सही ठहराया
Mga Komento ng Pulitiko sa Mga Pagbabago sa Demograpiko
12 मार्च 2024
Kinatigan ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na hindi alisin ang video clip kung saan ang pulitikong si Éric Zemmour ay tinatalakay ang mga pagbabago sa demograpiko sa Europe at Africa.
Buod
Kinakatigan ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na hindi alisin ang video clip kung saan ang pulitikong si Éric Zemmour ay tinatalakay ang mga pagbabago sa demograpiko sa Europe at Africa. Hindi nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech dahil walang direktang pang-aatake sa mga tao batay sa protektadong katangian tulad ng lahi, etnisidad, o bansang pinagmulan. Nakita ng karamihan sa Board na ang hindi pag-alis ng content ay alinsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta. Gayunpaman, inirerekomenda ng Board na dapat linawin sa publiko ng Meta kung paano tinutukoy ang mga talakayan kaugnay sa imigrasyon mula sa mapaminsalang speech, kasama ang mga mapoot na conspiracy theory, na pinupuntirya ang mga tao batay sa kanilang migratory status.
Tungkol sa Kaso
Noong Hulyo 2023, ang isang video clip kung saan ang French na pulitikong si Éric Zemmour ay tinatalakay ang mga pagbabago sa demograpiko sa Europe at Africa ay na-post sa kanyang official na Facebook page ng isang user na administrator ng page. Ang clip na ito ay bahagi ng mas mahabang video interview sa pulitiko. Sa video, sinasabi ni Zemmour: “Simula sa pagsisimula ng ika- 20 siglo, nagkaroon ng pagdami populasyon sa Africa.” Patuloy niyang sinasabi na habang ang populasyon ng European ay nanatiling halos pareho ang populasyon ng 400 milyun tao, tumaas ang populasyon ng African sa 1.5 bilyong tao, “kaya nagbago na ang balanse ng kapangyarihan.” Ang caption ng post, sa French, ay sinasabi na noong 1900s, “mayroong apat na European para sa isang African, sinakop ng [Europe] ang Africa,” at ngayon, “mayroon nang apat na African para sa isang European at sinasakop ng Africa ang Europe.” Ang Facebook page ni Zemmour ay mayroong humigit-kumulang na 300,000 follower habang ang post na ito ay na-view ng humigit-kumulang 40,000 beses simula Enero 2024.
Si Zemmour ay naging paksa ng maraming legal na paglilitis, na may mahigit sa isang paghatol sa France dahil sa panghihimok ng galit sa lahi at nagkokomento na iniinsulto ang lahi tungkol sa mga taong Muslim, African at Black. Tumakbo siya para sa pagkapresidente noong 2022 pero hindi umusad sa unang round. Ang pinakamahalaga sa kanyang electoral campaigning ay ang Great Replacement Theory, na iginigiit ang mga populasyon ng European ay sadyang pinalitan ayon sa etiniko at kultura sa pamamagitan ng migration at ang paglaki ng mga minority community. Nabanggit ng mga linguistic expert na ang teorya at salitang nauugnay dito ay “nanghihimok ng racism, galit at karahasan na pinupuntirya ang mga immigrant, mga non-white European at pinupuntirya ang mga Muslim sa partikular.” Ang video sa post ay hindi partikular na binabanggit ang theory.
Ni-report ng dalawang user ang content dahil sa paglabag ng patakaran sa Hate Speech ng Meta ngunit dahil ang mga report ay hindi inuna para sa pagsusuri sa 48 oras, parehong awtomatikong isinara ang mga ito. Inuuna ang mga report ng mga automated system ng Meta ayon sa tindi ng predicted na paglabag, ang pagiging viral ng content (bilang ng view) at posibilidad ng paglabag. Umapela sa Meta ang isa sa mga user, na nagresulta sa isa sa mga human reviewer ng kumpanya na nagdesisyon na hindi nilabag ng content ang mga rule ng Meta. Umapela naman ang user sa Board.
Mga Mahalagang Nalaman
Napagpasyahan ng karamihan ng Board na hindi nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ng Meta. Ang video clip ay mayroong halimbawa ng protektadong (kahit na controversial) pagpapahayag ng opinyon sa immigration at walang anumang panawagan para sa karahasan, o hindi rin nito pinupuntirya ang panghahamak o may galit na salita sa mahihinang grupo Habang inusig si Zemmour dahil sa paggamit ng mapoot na salita noong nakaraan, at ang mga tema sa video na ito ay katulad sa Great Replacement Theory, ang mga impormasyon na ito ay hindi binibigyan-katwiran ang pag-alis ng post na hindi nilalabag ang mga pamantayan ng Meta.
Dahil nagkaroon ng paglabag, isasama ng post ang “direktang pang-aatake,” sa partikular ang pananawagan para sa “pagbubukod o paghihiwalay” ng grupong “protektadong katangian.” Dahil ang mga comment ni Zemmour ay walang anumang direktang pang-aatake, at wala sa alinman na malinaw na panawagan na ibukod ang anumang grupo mula sa Europe o anumang pahayag tungkol sa katumbas sa mapaminsalang stereotype ng mga African, slur o anumang iba pang direktang pang-aatake, hindi nilalabag ng mga ito ang mga rule sa Hate Speech ng Meta. Nililinaw din ng paliwanag ng patakaran na pinapayagan ng Meta ang “komentaryo at pagpuna ng mga patakaran sa immigration,” bagaman kung ano ang hindi ibinabahagi sa publiko ay pinapayagan ng kumpanya ang mga panawagan para sa pagbubukod kapag tinatalakay ang mga patakaran ng immigration.
Gayunpaman, nakikita ng Board na hindi itinuturing ng Meta ang mga African na grupo ng protektadong katangian, dahil ang impormasyon na ang bansang pinagmulan, lahi at relihiyon ay parehong protektado sa ilalim ng mga patakaran ng Meta at international na batas sa mga karapatang pantao. Binabanggit ang mga African sa buon content at, sa video na ito, nagsisilbing bilang proxy para sa mga hindi white African.
Itinuring din ng Board ang kaugnayan ng patakaran sa Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal sa kasong ito. Gayunpaman, nakita ng karamihan na hindi nilalabag ng post ang patakarang ito dahil walang sapat na mga elemento para suriin ito bilang bahagi ng mas malawak na Violence-Inducing Conspiracy Network. Tinutukoy ng Meta ang mga network na ito bilang mga non-state actor na ibinabahagi ang parehong mission statement, nagpo-promote ng mga walang basehan na teorya na sinasabi na ang mga lihim na plot ng mga makapangyarihang actor ay sa likod ng mga problemang pampulitika at panlipunan, at direktang nauugnay sa isang pattern ng offline na pinsala.
Nakita ng minority ng mga Board Member na ang pamamaraan ng Meta sa content na nagkakalat ng mapinsalang mga conspiracy theory ay hindi alinsunod sa mga layunin ng mga patakaran na idinisenyo para mapigilan ang environment ng hindi pagsasama na naaapektuhan ang mga minority, sa online at offline. Sa ilalim ng mga patakarang ito, ang content na kabilang sa ilang iba pang mga conspiracy narrative ay mino-moderate para protektahan ang mga nalalagay sa panganib na mga minority group. Habang naniniwala ang mga Board Member na ito na ang pagpuna ng mga isyu tulad ng immigration ay dapat payagan, ito ay tama dahil ang talakayan na batay sa ebidensya sa paksang ito ay masyadong may kaugnayan na ang pagkakalat ng mga nasabing conspiracy theory, tulad ng Great Replacement Theory, ay maaaring mapaminsala Hindi mga indibiduwal na piraso ng content ito ngunit ang pinagsamang mga epekto ng nasabing content na naibahagi sa malawakan at mabilis na nagdudulot pinakamalaking hamon sa mga kumpanya ng social media. Kaya, kailangang i-reformulate ng Meta ang mga patakaran nito para ang mga serbisyon nito ay hindi magamit nang mali ng mga nagpo-promote ng mga conspiracy theory na nagdudulot ng online at offline na pinsala.
Nagsagawa ang Meta ng research sa policy line na maaaring tugunan ang mga mapoot na conspiracy theory ngunit nagdesisyon ang kumpanya na magreresulta ito sa huli ng pag-alis ng masyadong maraming political speech. Nababahala ang Board sa kakulangan ng impormasyon na ibinahagi ng Meta sa prosesong ito.
Ang Desisyon ng Oversight Board
Kinatigan ng Oversight Board ang desisyon ng Meta hindi alisin ang post.
