أسقط
Pagpo-promote ng Ketamine para sa mga paggamot na hindi aprubado ng FDA.
تم النشر بتاريخ 17 آب 2023
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang Instagram post ng user na tumatalakay sa kanyang experience sa paggamit ng ketamine bilang paggamot sa anxiety at depression.
Buod ng kaso
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang Instagram post ng user na tumatalakay sa kanyang experience sa paggamit ng ketamine bilang paggamot sa anxiety at depression. Nalaman ng Board na nilabag ng content ang mga patakaran sa Branded Content ng Meta (na naaangkop sa content kung saan tumatanggap ang mga creator ng bayad mua sa “business partner,” ng third-party, kumpara sa pag-a-advertise kung saan tumatanggap ang Meta ng bayad para magpakita ng mga ad sa mga user) at ang Pamantayan ng Komunidad ng kumpanya sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Isinasaad ng kasong ito na ang matinding mga paghihigpit ng Meta sa branded content na nagpo-promote ng mga gamot at sinusubukang bumili, magbenta o makipag-trade ng mga gamot ay posibleng hindi consistent na ipinapatupad.
Tungkol sa kaso
Noong Disyembre 29, 2022, nag-post ang na-verify na Instagram user ng 10 may kaugnayang mga image bilang bahagi ng iisang post na may caption. Naka-tag ang kilalang provider ng ketamine therapy bilang co-author ng post, na may label bilang “may bayad na partnership.” Sa ilalim ng mga patakaran ng Branded Content ng Meta, dapat ilagay ng mga business partner ng Meta ang nasabing mga label sa kanilang content para malinaw na sabihin ang komersyal na relasyon sa third party.
Sa caption, sinabi ng user na binigyan siya ng ketamine bilang paggamot para sa anxiety at depression sa dalawa sa lokasyon ng opisina ng provider ng ketamine therapy sa United States. Habang inilarawan ng user ang ketamine bilang gamot, walang binanggit ang post na propesyonal na diyagnosis; walang malinaw na ebidensya na nangyari ang paggamot sa lisensyadong klinika; at walang ipinapakita na nangyari ang paggamot nang sinubaybayan ng doktor. Inilalarawan ng post ang paggamot ng user bilang “magical entry into another dimension” (mahiwagang pagpasok sa isa pang dimension). Nagpahayag din ng paniwala ang post na ang “psychedelics” (may kasamang ketamine ang kategoryang ipinahiwatig ng post) ay mahalagang nagiging laganap na medisina sa kalusugan ng isip. Ang sampung drawing, ang ilan ay may kasamang psychedelic imagery, ay ipinapakita ang experience ng user sa istilong storyboard, isinasaad na nakatanggap ang user ng maraming “therapy session” para sa “depression at anxiety na hindi tumutugon sa paggamot.” Ang account ng user na naglalarawan sa experience ay mayroong humigit-kumulang na 200,000 follower at ang post ay nakita nang mga 85,000 beses.
Tatlong user ang nag-report na may isa o mahigit pa sa mga image na kasama sa post, at inalis nang tatlong beses ang content at pagkatapos ay ibinalik sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Pagkatapos ng pangatlong beses, inalis ang post, ipinaalam ito ng content creator sa Meta. Pagkatapos, na-escalate ang content sa mga eksperto sa patakaran o paksa para sa karagdagang pagsusuri at ibinalik nang mga anim na buwan pagkatapos itong orihinal na na-post. Pagkatapos, ni-refer ng Meta ang kaso sa Board. Tumulong ang status ng content creator na “mina-manage na partner” na i-escalate ang post sa Meta. Ang “mga mina-manage na partner” ay mga entity sa iba’t ibang industriya, kasama ang mga indibiduwal tulad ng mga celebrity at mga organisasyon tulad ng mga negosyo o charity. Nakakatanggap sila ng iba’t ibang antas ng pinahusay na suporta, kasama ang access sa dedicated na partner manager.
Mga mahalagang nalaman
Gaya ng mas ganap na ipinaliwanag sa ibaba, isinasaad ng kasong ito na ang matinding paghihigpit ng Meta sa branded content na nagpo-promote ng mga gamot at pagsubok na bumili, magbenta o makipag-trade ng mga gamot ay posibleng hindi consistent na ipinapatupad.
Dahil na-post ang content sa kasong ito bilang bahagi ng may bayad na partnership, dapat gamitin ang mga patakaran ng Branded Content. Nababahala ang Board na hindi inilarawan ng Meta ang aspetong ito ng kaso bilang bahagi ng referral o inisyal na mga submission nito. Sa halip, nalaman lang ng Board ang tungkol sa may bayad na katangian ng post pagkatapos mag-submit ng mga tanong sa kumpanya. Sinasabi ng mga patakaran ng Branded Content ng Meta na ang “ilang produkto, serbisyo o mga brand ay posibleng hindi ma-promote sa branded content” kabilang ang “mga gamot at mga produktong may kaugnayan sa gamot, kasama ang mga ilegal o recreational na gamot.” Dahil bahagi ng “may bayad na partnership” ang content sa kasong ito, malinaw na nag-promote ng paggamit ng ketamine, at hindi sakop ng eksepsyon, nilabag nito ang mga patakarang ito. Bilang pagtugon sa mga tanong ng Board, tinanggap ng Meta na hindi lahat ng content na may label na “may bayad na partnership” ay sinusuri nang ayon sa mga patakaran ng Branded Content, hindi makikita ng mga moderator na sumusuri ng content nang malawakan ang label na ito, at hindi nila maaaring i-reroute ang content sa specialized team na namamahala sa pagpapatupad ng mga patakaran ng Branded Content. Dinaragdagan nito nang malaki ang panganib ng under-enforcement sa ganitong uri ng content. Dahil doon, iginiit ng Board na tiyakin ng Meta na sinusuri nito ang content ayon sa lahat ng nauugnay na patakaran, kasama ang mga patakaran ng Branded Content.
Nalaman din ng Board na nilabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Pinaghihigpitang Mga Produkto at Serbisyo. Pinahihintulutan nito ang pag-promote ng “pharmaceutical na gamot” (“mga gamot na kailangan ng reseta o kailangang ibigay ng mga medikal na propesyonal’’) pero ipinagbabawal ang pag-promote ng “hindi pangmedikal na mga gamot” (“mga gamot o substance na hindi ginagamit para sa nilalayon na medikal na layunin o ginagamit para maging high”). Gaya ng isinasaad ng kasong ito, gayunpaman, ang ilang gamot ay kabilang sa parehong mga kategorya. Maaayos nang pinakamabuti ang tensyon na ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mahalagang tungkulin ng mga medikal na propesyonal sa pagrereseta o pagbibigay ng gamot. Gaya ng binanggit sa naunang talata, ang may bayad na content ay sumasailalim sa mas mahigpit na pamantayan. Dahil ang content sa kasong ito ay may kasamang mga pahayag na mahigpit na isinasaad ang pagagmit ng gamot para “maging high” pero walang ginawang direktang pagbanggit sa medikal diyagnosis, o pagbanggit sa pangmedikal na tauhan (hal., “doktor,” “nars,” “psychiatrist”), nalaman ng Board na hindi sapat na naipakita ng user sa kasong ito ang paggamit ng ketamine na nangyari nang sinusubaybayan ng doktor. Kaya, nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad na ito at dapat itong alisin.
Nababahala rin ang Board sa posibilidad ng hindi consistent na pagpapatupad ng Meta sa mga patakaran na may kaugnayan sa mga gamot. Natuklasan ng kamakailang imbestigasyon ng Wall Street Journal batay sa pagsusuri ng mga ad sa loob ng apat na linggong panahon noong huling bahagi ng 2022 na “mahigit sa 2,100 ad sa Facebook at Instagram na naglarawan ng mga benepisyo ng mga inireresetang gamot na hindi sinasabi ang mga panganib, ang nag-promote ng mga gamot para sa hindi aprubadong mga paggamit o nag-feature ng mga testimonya nang hindi sinasabi kung nanggaling ba ang mga ito sa mga aktor o mga empleyado ng kumpanya.” Sinasabi rin ng pampublikong komento na natanggap ng Board mula sa National Association of Boards of Pharmacy (NABP) na posibleng maging karaniwan ang hindi malinaw na mga paglabag ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Sinabi ng NABP na “sa pamamagitan lang ng cursory search na wala pang 1 minuto,” nakakita sila ng maraming post na nagpi-feature ng ketamine, na malinaw na minarkahan para sa recreational na paggamit.
Ang desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang content na ito, hinihiling na alisin ang post.
Inirerekomenda ng Board sa Meta na:
- Linawin ang kahulugan ng label na “may bayad na partnership” saanman binabanggit ang mga label na ito, kasama ang sa proseso ng pagsusuri ng branded content. Kasama rito ang pagpapaliwanag ng tungkulin ng mga business partner sa pag-apruba ng may bayad na content at sa paglalagay ng mga label na “may bayad na partnership,.”
- Linawin sa wika ng Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo na ang content na “inaamin ang paggamit o pag-promote ng paggamit ng mga pharmaceutical na gamot” ay pinapayagan kung saan ang paggamit na iyon ay posibleng magresulta sa “high” lang sa konteksto ng “sinusubaybayan na medikal na setting.”
- Pagandahin ang proseso ng pagsusuri nito para matiyak na ang content na ginawa bilang bahagi ng may bayad na partnership ay sinusuri nang ayon sa lahat ng naaangkop na patakaran (iyon ay, Mga Pamantayan ng Komunidad at mga patakaran ng Branded Content). Dapat tiyakin ng Meta na ipapadala ang content sa mga reviewer o automated system na kaya at sinanay para gamitin ang mga patakaran ng Branded Content kapag nasangkot.
- I-audit ang pag-enforce ng mga policy line mula sa mga patakaran nito sa Branded Content at Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo na nauugnay sa pagbebenta at/o may bayad na pag-promote ng mga gamot. Pagkatapos, dapat punan ng Meta ang anumang gap sa pagpapatupad.
* Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at hindi magiging batayan sa susunod na mga desisyon.
Buong desisyon sa kaso
1. Buod ng desisyon
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang Instagram post ng user na tumatalakay sa kanyang experience sa paggamit ng ketamine bilang paggamot sa anxiety at depression sa mga opisina ng provider ng ketamine therapy sa United States. May kasamang label na “may bayad na partnership” ang post, isinasaad na nakatangap ng bayad ang user mula sa “business partner” na third party para sa post. Ang nasabing post ay dapat sumunod sa mga patakaran ng Branded Content ng Meta. Ipinagbabawal ng mga patakarang iyon ang pag-promote ng “mga gamot at mga produktong may kaugnayan sa gamot,” malilban sa pag-promote ng mga parmasya at mga inireresetang gamot sa ilalim ng mga mahigpit na kinakailangan na nalaman ng Board na hindi natugunan sa kasong ito. Para sa dahilang ito, nagpasya ang Board na nilabag ng post ang mga patakaran ng Branded Content.
