Anulado

Mga Hindi Makataong Komento Tungkol sa Mga Tao sa Gaza

Inapela ng isang user ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang isang Facebook post na sinasabing na nagmula ang Hamas mula sa populasyon ng Gaza, pagkumpara sa kanila sa “ savage na grupo ng mga tao.” Pagkatapos ipaalam ng Board ang apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang orihinal na desisyon nito at a inalis ang post.

Tipo de decisão

Resumo

Políticas e tópicos

विषय
Mga Marginalized na Komunidad, Raça e etnia, Guerra e conflitos
Padrão da comunidade
Discurso de ódio

Regiões/países

Localização
Israel, Territórios Palestinos

Plataforma

Plataforma
Facebook

Ito ay summary decision.Tinitingnan ng mga summary decision ang mga kaso kung saan binaliktad ng Meta ang orihinal na desisyon nito sa isang piraso ng content pagkatapos ipaalam ito ng Board sa kumpanya at kasama ang impormasyon tungkol sa mga tinatanggap na mali ng Meta. Inaaprubahan ang mga ito ng panel ng Board Member, kaysa sa buong Board, hindi kabilang ang mga comment ng publiko at walang naunang pagpapasya para sa Board. Direktang ginagawa ng mga summary decision ang tungkol sa mga pagbabago sa mga desisyon ng Meta, pagbibigay ng transparency sa mga pagtatamang ito, habang tinutukoy kung saan maaaring pahusayin ng Meta ang pagpapatupad nito.

Buod

Inapela ng isang user ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang isang Facebook post na sinasabing na nagmula ang Hamas mula sa populasyon ng Gaza at ipinapakita ang kanilang “malalim na kagustuhan,” pagkumpara sa kanila sa “ savage na grupo ng mga tao.” Pagkatapos ipaalam ng Board ang apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang orihinal na desisyon nito at a inalis ang post.

Tungkol sa Kaso

Noong Disyembre 2023, muling ipinost ng isang user ang larawan sa Facebook na pine-feature ang text, kasama ang larawan ng hindi pinangalanang lalaki, ipinapahayag ang pananaw na ang “pangkalahatang publiko” sa Gaza ay hindi “biktima” ng Hamas pero, na lumabas ang militanteng grupo bilang “tunay na pagpapakita” ng “malalim na kagustuhan ng isang savage na grupo ng mga tao.” Naglamaman ang muling ni-repost na larawan ng isang nag-eendorsong caption na kasama ang mga salitang, “ang katotohanan.” Na-view ang post ng mas kaunti sa 500 beses.

Sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech ng Meta, ipinagbabawal ng Meta ang content na tina-target ang isang tao o grupo ng mga tao sa basehan ng kanilang mga protektadong katangian, partikular ang pagbanggit sa mga papgkumpara sa “sub humanity” at kasama ang “mga savage” bilang isang halimbawa. Sa content na ito, ag pagtukoy sa “ang pangkalahatang publiko ng Gaza” ay isang pahiwatid ng pagtukoy sa mga Palestinian sa Gaza, kaya pinupuntirya ang mga protektadong katangian ng etnisidad at nasyonalidad.

Sa isang pahayag na inaapela ang kasong ito sa Board, sinabi ng user na ang post ay “binubuo ng hindi makataong speech,” nilalahat ang tungkol sa mga tao ng Gaza.

Pagkatapos ipaalam ng Board ang kasong ito sa Meta, natukoy ng kumpanya na hindi nilabag ng post ang patakaran nito sa Hate Speech ng Meta at mali ang orihinal na desisyon nito na huwag alisin ang content. Inalis ng kumpanya ang content sa Facebook.

Awtoridad at Scope ng Board

Mayroong karapatan ang Board na suriin ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa user na nag-report ng content na hindi inalis (Charter Article 2, Seksyon 1; Article 3, Seksyon 1 ng Mga Regulasyon).

Kapag tinatanggap ng Meta na nagkamali ito at binaliktad ang desisyon nito sa isang kaso na isinasaalang-alang para suriin ang Board, maaaring piliin ng Board ang kasong iyon para sa summary decision (Article 2, Seksyon 2.1.3 ng Mga Regulasyon). Sinusuri ng Board ang orihinal na desisyon para dagdagan ang pag-unawa ng proseso ng pag-moderate ng content na kabilang, para bawasan ang mga mali at dagdagan ang pagiging patas para sa mga user ng Facebook at Instagram.

Kahalagahan ng Kaso

Binibigyan-diin ng kasong ito ang mga mali sa pagpapatupad ng Meta sa patakaran nito sa Hate Speech, partikular na nauugnay sa content na inaatake ang mga ta batay sa kanilang mga protektadong katangian. ,Ang mga mali sa pag-moderate ay mapinsala lala na sa mga panahon ng patuloy na armed conflict. Gaya ng nasabi, dapat nagkaroon ng mas matibay na kasanayan sa pag-moderate ng content.

Ang kaso ng Knin Cartoon ay katulad na naglalaman ng hate speech na pinupuntirya ang protektadong katangian – ang etnisidad – tumutukoy sa isang grupo ng etniko bilang mga daga nang walang malinaw na pagpapangalan sa kanila. Gayunpaman, ang kasong Knin Cartoon ay nangailangan ng makasaysayan at pangkulturang konteksto para bigyan ng kahulugan ang symbolic portrayal ng isang ethnic group, kung saan ang content sa kasong ito ay higit pang direktang iniugnay ang mga hindi makataong komento sa buong populasyon, kung saan ay dapat makatwirang maunawaan gaya ng pagtukoy sa mga tao ayon sa protektadong katangian.

Sa partikular, inirekomenda ng Board na “dapat linawin ng Meta ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech at ang patnubay na ibinibigay sa mga reviewer, ipinapaliwanag na kahit ang hindi direktang pagtukoy sa mga protektadong grupo ay ipinagbabawal ng patakaran kapag ang pagtukoy ay makatwirang mauunawaan,” ( desisyon sa Knin Cartoon , rekomendasyon bilang 1), na ini-report ng Meta bilang bahagyang ipinatupad. Noong Q4 ng 2022, ni-report ng Meta na “nagdagdag sila ng wika sa Mga Pamantayan ng Komunidad at gabay sa patakaran ng mga reviewer na nililinaw na aalisin ang ipinahiwatig na hate speech kung ini-escalate ito ng mga at-scale reviewer para pahusayin ang pagsusuri kung saan maaawring makatwirang maunawaan ng Meta ang layunin ng user.” Itinuring ng Board na bahagyang ipinatupad ang rekomendasyon dahil ang mga updata ay hindi ginawa sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech, pero sa pangkalahatang introduction lang ng Mga Pamantayan ng Komunidad.

Naniniwala ang Board na ang ganap na pagpapatupad ng mga rekomendasyong ito ay maaaring bawasan ang bilang ng mga mali sa pagpapatupad sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech ng Meta.

Desisyon

Binaliktad ng Board ang orihinal na desisyon ng Meta para huwag alisin ang content. Tinanggap ng Board ang pagwawasto ng Meta sa mga inisyal na mali nito noong ipinaalam ng Board ang kaso sa Meta.

Voltar para Decisões de Casos e Pareceres Consultivos sobre Políticas