Inirerekomenda ng Board sa Meta na:
- Magbigay ng mas maraming detalye sa salita ng Pamantayan ng Komunidad sa HateSpeech nito sa kung paano natutukoy ang mga talakayan kaugnay sa immigration mula sa mapaminsalang speech na pinupuntirya ang mga tao batay sa kanilang migratory status. Kasama rito ang pagpapaliwanag kung paano pinangangasiwaan ng kumpanya ang content na nagkakalat ng mga mapoot na conspiracy theory, para maunawaan ng mga user kung paano pinoprotektahan na political speech sa immigration habang tintutugunan ang mga posibleng offline na pinsala ng mga theory na ito.
* Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng mga kaso at hindi magiging batayan sa susunod na mga desisyon.
Buong Desisyon sa Kaso
1.Buod ng Desisyon
Kinakatigan ng Oversight Board ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang post sa official Facebook page ng French politician na si Éric Zemmour na naglalaman ng video ni Mr. Zemmour na ini-interview, kung saan tinatalakay niya ang mga pagbabago sa demograpiko sa Europe at Africa. Nakita ng Board na hindi nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ng Meta dahil hindi direktang nitong inaatake ang mga tao sa batayan ng mga protektadong katangian, kasama ang lahi, etnisidad at pinagmula ng bansa. Nakita ng karamihan ng Board ang desisyon ng Meta na panatilihin ang content sa Facebook ay alinsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta. Nakita ng minority ng mga Board Member na ang mga patakaran ng Meta ay hindi sapat na natutugunan ang mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta para tugunan ang malaking banta na nagdulot na mapaminsala at mga nagbubukod na mga conspiracy theory tulad ng Great Replacement Theory. Inirerekomenda ng Board na linawin sa public ng Meta kung paano nito pinangangasiwaan ang content na nagkakalat na mga mapoot na conspiracy theory dahil ang pangangailangan na protektahan ang speech tungkol sa imigrasyon habang tinutugunan ang mga posibleng offline na pinsala ng nasabing mga mapaminsalang conspiracy theory.
2. Paglalarawan at Background ng Kaso
Noong Hulyo 7, 2023, nag-post ang isang user ng video sa official, na-verify na Facebook page ng French politician na si Éric Zemmour. Sa video, na 50 segundong clip ng mas mahabang interview na isinagawa sa French, tinatalakay ni Zemmour ang mga pagbabago sa demograpiko sa Europe at Africa. Ang user na nag-post ng video ay isang adminsitrator ng page na mayroong halos 300,000 follower. Kandidato si Zemmour sa 2022 French presidential election at nanalo ng humigit-kumulang 7% ng mga boto sa unang round, pero hindi na nag-advance pa. Bago tumakbo para sa posisyon, si Zemmour ay regular na columnist sa Le Figaro at iba pang pahayagan, pati rin isang outspoken TV commentator na sikat dahil sa kanyang mga provocation sa Islam, immigration at mga babae. Gaya ng ipinaliwanag sa mas detalyado sa ibaba, kasama siya sa maraming legal na paglilitis at nahatulan sa ilan sa mga ito dahil sa mga komentong ito. Bagama hindi itinuring ng Meta ang user na nag-post ng video na pampublikong personalidad, hindi itinuring isang pampublikong personalidad si Zemmour.
Sa video, sinasabi ni Zemmour na: “Simula sa pagsisimula ng ika- 20 siglo, nagkaroon ng pagdami populasyon sa Africa.” Sinabi niya na habang ang populasyon ng European ay nanatiling halos pareho ang populasyon ng 400 milyong tao, tumaas ang populasyon ng African sa 1.5 bilyong tao, “kaya nagbago na ang balance of power.” Inulit-ulit ng caption sa French ang mga sinabi sa video, na sinasabing noong 1900s “noong may apat na European kada isang African, sinakop [ng Europe] ang Africa,” at ngayon, “mayroong apat na African kada isang European at sinasakop ng Africa ang Europe.” Ang mga figure na ito ay kinukumpara sa mga figure na available mula sa mga body ng United Nation na ibinigay sa ibaba. Dagag pa rito, karamihan sa posisyon ng Board sa mga numerong ito ay inilarawan sa mas detalyado sa Seksyon 8.2 sa ibaba.
Noong inanunsyo ang kasong ito ng Board noong Nobyembre 28, 2023, pinapanood ang content ng halos 20,000 beses. Simula Enero 2024 napanood ang content nang humigit-kumulang 40,000 beses at mayroong mas kaunti lang sa 1,000 reaksyon, ang karamihan sa mga ito ay “mga like” na sinundan ng “mga love” at “Haha.”
Noong Hulyo 9, 2023, dalawang user ang magkahiwalay na ni-report ang content bilang nilalabag ang patakaran sa Hate Speech ng Meta. Awtomatikong isinara ng kumpanya ang parehong mga report dahil hindi inuna ang mga ito para sa pagsusuri sa loob ng 48 oras. Ipinaliwanag ng Meta na ang mga report ay mahigpit na inuuna para sa pagsusuri batay sa mga salik tulad ng tindi ng na-predict na paglabag, ang pagiging viral ng content (ang bilang ng mga panonood na nagkaroon ang content) at ang posibilidad na lalabagin ng content ang mga patakaran ng kumpanya. Hindi inalis ang content at nanatili sa platform.
Noong Hulyo 11,2023, inapela ang desisyon ng Meta ng unang taong nag-report ng content. Na-assess ang apela ng human reviewer na kinatigan ang orihinal na desisyon ng Meta na panatilihin ang content. Umapela ang nagre-report na user sa Oversight Board.
Sampung araw bago na-post ang content, ang pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ni Nahel Merzouk, isang 17 taong gulang na French ng Moroccan at Algerian descent, na namatay matapos siyang barilin ng dalawang police officer nang point-blank range sa isang suburb ng Paris noong Hunyo 27, 2023, ay nagsimula ng malawakan mga riot at mga marahas na protesta sa France. Ang mga protesta, kung saan patuloy noong na-post ang content, ay pinupuntirya sa karahasan ng pulis at ang pinaniniwalaang systemic racial discrimination ng policing (mga aktibidad na isinasagawa ng mga police officer para panatilihin ang katahimikan at kaayusan) sa France. Ang mga protestang ito ay ang pinakabago sa mahababg serye ng mga protesta tungkol sa karahasan ng pulis, sinasabi ito, madalas pinupuntriya ang mga imigrante ng African origin at iba pang mga marginalized na community sa France.
Ayon sa European Commission against Racism and Intolerance (ECRI), ang mga biktima ng racism sa France ay mga imigrante, lalo na ang mga African origin at ang kanilang mga ninuno. Noong 2022, hinimok ng Committee on the Elimination of Racial Discrimination (CERD) ang France na mas doblehin ang mga pagsusumikap nito para epektibong pigilan at labanan ang racist na hate speech at sinabi na “sa kabila ng mga pagsusumikap ng partido ng Estado … nanatiling nababahala ang Komite sa kung gaano persistent at malawakang racist at nandidiskriminang pag-uusap, lalo na sa media at sa Internet.” “Nababahala rin ito sa ilang racist remark ng mga pampulitikang pinuno tungkol sa partikular na ethic minority, partikular sa Roma, Mga Traveller, African, mga taong African descent, mga taong mula sa Arab at hindi mga mamamayan,” (CERD/C/FRA/CO/22-23, talata 11).
Ayon sa 1999 report mula sa Department of Social at Economic Affairs of the United Nations, ang tinatantiyang populasyon ng Africa sa noong 1900 ay 133 milyon. Tinatanya ng data mula sa United Nations noong 2022 na ng 2021 populasyon ng Africa ay 1.4 bilyon. Hinuhulaan din na sa 2050, ang tinatanyang populasyon ng Africa ay maaaring malapit sa 2.5 bilyon. Ayon sa parehong 1999 report, ang populasyon ng Europe noong 1900 ay humigit-kumulang 408 milyon. Ang Department of Economic and Social Affairs ng United Nations ay tinatanya na ang populasyon ng Europe noong 2021 ay humigit-kumulang 745 milyon at mababawasan sa humigit-kumulang 716 na milyon sa 2050.