Kahit na hindi may bayad na partnership ang post na ito, ayon sa Board, lalabagin nito ang Pamantayan ng Komnidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Pinapayagan ng Pamantayan ang mga user na mag-promote ng mga pharmaceutical drug pero ipinagbabawal sa mga ito ang pagpo-promote ng mga gamot na ginagamit para maging “high.” Ang ketamine ay isang pharmaceutical drug na maaari ring gumawa ng “high”; pareho itong may mahalagang mga gamit bilang paggamot at mga karaniwang recreational na paggamit. Ayon sa Board, dapat sabihin sa Pamantayan na pahintulutan ang mga post na nagpo-promote ng ketamine, kahit na gumagawa ito ng “high,” pero kapag nililinaw lang ng post na ibinigay ito nang sinusubaybayan ng doktor. Nagpasya ang Board na sa kasong ito, walang sapat na ebidensya para ipakita na mayroong pagsubaybay ng doktor.
Dagdag pa sa pagbaliktad sa desisyon ng Meta, inirerekomenda ng Board na baguhin ng Meta ang mga patakaran nito sa Branded Content para linawin ang kahulugan ng “may bayad na partnership” na label at tiyaking may kakayaha ang mga content reviewer na ipatupad ang mga patakaran ng Branded Content kung saan naaangkop. Inirerekomenda rin ng Board na linawin ng Meta ang depinisyon ng mga hindi pangmedikal na gamot sa Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo para ipakita na kapag isinama ang “high” sa pangmedikal na paggamit ng gamot, mga post na nagpo-promote na ang gamot ay pinapayagan lang kapag tinatalakay ang mga paggamit kung saan mayroong matibay na ebidensya ng pagsubaybay ng doktor. Panghuli, ipinapahayag ng Board ang interes nito sa mga patakaran ng Meta sa Branded Content nang higit sa kasong ito, at hiniling sa Meta na magbahagi ng karagdagang impormasyon sa pagpapatupad ng mga patakarang iyon at/o sa mga business partner sa Board kung saan may kaugnayan.
2. Paglalarawan at background ng kaso
Noong Disyembre 29, 2022, nag-post ang na-verify na Instagram user ng serye ng 10 may kaugnayang mga image bilang bahagi ng iisang post na may caption. Naka-tag ang kilalang provider ng ketamine therapy bilang co-author ng post, ibig sabihin, ibinahagi ang post sa mga follower ng parehong account, at makikita bilang permanenteng post sa parehong account. Ang post ay may label na “may bayad na partnership.” Sa ilalim ng mga patakaran ng Branded Content ng Meta, dapat ilagay ng mga business partner ng Meta ang nasabing mga label sa kanilang content para malinaw na sabihin ang komersyal na relasyon sa third party. Direktang lumalabas ang mga label na ito sa ibaba ng username ng user na nagpo-post ng content bilang text na may nakasulat na “may bayad na partnership sa” kasunod ng pangalan ng business partner.
Sa isang caption sa ibaba ng serye ng image, sinabi ng user na binigyan siya ng ketamine bilang paggamot para sa anxiety at depression sa dalawa sa lokasyon ng opisina ng provider ng ketamine therapy sa United States. Na-tag ulit ang Instagram account ng provider na iyon sa caption, pinapayagan ang mga user na mag-click sa account. Bagaman inilarawan ng user ang ketamine bilang gamot, walang binanggit ang post na propesyonal na diyagnosis; walang malinaw na ebidensya na nangyari ang paggamot sa lisensyadong klinika; at walang ipinapakita na nangyari ang paggamot nang sinubaybayan ng doktor. Inilalarawan ng post ang paggamot ng user bilang “magical entry into another dimension” (mahiwagang pagpasok sa isa pang dimension). Nagpahayag din ng paniwala ang post na ang “psychedelics” (may kasamang ketamine ang kategoryang ipinahiwatig ng post) ay mahalagang nagiging laganap na set ng medisina sa kalusugan ng isip.
Ang 10 image sa serye ay propesyonal ang kalidad ng bawat isa na may indibiduwal na text overlay na nagpapahayag ng experience ng user sa provider. Ipinapakita ng mga drawing ang experience nang magkakasunud-sunod sa istilong storyboard, isinasaad na nakatanggap ang user ng maraming “therapy session” para sa “depression at anxiety na hindi tumutugon sa paggamot.” Maraming drawing ang may kasamang psychedelic imagery, tulad ng mga rainbow, star at iba pang bagay na lumalabas mula sa mga ulo, pati rin ang araw-araw na mga bagay sa background na kalawakan. Ipinakita ng bahagi ng serye ang mahirap na panahon sa buhay ng tao na kasabay ng paghahanap niya ng therapy. Ang ibang image ay magkakasunod na inilarawan ang paghahanda para sa paggamot (na kinabibilangan ng proseso ng pagre-relax), ang mismong paggamot (na binubuo ng dalawang dosis ng ketamine), at “reintegration” (na kinabibilangan ng proseso ng pagpapakita ng sumusunod na paggamot). Pinuri ng isa pang bahagi ng serye ang paggamot, kasama ang paglalarawan ng “[t]he feeling of both being pulled out of myself while being brought closer to my inner essential core” ([a]ng pakiramdam ng parehong inaalis sa sarili habang mas pinalalapit sa inner essential core ko).” Ikinumpara ng user ang paggamot sa “anumang magandang trip.” Ang isang image, na pangunahing image para sa referral ng Meta, ay positibong pagpapakita at nakasulat na paglalarawan ng opisina, na may endorsement ng “pambihirang staff” na sumporta sa user. Gayunpaman, hindi inilarawan ng serye ang anumang pormal na medikal na pagsubaybay—halimbawa, wala itong ginawang direktang pagbanggit sa medikal na diyagnosis ng depression o anxiety, o sa paggamot na isinagawa ng mga medikal na propesyonal. Hindi rin nito tinukoy kung lisensyadong klinikang pangkalusugan ang provider ng paggamot.
Ang post ay nagkaroon ng humigit-kumulang na 10,000 like, mas kaunti sa 1,000 comment, at nakita nang mga 85,000 beses. Ang account ng user na nagsasabi ng kanyang experience ay mayroong mga 200,000 follower.
Sa kabuuan, tatlong user ang nag-report na may isa o mahigit pa sa 10 image na kasama sa post, at inalis nang tatlong beses ang content at pagkatapos ay ibinalik nang tatlong beses sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Wala pang 30 minuto pagkatapos ang unang report, inalis ang content sa pamamagitan ng human review. Inapela ng user na nag-post ng content ang pag-alis. Sa apela, ibinalik ng human reviewer ang content nang wala pang limang oras pagkatapos itong orihinal na alisin. Ni-report ang content sa pangalawang pagkakataon mga isang oras ang nakalipas, halos agad na inalis, at ibinalik ulit nang wala pang kalahating oras, lahat ng ito ay sa pamamagitan ng human review. Ilang linggo ang nakalipas, ni-report ulit ang content. Na-enforce ang pangatlong report na ito ng automated system na ibinabatay ang mga aksyon nito sa mga nakaraang desisyon na ginawa ng mga content moderator. Inalis ng automated system ang content pagkatapos malaman na nilabag nito ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram, partikular na ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo.
Ang mga pag-alis ay batay lang sa Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Tinanong ng Board sa Meta kung bakit hindi inalis ang content bilang paglabag sa pagbabawal ng mga patakaran sa Branded Content sa may bayad na promotion ng mga gamot, dahil isinasaad ng pampublikong impormasyon na available tungkol sa mga patakarang ito na dapat gamitin ang mga ito sa lahat ng bahagi ng content na may label na “may bayad na partnership.” Tumugon ang Meta na hindi ginamit ang mga patakarang ito dahil ginagamit lang ng kumpanya ang mga ito “sa branded content na sinabi sa pamamagitan ng aming label na ‘May bayad na partnership’ na talagang sinuri at inaprubahan ng brand partner.” Higit pang ipinaliwanag ng Meta na ang mga brand ay “maaaring magbigay ng ilang creator account-level na mga pahintulot na i-tag ang mga ito sa branded content (aalisin ang pangangailangan na aprubahan ang mga tag para sa bawat post),” na nangangahulugang posibleng awtomatikong aprubahan ang mga tag na iyon nang walang anumang uri ng pagsusuri ng nauugnay na brand partner. Sa mga pangyayaring iyon, hindi sinuri ng mga specialized team ng meta ang content nang ayon sa mga patakaran ng Branded Content. Ayon pa rin sa Meta, ang label na “may bayad na partnership” ay hindi makikita ng malawakang mga content reviewer, na hindi ma-reroute ang content sa mga specialized team para suriin – at kaya hindi kasama ang mga ito sa pagpapatupad ng mga patakaran sa Branded Content.
Pagkatapos ng pangatlong beses na inalis ang post , ipinaalam ito ng content creator sa Meta. Pagkatapos, na-escalate ang content sa mga eksperto sa patakaran o paksa para sa karagdagang pagsusuri, ibinalik at ni-refer sa Board. Nangyari ang pangatlong pagbabalik ng content sa loob ng humigit-kumulang na anim na buwan noong orihinal itong na-post.
Na-facilitate ng status ng creator na “mina-manage na partner” ang escalation na ito. Ang “mga mina-manage na partner” ay mga entity sa iba’t ibang industriya, kasama ang mga indibiduwal tulad ng mga celebrity at mga organisasyon tulad ng mga negosyo o charity. Ang mga nasabing entity ay tumatanggap ng iba-ibang level ng pinagandang suporta mula sa Meta, kasama ang training sa kung paano gagamitin ang mga produkto ng Meta at inilaan na partner manager na maaaring makipagtulungan sa kanila para “i-optimize ang kanilang presence at ma-maximize ang value na ginagawa nila mula sa mga platform at serbisyo ng Meta, para matiyak na matutugunan ng mga relasyon na ito ang strategic na mga layunin ng mga mina-manage na partner at Meta.”
Ni-refer ng Meta ang kaso sa Board, sinasabi na makabuluhan ang kaso dahil sa malawak na talakayan at dumaraming paggamit ng mga psychedelic na gamot sa United States na naglilinaw sa pagitan ng medikal na paggamot, self-help, at recreation. Ayon sa Meta, ang nasabing pagiging hindi malinaw ay ginagawang mahirap na matiyak kung nagpo-promote ang content ng mga pharmaceutical na gamot, na karaniwang pinapayagan sa mga platform ng Meta, o inilalarawan ang paggamit ng mga gamot para sa mga layunin na hindi inireseta o para maging “high,” na karaniwang hindi pinapayagan.
Nakita ng Board ang sumusunod na konteksto para gumawa ito ng desisyon sa kasong ito:
- Ipinaliwanag ng mga eksperto na kinonsulta ng Board na, sa United States, ang nasabing ketamine ay inaprubahan lang ng Food and Drug (FDA) bilang anesthetic. Gayunpaman, tulad ng maraming iba pang gamot, maaari itong legal na ibigay para sa iba’t ibang off-label na mga layunin ng mga doktor at iba pang mga medikal na propesyonal, nang may mga paghihigpit na itinakda ng mga regulasyon ng pederal at estado.
