at nagpapasalamat ito para sa maraming matalino at nakikibahaging komento ng publiko na natanggap nito.

Noong ni-refer nito ang bagay na ito sa Oversight Board, partikular na humiling ang Facebook ng “mga obserbasyon o rekomendasyon mula sa board tungkol sa mga pagsuspinde kapag ang user ay isang pinunong pampulitika.” Hiniling ng Board sa Facebook na linawin ang kanilang pag-unawa sa salitang “pinunong pampulitika;” Ipinaliwanag ng Facebook na hinangad nitong matalakay ang “inihalal o hinirang na mga opisyal ng gobyerno at mga taong aktibong tumatakbo para manungkulan sa isang paparating na eleksyon, kasama ang panandalian pagkatapos ng eleksyon kung hindi mahalal ang kandidato” pero hindi lahat ng may katungkulan sa estado. Batay sa pagsusuri ng Board sa kasong ito, pinapanatili nito ang gabay nito sa mga isyu tungkol sa kaligtasan ng publiko.

Naniniwala ang Board na hindi palaging kapaki-pakinabang na kumuha ng mahigpit na pagkakaiba sa pagitan ng mga pinunong pampulitika at iba pang mga nang-iimpluwensiyang user. Mahalagang malaman na ang iba pang mga user na may malaking audience ay maaari ring mag-ambag sa mga serosyong panganib ng pinsala. Dapat gamitin ang parehong mga panuntunan sa lahat ng user ng platform; pero mahalaga ang konteksto kapag ina-assess ang mga isyu ng kaswalidad at ang posibilidad at pagiging napipinto ng pinsala. Ang mahalaga ay ang antas ng impluwensiya na mayroon ang isang user sa iba pang mga user.

Kapag ang mga post ng mga maimpluwensiyang user ay nagdudulot ng mataas na posibilidad ng napipintong pinsala, gaya ng na-assess sa ilalim ng mga internasyonal na pamantayan sa mga karapatang pantao, dapat gumawa ng aksyon ang Facebook para ipatupad kaagad ang mga panuntunan nito. Dapat i-assess ng Facebook ang mga post ng mga maimpluwensiyang user sa konteksto na ayon sa paraan na posibleng maunawaan ang mga ito, kahit na ang nilalayong mensahe nito ay nasa wika na dinisenyo para maiwasan ang responsibilidad, tulad ng superficial na panghihikayat na kumilos nang mapayapa o nang ayon sa batas. Ginamit ng Facebook ang anim na may kontekstong factor sa Rabat Plan of Action sa kasong ito, at sa palagay ng Board ito ay isang kapaki-pakinabang na paraan para ma-assess ang mga panganib ng konteksto sa posibleng mapaminsalang salita. Binigyang-diin ng Board na mahalaga ang oras sa mga nasabing sitwasyon; dapat bigyan ng prayoridad ang pagkilos bago makapagdulot ng malaking pinsala ang mga maimpluwensiyang user kaysa sa newsworthiness at iba pang mga pagpapahalaga sa pampulitikang pakikipag-ugnayan.

Bagaman dapat ipailalim ang lahat ng user sa parehong mga patakaran sa content, may mga natatanging factor na dapat isaalang-alang sa pag-assess ng pananalita ng mga pinunong pampulitika. Ang mga pinuno ng estado at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno ay puwedeng magkaroon ng mas maraming kapangyarihan para magdulot ng pinsala kaysa sa ibang tao. Dapat mabatid ng Facebook na ang mga post ng mga pinuno ng estado at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno ay maaaring magdala ng pinaigting na panganib ng panghihikayat, pagdudulot, o panghihimok ng karahasan - dahil ang kanilang mataas na posisyon ng tiwala ay binibigyan ang kanilang mga salita ng mas malakas na puwersa at kredibilidad o dahil posibleng maisip ng kanilang mga follower na maaari silang kumilos nang hindi mapaparusahan. Sa parehong pagkakataon, mahalagang protektahan ang mga karapatan ng mga tao na marinig ang pampulitikang pagsasalita. Gayunpaman, kung paulit-ulit na nag-post ang isang pinuno ng estado o mataas na opisyal ng gobyerno ng mga message na nagdudulot ng panganib ng pinsala sa ilalim ng mga internasyonal na kaugalian tungkol sa mga karapatang pantao, dapat suspindihin ng Facebook ang account sa loob tiyak na panahon na sapat para magbigay ng proteksyon laban sa napipintong pinsala. Ang mga panahon ng pagsuspinde ay dapat sapat na mahaba para mapigilan ang maling asal at sa mga naaangkop kaso, ay posibleng may kasama itong pag-delete ng account o page.