Sa France, gaya sa maraming bahagi ng mundo, ang pagdating ng malaking bilang ng migrante mula sa ibang mga bansa ay naging isa sa pinakamahalagang mga paksa ng pampulitikang debate. Simula Setyembre 2023, humigit-kumulang 700,000 refugee at mga asylum seeker ang natagpuan sa France, ito ang ikatlong pinakamalaking host country sa European Union. Habang sinuri ng Board ang kasong ito, nakaranas ang France ng malawakang mga protesta at mainit na debate sa publiko sa immigration sa gitna ng Parliamentary passage ng bagong batas sa immigration na, bukod sa ibang bagay, naka-set ng mga migration quota at hinigpitan ang mga rule sa family reunification at access sa mga social benefit. Si Zemmour at ang kanyang partido ay naging napakaaktibo sa mga talakayang ito, nag-a-advocate para sa mga paghihigpit sa imigrasyon.
Naging paksa si Zemmour ng maraming legal na paglilitis at nahatulan nang maraming beses sa mga hukuman ng French dahil sa panghihimok ng galit sa lahi at nagkokomento ng iniinsulto ang lahi sa mga kamakailang taon, bilang resulta ng kanyang mga pahayag na ito tungkol sa mga Muslim, African, Black na mga tao LGBTQIA+ na mga tao. Nahatulan si Zemmour panghihimok sa galit sa lahi para sa mga ginawang komento noong 2011 sa telebisyon na sinabi niyang “karamihan sa mga dealer ay mga black at Arab. Katotohanan iyon.” Mas kamakailan lang, napatunayan ng hukuman na nagkasala si Zemmour ng panghihimok ng galit sa lahi noong 2020 at pinagmulta siya ng 10,000 euros dahil sa pagsasabing ang batang migranteng iyon ay “mga magnanakaw, mamamatay-tao, mga nanggagahasa sila. Iyon sila. Dapat pabalikin natin sila.” Ginamit niya ang kanyang karapatang umapela sa ibang kaso kung saan nahatulan at pinagmulta siya ng correctional court dahil sa panghihimok ng diskriminasyon at galit sa relihiyon laban sa French Muslim na komunidad. Ang paghatol ay batay sa ginawa niyang mga pahayag sa isang show sa telebisyon noong 2016 na dapat bigyan ang mga Muslim ay “pagpiliin sa pagitan ng Islam at France” at “sa loob ng tatlong taon nakakaranas tayo pagsalakay, pagsakop (…) ito rin ay labanan na gawing Islam ang isang teritoryo na hindi, na karaniwang hindi Islam.” Noong Disyembre 2022, kinatigan ng European Court of Human Rights na ang paghatol ay hindi nilabag ang karapatan sa malayang pagpapahayag ni Zemmour.
Bagaman ang content sa kasong hindi ay hindi malinaw na binabanggit ang Great Replacement Theory, ang konsepto ay mahalaga sa pulitikal na ideolohiya ni Zemmour at lubhang na-feature sa kanyang presidential campaign, na ipinangako niya, kung mahalal, na gumawa ng “Ministry of Remigration.” Sinabi rin niya na “pababalikin niya ang milyong” mga banyaga sa loob ng limang taon. Ayon sa hiwalay na research na ginawa ng Board, na isinagawa ng mga eksperto sa mga conspiracy theory at mga pulitika ng French, mga trend sa social media, at mga linguistic, mga tagasuporta ng Great Replacement Theory ay iginigiit na ang mga populasyon ng white European ay sadyang pinalitan sa etniko at kultura sa pamamagitan ng migration at ang pagdami ng mga minority community. Iginigiit na ang migration ng hindi white (at karamihan Muslim) na mga tao mula sa mga bansang hindi European (karamihan, sa Africa at Asia) hanggang sa Europe ay isang anyo ng labanan sa demograpiko. Binigyan-diin ng mga eksperto ng Board na ang migration at ang pagtaas sa migration ay hindi na-dispute ayon sa katunayan. Sa halip, ito ay ang paggigiit na mayroong aktwal na lihim na plot o conspiracy para dalhin ang mga hindi white sa Europe para palitan o bawasan ang proporsyon ng mga white na populasyon na tanda ng Great Replacement bilang conspiratorial. Ipinaliwanag ng mga linguistic expert na kinonsulta ng Board na ang Great Replacment Theory at mga salitang nauugnay dito ay “nanghihimok ng racism, galit at karahasan na pinupuntirya ang mga imigrante, mga hindi white na European at pinupuntirya ang mga Muslim sa partikular.” Nabanggit ng isang report ng Radicalization Awareness Network ng European Union na ang anti-Semitic, anti-Muslim at pangkalahatang saloobin sa laban sa immigration na ikinakalat ng mga taong isinusulong ang Great Replacement Theory ay ipinaalam ang pagpili ng mga target ng maraming high-profile na mag-isa mga nang-aatake sa Europe sa mga kamakailang taon. Ang ginawang research ng Board ay isinaad din na ang theory ay nagbigay ng inspirasyon sa hindi mabilang na karahasan sa buong mundo sa mga kamakailang taon, kasama ang mass shooting sa Christchurch, New Zealand, kung saan 51 Muslim ang pinatay.
Itinuring din ng minority ng Board na ang marahas na far-right na mga protesta ay tumataas sa France sa nakaraang taon bilang mahalagang konteksto. Kasunod ng pananasak na nagresulta sa pagkamatay ng isang teenager sa isang masayang pagtitipon noong Nobyembre 18 sa Crépol, isang ang rural community sa France, pinangunahan ng mga aktibista at mga right-wing party ang mgamarahas na protesta na pisikal na nakipaglaba-clash ang mga nagpoprotesta sa mga pulis. Sinasabi nila na ang mga imigrante at minority ay responsable, sa kabila ng katotohanan na siyam na tao ang inaaresto kaugnay sa pananaksak, walo ay French at isang Italian. Sinabi ng Interior Minister Gérald Darmanin na ang mga miyembro ng militia ay “naghahangad na atakihin ang mga Arab, mga taong may iba’t ibang kulay ng balat, sinasabi ang kanilang nostalgia para sa Third Reich.” Ang pulitiko ng French Green Party na si Sandrine Rousseau ay ikinumpara ang mga protestang ito sa mga ratonnade (pang-aatake sa lahi), pisikal na ginawa laban sa ethnic minority o social group, karamihan laban sa mga taong nagmula sa North African. Ang pinaka kapansin-pansin ang ratonnade (pang-aatake sa lahi), madalas na nauugnay sa pagiging sikat ng salita, nangyari noong Oktubre 17, 1961 sa mapayapang mga protesta ng mga Algerian kung saan pinatay ang 200 Algerian sa panahon ng paglaganap ng karahasan ng pulis. Paulit-ulit na lumabas ang salita sa iba’t ibang konteksto sa France simula noon. Halimbawa, noong Disyembre 2022 sumama ang mga French na pulitiko sa mga user ng social media sa pagtuligsa ng karahasan, kinukumpara ito samga ratonnade pagkatapos ng laban ng France-Morocco World Cup.
3. Authority at Saklaw ng Oversight Board
Mayroong authority ang Board na suriin ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa taong nag-report dati ng content na hindi inalis (Charter Article 2, Seksyon 1; Article 3, Seksyon 1 ng Mga Regulasyon).
Maaaring katigan o baliktarin ng Board ang desisyon ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 5), at ipapatupad ang desisyon na ito sa kumpanya (Article 4 ng Charter). Dapat ring i-assess ng Meta ang pagiging posible ng pag-apply ng desisyon ng Board tungkol sa magkatulad na content na may katulad na konteksto (Article 4 ng Charter). Ang mga desisyon ng Board ay maaaring may kasamang mga non-binding na rekomendasyon na kailangang tugunan ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 4; Article 4). Kapag nangako ang Meta na gumawa ng aksyon sa mga rekomendasyon, sinusubaybayan ng Board ang pagpapatupad ng mga ito.