- Inaprubahan ng FDA ang intranasal na anyo ng ketamine, esketamine (kadalasan ay tinatawag sa brand name nito na “Spravato”), bilang paggamot ng depression. Hindi tulad ng pag-a-advertie ng generic ketamine, ang pag-a-advertise ng Spravato ay direktang kinokontrol ng FDA, na nangangahulugang sumasailalim ito sa iba’t ibang kinakailangan. Halimbawa, hinihiling ng FDA na ilista ng mga advertisement ng mga inireresetang gamot tulad ng Spravato ang “lahat ng panganib ng paggamit ng gamot.” Ang Spravato web page ay mayroong hindi maaaring alisin na pop-up sa ibaba na may listahan ng mga babala, kasama ang mga babala tungkol sa pang-aabuso at maling paggamit. Ang mga nasabing requirement ay ipinapakita ang mga alalahanin na mayroon ang FDA tungkol sa pag-a-advertise ng mga gamot. Nabigyan ng impormasyon ng mga alalahanin na iyon ang pamamaraan ng Board sa mga post na katumbas ng mga pag-a-advertise ng gamot.
- Ang medikal na komunidad ay sumali sa makabuluhang talakayan tungkol sa off-label na paggamit ng ketamine bilang magandang paggamot para sa depression at iba pang mga mood disorder. Mayroong dumaraming peer-reviewed research tungkol sa potensyal ng ketamine bilang paggamot para sa mga mood disorder sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan ng isip sa United States. Nalaman ng World Health Organization (WHO) na ang depression ay ang nangungunang sanhi ng kapansanan sa mundo. Ipinapaliwanag ng fact sheet sa suicide ng WHO na sa global level mahigit 700,000 tao ang namamatay dahil sa suicide bawat taon, ginagawa itong pang-apat sa pinaka-karaniwang sanhi ng kamatayan sa 15 hanggang 29 na mga taong gulang, kung saan ang hindi nagamot na depression ang pangunahing risk factor para sa suicide.
- Sinabi rin ng medikal na komunidad ang mga panganib na idinudulot ng paggamot na paggamit ng ketamine. Binigyang-diin ng 2017 consensus statement na na-[ublish ng Journal of the American Medicine Association (JAMA) na ang pang-aabuso ng ketamine ay maaaring humantong sa paghina ng pag-iisip at pinsala sa urinary tract. Ayon sa 2022 literature review, “ang mga panganib sa maling paggamit ng ketamine ay mukhang hindi katulad sa iba pang naitatag nang mabuti at karaniwang inireresetang mga agent na may potensyal na maabuso, tulad ng mga stimulant o mga benzodiazepine,” pero sinabi rin ng pag-aaral na hindi dapat nito pigilan ang mga doktor sa pagrereseta ng ketamine kung saan naaangkop, at iginigiit ang “katulad na pamamaraan sa maingat na pagrereseta kung saan naaangkop, sa halip na pigilan ang pagrereseta.” Ayon sa 2023 expert review ng ketamine toxicity, mukhang karaniwan ang mga overdose sa ketamine. Ayon sa isa pang pag-aaral walang nakitang kaso ng overdose o pagkamatay na nagresulta mula sa paggamit ng ketamine para gamutin ang depression sa panggamot na seting sa United States.
- Nakita ng mga ekspertong kinonsulta ng Board ang mga panganib na dinudulot ng hindi pangmedikal na paggamit ng ketamine. Sinabi ng mga eksperto na ang ketamine, o “Special K” kung saan ito kilalang-kilala sa mga recreational user, ay naging sikat na gamot sa mga nightclub at bar nang ilang dekada. Sinabi nila na bagaman naiulat na hindi gaanong nangyayari ang maling paggamit ng ketamine, posible rin itong dumami. Nalaman ng pag-aaral noong Mayo 2023 mula sa New York University “ang 349 porsyentong pagtaas sa mga pagkumpiska ng ipinagbabawal na ketamine ng mga drug enforcement sa buong United States, mula 2017 hanggang 2022,” na “posibleng magsaad ng dumaraming paggamit ng hindi pangmedikal at pang-recreactional na paggamit.” “Nagbabala rin ang pag-aaral na pinatitindi ng media at pangmedikal na promotion ng inireresetang ketamine sa mga kamakailang taon ang paggamit at availability ng black market.
- Sa mga kamakailang taon, mabilis na dumami ang mga klinika ng ketamine. Sinabi ng isang eksperto na kinonsulta ng Board ang pagdami ng mga klinika, offline at online, na pumupuri sa bisa ng ketamine para sa maraming iba’t ibang kondisyon, kabilang ang mga obsessive compulsive disorder, pagkagumon at mga eating disorder. Gayunpaman, ang maraming researc na naisagawa hanggang sa kasalukuyan ay nagtuon ng pansin sa mga pasyenteng may depression.
- Sinabi ng isa pang eksperto na nag-ooperate ang ilang klinika ng ketamine bilang mga telehealth provider, na awtorisado sa konteksto ng pandemyang COVID-19. Ang nasabing mga klinika ng ketamine ay maaaring magpadala ng ketamine sa mga pasyente sa pamamagitan ng mail. Gayunpaman, ang pagbibigay ng awtorisasyon na ito para mag-operate ang mga klinika bilang mga telehealth provider ay malamang na tapusin sa lalong madaling panahon dahil sa mga kamakailang development sa pandemyang COVID-19. Sa 2023 hanggang ngayon, isinara ng Drug Enforcement Agency ang hindi bababa sa isang provider ng ketamine therapy, na malamang kaugnay sa mga mail-order sale.
- Noong Hulyo 2021, inanunsyo ng Meta na “gumagawa ng mga update ang kumpanya para magbigay ng mas maraming linaw at patibayin ang pagpapatupad ng aming mga patakaran ng [ad] na may kaugnayan sa mga inireresetang gamot.” Sinabi ng Meta na ang mga update na ito ay “gagawa ng mahalagang distinction sa pagitan ng pag-promote ng mga illicit na gamot at iba pang mga hindi ligtas na substance, at ang pinaghihigpitang pag-promote ng mga inireresetang gamot ng mga aprubadong advertiser,” sa pamamagitan ng paggawa ng bago at hiwalay na mga patakaran tungkol sa “pag-promote ng mga online parmasya, mga inireresetang gamot at hindi ligtas na mga substance.” Inanunsyo ng Meta na makikipag-partner ito sa LegitScript para ma-facilitate ang kakakuha lang nitong certification para sa telehealth at online na pag-promote ng parmasya ng mga inireresetang gamot.
- Sinabi ng article noong Marso 2022 na na-publish sa Journal of Medical Internet Research ang pagtaas sa “mga nang-iimpluwensiya sa pasyente.” Ang mga nang-iimpluwensiya sa pasyente ay mga social media user na may dedicated na mga follower na “sinusubukang gumawa ng emosyonal na pagkakaugnay sa [mga] follower na iyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng strategic at curated na mga bahagi ng kanilang karanasan sa karamdaman at sakit.” Maaaring bayaran ang mga ito ng mga kumpanya ng gamot o pangmedikal, at ang mga nasabing pinansyal na kaugnayan ay minsan hindi nakikita ng mga user na tumitingin ng kanilang content. Binigyang-diin ng article ang pangangailangan na isaalang-alang ang mga etikal na isyu at ang potensyal para sa maling impormasyon sa marketing ng nang-iimpluwensiya. Inulit ng Pag-aaral noong Marso 2023 na binubuo ng mga interview sa mga nang-iimpluwensiya sa pasyente ang pangangailangan na tugunan ang mga potensyal na etikal na isyu na ito.
- Ang dinstinction sa pagitan ng may bayad at walan bayad na content ay gumagawa rin ng mas maraming atensyon mula sa mga regulator. Sa United States, kung saan nagmula ang kasong ito, binago kamakailan ng Federal Trade Commission ang mga alituntunin nito sa social media influencer para maipatupad ang mas mahigpit na mga kinakailangan sa mga nang-iimpluwensiya, kasama ang mas eksaktong pagdi-disclose ng mga kinakailangan. Ipinapakita ng nasabing regulasyon at pinagtitibay ang pananaw na binabago ng financial remuneration ang katangian ng salita sa maraming paraan kung saan dapat may karapatan ang mga consumer na malaman na ginawa ito bilang bahagi ng “may bayad na partnership.”
3. Authority at scope ng Oversight Board
Mayroong awtoridad ang Board na suriin ang mga desisyon na sinu-submit ng Meta para suriin (Article 2 ng Charter, Seksyon 1; Article 2, Seksyon 2.1.1 ng Mga Internal na Patakaran). Susuriin ng Board ang content at magdedesisyon sa content nang alinsunod sa mga patakaran at kaugalian tungkol sa content ng Meta (Charter Article 2). Tinutukoy ng Mga Regulasyon ang “mga patakaran ng Meta” bilang “Mga patakaran at pamamaraan ng Meta sa content na namamahala sa content sa platform (hal., Mga Pamantayan ng Komunidad o Mga Alituntunin ng Komunidad).” Nalaman ng Board na napapabilang ang mga patakaran ng Branded Content ng Meta sa depinisyon ng “Mga patakaran ng Meta.”
Maaaring suportahan o baliktarin ng Board ang desisyon ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 5), at ipapatupad ang desisyon na ito sa kumpanya (Article 4 ng Charter). Dapat ring i-assess ng Meta ang pagiging posible ng pag-apply ng desisyon nito tungkol sa magkatulad na content na may katulad na konteksto (Article 4 ng Charter). Ang mga desisyon ng Board ay maaaring may kasamang mga non-binding na rekomendasyon na kailangang tugunan ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 4; Article 4). Kung saan nangangako ang Meta na gumawa ng aksyon sa mga rekomendasyon, sinusubaybayan ng Board ang kanilang pagpapatupad.
4. Mga source ng authority at patnubay
Ang sumusunod na pamantayan at huwaran ang nakaimpluwensiya sa pagsusuri ng Board sa kasong ito:
I. Mga desisyon ng Oversight Board
Kasama sa pinaka may kaugnayan na mga nakaraang desisyon ng Oversight Board ang:
- Mga gamot sa Sri Lanka (desisyon sa kaso 2022-014-FB-MR)
- Paghiling ng Adderall ® (desisyon sa kaso 2021-015-FB-UA)
- Ayahuasca brew (desisyon sa kaso 2021-013-IG-UA)
II. Mga patakaran ng Meta sa content
Ang kasong ito ay kinabibilangan ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram at ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook, dagdag pa sa mga patakaran ng Branded Content ng Meta. Sinasabi ng Enforcement Report ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Meta para sa Q1 2023 na “ang Facebook at Instagram ay may iisang Mga Patakaran sa Content. Ibig sabihin nito, kung itinuturing ang content na lumalabag sa Facebook, itinuturing din itong lumalabag sa Instagram.”
Sinasabi ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram na ang “pambu-bully o pagbebenta ng mga hindi pangmedikal o pharmaceutical na gamot [ay] hindi pinapayagan.” Higit pa nitong sinasabi na: “Inaalis din namin ang content na sinusubukang makipagpalitan, mag-coordinate ng pakikipagpalitan ng, mag-donate, magregalo, o humingi ng mga hindi pangmedikal na gamot, pati rin ang content na kasali sa personal na paggamit (maliban sa konteksto ng paggaling) o pag-coordinate o pagpo-promote ng paggamit ng mga hindi pangmedikal na gamot.” Magpapatuloy ang Mga Alituntunin: “Tandaan na palaging sundin ang batas kapag nag-ooffer na magbenta o bumili ng iba pang mga kontroladong produkto.” Pagkatapos, nauugnay ang Mga Alituntunin sa Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo.