Ang mga paghihigpit sa pagsasalita ay kadalasang ipinapatupad ng o sa utos ng mga makapangyarihang may katungkulan sa estado laban sa pagpapahayag ng mga opinyon at mga miyembro ng mga oposisyon sa pulitika. Dapat pigilan ng Facebook ang pressure mula sa mga gobyerno para patahimikin ang kanilang oposisyon sa pulitika. Kapag ina-assess ang mga posibleng panganib, dapat partikular na maging maingat ang Facebook na isaalang-alang ang may kaugnayang konteksto sa pulitika. Sa pagsusuri ng pampulitikang pagsasalita mula sa mga lubhang maimpluwensiyang user, dapat na mabilis na ma-escalate ng Facebook ang proseso ng pag-moderate ng content sa natatanging staff na pamilyar sa konteksto ng wika at pulitika at walang kaugnayan sa pultika at ekonomikong paghadlang at labis na impluwensiya. Dapat suriin ng pagsusuri ang asal ng mga lubhang maimpluwensiyang user nang wala sa mga platform ng Facebook at Instagram para sapat na ma-access ang buong may kaugnayang konteksto ng posibleng mapinsalang pagsasalita. Dagdag pa rito, dapat tiyakin ng Facebook na maglalaan ito ng sapat na resource at kadalubhasaan para ma-assess ang mga panganib ng pinsala mula sa mga maimpluwensiyang account sa buong mundo.

Dapat ipaliwanag ng Facebook sa publiko ang mga panuntunan na ginagamit nito kapag ipinapatupad nito ang mga sanction sa account laban sa mga maimpluwensiyang user. Dapat tiyakin ng mga panuntunang ito na kapag nagpapatupad ang Facebook ng pagsuspindeng may limitadong oras sa account ng isang maimpluwensiyang user para bawasan ang panganib ng malaking pinsala, ia-assess nito kung nabawasan na ang panganib bago matapos ang panahon ng pagsuspinde. Kung matutukoy ng Facebook na ang user ay nagdudulot ng panganib ng panghihimok ng napipintong karahasan, diskriminasyon, o iba pang aksyon na hindi sumusunod sa batas sa oras na iyon, dapat magpatupad ng isa pang time-bound na pagsuspinde kapag ang nasabing pamamaraan ay kinakailangan para maprotektahan ang kaligtasan ng publiko at naaayon sa panganib.

Kapag ipinatupad ng Facebook ang mga espesyal na pamamaraan na naaangkop sa mga maimpluwensiyang user, dapat itong maidokumento nang mabuti. Hindi malinaw kung gumamit ang Facebook ng ibang mga pamantayan sa kasong ito, at nalaman ng Board ang maraming alalahanin tungkol sa posibleng paggamit ng newsworthiness allowance. Mahalagang matugunan ng Facebook ang kakulangan ng transparency at ang pagkalitong idinulot nito. Dapat gumawa ang Facebook ng mas maraming impormasyon para tulungan ang mga user na maintindihan at masuri ang proseso at mga pamantayan para sa paggamit ng newsworthiness allowance. Dapat malinaw na ipaliwanag ng Facebook kung paano naaangkop ang newsworthiness allowance sa mga maimpluwensiyang account, kasama ang mga pinunong pampulitika at iba pang mga pampublikong personalidad. Tungkol sa cross check na pagsusuri, dapat malinaw na ipaliwanag ng Facebook ang dahilan, mga pamantayan at mga proseso ng pagsusuri, kasama ang mga pamantayan para malaman kung aling mga page at account ang dapat piliin para hindi isama. Dapat i-report ng Facebook ang bilang mga kaugnay na error at consistency sa tema ng mga pagpapasyang ginawa sa pamamagitan ng proseso ng cross check sa mga ordinaryong pamamaraan ng pagpapatupad.