4.Mga Source ng Authority at Gabay
Ang sumusunod na mga pamantayan at huwaran ang nakaimpluwensiya sa pagsusuri ng Board sa kasong ito:
I.Mga Desisyon ng Oversight Board
- Holocaust Denial
- Karahasan sa Komunidad sa State ng India sa Odisha
- Knin Cartoon
- Naibahaging post ng Al
- Pagsuspinde sa Dating President Trump
- Paglalarawan ng Zwarte Piet
II.Mga Patakaran sa Content ng Meta
Hate Speech
Sa paliwanag ng patakaran para sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech, ipinaliwanag na ang hate speech, na tinukoy na direktang pang-aatake sa mga tao sa basehan ng mga protektadong katangian, ay hindi pinapayagan sa platform "dahil gumagawa ito ng nakaka-intimidate at nagbubukod na kondisyon at, sa ilang mga sitwasyon, maaaring manghikayat ng karahasan sa totoong buhay.” Inililista ng patakaran bilang mga protektadong katangian, bukod sa iba pa, lahi, etnisidad, bansang pinagmulan at mga kinabibilangang relihiyon. Ipinaliliwanag ng patakaran na “hinahati ang mga pang-aatake sa dalawang tier ng tindi, ang Tier 1 na maga pang-aatake ang mas matindi. Ang paliwanag para sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ay ipinaliliwanag na ang patakaran ay “pinoprotektahan ang mga refugee, migrant, imigrante at mga asylum seeker mula sa pinakamatinding pang-aatake.” pero pinapayagan ng Meta ang “komentaryo sa at pagpuna ng mga patakaran sa immigration.” Ang internal na gabay ng Meta sa mga moderator ng content ay ipinapaliwanag na itinuturing ang status ng mga migrante, imigrante, refugee at asylum-seeker bilang quasi-protected. Ibig sabihin na pinoprotektahan ng Meta ang mga ito mula sa Tier 1 na mga pang-aatake pero hindi mula sa Tier 2 na mga pang-aatake sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech.
Ang patakaran, na dati ay nagkaroon ng tatlong iba’t ibang tier ng pang-aatake pero ngayon ay mayroong dalawa lang ang mga ito, ipinagbabawal sa kasalukuyan bilang Tier 2 na pang-aatake, bukod sa iba pang mga uri ng content, “pagbubukod o paghihiwalay sa mga paraan ng mga panawagang kumilos, mga pahayag ng layunin, mga pahayag na may mga ninanais o may kondisyon, o mga pahayag na nagsusulong o sumusuporta, na tinukoy bilang [...] malinaw na pagbubukod, na nangangahulugan sa mga bagay na tulad ng pagpapaalis ng ilang grupo o pagsasabing hindi pinapayagan ang mga ito.” Tinanggihan ng Meta ang request ng Board na mag-publish ng higit pang impormasyon tungkol sa internal na gabay nito sa mga reviewer ng content sa puntong ito.
Sa 2017 Newsroom post na may pamagat na Mahihirap na Tanong: Sino ang Dapat Magdesisyon Kung Ano Ang Hate Speech sa Online Global Community?,” na inuugyan sa ibaba ng paliwanag para sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech na may kasamang text na, “Alamin pa ang tungkol sa aming pamamaraan sa hate speech.” kinikilala ng Meta na ang mga debate sa patakaran sa immigration ay madalas maging “debate sa hate speech, dahil ang gumagamit ang dalawang panig ng nang-iinsultong salita.” Sinabi ng kumpanya na pagkatapos suriin ang mga post sa Facebook tungkol sa pandaigdigang debate sa migration, “nagdesisyon ito na gumawa ng mga bagong alituntunin para alisin ang mga panawagan para sa karahasan laban sa mga migrante o hindi makataong pagbanggit sa mga ito — tulad ng pagkumpara sa mga hayop, dumi o basura.” Iniwan ng kumpanya, gayunpaman, “ang kakayahan para sa mga tao na ipahayag ang kanilang mga pananaw sa immigration mismo,” dahil “lubhang naka-commit kami sa pagtiyak na nananatiling isang lugar ang Facebook para sa lehitimong debate.
Mapanganib na mga at Organisasyon at Indibiduwal
Isinasaad ng paliwanag para sa Pamantayan ng Komunidad sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon na hindi pinapayagan ng Meta ang mga organisasyon o indibiduwal na nagpapahayag ng marahas na misyon o na kasali sa karahasan na magkaroon ng presence sa mga platform ng Meta. Ipinaliliwanag din namin na ina-assess ng Meta ang mga entity na ito “batay sa kanilang gawi sa online at offline – higit sa lahat, sa kanilang mga kaugnayan sa karahasan.”
Ipinaliliwanag ng Pamantayan ng Komunidad sa Mapanganib na mga Organisasyon at indibiduwal na ipinagbabawal ng Meta ang pagkakaroon ng mga Violence-Inducing Conspiracy Network, na kasalukuyang tinutukoy bilang mga non-state actor na: (i) “Tinutukoy ayon sa pangalan, mission statement, simbolo, o na-share na lexicon”; (ii) “nagpo-promote ng mga walang basehan na theory na sinusubukang ipaliwanag ang ultimate na mga dahilan ng mahalagang mga problemang pampulitika at panlipunan, mga kaganapan at pangyayari na may mga claim ng mga lihim na plot ng dalawa o mas makapangyarihang actor”; at (iii) “malinaw na nag-advocate para sa o direktang naka-link sa pattern ng offline na pisikal na pinsala ng mga tagasuporta na nahikayat ng kagustuhang makakuha ng pansin sa o itama ang mga sinasabing pinsala na tinutukoy sa walang na theory na pino-promote ng network.”
Ang pagsusuri ng Board sa mga patakaran sa content ay nabigyan ng kaalaman ng commitment sa boses, ng Meta na inilalarawan ng kumpanya bilang “mahalaga” pati rin ang mga pagpapahalaga nito na kaligtasan at dignidad.
III. Mga Responsiiblidad sa Mga Karapatang Tao ng Meta
Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights (mga UNGP), na inendorso ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Noong 2021, inanunsyong Meta ang Patakaran ng Kumpanya sa Mga Karapatang Pantao nito, na muli nitong pinagtibay ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatang pantao nang ayon sa mga UNGP. Ang pagsusuri ng Board sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta sa kasong ito ay nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na internasyonal na pamantayan:
- Ang karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag: Article 19, International Covenant on Civil and Political Rights ( ICCPR), Article 20, talata 2 ICCPR, Pangkalahatang Comment Bilang 34, Human Rights Committee, 2011; Inulat ng UN Special Rapporteur (UNSR) sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag, ang: A/HRC/38/35 (2018) at A/74/486 (2019).
- Pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon: Article 2, talata 1 at Article 26, ICCPR; Article 2, International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination ( ICERD); UN General Assembly, resolution A/RES/73/195.
- Karapatang mabuhay: Article 6, ICCPR.
5. Mga Submission ng User
Nakatanggap ang Board ng pag-submit mula sa user na nag-report ng content at inapela ang desisyon ng Meta na panatilihin ito, bilang bahagi ng kanilang apela sa Board. Sa pag-submit, sinasabi ng umaapelang user na ipinaliliwanag ni Zemmour ang pagsako at migration pagdating sa sobra ang populasyon lang, na nauri ng user bilang “fake news.”
6. Mga Submission ng Meta
Pagkatapos piliin ng Board ang kasong ito, sinuri ng Meta ang post sa patakaran sa Hate Speech na may mga eksperto sa paksa at natukoy na ang tama ang orihinal na desisyon na huwag alisin ang content. Hindi nagbigay ang Meta ng karagdagang impormasyon sa partikular na pag-remit o mga bahaging nalalaman ng mga eksperto sa pagsasagawa ng karagdagang pagsusuri na ito. Binigyan-diin ng Meta na, para ituring bilang lumalabag ang isang piraso ng content, hinihiling ng patakaran ang grupo ng protektadong katangian at direktang pang-aatake – at ang mga sinasabi tungkol sa mga pagbabago ng populasyon at pagsakop ay kulang ng mga elementong iyon. Ipinaliwanag ng Meta na hindi itinuturing ang sinasabing ang isang grupo ay “sinasakop” ang isang lugar bilang pag-atake hangga't hindi ito katumbas ng panawagan ng pagbubukod, at binigyan-diin na “gusto nitong payagan ang mga mamamayan na talakayin ang mga batas at patakaran ng kanilang bansa basta ang mga takalayan na ito ay hindi binubuo ng mga pang-aatake laban sa mga mahihinang grupo na maaaring paksa ng mga batas na iyon. Panghuli, ipinaliwanag ng Meta na hindi tintutukoy ng content ang grupo ng protektadong katangian dahil tinutukoy ni “Zemmour ang Africa,” isang continent at mga bansa nito, at ang patakaran sa Hate Sppech ay hindi pinpoprotektahan ang mga bansa o institusyon sa mga pang-aatake.”