Ipinagbabawal ng Pamantayan ng Komunidad ng Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo ng Facebook ang “ang pagsubok ng mga indibiduwal, manufacturer, at mga retailer na bumili, magbenta, mag-raffle, magregalo, mag-transfer o mag-trade ng ilang produkto at serbisyo.” Kasama sa mga pinaghihigpitang produkto ang “mga pharmaceutical na gamot (mga gamot na kailangan ng reseta o kailangang ibigay ng mga medikal na propesyonal)” at “hindi mga pangmedikal na gamot (mga gamot o substance na hindi ginagamit para sa medikal na layunin o ginagamit para maging high).” Inaalis ng Meta ang content tungkol sa “hindi pangmedikal na mga gamot” na “umaamin sa personal na paggamit nang hindi alam o pagbanggit sa pag-recover, paggamot, o iba pang tulong para labanan ang paggamit. Ang content na ito ay posibleng hindi maganda ang sabihin tungkol sa, panghihikayat sa paggamit ng, pag-coordinate o magbigay ng mga instruksyon para gumawa o gamitin ang mga hindi pangmedikal na gamot.” Ayon sa paliwanag ng patakaran, ang Pamantayan ng Komunidad ng Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo ay nilalayong “mag-encourage ng kaligtasan at pigilan ang posibleng mapaminsalang mga aktibidad.”
Ipinagbabawal ng mga patakaran sa Branded Content ng Meta ang “mga paglabag ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad o Mga Alituntunin ng Komunidad.” Ang listahan ng “pinagbabawalang content” ang “mga gamot at mga produkto na may kaugnayan sa gamot, kasama ang ilegal o mga recreational na gamot” at “hindi ligtas na mga produkto at suplemento.” Dagdag pa rito, pino-promote ng branded content ang “mga parmasya” at “mga inireresetang gamot” na kinakailangan na ang “business partner” na nagso-sponsor ng branded content ay awtorisadong i-promote ang kanilang mga serbisyo.” Ang awtorisasyon para sa “mga parmasya” ay kinakailangan na “dapat na-certify ang business partner sa LegitScript at makatanggap ng nakasulat na pahintulot mula sa Facebook para ma-promote ang mga parmasya.” Ang awtorisasyon para sa “mga inireresetang gamot” ay kinakailangan na “dapat mag-apply ang business partner sa Facebook para i-promote ang mga inireresetang gamot.” “Ang mga online na parmasya, telehealth provider, at mga pharmaceutical manufacturer” ay mga entity na eligible na mag-apply ng pahintulot mula sa Facebook. Higit pa rito, ang mga post ng branded content na nagpo-promote ng mga inireresetang gamot ay “dapat paghigpita sa mga taong nasa edad na 18 o mas matanda pa at pinaghigpitan sa United States, New Zealand, o Canada. Ang pag-promote ng inireresetang gamot ay ipinagbabawal sa labas ng mga lokasyong ito.” Mahalagang tandaan na naaangkop ang mga patakaran sa Branded Content sa content kung saan nakakatanggap ng bayad ang mga content creator (“monetary na bayad o mga libreng regalo”) mula sa “business partner” na third-party, salungat sa Mga Pamantayan sa Pag-a-advertise ng Meta, na naaangkop sa content na inilabas ng Meta sa mga user kapalit ng bayad na natanggap ng mga advertiser.
Ang pagsusuri ng Board sa mga patakaran sa content ay nabigyan ng kaalaman ng value ng Meta na “Boses,” inilalarawan ng kumpanya bilang “mahalaga,” pati rin ang mga pagpapahalaga nito na “Kaligtasan” at “Dignidad.”
III. Mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta
Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights (UNGPs), na inendorso ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Noong 2021, inanunsyong Meta ang Patakaran ng Kumpanya sa Mga Karapatang Pantao nito, kung saan muli nitong pinagtibay ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatang pantao nang ayon sa mga UNGP. Ang pagsusuri ng Board sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta sa kasong ito ay nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na internasyonal na pamantayan:
- Ang mga karapatan sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag: Article 19, International Covenant on Civil and Political Rights ( ICCPR), Pangkalahatang Komento Bilang 34, Human Rights Committee, 2011; Article 21, Convention on the Rights of Persons with Disabilities (CRPD).
- Ang karapatan sa kalusugan: Article 12, International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ( ICESCR); Pangkalahatang Komento Bilang 14, ang Committee ng Mga Karapatang Pang-ekonomiko, Panlipunan at Pang-kultura, (2000).
5. Mga submission ng user
Inabisuhan ang gumawa ng post ng tungkol sa pagsusuri ng Board at binigyan ito ng pagkakataong mag-submit sa Board ng pahayag. Hindi nag-submit ang user ng pahayag.
6. Mga submission ng Meta
Kapag nire-refer ang kasong ito sa Board, tiniyak ng Meta na ang paggamit ng mga substance na nakakapagpabago ng isip na sinusubaybayan ng doktor ay nagpapatuloy na dumami, ang policy line nito ay “maaaring hindi masyadong batay sa impormasyon dahil mas maraming tao ang gustong pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga karanasan gamit ang mga legal na gamot sa aming mga platform.” Inasahan ang mga ganitong kaso sa hinaharap tulad nito, humingi ang Meta ng “tulong mula sa Board para malaman ang tamang paraan para sa bahaging ito.”
Ipinaliwanag ng Meta na sa Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo, ang mga depinisyon ng “mga hindi pangmedikal na gamot” at “mga pharmaceutical na gamot” “ay salungat kapag legal na ibinibigay ng mga medikal na propesyonal ang gamot para gamutin ang sakit sa isip kung saan maaaring maging layunin ang nabagong kalagayan ng isip.” Pinapayagan ng mga internal na alituntunin sa kung paano gamitin ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo ang content kung saan inaamin ng user sa pag-promote o ang paggamit ng mga pharmaceutical na gamot nang sinusubaybayan ng doktor. Ayon sa Meta, tinatalakay ng content ng user sa kasong ito ang kanyang karanasan “sa ligtas, legal, pangmedikal na paggamot para sa depression at anxiety.” Ayon sa Meta, tatlong bahagi ng post ang nagsaad sa paggamit ng gamot para “maging hight” o mabago ang kalagayan ng isip”: 1) ang paglalarawan ng paggamot gamit ang ketamine bilang nagbibigay ng “mahiwagang pagpasok sa ibang dmension”; 2) ang paglalarawan ng “[t]he feeling of both being pulled out of myself while being brought closer to my inner essential core” ([a]ng pakiramdam ng parehong inaalis sa sarili habang mas pinalalapit sa inner essential core ko)”; at 3) ang paglalarawan ng paggamot bilang “magandang trip.”
Naniniwala ang Meta na ang experience na inilarawan ng user ay hindi isinasama ang “salungatan” sa pagitan ng mga depinisyon ng “mga pharmaceutical na gamo” at “mga hindi pangmedikal na gamot” na binanggit sa itaas. Binigyang-diin ng Meta ang kahalagahan ng content na tumatalakay sa mga bagong paggamot na isinasaalang-alag ang tumataas na bilang ng depression at anxiety sa buong mundo, partikular na ang sumusunod na pandemyang COVID-19. Binigyang-diin ng Meta kung gaano kabilis umuusad ang siyentipiko at ayon sa regulasyon na mga tugon sa paggamit ng mga hallucigen, kasama ang ketamine, para gamutin ang depression. Ayon sa pagsusuri noong 2022 sinabi ng Meta na walang nakitang kaso ng overdose o pagkamatay na nagresulta mula sa paggamit ng ketamine para gamutin ang depression sa panggamot na seting sa United States. Para sa Meta, ang content ay “napapabilang nang patas sa kategorya ng content na gusto naming sundan ayon sa aming patakaran.” Batid ng kumpanya, gayunpaman, na “posibleng matukso ng pag-eendorse ng legal na paggamit ng ketamine ang ilan para subukan ang ketamine sa legal na paraan.”
Nagpasya ang Meta na ang paglalarawan ng user sa kanyang experience sa “ketamine na ibinibigay ng doktor” ay hindi nagdulot ng banta sa kanyang kaligtasan o sa kaligtasan ng iba. Dahil doon, nagpasya ang Meta na hindi nilabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Tinanggap ng Meta na ang desisyon nito sa kasong ito ay nasa tensyon sa pangkalahatang pagbabawal ng Pamantayan sa content na nagpo-promote sa paggamit ng mga gamot (pharmaceutical man o hindi pang-medikal para “maging high o mbago ang katayuan ng isip.” Gayunpaman, itinuring nito ang desisyon bilang consistent sa layunin ng Pamantayan. Higit pang ipinaliwanag ng Meta na “ang pagbibigay o pag-promote ng ketamine bilang medikal na ibinibigay bilang gamot ay pinapayagan dahil ito ay alinsunod sa pangkalahatang patakaran ng [the company’s” sa pagpo-promote ng talakayan tungkol sa medikal na paggamot.” Ayon sa Meta, ang desisyon na huwag alisin ang content sa Intagram ay hindi “eksepsyon, pagpapawalang-saysay o kontradiksyon sa patakaran.” Higit pa rito, ito ay desisyon na inaasahan ng kumpanya na “gagawin ng sinumang reviewer,” ito man ay sa pag-assess ng content nang malawakan o sa pag-escalate.
Tinanong ng Board ang Meta ng 22 tanong sa pamamagitan ng sulat. Ang mga tanong na may kaugnayan sa mina-manage na partner status at mga available na channel para sa mga desisyon sa pag-moderate ng apela; ang kataingan ng kolabarasyon sa pagitan ng user at sa klinika ng ketamine; ang tungkulin ng automation sa pag-enforce ng mga nauugnay na content; Ang pag-assess ng Meta sa content at ang kontektso sa kabila ng may kaugnayang mga patakaran sa content; ang “diwa ng patakaran” na allowance; at ang mga patakaran sa Branded Content ng Meta. Sinagot ng Meta ang lahat ng tanong.
7. Mga komento ng publiko
Nakatanggap ang Oversight Board ng limang komento ng publiko na may kaugnayan sa kasong ito. Na-submit ang lahat ng ito mula sa United States at Canada. Tatlong komento ang nakatuon sa pangmedikal na mga benepisyo ng ketamine therapy at ang kahalagahan ng pagpayag sa mga talakayan tungkol dito sa mga platform ng Meta. Binigyang-diin ng dalawa ang mga panganib ng recreational na paggamit ng ketamine.
Nakatanggap ng komento ang Board mula sa National Association of Boards of Pharmacy (NABP), non-profit organization mula sa US na ang mga miyembro ay kinabibilangan ng 50 pharmacy board ng state, pati rin ang mga pharmacy regulator sa District of Columbia, Guam, Puerto Rico, ang Virgin Islands, Bahamas at 10 probinsya sa Canada. Binigyang-diin ng organisasyon na “sa cursory search lang, wala pang 1 minuto,” nalaman nio ang maraming post na nagpi-feature ng “ketamine, na malinaw na minarkahan para sa recreational na paggamit.” Ang NABP ay gumawa ng katulad na punto tungkol sa pangangailangan na tugunan ang hindi malinaw na mga paglabag sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo sa Paghingi ng Board ng Adderall case (PC-11235). Doon na-flag nito ang “mga pangyayari kung saan nanatili sa Facebook ang content na sinusubukang magbenta ng “Adderall at Xanax]. Sa kasong ito, hinimok ng organisasyon ang Meta na “bigyan ng prayoridad ang paggaw ang aksyon sa mga kaso na may malinaw na solusyon sa halip na gamitin ang mga resource sa mga edge case” tulad ng isang ito.