Noong inabuso ng mga maimpluwensiyang user ang platform ng Facebook sa paraan na nagreresulta sa malubhang mga hindi magandang epekto sa mga karapatang pantao, dapat itong gumawa ng masusing imbestigasyon sa insidente. Dapat i-assess ng Facebook kung anong impluwensiya ang mayroon ito at i-assess kung anong mga pagbabago ang dapat nitong ipatupad para matukoy, maiwasan, mabawasan, at ipaliwanag kung paano nito matutugunan ang mga hindi magandang epekto sa hinaharap. Kaugnay sa kasong ito, dapat gumawa ng komprehensibong pagsusuri ang Facebook tungkol sa posibleng kontribusyon nito sa pagpapahayag ng pandaraya sa electoral at ang malalang mga tensyon na nagbunsod ng karahasan sa United States noong Enero 6, 2021. Ito dapat ay isang bukas na pagsalamin sa disenyo at mga pagpili ng patakaran na ginawa ng Facebook na posibleng magpahintulot para maabuso ang platform nito. Dapat isagawa ng Facebook ang due diligence nito, magpatupad ng plano para gumawa ng pagkilos sa mga malalaman nito, at bukas na sabihin ang tungkol sa kung paano nito tutugunan ang mga hindi magandang epekto sa mga karapatang pantao na kinabilangan nito.

Sa mga kaso kung saan ang mga user ng Facebook o Instagram ay posibleng kabilang sa mga napakasamang krimen o seryosong mga paglabag sa mga karapatang pantao, pati rin ang panghihimok nito sa ilalim ng Article 20 ng ICCPR, ang pagtanggal ng content at pag-disable ng mga account, habang posibleng binabawasan ang panganib ng pinsala, ay maaari ring magpahina sa mga pagsusumikap sa pananagutan, kasama ang pagtanggal ng ebidensiya. May responsibilidad ang Facebook na mangolekta, magpanatili at, kung saan naaangkop, magbahagi ng impormasyon para tumulong sa imbestigasyon at posibleng pag-uusig ng mga seryosong paglabag ng internasyonal na batas na kriminal, mga karapatang pantao at para sa mga tao ng mga may kakayahang awtoridad at mga mekanismo ng pananagutan. Dapat gawing malinaw ng patakaran ng kumpanya ng Facebook sa mga karapatang pantao ang mga protokol ng kumpanya na ginamit tungkol dito. Dapat ding linawin ng patakaran kung paano gagawing available sa mga researcher na nagsasagawa ng mga imbestigasyon ang impormasyong nakapubliko dati sa platform na sumusunod sa mga internasyonal na pamantayan at naaangkop na mga batas sa pagprotekta ng data.

Binibigyang-diin ng kaso ang higit pang kakulangan sa mga patakaran ng Facebook na dapat nitong tugunan. Partikular dito, nalaman ng Board na hindi sapat na malinaw ang penalty system ng Facebook sa mga user at hindi ito nagbibigay ng sapat na gabay para makontrol ang paggamit ng Facebook ng diskresyon. Dapat ipaliwanag ng Facebook ang mga strike at proseso ng mga penalty nito sa Mga Pamantayan ng Komunidad at Mga Alituntunin para sa paghihigpit ng mga profile, page, group at mga account sa Facebook at Instagram sa malinaw, komprehensibo at naa-access na paraan. Dapat bigyan ng mga patakarang ito ang mga user ng sapat na impormasyon para maunawaan kapag ipinatupad ang mga strike (kasama ang anumang naaangkop na mga exception o allowance) at kung paano kinakalula ang mga penalty. Dapat ding bigyan ng Facebook ang mga user ng naa-access na impormasyon sa kung gaano karaming paglabag, strike at mga penalty ang na-assess laban sa mga ito, pati ang mga kahihinatnan na kasunod ng mga paglabag sa hinaharap. Sa transparency reporting nito, dapat isama ng Facebook ang mga bilang ng mga paghihigpit sa profile, page at account, kasama ang dahilan at paraan na ginawa ang pagpapatupad ng aksyon, na may kasamang impormasyon na hinati ayon sa rehiyon at bansa.

Panghuli, hinihimok ng Board ang Facebook na gumawa at mag-publish ng patakaran na namamahala sa pagtugon ng nito sa mga krisis o mga natatangi at hindi inaasahang sitwasyon kung saan ang mga regular na proseso nito ay hindi mapipigilan o maiiwasan ang napipintong pinsala. Bagaman ang mga sitwasyong ito ay hindi palaging maaasahan, ang gabay ng Facebook ay dapat magtakda ng mga naaangkop na sukatan para sa mga nasabing aksyon, kasama ang pangangailangang suriin ang desisyon nito sa loob ng hindi nagbabagong panahon.

*Note sa pamamaraan:

Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.

العودة إلى قرارات الحالة والآراء الاستشارية المتعلقة بالسياسة