Tumanggi ang Meta na alisin ang pagiging kumpidensyal kaugnay sa proseso sa paggawa ng patakaran ng kumpanya sa mga mapaminsalang conspiracy theory. Sa halip sinabi ng Meta na: “Isinaalang-alang namin ang mga opsyon sa patakaran partikular sa content na tinatalakay ang mga conspiracy theory na hindi nilalabag ang aming mga umiiral na patakaran. Gayunpaman, nagpasya kami na, sa ngayon, ang pagpapatupad ng anumang opsyon ay maaalis ang malaking bilang ng political speech.”
Tinanong ng Board ang Meta ng walong tanong sa pamamagitan ng sulat. Ang mga tanong na sakop ng paggawa ng patakaran ng Meta kaugnay sa Great Replacement Theory; ang pagiging applicable ng iba’t ibang mga policy line ng Hate Speech at Mapanganib ng mga Organisasyon at Indibiduwal; ang nakaraang paglabag para sa Facebook page at nagpo-post na user. Sinagot ng Meta ang anim na tanong ng Board, ang dalawa ay hindi sapat na nasagot. Pagkatapos na hindi magbigay ang Meta ng sapat na detalye bilang tugon sa inisyal na tanong ng Board tungkol sa paggawa ng patakaran kaugnay sa Great Replacement Theory, nagtanong ang Board ng follow-up na tanong kung saan nagbigay ang Meta ng karagdagan ngunit kaunti pa ring komprehensibong impormasyon.
7.Mga Komento ng Publiko
Nakatanggap ang Oversight Board ng 15 komento ng publiko. Pito sa mga komento ay na-submit mula sa United States at Canada, tatlo mula sa Europe, dalawa mula sa Central at South Asia, isa mula sa Middle East at North Africa, isa mula sa Asia Pacific at Oceania, at isa mula sa Sub-Saharan Africa. Kasama sa kabuuan na ito ang mga komento ng publiko na mga duplicate o na-submit nang may pahintulot na i-publish ngunit hindi nakakatugon sa mga kondisyon ng Board para sa pag-publish. Maaaring mag-submit ng mga komento ng publiko sa Board nang mayroong pahintulot o wala para i-publish, at mayroon o walang pahintulot para i-attribute (iyon ay, nang anonymous).
Ang mga pag-submit ay sinasakop ng dalawang tema. Una, binigyan-diin ng maraming komento na ang pag-alis ng sinusuring content sa kasong ito ay magiging katumbas sa censorship, at maaaring “magsilbi para dagdagan ang galit ng mga mamamayan na pakiramdam nila hindi pakikinggan ang kanilang mga boses,” (PC-22009). Pangalawa, nag-submit ng mga komento ang dalawang organisasyon na binibigyan-diin ang mga negatibong offline na epekto sa ganitong uri ng content at, partikular, ang Great Replacement Theory. Iginiit ng mga komentong ito na mayroong ugnayan sa pagitan ng Christchurch massacre at agg theory na (PC-22013, Digital Rights Foundation; PC-22014, Global Project Against Hate and Extremism).
Para basahin ang mga komento ng publiko na na-submit para sa kasong ito, paki-click dito.
8.Pagsusuri ng Oversight Board
Sinuri ng Board ang mga patakaran ng content ng Meta, mga responsibilidad at pagpapahalaga sa mga karapatang pantao para matukoy kung dapat alisin ang content sa kasong ito. Na-assess din ng Board ang mga implikasyon ng kasong ito para sa mas malawak na approach ng Meta sa pamamahala ng content.
Pinili ng Board ang kasong ito bilang isang oportunidad na suriin ang pamamaraan ng Meta sa content na pinupuntirya ang mga migrante sa konteksto ng tumataas na pandaigdigang anti-immigrant rhetoric at mainit na debate sa publiko tungkol sa mga patakaran ng immigration; lalo na dahil sa mga hamon na nauugnay sa tumutukoy, nang malawakan, mapaminsalang content mula sa political speech na tinatalakay ang mga patakaran sa immigration.
8.1 Pagsunod sa Mga Patakaran ng Content ng Meta
Nagpasya ang Board na hindi nilalabag ng content ang mga patakaran ng Meta. Kaya, ang desisyon ng Meta na huwag alisin ang content sa Facebook ay tama. Ang minority ng Board ay naniniwalang, gayupaman, na ang mga patakaran ng Meta ay maaaring malinaw na matukoy kakit ang pinakamalupit na mga puna ng mga patakaran ng immigration mula sa speech na na nakikisali sa mga conspiracy theory na mapinsala sa mga grupo ng protektadong katangian.
I.Mga Panuntunan ng Content
Hate Speech
Napagpasyahan ng karamihan ng Board na hindi nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ng Meta, at sa totoo isang halimbawa ng protektado, bagaman kontrobersyal, pahayag ng opinyon sa paksa ng immigration. Ang 50 segundong clip ng interview ni Zemmour na pinost ng user ay walang pananawagan ng karahasan, o hindi nito direktang nanghahamak ng tao o mapoot na salita sa mahihinang grupo. Ang katotohanan na inusig at nahatulan si Zemmour nooong nakaraan dahil sa paggamit na mapoot na salita, ang mga tema ng post ay nagpapakita ng pagkakatulad sa mga Great Replacement Theory – na pinaniniwalaan ng marami na pinagsimulan ng karahasan laban sa mga migrante at mga miyembro ng mga minority group – ay hindi tamang pagbibigay ng katwiran dahil sa pag-alis ng oist na hindi nilalabag ang mga pamantayan ng Meta. Hinihiling ng patakaran na dapat mayroong dalawang elemento para ituring ang content bilang lumalabag: i) isang “direktang pang-aatake” at (ii) grupo ng “protektadong katangian” kung saan may nilalayon ang direktang pang-aatake. Binibigyang-kahulugan ng Meta ang mga “direktang pang-aatake” bilang, kasama sa iba pang mga uri ng speech, “pagbubukod o paghihiwalay sa paraan ng mga panawagang kumilos,” gaya ng ipinaliwanag sa mas detalyado sa Seksyon 4 sa itaas. Bukod pa dito, nililinaw ng paliwanag ng patakaran na pinapayagan ng Meta ang “komentaryo at pagpuna ng mga patakaran sa immigration.”
Para sa karamihan, pangunahing nakatuon ang mga komento ni Zemmour sa video sa sinasabing impormasyon sa demograpiko na ipinapakita niya sa Africa, Europe at “pagsakop.” Ang video ay naglalaman ng, kasama ng iba pang mga pagsasabi, ang mga pahayag, “Kaya na-reverse ang power of balance,” at “Mayroong apat na ngayong African para sa isang European, anong mangyayari? Sinasakop ng Africa ang Europe, at sa partikular, ang France.” Ang mga komento ni Zemmour ay walang anumang direktang pang-aatake, at sa totoo lang hindi niya ginagamit ang pariralang “The Great Replacement” o direktang tumutukoy sa theory. Walang malinaw na panawagan na ibukod ang alinmang grupo mula sa Europe, o anumang pahayag tungkol sa mga African na katumbas sa mapaminsalang stereotype, slur o anumang iba pang direktang pang-aatake. Gayunpaman, nababahala ang Board na hindi itinuturing ng Meta ang mga African na grupo ng protektadong katangian dahil ang impormasyon na ang bansang pinagmulan, lahi at relihiyon ay mga protektadong katangian sa ilalim ng mga patakaran ng Meta at international na batas sa mga karapatang pantao. Binabanggit ang mga African sa buong content. Ang Africa ay pinagsamang mga bansa – kaya ang “Mga African” ay tumutukoy sa mga tao na mga mamamayan ng mga bansang African. Pangalawa, sa konteksto ng mga nakaraang komento at talakayan ni Zemmour tungkol sa migration sa France, ang salitang “mga African” ay nagsisibilbing bilang proxy para sa mga non-white na African, partikular sa mga Black at Muslim African.
Mapanganib na mga at Organisasyon at Indibiduwal
Pinagpasyahan din ng karamihan sa Board na hindi nilalabag ng content ang patakaran sa Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal ng Meta, dahil sa kakulangan ng mga kinakailangang elemento para ma-assess ang partikular na piraso ng content na ito bilang bahagi ng mas malawak na Violence-Inducing Conspiracy Network.