Nakatanggap din ang Board ng komento mula sa provider ng ketamine therapy na Mindbloom (PC-11234) tungkol sa lawak ng krisis sa kalusugan ng isip sa United States. Sinabi sa komento ng Mindbloom ang research sa kawalang bisa ng mga kasalukuyang paggamit para sa depression. Sinabi rin nito na ang kakayahang magbahagi ng impormasyon tungkol sa mga bagong paggamot tulad ng ketamine ay mahalaga dahil maraming tao ang hindi alam na opsyon ang ketamine therapy sa kabila ng makabuluhang na-publish na research.
Para basahin ang mga pampublikong komento na na-submit para sa kasong ito, paki-click dito.
8. Pagsusuri ng Oversight Board
Pinili ng Board ang kasong ito na ni-refer ng Meta bilang pagkakataon na suriin at linawin ang patakaran ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo sa konteksto ng legalisasyon at normalisasyon ng ilang gamot, lalo na para sa mga medikal na paggamit. Pagkatapos ng higit pang pagsusuri, nalaman ng Board na nagdulot din ng mahahalagang isyu ang kaso na kinabibilangan ng “may bayad na partnership” na content na nauugnay sa pag-promote ng mga gamot.
Sinuri ng Board kung dapat bang alisin ang content na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga patakaran sa content ng Meta, na kinabibilangan ng mga patakaran sa Branded Content ng kumpanya, ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram at ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook, bukod sa mga pagpapahalaga at mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta.
8.1 Pagsunod sa mga patakaran sa content ng Meta
I. Mga panuntunan ng content
Nalaman ng Board na ang content sa kasong ito ay lumalabag sa mga patakaran ng Meta sa Branded Content, na naaangkop kung ang content ay bahagi ng isang “may bayad na partnership,”
Nalaman din ng Board na lalabagin ng content na ito ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo, kahit na hindi ito bahagi ng “may bayad na partnership.”
Mga patakaran sa Branded Content
Dahil na-post ang content sa kasong ito bilang bahagi ng “may bayad na partnership,” dapat ginamit ang mga patakaran sa Branded Content. Nababahala ang Board na hindi inilarawan ng Meta ang aspetong ito ng kaso bilang bahagi ng referral o inisyal na mga submission nito. Sa halip, nakatanggap lang ang Board ng imporasyon tungkol sa dimension na ito ng kaso pagkatapos nitong kumuha ng mga detalye sa may bayad na katanigan ng post sa pamamagitan ng mga round ng pagtatanong. Nagpapasalamat ang Board sa pakikibahagi ng Meta sa mga tanong na iyon, at tinatanggap namin ang pagkakataong tugunan ang mina-manage na paggamit ng partner sa Instagram para makibahagi sa may bayad na pag-promote ng mga medikal na paggamot. Gaya ng binanggit sa itaas sa ilalim ng Seksyon 2, ang mga espesyal na hamon na idinudulot ng may bayad na content sa pagpo-promote ng mga gamot ay nakakuha ng atensyon sa parehong mga pangmedikal at legal na grupo. Nagpahayag ang Board ng interes sa mga karagdagang kaso sa mga topic na ito, at hiniling sa Meta na magbahagi ng lahat ng nauugnay na impormasyon tungkol sa mga isinasaalang-alang na kaso para piliin ng Board, kasama ang impormasyon sa mga patakaran sa Branded Content at/o mga business partner kapag nauugnay.
Sinasabi sa mga patakaran ng Meta sa Branded Content na “ang ilang mga produkto, serbisyo o mga brand posibileng hindi ma-promote sa branded na content.” Inililista ng mga patakaran ang “mga gamot at mga produkto na may kaugnayan sa gamot, kasama ang mga ilegal o recreational na gamot” bilang mga ipinagbabawal na produkto. Ang content sa kasong ito ay malinaw na pino-promote ang paggamit ng ketamine. Bagaman ang experience at paggamit na inilalarawan ng user ay mukhang ayon sa batas sa United States, malinaw ang mga patakaran ng Meta na ang nasabing content ay hindi maaaring i-promote sa Instagram sa pamamagitan ng may bayad na partnership. Ang status ng ketamine bilang “pharmaceutical” na gamot o “hindi pangmedikal” na gamot sa kontekstong ito ay hindi nauugnay para sa layunin ng mga patakaran sa Branded Content. Ang pag-alis ng content ay dapat nangyari nang hindi kinailangan ng Meta na mahirapan, sa partikular na kasong ito, sa mga tensyon sa Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo.
Sinasabi ng mga patakaran sa Branded Content na ang ilang kategorya ng content, kasama ang mga nagpo-promote ng “mga parmasya” o “mga inirerestang gamot,” ay kailangang ma-sponsor ng business partner ang content para “mabigyan ng awtorisasyon” ng Meta na i-promote ang kanilang mga serbisyo. Ang carve-out na ito ay naaangkop sa maliit na grupo ng mga hurisdiksyon, kasama ang United States, at mga online na parmasya lang, mga provider ng telehealth at mga manufacturere ng gamot ang posibleng mag-apply para rito. Sa kasong ito, kinumpirma ng Meta na ang business partner na nagso-sponsor sa content ay walang awtorisasyon. Kaya, lumalabag ang post, dahil hindi ito wastong nabigyan ng awtorisasyon nang sumusunod sa mga limitadong eksepsyon sa pangkalahatang pag-han sa pagpo-promote ng “mga parmasya” o “mga inirerestang gamot” sa ilalim ng mga patakaran sa Branded Content.
Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo
Gaya ng tinatanggap ng Meta, may tensyon ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo. Sa isang banda, pinapayagan nito ang pag-promote ng mga pharmaceutcal na gamot. Sa kabilang banda, ipinagbabawal nito ang pag-promote ng mga gamot na ginagamit para “maging high” o mabago ang katayuan ng isip Kapag nagdudulot ng “pagka-high” ang pharmaceutical drug, nagiging magkasalungat ang mga pamantayang ito. Sa kasong ito, kung ihihiwalay ang mga isyu sa paggawa ng content bilang bahagi ng may bayad na partnershp, nag-submit ang Meta na ang value nito na “Boses” kasama ang mababang posibilidad ng pinsala na pumapabor sa paggamot ng kasong ito bilang pinahihintulutang talakayan ng mga pharmaceutical na gamot.
Nalaman ng Board na ang tensyon sa mga pangyayaring ito ay maaayos nang pinakamabuti kung titingnan ang “sinusubaybayang pangmedikal na setting: ayon sa mga internal na alituntunin ng Meta sa mga content reviewer. Tinutukoy ng Pamantayan ng Komunidad ng Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo ang mga pharmaceutical na gamot bilang mga gamot na “kailangan ng reseta o medikal na propesyonal ang magbibigay.” Tinutukoy nito ang “mga hindi pangmedikal na gamot” bilang “mga gamot o substance na hindi ginagamit para sa pangmedikal na layunin o ginagamit para maging high.” Ayon sa mga depinisyong ito, ang pagsubaybay ng medika na propesyon sa paggamit ng gamot, sa pamamagitan man ng pagrereseta nito o pagbibigay nito sa site, ay mahalagang kaibahan sa pagitan ng dalawang uri ng gamot na ito. Para makasiguro, ang paggamit ng disjunctive “o” sa depinisyon ng “hindi pangmeidkal na gamot” ay nangangahulugan na ang anumang substance na maaaring gamitin para “maging high” ay matutukoy bilang “hindi pangmedikal na gamot,” kahit na ito rin ay “pharmaceutical na gamot.” Gayunpaman, nalaman ng Board na ang mga kategorya ng “pharmaceutical” at “hindi pangmedikal” na mga gamot ay nilalayon na maging natatangi sa konsepto, at malalaman ang kaibahan sa pamamagitan ng pagsubaybay ng medikal na propesyon. Ang lohikal na resulta ng pananaw na ito ay maaaring gamitin ang mga gamot para “maging high” na dapat pa ring ituring na “mga pharmaceutical na gamot” kung sinusubaybayan ng medikal na propesyon ang kanilang paggamit.
Dapat ayusin ng Meta ang salungatan sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo sa pamamagitan ng pagbago nito nang alinsunod sa desisyon na ito. Dapat mas payagan ng Pamantayan ang walang bayad na content na umaamin sa paggamit ng mga gamot na gumagawa ng “high,” basta’t ang nasabing mga gamot ay ibinibigay nang sinusubaybayan ng doktor. Dapat ipaliwanag ng Pamantayan na ang medikal na pagsubaybay ay maaaring ipakita ng mga tagasaad tulad ng direktang pagbanggit sa medikal na diyagnosis, pagbanggit sa lisensya ng provider ng serbisyo sa kalusugan, o sa medikal na staff.
Sa paggamit ng pamantayang iyon sa content na ito, nalaman ng Board na dapat alisin ang content. Ito ay magiging consistent sa internal na gabay ng Meta sa mga reviewer, na pinapayagan lang ang content kung saan inaamin ng user ang paggamit o pagpo-promote ng paggamit ng mga pharmaceutical na gamot sa setting na sinusubaybayan ng doktor, at patnubay para tratuhin ang mga gamot na nagbibigay ng “high” o “nabagong katayuan ng isip” bilang hindi pangmedikal na mga gamot. Sa pagsu-submit nito sa Board, sinabi ng Meta na ang user kasong ito ay inilarawan ang kanyang experience sa “ketamine na ibinigay ng medikal na tauhan. Gayunpaman, hindi sumasang-ayon ang Board sa Meta, dahil wala itong nakitang sapat na mga tagasaad sa post para kumpirmahin na ang paggamit ng ketamine sa kasong ito ay nangyari nang sinusubaybayan ng doktor, iyon ay ang gamot ay ibinibigay ng propesyonal sa kalusugan. Bilan partiklar, walang sapat na mga tagasaad sa pos mismot na nakatanggap ang user ng medikal diyangosis para sa depression, o na lisensyadong klinka ang opisina par asa pagbibigay ng ketamine bilang pagamot para sa depression, o ang paggamot ay isinasagawa ng mga medikal na propesonal (walang direktang mga pagbanggit sa “mga doktor, “nars,” o “mga psychiatrist,” “staff” lang). Naniniwala ang Board na magiging mahalaga para sa Meta na ibigay ang karagdagang gabay na ito sa mga content reviewer na nagpapatupad ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo.
II. Enforcement
Ayon sa Meta, ang na-assess ng automation tool ang content at nalamang nilalabag nito ang Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo noong Enero 15, 2023, pagkatapos gawin gn pangatlong user ang assessment nito “[batay] sa mga nakaraang enforcement action sa content na ito.” Sinabi ng Meta na ang may problemang automation sa kasong ito ay classifier ng “Mga Pinaghihigpitan at Kontroladong Produkto”. Sinanay ang mga machine learning classifier para matukoy ang mga paglabag ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Meta.