Gaya ng ipinaliwanag sa Seksyong 6 sa itaas, isinaalang-alang ng Meta ang mga opsyon ng patakaran sa content na tinatalakay ang mga conspiracy theory na hindi nilalabag ang anumang patakaran ngunit nagpasya na, sa ngayon, ang pagpapatupad ng anuman sa mga opsyon ay maaalis ang malaking dami ng political speech. Ipinapahayag ng Board ang alalahanin nito tungkol sa kakulangan ng ibinibigay ng impormasyon ng Meta bilang tugon sa mga tanong ng Board sa proseso ng paggawa ng patakaran na ito. Nabanggit ng Board na hindi nagbigay ang kumpanya ng anumang partikular na impormasyon tungkol sa isinagawang nitong research, ang kinukuha nitong impormasyon, ang scope ng mga outreach nito, ang uri ng eksperto na kinosulta o ang iba’t ibang mga opsyon ng patakaran na sinuri nito. Nababahala rin ang Board na pinili ng Meta na hindi ibahagi ang impormasyon tungkol sa proseso ng paggawa patakaran at mga resulta nito sa publiko.
Nauunawaan ng minority ng Board na sa kabila na malinaw na pinupuntirya ng content ang maraming nag-o-overlap na mga grupo ng protektadong katangian (mga taong Black, Arab ant mga Muslim), bilang kasalukuyang salita, ang mga kasamang rule sa mga patakaran sa Hate Speech at Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal ng Meta ay hindi ipinagbabawal ang content tulad nito. Ang katotohanan na inuulit lang ng post ang mas maraming “katanggap-tanggap na bahagi ng Replacement Theory ay, gayunpaman, hindi decisive. Sa desisyon ng Board sa kaso ng Pagsuspinde sa Dating Presidenteng Trump, binigyan-diin ng Board na “dapat i-assess ng Meta ang mga post ng mga maimpluwensiyang user sa konteksto na ayon sa paraan na posibleng maunawaan ang mga ito, kahit na ang nilalayong mensahe nito ay nasa wika na dinisenyo para maiwasan ang responsibilidad.”
Gayunpaman, gaya ng ipapaliwanag sa mas detalyado sa Seksyon 8.3, para sa minority ng Board, ang pamamaraan ng Meta sa content na nagkakalat ng mapaminsalang mga conspiracy theory, tulad ng Great Replacement Theory, ay hindi alinsunod sa mga layunin ng iba’t ibang patakaran na idinisenyo para mapigilan ang paggawa ng environment ng intimidation at hindi pagsasama na naaapektuhan ang mga protektadong minority mula sa online at offline na pinsala. Bagaman lubhang sumasang-ayon ang minority ng Board na mga patakaran ng Meta ay dapat payagan ang pagpuna at mga talakayan ng lahat ng isyu (tulad ng immigration) na may kagunayan sa mga demokratikong lipunan, dapat din gumawa sila ng mga malinaw na hangganan para maiwasan ang pagkalat ng ipinahihiwatig at malinaw na mga pang-aatake laban sa mga mahihinang grupo, pagsasalang-alang ng offline na pinsala ng ilang conspiratorial narrative, tulad ng Great Replacement Theory.
II. Transparency
Nagbibigay ang Meta ng ilang insight sa kung paano pangangasiwaan ang content na kaugnay sa imigrasyon sa Transparency Center sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech nito kung saan ipinaliliwanag ng kumpanya na ang mga refugee, migrante, imigrante at mga asylum seeker ay pinopoprotektahan laban sa mga pinakamatinding pang-aatake. Sa2017 Newsroom post, na iniugnay sa paliwanag ng patakaran sa Hate Speech, nagbigay ang Meta ng ilang karagdagang detalye. Gayunpaman, hindi malinaw na ipinapaliwanag ng kumpanya kung paano pangasiwaan ang content na kaugnay sa Great Replacement Theory. Ang 2017 na post ay mayroong impormasyon na may kaugnayan sa paksa ngunit hindi na-update pagkatapos mabanggit ang 2021 proseso ng paggawa ng patakaran sa Seksyon 6 sa itaas. Hindi rin malinaw na ipinaliwanag ng Meta sa publci-facing na patakaran na nananawagan para sa pagbubukod ay hindi pinapayagan sa konteksto ng mga takalayan sa immigration. Hindi rin malinaw kung paano tinutugunan ang mga ipinahiwatig o hindi nakikitang mga pang-aatake sa kontekstong ito.
8.2 Pagsunod Sa Mga Responsibilidad sa mga Karapatang Pantao ng Meta
Nakita ng karamihan sa Board na ang hindi pag-alis ng content ay alinsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta. Naniniwala ang minority na, para maging alisunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao nito, kailagang i-reformulate ng Meta ang mga patakaran nito para hindi gamitin nang mali ang mga serbisyo nito ng mga nagpo-promote ng mga conspiracy theory na nagdudulot ng online at offline na pinsala.
Malayang Pagpapahayag (Article 19 ICCPR)
Ang Article 19 ng ICCPR ay nagbibigay ng malawak na proteksyon ng karapatan sa malayang pagpapahayag, kasama ang “kalayaang maghangad, tumanggap at magbahagi ng impormasyon at lahat ng uri ng ideya,” kasama ang “pampulitikang usapan” at komentaryo sa “mga ugnayan sa publiko.” (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 11). Sinabi ng Human Rights Committee na ang scope ng karapatang ito ay “tinatanggap kahit ang pagpapahayag na maaaring ituring na labis na nakakasakit, bagaman ang nasabing pagpapahayag ay maaaring limitahan alinsunod sa mga probisyon ng 19, talata 3 at article 20” para protektahan ang mga karapatan o reputasyon ng iba o para ipagbawal ang panghihimok sa diskriminasyon, galit o karahasan (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 11).
Sa konteksto ng mga pampublikong debate tungkol sa migration, binanggit ng UN General Assembly ang commitment nito para “protektahan ang kalayaan ng pagpapahayag alinsunod sa international law, kinikilala na ang bukas at malayang debate ay nag-aambag sa komprehensibong pag-unawa ng lahat ng aspeto ng migration.” Nag-commit pa ito para “mag-promote ng bukas at pampublikong pag-uusap na batay sa ebidensiya sa migration at mga imgrante sa pakikipagtulungan sa lahat ng bahagi ng lipunan na gumagawa ng mas makatotohanan, makatao at nakakatulong na pananaw tungkol dito.” (A/RES/73/195, talata 33). Immigration at mga kaugnay na patakaran – lubhang pinagtatalunan at may kaugnayan sa pampulitikang proseso hindi lang sa France ngunit sa pandaigdigang antas – ay mga lehitimong paksa para sa pagdebate sa mga platform ng Meta. Para sa karamihan, dahil sa mga potensyal na implikasyon para sa pampublikong debate, ang pag-ban sa ganitong uri ng speech sa mga platform ng Meta ay isang malinaw na paglabag ng kalayaan ng pagpapahayag at mapanganib na halimbawa. Para sa minority ng Board, ito ay tama dahil ang bukas at batay sa ebidensya na mga talakayan sa imigrasyon ay may kaugnayan sa isang demokartikong lipunan, na ang pagkakalat ng mga conspiracy theory, tulad ng Great Replacement Theory, sa mga platform ng social media ay maaaring masyadong mapinsala. Gaya ng ni-report ng Institute for Strategic Dialogue, ang mga pamaraan na ginamit para i-broadcast ang theory ay “kasama ang mga meme ng hindi makataong racist, pag-dis[tort] at pagsisinunga[ling] ng demograpikong data at pag[gamit] ng hindi matutunayang agham.”
Kapag ang mga paghihigpit sa pagpapahayag ay ipinapataw ng estado, kailangan nilang matugunan ang mga kinakailangan ng legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at proporsyonalidad (Article 19, talata 3, ICCPR). Madalas tawagan ang mga pangangailangan na ito bilang “three-part test.” Ginagamit ng Board ang framework na ito para bigyang-kahulugan ang boluntaryong mga commitment sa mga karapatang pantao ng Meta, kaugnay sa desisyon sa indibiduwal na content na sinusuri at sa sinasabi nito tungkol sa mas malawak na approach ng Meta sa pamamahala ng content. Gaya nang sinabi ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na bagaman “walang mga obligasyon ng Mga Gobyerno ang mga kumpanya, ang kanilang epekto ay tila hinihiling sa kanilang masuri ang parehong uri ng mga tanong tungkol sa pagprotekta ng karapatan ng mga user sa malayang pagpapahayag,” ( A/74/486, talata 41).
I. Legalidad (Pagiging malinaw at Pagiging naa-access ng mga Panuntunan)
Ang prinsipyo ng legalidad ay nangangailangan ng mga panuntunan na naglilimita sa pagpapahayag para maging naa-access at malinaw, binubuo ng may sapat na katiyakan para magawang makontrol ng isang indibiduwal ang kanyang pag-uugali nang naaayon (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 25). Dagdag pa, ang mga panuntunan na ito ay “posibleng hindi ibigay ang walang paghihigpit na discretion para sa paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag sa mga namamahala sa pagpapatupad ng [mga ito]” at dapat “magbigay ng sapat na gabay sa mga namamahala ng pagpapatupad ng mga ito para mapahintulutan silang matiyak kung anong mga uri ng pagpapahayag ang pinaghihigpitan nang tama at kung ano ang hindi", ( Ibid). Ginamit sa mga panuntunan na pinamamahalaan ang online speech, sinabi ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na dapat malinaw at partikular ang mga ito ( A/HRC/38/35, talata 46). Ang mga taong gumagamit ng mga platform ng Meta ay dapat ma-access at maunawaan ang mga panuntunan at dapat magkaroon ng malinaw na gabay ang mga content reviewer tungkol sa pagpapatupad ng mga ito.
Wala sa mga kasalukuyang patakaran ng Meta ang “partikular at malinaw” na ipinagbabawal ang content sa kasong ito. Para sa karamihan ng Board, ang ordinaryong user, na binabasa ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech o 2017 blog post ng “Mahihirap na Tanong” ng Meta (iniugnay sa Pamantayan ng Komunidad) ay malamang makuha ang impression na aalisin ang mga pinakamatinding pang-aatake lang laban sa mga imigrante at migrante, gaya ng malinaw na isinasaad ng Meta na gusto nito payagan ang komentaryo at pagpuna ng mga patakaran ng immigration sa mga platform nito. Nakita ng karamihan ng Board na ang commitment na ito ay alinsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta. Para sa minority, nilalayon ng patakaran ng Hate speech na pigilan ang paggawa ng isang environment ng pagbubukod o paghihiwalay kung saan nag-aambag ang mga mapoot na conspiracy theory tulad ng Great Replacement Theory. Dahil ang content na nakikisali sa mga nasabing theory ay karaniwang pinupuntirya ang mga mahihina at minority na grupo at binubuo ng pang-aatake sa kanilang dignidad, maaaring umasa ang ordinaryong user ng proteksyon mula sa ganitong uri ng content sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech ng Meta.
Ang kasalukuyang patakaran sa Mapanganib na Organisasyon at mga Indibiduwal ng Meta ay walang mga probisyon na ipinagbabawal ang content sa kasong ito. Para sa karamihan, kahit partikular at malinaw na ipinagbabawal ng Meta ang nakikisaling content sa Great Replacement Theory sa mga platform nito, na hindi umaabot na pangalanan ang theory o magpaliwanag sa mga elemento ng theory sa mga paraan na maaaring ituring may itinatagong lihim at mapaminsala. Hindi sinabi ng post na ang mga migratory flow sa Europe ay kabilang ang mga partikular na grupo ng mga tao ay bahagi ng isang lihim na plano kabilang mga actor na may mga nakatagong plano.
II.Lehitimong Layunin
Ang anumang paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay dapat ding nagtataguyod ng kahit isa sa mga lehitimong layuning nakalista sa ICCPR, kung saan kasama ang pagprotekta ng “karapatan ng iba.” “Ang salitang ‘mga karapatan’ kasama ang mga karapatang pantao gaya ng kinilala sa Covenant at mas pangkalahatan sa internasyonal na batas sa karapatang pantao,” ( Pangkalahatang Comment bilang 34 talata 28).
Sa maraming desisyon, nalaman ng Board na ang patakaran sa Hate Speech ng Meta, na nilalayong protektahan ang mga tao sa pinsalang dulot ng hate speech, ay ipinapagpatuloy ang lehitimong layunin na kinikilala ng internasyonal na mga pamantayan ng batas sa mga karapatang pantao (tingnan ang desisyon sa Knin cartoon). Pinoprotektahan nito ang karapatang mabuhay (Article 6, talata 1, ICCPR) pati rin ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon, kasama ang batay sa lahi, etnisidad at pinagmulang bansa (Article 2, talata 1, ICCPR; Article 2, ICERD). Nalaman din ng Board na noong nakaraan ang patakaran sa Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal ng Meta ay naghahangad maiwasan at maantala ang pinsala sa mundo nang may layunin ng pagprotekta sa mga karapatan ng iba (tingnan ang desisyon ng Shared Al Jazeera Post). Sa kabilang banda, pauulit-ulit na binanggit ng Board na hindi isang lehitimong layunin ang paghigpitan ang pagpapahayag para sa nag-iisang layunin ng pagprotekta sa mga indibidwal mula sa pagkakasala (tingnan ang Paglalarawan ng Zwarte Piet binabanggit ang UN Special Rapporteur sa malayang pagpapahayag, report A/74/486, talata 24, at Pagsuspinde sa Dating Presidente na si Trump), dahil ang pagpapahalaga sa internasyonal na batas sa mga karapatang pantao na inilalagay sa hindi nililimitahang pagpapahayag (Pangkalahatang Comment Bilang 34, talata 38).
III.
Isinasaad sa prinsipyo ng pagiging kinakailangan at proporsyonalidad na ang anumang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay “dapat naaangkop para makamit ang proteksyon nito; ang mga ito ay hindi dapat mapanghimasok na intstrumento sa mga posibleng makamit ang kanilang tungkulin na magbigay ng proteksyon; [at] dapat maging proporsyon ang mga ito sa interes na poprotektahan” ( Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 34). Ang katangian at lawak ng mga available na tugon na maging isang kumpanya tulad ng Meta ay magkaiba sa mga available sa State, at madalas nagpapakita ng kaunting matitinding paglabag sa mga karapatan kaysa sa, halimbawa, mga kriminal na penalty. Bilang bahagi ng kanilang mga responsibilidad sa mga karapatang pantao, dapat isaalang-alang ng mga kumpanya ng social media ang hanay ng mga posibleng pagtugon sa may problemang content nang higit pa sa pag-delete para matiyak na maiaakma nang maliit ang mga paghihigpit ( A/74/486, talata 51).
Kapag sinusuri ang mga panganib na dulot ng posibleng marahas na content, ginagabayan ang Board ng six-part test na inilarawan sa Rabat Plan of Action, na tinutugunan ang panghihimok ng hostility, diskriminasyon o karahasan (OHCHR, A/HRC/22/17/Add.4, 2013). Itinuturing ng test ang konteksto, speaker, layunin, content at form, lawak na ang pagpapahayag ay naikalat at posibilidad ng napipintong pinsala.
Para sa karamihan ng Board, ang pag-alis ng content sa kasong ito ay wala sa alinman sa kinakailangan o proporsyon. Binibigyan-diin ng Rabat test ang content at form ng speech bilang “mahalagang elemento ng panghihimok.” Sa sinusuring content sa kasong ito, ang mga komento ni Zemmour, gaya ng ni-reproduce sa 50 segundong clip na pinost ng user, hindi direktang nakibahagi sa mga may itinatagong lihim na mga elemento ng Great Replacement Theory at ang video ay walang mga nakakagalit na elemento, tulad ng marahas o nanghihimok na larawan. Ang mga komento at caption ay wala ring anumang direktang panawagan para sa karahasan o pagbubukod. Naniniwala ang karamihan na lalabagin nito ang kalayaan ng pagpapahayag para ibukod ang content na pampulitikang kontrobersyal sa basehan ng mga ginawang bahayag ng speaker sa ibang lugar. Tiningnan ng karamihan ang mga bilang na binabanggit ni Zemmour bilang bahagyang exaggerated lang. Binanggit din ng karamihan na ang pangunahing paksa ng mga pahayg ni Zemmour sa video ay imigrasyon, siguro isa sa mga pinakamahalagang pampulitikang isyu sa ngayon.