Ipinaliwanag ng Meta sa Board na ang kanilang mga classifier ng “Mga Pinaghihigpitan at Kontroladong Produkto ay muling sinasanay kada anim na buwan gamit “ang pinakabagong training dataset na isinasaalang-alang ang mga resulta ng apela.” Sa kasong ito, hindi pa muling nasanay ang mga classifier ng Meta sa mga resulta ng apela, na na-assess ang content ng kaso bilang hindi lumalabag. Dahil doon, hindi isinaalang-alang ng mga matagumpay na apela ang desisyon ng automation na alisin ang content, samantala ayon sa Meta, isinaalang-alang ito ng mga nakaraang desisyon sa pag-alis.
Sinabi ng Board nang may alalahanin ang anim na buwang pagkaantala at hinihimok ang Meta na tiyaking isasaalang-alang ng mga automated na proseso nito ang mga matagumpay na apela kaagad sa lalong madaling panahon na maaari habang pinapanatili ang integridad ng mga dataset. Bagaman sa huli gumawa ng desisyon ang automation nang alinsunod sa pagsusuri ng Board sa paggamit ng Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo, ang desisyong iyon ay hindi alinsunod sa sariling interpretasyon ng Meta sa patakaran sa oras na ginawa ang desisyon.
Noong tumutugon sa mga tanong ng Board tungkol sa pagiging naaangkop ng mga patakaran ng Branded Content ng Meta, kinilala ng kumpanya na hindi lahat ng content na may “may bayad na partnership” na label ay sinusuri ayon sa mga patakarang iyon, at sa katunayan ang mga at scale na human moderator ay hindi rin makikita ang label na ito o ma-reroute ang content sa specialized na team na namamahala sa pagpapatupad ng mga patakaran sa Branded Content. Ipinaliwanag ng Meta na ang content ay hindi na-assess sa ilalim ng mga patakaran sa Branded Content noong hindi nasuri at naaprubahan dati ng brand partner ang “may bayad na partnership” na label na naka-attach dito. Hinihimok ng Board ang Meta na tiyaking binibigyan ng mga proseso nito sa pagpapatupad ang automated at ang at scale na mga human moderator para suriin ang content ayon sa lahat ng nauugnay na patakaran, kasama ang mga patakaran ng Meta sa Branded Content kung saan naaangkop.
Ang kasong ito ay kinabibilangan ng kabiguang ipatupad ang mga patakaran sa Branded Content tungkolsa may bayad na content na nagpo-promote ng ketamine. Gayunpaman, kung mas malawakan, sinabai ng Board na ang kasong ito ay mukhang halimbawa ng under-enforcement ng mga patakaran sa gamot ng Meta. Ang kamakailang imbestigasyon ng Wall Street Journal batay sa pagsusuri ng mga ad para sa apat na linggong panahon noong huling bahagi ng 2022 at natukulasan na “mahigit sa 2,100 na mga ad sa Facebook at Instagram na naglarawan ng mga benepisyo ng mga inirerestang gamot nang walang binabanggit na mga panganib, ang nag-promote ng mga gamot para sa mga hindi aprubadong paggamit o nag-feature ng mga testimonya nang hindi sinasabi kung nanggaling ang mga ito sa mga aktor o mga empleyado ng kumpanya.” Ang komentong natanggap ng Board mula sa National Association of Boards of Pharmacy (NABP) ay sinabi rin na ang mga paglabag sa Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo sa platform ng Meta ay posibleng karaniwan. Sa kasong ito, binigyang-diin ng NABP na ang ketamine, “na malinaw na mina-market para sa recreational na paggamit, ay nananatiling malawakang available para ibenta sa Instagram.” Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagsabi ng alalahanin ang NABP. Sa Asking for Adderall na kaso noong 2021, binigyang-diin ng NABP na ang “content na sinusubukang magbenta ng [Adderall at Xanax] ay nanatili sa Facebook.” Panghuli, ang U.S. Drug Enforcement Agency ay sinabi kamakailan na ginagamit ng mga drug cartel ang mga social media platform para ibenta ang kanilang mga produkto. Ang lumilitaw na tema ay dapat mahigpit na suriin ng Meta ang pagpapatupad ng mga patakaran nito tungkol sa pagbebenta o may bayad na pagpo-promote ng mga gamot.
III. Transparency
Sa paghahangad na maunawaan kung branded ang content sa kasong ito, tinanong ng Board ang Meta ng maraming tanong bilang paglilinaw kung paano nito natuklasan ang content na ito ay bahagi ng “may bayad na partnership.” Ipinaliwanag ng Meta na isinasaad ng “may bayad na partnership” na label na “ang post ay branded content kung saan binayaran ng business partner ang creator, sa pamamagitan ng pera o ng ibang may halaga. Dapat i-tag ng mga creator ang nauugnay na brand o business partner kapag nagpo-post ng branded content, ito man ay pagpo-post mula sa creator, business o personal na account.”
Gayunpaman, pagkatapos ng higit pang pagtatanong, nilinaw ng Meta na ang pagkakaroon ng “may bayad na partnership” na label ay hindi isinasaad na inaprubahan talaga ng naka-tag na business partner ang label, dahil maaari silang “magbigay ng ilang creator account-level na mga pahintulot para i-tag ang mga ito sa branded content (inaalis ang pangangailangan na aprubahan ang mga tag para sa bawat post).” Posible itong humantong sa pagkalito para sa mga user. Itinuri ng Meta ang Board sai sang Meta Business Help Center article sa topic na ito, pero ang paghahanap sa article na ito mula sa mga patakaran ng Instagram ay nangangailangan ng maraming hakbang, at ang pagpapalinawag ng kung paano ipinapahiwatig ng kung paano gamitin ang "may bayad na partnership" na label sa Instagram Help Center na inaprubahan ang lahat ng label. Inirerekomenda ng Board na linawin ng Meta ang ibig sabihin ng may partnership na label sa Transparency Center nito, mga Help Center article at iba pang lugar kung saan ipinapaliwanag ang mga patakaran ng Meta sa mga user sa mainaw at nauunawaang salita.
8.2Pagsunod sa mga responsibilidad ng Meta sa mga karapatang pantao
Nalaman ng Board na ang matinding mga paghihigpit ng Meta sa branded content na nagpo-promote ng mga gamot at sa content na sinusubukang bumili, magbenta, makipag-trade, mag-coordinate sa pakikipag-trade ng, pag-donate, pagreregalo o paghingi ng hindi pangmedikal na mga gamot ay naaayon sa mga responsibilidad ng kumpanya sa mga karapatang pantao para “maiwasang magdulot o mag-ambang sa mga epekto sa mga karapatang pantao” at “hangaring iwaasan o pigilan ang hindi magandang mga epekto sa mga karapatang pantao” sa ilalim ng mga UNGFP (Prinsipyo 13). Higit pang mahalaga ito dahil sa panganib na idinudulot tulad ng isang sinusuri na kumakatawan sa mga karapatan sa kalusugan at ang karapatang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa kalusugan. Sa analysis sa ibaba, ina-assess ng Board ang paghihigpit ng speech na ito kaugnay sa responsibilidad ng Meta na protektahan ang kalayaan ng pagpapahayag (ICCPR, Article 19).
Kalayaan sa pagpapahayag (Article 19 ICCPR)
Ang Article 19, talata 2 ng ICCPR ay nagbibigay ng malawak na proteksyon para sa pagpapahayag. Kasama sa karapatang ito ang “kalayaan maghanap, tumanggap at magbahagi ng impormasyon at mga ideya ng lahat ng uri.” Nakalista sa Human Rights Committee, sa Pangkalahatang Komento 34, ang mga partikular na anyo ng pagpapahayag na kasama sa Article 19, at sinabi na ang karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag ay “ maaariring kabilangan ng commercial advertising” (talata 11, naglagay ng pagbibigay-diin). Nalaman ng Board na ang pagiging binabayaran na katangian ng content sa kasong ito ay ginagawa itong katulad sa pag-a-advertise, at dapat igalang ng Meta ang may bayad na content, kasama ang parehong pag-a-advertise at branded content, bilang bahagi ng mga responsibilidad nito sa mga karapatang pantao.
Tinutukoy ng Article 21 ng CRPD ang mga proteksyon sa kalayaan sa pagpapahaygag para sa mga taong may mga kapansanan, na ayon sa Article 1 ay kinabibilangan ng “mga mayroong pangmatagalang pisikal, pangkaisipan, intelektwal o kapansanan sa sensory, na posibleng makahadlang sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang hadlang, sa kanilang ganap at mahusay na paglahok sa lipunan nang katulad sa iba.” Tinitiyak ng CRPD na pwede nilang gamitin ang kanilang kalayaang ito “sa patas na basehan sa iba at sa pamamagitan ng lahat ng paraan ng pakikipag-ugnayan na pipiliin nila” (Article 21, CRPD). Nililinaw ng Committee ng Mga Karapatang Pang-ekonomiya, Social at Pang-kultura na “ang access sa edukasyon at impormasyon na kaugnay sa kalusugan” ay isang mahalagang bahagi ng karapatan sa kalusugan na nakasaad sa Article 12 ng ICESCR (General Komento No. 14, talata. 11). Partikular na mahalaga ito sa konteksto ng dumaraming bilang ng depression at iba pang kondisyon sa kalusugan ng isip sa buong mundo. Gaya ng sinabi ng Board sa mga nakaraang desisyon, dapat igalang ng mga social media company ang kalayaan sa pagpapahayag tungkol sa mga pharmaceutical at hindi pangmedikal na mga gamot (tingnan ang Sri Lanka Pharmaceuticals; Asking for Adderall ®; Ayahuasca Brew).
Kung saan ang mga paghihigpit sa pagpapahayag ay ipinapataw ng estado, kailangan nilang matugunan ang mga kinakailangan ng legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at proporsyonalidad (Article 19, talata 3, ICCPR). Ang mga kinakailangang ito ay kadalasang tinatawag bilang “three-part test,” at naaangkop rin sa mga paghihigpit sa mga commercial speech o pag-a-advertise. Ginagamit ng Board ang framework na ito para bigyang-kahulugan ang mga boluntaryong commitment sa mga karapatang pantao ng Meta, na pareho kaugnay sa indibiduwal na desisyon sa content na sinusuri at kaugnay sa mas malawak na pamamaraan ng Meta sa pamamahala ng content. Gaya nang sinabi ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na bagaman “walang mga obligasyon ng Mga Gobyerno ang mga kumpanya, ang kanilang epekto ay tila hinihiling sa kanilang masuri ang parehong uri ng mga tanong tungkol sa pagprotekta ng karapatan ng kanilang mga user sa kalayan sa pagpapahayag” ( A/74/486, talata 41).