Para sa minority ng mga Board Member, hindi nilalabag ng content sa kasong ito ang mga kasalukuyang patakaran ng Meta (tingnan ang Seksyong 8.1). Gayunpaman, idinisenyo ng kumpanya ang set ng mga patakaran na may layunin sa pagpigil ng paggawa ng isang ng pagbubukod at intimidation na hindi lang naaapektuhan ang mga protektadong minority sa online (naaapektuhan ang mga opinyon ng mga bukod na grupo) ngunit offline rin, Sa ilalim ng mga patakarang ito, ang mga antisemitic at white supremacist na pagkukuwent, pati rin content na mula sa Violence-Inducing Conspiracy Networks ay mino-moderate. Ang pag-alis ng nasabing content ay kaugnay sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta. Gaya ng ipinaliwanag sa Seksyong 2 sa itaas, iginiit ng Great Replacement Theory na mayroong sinasadyang plano na makamit ang pagpapalit ng mga white population sa Europe sa mga migranteng populasyon na karamihan mula sa Africa at Asia. Ang pagkalat ng mga Great Replacement Theory narrative ay nag-ambag sa panghihimok ng racism, galit at karahasan na pinupuntirya ang mga imigrante, non-white European at mga Muslim. Binibigyan-diin ng minority ng Board na hindi ito isang simpleng abstract na ideya o kontrobersyal na opinyon ngunit isang karaniwang conspiracy theory na humahantong sa online at offline na pinsala. Walang dudang nag-aambag ito sa paggawa ng atmosphere ng pagbubukod at pananakot ng ilang minority. Ang ebidensya ng pinsala na nagagawa ng pinagsasama-sama o naiipon, naka-scale at mabilis na pagpapakalat ng antisemitic na content sa mga platform ng Meta, gaya na tinalakay sa kaso ng Pagtanggi sa Holocaust, ay katulad sa ebidensya ng pinsala na ginawa ng Great Replacement Theory, na isinaad sa Seksyong 2. Para sa mga dahilang ito, nakita ng minority na hindi ito alinsunod sa prinsipyo ng walang diskriminasyon at mga value ng kaligtasan at dignidad ng Meta na nagdesisyon ang Meta na protektahan ang ilang pinagbantaang minority group mula sa pagbubukod at diskriminasyon dulot ng mga conspiratorial na salaysay, habang pinapanatiling hindi protektado ang ibang nasa tulad ng sitwasyon. Walang nakitang compelling na dahilan ang minority ng Board para sabihin ang kaibahan ng pamamaraan ng Meta sa Great Replacement Theory mula sa pamamaraan ng kumpanya sa iba pang mga conspiratory narrative na binanggit sa itaas, na mino-moderate ng Meta kaugnay san mga responsibilidad sa mga karapatang pantao.
Kaugnay saitaas, para sa minority ng Board, ang napakalaking hamon na kinakaharap ng mga kumpanya ng social media ay hindi sa indibiduwal na piraso ng content, sa halip ang pag-ipon ng mapinsalang content na ibinabahagi nang malawakan at nang mabilis. Ipinaliwanag ng Board na “ang pagmo-moderate ng content para matugunan ang pinagsama-samang pinsala ng hate speech, kahit na kung saan hindi direktang manghihimok ng karahasan o diskriminasyon ang pagpapahayag, ay maaaring naaayon sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao sa ilang pangyayari,” (tingnan ang Paglalarawan ng Zwarte Piet at mga desisyon saCommunal Violence sa Estado ng Indian ng Odisha). Noong 2022, nagpahayag ng alalahanin nito ang CERD “sa kung gaano tuloy-tuloy at malawakang racist at nandidiskriminang pag-uusap, [sa France], lalo na sa media at sa Internet.” Para sa minority, ang pag-ipon ng Great Replacement Theory-na kaugnay na content ay ”gumagawa ng isang kondisyon kung saan ang paggawa ng karahasan ay mas malamang na tanggapin at muling gawin ang diskriminasyon sa isang lipunan,” Paglalarawan ng Zwarte Piet at mga desisyon sa Communal na Karahasan sa Estado ng Indian ng Odisha). Binibigyan-diin ng minority na sa ilalim ng mga UNGP, "dapat magtuon ng espesyal na pansin ang mga business enterprise sa anumang partikular na mga epeketo ng mga karapatang pantao sa mga indibiduwal mula sa mga grupo o populasyon na maaaring nasa tumaas na panganib ng vulnerability o marginalization" (Mga UNGP, Prinsipyo 18 at 20). Gaya ng sinabi sa Seksyong 2 sa itaas, ang mga pangunahing biktima ng racism sa France ay mga imigrante, lalo na ang mga African origin at ang kanilang mga ninuno. Sa isang 2023 na interview, ang Director General of Internal Security para sa France ay ibinahagi ang kanyang paniniwala na ang mga extremist group, kasama ang mga sa tingin nila na dapat silang umaksyon para itigil ang “Great Replacement,” na nagpapakita ng malubhang banta sa bansa.
Bagaman sinabi ng Meta na ang pag-moderate ng content na may kaugnayan sa conspiracy theory ay maaaring maalis ang “hindi katanggap-tanggap na dami ng political speech,” binanggit ng minority ng Board na hindi nagbigay ng anumang ebidensya o data para suportahan ang paghayag. Bukod pa dito, ipinaliwanag ng Meta kung bakit ito ang nangyari sa content ng Great Replacement Theory ngunit hindi sa, halimbawa, content ng white supremacist o antisemitic, dahil maaari din itong maunawaan bilang kumakalat na ng mga conspiracy theory. Dahil sa mga dahilan sa itaas, para sa minority, kailangang suriin ng Meta ang mga patakaran nito para tugunan ang content na nagpo-promote ng Great Replacement Theory, maliban kung ang kumpanya ay may sapat na ebidensya: (i) para alisin ang pinsalang nagreresulta mula sa pagkalat ng ganitong uri ng content, gaya ng tinalakay sa desisyong ito; o para ipakita na magiging hindi proporsyon ang epekto ng pag-moderate ng ganitong uri ng content sa protektadong political speech. Para sa proporsyon ng tugon, bukod sa iba pang opsyon, maaaring isaalang-alang ng Meta ang paggawa ng patakaran ng escalation lang para payagan para sa pag-alis ng content na hayagang nagpapahayag ng suporta ng Great Replacement Theory, nang hindi naaapektuhan ang protektadong political speech, o isinasaalang-alang ang pagtatalaga ng mga actor na malinaw na nakikibahagi sa Great Replacement Theory bilang bahagi ng Violence-Inducing Conspiracy Network sa ilalim ng patakaran sa Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal ng Meta.
Nag-aalinlangan ang karamihan na ang anumang patakaran ay maaaring gawin kung saan magiging lumalabag ang content na ito, na maaaring matugunan ang mga demand ng legalidad, kinakailangan at proporsyonalidad, partikular dahil sa kakulangan ng mga salitang “Great Replacement” o anumang pagkakaiba nito sa content. Ang pagsubok na alisin ang nasabing content, kahit tinuring na coded reference ay magreresulta sa pag-alis ng malaking bilang ng protektadong political speech. Ang content na pinoprotektahan sa pagkakatulad ay dapat hindi makaranas ng “guilt by association” alinman sa dahil ang pagkakakilanlan ng speaker o pagkakatulad sa mga mapoot na ideyolohiya.
9. Desisyon ng Oversight Board
Sinusuportahan ng Oversight Board ang desisyon ng Meta huwag alisin ang content.
10. Mga Rekomendasyon
Transparency
1. Magbigay ng mas maraming detalye sa salita ng Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech nito sa kung paano natutukoy ang mga talakayan kaugnay sa imigrasyon mula sa mapinsalang speech na pinupuntirya ang mga tao batay sa kanilang migratory status. Kasama rito ang pagpapaliwanag kung paano pinangangasiwaan ng kumpanya ang content na nagkakalat ng mapoot na mga conspiracy theory. Kinakailangan ito para maunawaan ng mga user kung paano pinoprotektahan ng Meta ang political speech sa immigration habang tinutugunan ang mga potensyal na offline na pinsala ng mga mapoot na conspiracy theory.
Ituturing ng Board na naipatupad ito kapag nag-publish ang Meta ng isang update na ipinaliliwanag kung paano ang darating na mga debate sa immigration sa konteksto ng Great Replacement Theory, at nauugnay sa update na makikita sa Transparency Center nito.
*Procedural Note:
Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihahanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng karamihan ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.
Para sa desisyon sa kasong ito, gumawa ng independent research sa ngalan ng Board. Tinulungan din ang Board ng Duco Advisors, isang advisory firm na nakatuon sa pag-uugnay ng geopolitics, tiwala at kaligtasan, at teknolohiya. Nagbigay din ng pagsusuri ang Memetica, isang organisasyon na nakikibahagi sa open-source research sa mga social media trend. Ang expertise sa wika ay ibinigay ng Lionbridge Technologies, LLC na ang mga espesyalista ay fluent sa mahigit sa 350 wika at nagtatrabaho mula sa 5,000 lungsod sa buong mundo.