I. Legalidad (pagiging malinaw at pagiging naa-access ng mga panuntunan)
Ang prinsipyo ng legalidad sa ilalim ng internsyonal na batas sa mga karapatang pantao ay nangangailangan ng mga panuntunan na naglilimita sa pagpapahayag para maging malinaw at ma-access ng publiko (Pangkalahatang Komento BIlang 34, talata 25). Ang mga panuntunan na pinaghihigpitan ang pagpapahayag ay “posibleng hindi ibigay ang walang paghihigpit na discretion para sa paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag sa mga namamahala sa pagpapatupad ng [mga ito]” at dapat “magbigay ng sapat na gabay sa mga namamahala ng pagpapatupad ng mga ito para mapahintulutan silang matiyak kung anong mga uri ng pagpapahayag ang pinaghihigpitan ang tama at kung ano ang hindi " ( Ibid). Ginamit sa mga panuntunan na pinamamahalaan ang online speech, sinabi ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na dapat malinaw at partikular ang mga ito ( A/HRC/38/35, talata 46). Ang mga taong gumagamit ng mga platform ng Meta ay dapat ma-access at maunawaan ang mga panuntunan, at dapat magkaroon ng malinaw na gabay ang mga content reviewer tungkol sa pagpapatupad ng mga ito.
Mga patakaran sa Branded Content
Nalaman ng Board na ang mga patakaran ng Meta sa Branded Content ay sapat na malinaw at naa-access ng mga user na gustong lumahok sa “may bayad na mga partnership,” na nagpapahintulot sa kanilang maunawaan ang mga kondisyon na pinahihintulutan ito. Malinaw sa Board na ang pagbabawal sa branded content para sa “mga produktong gamot at may kaugnayan sa gamot” ay dapat may kasamang mga serbisyo kung saan ibinibigay ang mga gamot. Dahil sa paglaganap ng paggamot gamit ang ketamine para sa depression, matutulungan ang paglilinaw sa pamamagitan ng pagtukoy na ang mga paggamot na gumagamit ng gamot at mga therapy ay ipinagbabawal sa “may bayad na parntership” na content.
Nililinaw din ng patakaran na ang mga inirerestang gamot at mga parmasya ay maaaring bahagi ng may bayad na partnership na content lang kung “awtorisado ang business partner na i-promote ang kanilang mga serbisyo.” Maliit at malinaw ang listing, bagaman maaaring maipaliwanag nang mas mabuti ang pangkalahatang panuntunan at ang malinaw na eksepsyon na ito. Sinabi ng Board na dalawang bersyon ng mga patakaran ng Branded Content ang makikita sa online, isa sa “ Business Help Center" ng Meta na mukhang naaangkop sa parehong Facebook at Instagram (naka-link mla sa Transparency Center listing ng mga patakaran sa content), at ang pangalawa sa Help page ng Instagram, na mukhang naaangkop sa Instagram. Bagaman ang mga panuntunang ito ay mukhang consistent, makakatulong nang mas mabuti ang pag-alis sa duplication na ito para mas matulungan ang pagbibigay ng linaw.
Lubhang nababahala ang Board na ang mga at scale na content reviewer, kapag ina-assess ang “may bayad na partnership” na content, ay hindi nakikita ng bahagi ito ng “may bayad na partnership.” Dahil dito, hindi malalaman ng mga reviewer kung kailangan ng pag-assess ng mga patakaran sa Branded Content ng bahagi ng content, bukod pa sa Mga Pamantayan ng Komunidad. Dahil sa pamamaraang ito, napakalayong magkaroon ng posibilidad na hindi maipatupad nang mabuti ang mga patakaran sa Branded Content ng Meta. Ang naranasang maraming buwan na saga ng content creator sa kasong ito ay maaaring maiwasan kung nasuri nang maayos ang content nang ayon sa mga patakaran sa Branded Content noong unang ni-report noong huling bahagi ng Disyembre 2022. Ang lahat ng branded content sa konteksto ng pagpo-promote ng mga gamot ay dapat proactive na ma-assess bago ang o nang malapit sa kasundo na pag-post.
Patakaran sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo
Nalaman ng Board na ang mga depinsiyon ng “hindi pangmedikal na mga gamot” at “mga pharmaceutical na gamot” na pinagtibay ng patakaran sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo ay hindi natutugunan ang kinakailangan ayon sa batas. Gaya ng ibinalangkas sa itaas, mukhang magkasalungat ang dalawang panuntunan kapag ginamit sa paggamit ng mga inireresetang gaot na sinusubaybayan ng doktor kung saan ang mga gamot na iyon ay maaaring gumawa ng “high” o “nabagong katayuan ng isip.” Ang mga panuntunan sa “mga pharmaceutical na gamot” ay mukhang pinahihintulutan ang nasabing content, kung saan ang mga panuntunan sa “hindi pangmedikal na mga gamot” ay mukhang ipinagbabawal ang parehong content.
Nalaman ng Board na hindi malinaw ang mga panuntunan at kailangan ng mas mabuting gabay ng mga reviewer. Pangunahing mahalaga ang malinaw na mga panuntunan para sa mga taong may limitasyon sa pagsasalita, pero mahalaga rin ang mga ito para sa mga dapat magpatupad ng mga panuntunan. Ang mga reviewer na dapat mabilis na makapagdesisyon, ay dapat bigyan ng mga panuntunan na magagamit nila nang may kumpiyansa.
Lubha ring nababahala ang Board tungkol sa posibilidad ng hindi consistent na pagpapatupad ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo, na karaniwang ipinagbabawal ang “pagsubok na bumili, magbenta o makipag-trade” ng hindi pangmedikal o pharmaceutical na mga gamot. Habang binibigyang-din ng Board ang kasong Asking for Adderall, kung hahayaan sa online ang lumalabag na content “ang hindi consistent na pagpapatupad ay posibleng magresulta sa pagkalito kung ano ang dapat payagan sa Facebook.”
II. Lehitimong layunin
Sa ilalim ng Article 19, talata 3 ng ICCPR, posibleng paghigpitan ang pagsasalita para sa tinukoy at limitadong listahan ng mga dahilan. Sa kasong ito, nalaman ng Board na ang parehong mga patakaran sa Branded Conent at ang policy line ng Pamantayan ng Komunidad Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo sa pag-promote ng hindi pangmedikal na mga gamot at sa pagsubok an bumili, magbenta, o makipag-trade ng hindi pangmedikal at pharmaceutical na mga gamot ay ibinibigay ang lehitimong layunin ng pagprotekta sa kalusugan ng publiko. Pinoprotektahan din ng mga ito ang mga karapatan ng iba, kasama ang karapatan sa kalusugan at ang karapatan sa impormasyon tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa kalusugan (tingnana ng kasong Sri Lanka pharmaceuticals).
III. Pagiging kinakailangan at proporsyonalidad
Isinasaad sa prinsipyo ng pagiging kinakailangan at proporsyonalidad na ang anumang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay “dapat naaangkop para makamit ang proteksyon nito; ang mga ito ay hindi dapat mapanghimasok na intstrumento sa mga posibleng makamit ang kanilang tungkulin na magbigay ng proteksyon; [at] dapat maging proporsyon ang mga ito sa interes na poprotektahan” ( Pangkalahatang Komento Bilang 34 , talata 34).
Gaya ng ipinaliwanag sa Seksyon 2 sa itaas, tumaas sa buong mundo ang pagkakaroon ng depression. Bilang bahagyang pagtugon, ang paggamit ng ketamine para gamutin ang depression ay dumarami rin. Bagaman promising ito, nagsisimula pa lang ang mga paggamot na ito. Dagdag pa rito, ang pang-aabuso ng ketamine para sa recreation na mga layunin ay mukhang lumalakas. Sa kontekstong ito, ang pag-alis ng content ay kinakailangan at proporsyon sa paglilimita sa pagpapahayag para maprotektahan ang kalusugan ng publiko at karapatan ng mga tao na magkaroon ng kalusugan at impormasyon tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa kalusugan.
Mga patakaran sa Branded Content
Ayon sa Board, ang etikal na pamantayan ng WHO para sa panggamot na promotion ay nagbibigay ng linaw. Sinasabi sa mga criteria na ito na para “labanan ang pagkagumon at pag-asa sa gamot,” ang mga gamot (partikular ang narkotiko at mga pyschotropic na gamot) “ay hindi dapat i-advertise sa pangkalahatang publiko,” (talata 14). Bagaman nauna ang mga ito sa social media nang ilang dekada, mukhang mas makabuluhan ngayon ang mga criteria na ito. Tinulungan ng karagdagang konteksto mula sa United States ang Board na pag-isipan ang pangangailangan at proporsyonalidad ng pag-ban ng mga patakaran sa Branded Content sa pag-promote ng mga gamot. Ayon sa Wall Street Journal report, ang dalawang kumpanya ng telehealth na ginagamit para malawakang mag-advertise sa mga platform ng Meta ay parehong nahaharap sa mga imbestigasyon ng U.S. Department of Justice “pagkatapos ma-report ng Journal na na-pressure ang ilan sa mga clinician para magreseta ng mga stimulant,” at “sinabi ng ilang pasyente at empleyado na nag-ambag ang kanilang mga kasanayan sa marketing sa pang-aabuso ng mga kontroladong substance.”
Kaya, nalaman ng Board na ang paghihigpit sa “may bayad na partnership” na promotion ng ketamine therapy para matugunan ang panganib ng pag-proote ng recreational na paggamit ng ketamine sa mga user ng Facebook at Instagram ay kinakailangan. May bayad na partnership na content na kinabibilangan ng impormasyon sa kalusugan, lalo na kung nauugnay ito sa mga gamot na madaling mabuso, ay may potensyal na sirain ang karapatan ng user sa acess sa impormasyon sa kalusugan at sa kalusugan. Mas tumitindi ang mga panganib na ito kapag, sa social media, ang mga nang-iimpluwensiya ay aalukin ng malaking mga insentibo para bigyan ang mga kumpanay ng access sa malawak na audience na posibleng mahina sa mga sitwasyon sa kalusugan. Kung saan tinatalakay ng may bayad na promotion ang alinman sa kinakailangang medikal na paggamot o hindi legal na creational na paggamit, may responsibilidad ang Meta na malaman ang potensyal ng platform nito sa pang-aabuso. Sa pananaw ng Board, ang komersyal na salita sa pagpo-promote ng partikular na gamot o serbisyo ay dapat malaman ang kaibahan sa hindi pangkomersyal na salita. Ang mga paghihigpit na posibleng ituring na hindi proporsyon para sa hindi baayd na pagtalakay ng content na “pharmaceutical” at “hindii pangmedikal” na mga gamot ay maaaring proporsyon kapag ginamit sa may bayad na content na nagpo-promote ng mga parehong produkto o serbisyo.
Isinaalang-alang ng Board kung magiging mas proporsyon ba na limitahan ang ganitong uri ng may bayad na content sa pamamagitan ng mga pamamaraan na hindi masyadong nanghihimasok, tulad ng pag-restrict sa pagtingin sa mga user na nasa mataas sa partikular na edad, gaya ng ginagawa ang Meta sa alak at tabako (mga substance na nakakabago sa mga katayuan ng isip ng mga indibiduwal). Gayunpaman, ang mga panganib na nauugnay sa ganitong uri ng content ay hindi pinaghihigpitan sa mga batang audience. Posible ring maging mahina ang mga nasa hustong gulang sa mga testimonya ng “patient influencer,” partikular noong nag-glamorize sila sa ilang mga medikal na paggamot na maaaring hindi naaangkop sa lahat ng tao, at kakulangan ng naaangkop na mga babalang pangkaligtasan o bawasan ang mga panganib. Sa pagpapanatili ng criteria ng etika ng WHO, nalaman ng Board na ang matinding mga paghihigpit ng Meta sa “may bayad na mga partnership” para sa content sa kasong ito ay naaangkop.
Bagaman nalaman ng Board na hindi dapat payagan ang post bilang “may bayad na partnership,” mayroon din itong mga alalahanin tungkol sa pagturing sa mga nasabing partnership sa maliit na set ng mga pangyayari kung saan maaaring mag-promote ang conten ng mga pharmaceutical o mga inireresetang gamot. Bilang partikular, sinabi ng Board na ang lahat ng kailangang gawin ng “may bayad na partnership” sa ganitong konteksto para ay magsabi ng pang-ekonomikong kaugnayan. Maaaring gamitin ng nag-iimpluwensiya ang parehong label sa isang post na nagpo-promote ng bagong restaurant gaya ng gagawin nila sa bago o sinusubukang medikal na paggamot. Sa mas nahuling pangyayari, nababahala ang Board tungkol sa kakulangan ng pagiging kitang-ktia ng mga label na ito, at ang kakulangan ng anumang iniakmang impormasyon para bigyang-diin ang mga panganib o ituro sa mga karagdagang resource na may kaugnayan sa mga panganib na iyon.
Sinabi ng Board na ang pamamaraan sa “may bayad na partnership” na mga label ay salungat mabuti sa pamamaraan ng Meta na “sabihin ang mga paggamot” sa ilang mga kategorya ng maling impormasyon sa kalusugan. Ang mga label na iyon ay nauugnay sa mga karagdagang resource mula sa mga fact-checker o mga awtoridad ng kalusugan ng publiko, halimbawa (tingnan ang Policy Advisory Opinion sa Maling Impormasyon tungkol sa COVID-19). Higit pang sinabi ng Board na ang pagpayag sa mga user na i-like at mag-comment sa mga nasabing post ay maaaring maglagay sa kanila sa panganib na ma-target sa mga platform ng Meta ng mga taong labag sa batas na nagma-market ng ketamine o iba pang substance. Ang ilan sa mga indibiduwal na ito ay posibleng namumuhay nang may depression at/o may limitadong access sa mga mabisang paggamot. Dahil doon, posibleng partikular silang mahina sa pananamantalang ito.
Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo
Nalaman ng Board na ang pagbabasa nito ng Pamantayan ng Komunidad ay naglalagay ng paghihigpit sa salita na kinakailangan at proporsyonal sa layunin nito na iwasan ang pang-aabuso ng gamot. Tinutukoy ng Board ang kaibahan ng kasong ito mula sa nakaraan nitong Asking for Adderall na kaso, kung saan walang nakitang direkta o agarang koneksyon ang Board sa pagitan ng content at ang posibilidad ng pinsala. Sa huli, gusto lang ng user na makahingi ng payo tungkol sa kung paano makikipag-usa sa kanyang doktor tungkol sa isang paggamot, at walang intensyong magbenta, labag sa batas na kumuha o mag-promote ng Adderall. Salungat nito, sa kasong ito, aktibong gustong mag-promote ang user ng paggamit ng ketamine nang hindi binibigyang-diin ang pangangailangan ng medikal na pagsubaybay, na gumagawa ng malaking mga panganib sa kaligtasan ng user, lalo na kapag pinagsama-sama sa mga katulad na bahagi ng content nang malawakan. Dapat payagan ng Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Pinaghihigpitang Mga Produkto at Serbisyo ang content na naglalarawan sa paggamit ng ketamine, pero kung ang paggamit na iyon ay nangyayari lang sa ilalim ng pagsubaybay ng doktor. Hindi tulad ng Meta, hindi nakahanap ang Board ng sapat na mga tagasaad sa nilalaman ng post sa kasong ito para makumpirma na ang paggamit ng ketamin ay nangyari nang sinusubaybayan ng doktor.
Isinaalang-alang ng Board kung dapat bang maging mas nagpapahintulot ang paghihigpit na iyon, na pinapayagan ang content na naglalarwan sa paggamit sa ilalim ng “paggamot” na pagsubaybay. Tinandaan nito ang pagsusuri na binanggit ng Meta reporting na walang kaso ng overdose o kamatayan na nagresulta sa paggamit ng ketamine bilang antidepressant sa “gumagamot na setting” sa United States. Tinanggihan ng Board ang mas maraming nagpapahintulot na posisyon, gayunpaman, para sa maraming dahilan. Una, naobserbahan nito na mayroong ebidensya na ang labag sa batas na paggamit ng ketamine ay dumarami, na ginagawang hindi maaasan sa pag-iisip tungkol sa kung paano lalabana ang pang-aabuso ang status quo noong 2022. Pangalawa, sinabi nito na ang elasticity ng salitang “therapeutic” ay hindi dapat gawing mahirap para sa mga reviewer na maipatupad ang patakaran. Panghuli, pinapaboran ng Board ang pag-asa sa medikal na propresyon na ipinahiwatig sa depinisyon ng Meta sa “pharmaceutical” at “hindi pangmedikal” na mga gamot, gaya ng ipinaliwanag sa Seksyon 8.1 sa itaas.
Isinaalang-alang din ng Board kung ang sumalungat ang “susubaybayan ng doktor” na paghihigpit ang nakaraang desisyon ng Board sa kasong Ayahuasca brew. Sa desisyong iyon, inirekomenda ng Board sa Meta na baguhin ang mga panuntunan nito para payagan ang mga user na talakayin ang tradisyonal o panrelihiyong mga paggamit ng hindi pangmedikal na mga gamot sa positibong paraan. Hindi hiniling ng Board na ang paggamit ng gamot ay kailangang mangyari nang sinusubaybayan ng doktor.
Nalaman namin na ang “sinusubaybayan ng doktor” na paghihigpit ay consistent sa pagsusuri sa kasong Ayahuasca breew. Ang karaniwan at panrelihiyong paggamit ng gamot ay karaniwang mayroong kasaysayan na nag-ooperate bilang sarili nitong proteksyon laban sa pinsala. Ayon sa mga eksperto “tungkol sa karaniwang mga ethnobotanicals, ipinapakita ang kaligtasan at husay sa pamamagitan ng mahabang kasaysayan ng paggamit.” Higit pa rito, habang ipinahiwatig ng Board sa kasong Ayahuasca brew, ang mga ritwal na ito ay mayroong dignitary aspect dahil sa kanilang kaugnayan sa ispirituwal at karaniwang pagkakakilanlan ng ilang komunidad.
9. Desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang may bayad na partnership na content, na mangangailangan sa pag-alis ng post.
10. Mga Rekomendasyon
Patakaran sa content
1. Dapat linawin ng Meta ang kahulugan ng “may bayad na partnership” na mga label sa Transparency Center nito, at sa Help Center ng Instagram. Kasama rito ang pagpapaliwanag sa tungkuling ng mga business partner sa pag-apruba ng “may bayad na partnership” na mga label. Ituturing ng Board na ipinatupad ang rekomendasyong ito kapag na-update ang mga patakaran sa Branded Content ng Meta para maipakita ang mga paglilinaw na ito.
2. Dapat linawin ng Meta sa salita sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo na ang content na “umaamin sa paggamit o pagpo-promote ng paggamit ng mga pharmaceutical drug” ay pinapayagan kahit na ang paggamit na iyon ay posibleng magreuslta sa “pagiging high” sa konteksto ng “setting na sinusubaybayan ng doktor.” Dapat ding tukuyin ng Meta kung ano ang “setting na sinusubaybayan ng doktor” at ipaliwang sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo na ang medikal na pagsubaybay ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng mga palatandaan tulad ng direktang pag-mention ng medikal na diyagnosis, pagbanggit sa lisensya ng provider ng serbisyo sa kalusugan o sa medikal na staff. Ituturing ng Board na ipinatupad ang rekomendasyong ito kapag na-update ang Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo para maipakita ang mga paglilinaw na ito.
Pagpapatupad
3. Dapat pahusayin ng Meta ang proseso ng pagsususri nito para matiyak na masusuri nang maayos ang content na ginawa bilang baagi ng “may bayad na partnership” nang ayon sa lahat ng naaangkop na mga patakaran (iyon ay, Mga Pamantayan ng Komunidad at mga patakaran sa Branded Content), dahil hindi kasalukuyang sinusuri ng Meta ang lahat ng branded content sa ilalim ng mga patakaran sa Branded Content. Bilang partikular, dapat magtatag ang Meta ng daan para ma-route ng at scale na mga reviewer ang content na posibleng lumalabag sa mga patakaran sa Branded Content sa mga specialized team ng Meta o mga automated system na magagawa at sinanay para gamitin ang mga patakaran ng Meta sa Branded Content kapag ipinahiwatig. Ituturing ng Board na ipinatupad ito kapag nagbahagi ang Meta ng pinahusay na routing logic, ipinapakita kung paano nito pinapayagan ang lahat ng nauugnay na platform/mga patakaran sa content na gamitin kapag may mataas na posibilidad ng potensyal na paglabag ng alinman sa binanggit na mga patakaran.
4. Dapat i-audit ng Meta ang pagpapatupad ng mga policy line mula sa mga patakaran ito sa Branded Content (“ipinagbabawal namin ang pag-promote ng sumusunod [...] 4. Mga gamot at mga produktong may kaugnayan sa gamot, kasama ang ilegal o recreational na mga gamot”) at Pamantayan ng Komunidad sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo (“huwag mag-post n content na sinusubukang bumili, magbenta, makipag-trade, mag-coordinate ng pakikipag-trade ng, magdonate, magregalo o humingi ng mga hindi pangmedikal na gamot”). Nalaman ng Board na mayroong malinaw at nagbibigay ng depensa na mga pamamaraan ang Meta na nagpapatupad ng matitinding paghihigpit sa may bayad na pag-promote ng mga gamot (sa ilalim ng mga patakaran nito sa Branded Content at pagsubok na bumili, magbemta o makipag-trade ng mga gamot (sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo). Gayunpaman, nalaman ng Board ang ilang indikasyon na posibleng hindi consistent na naipatupad ang mga patakaran na ito. Para linawin kung ganoon nga ang nangyari, dapat makibahagi ang Meta sa audit ng kung paano ipinapatupad ang mga patakaran nito sa Branded Content at Pamantayan nito sa Mga Pinaghihigpitang Produkto at Serbisyo kaugnay sa pharmaceutial at hindi pangmedikal na mga gamot. Dapat nitong isara ang mga puwang sa pagpapatupad. Ituturing ng Board na ipinatupad ito kapag nagbahagi ang Meta ng pamamaraan at mga resulta ng audit na ito at sasabihin kung paano nito sasarhan ang anumang puwang sa pagpapatupad na sinabi sa audit na iyon.
*Note sa pamamaraan:
Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.
Para sa desisyon sa kasong ito, gumawa ng independent research sa ngalan ng Board. Ang Board ay tinulungan ng Duco Advisors, isang advisory firm na nakatuon sa pagsasama-sama ng geopolitis, tiwala, kaligtasan, at teknolohiya. Nagbigay din ng pagsusuri ang Memetica, isang organisasyon na nakikibahagi sa open-source research sa mga social media trend.
العودة إلى قرارات الحالة والآراء الاستشارية المتعلقة بالسياسة