Anulado

Pagtugon sa antisemitism

Inapela ng isang user ang desisyon ng Meta na alisin ang Instagram post ng video na kinodena ang puna ng music artist na si Ye (ang American rapper na dating kilala bilang si Kanye West) na pinupuri si Hitler at itinatanggi ang Holocaust. Pagkatapos ipaalam ng Board ang apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang orihinal na desisyon nito at ibinalik ang post.

Tipo de decisão

Resumo

Políticas e tópicos

विषय
Liberdade de expressão
Padrão da comunidade
Indivíduos e organizações perigosos

Regiões/países

Localização
Turquia, Estados Unidos

Plataforma

Plataforma
Instagram

Ito ay summary decision. Sinusuri ng mga summary decision ang mga kaso kung saan binaliktad ng Meta ang orihinal na desisyon nito sa piraso ng content matapos itong ipaalam ng Board sa kumpanya. Kasama sa mga desisyon na ito ang impormasyon tungkol sa mga tinanggap na mali ng Meta. Ang mga ito ay inaprubahan ng panel ng Board Member, hindi ng buong Board. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga comment ng publiko, at hindi magiging batayan sa susunod na pasya para sa Board. Ang mga summary decision ay nagbibigay ng transparency sa mga pagwawasto ng Meta at hina-highlight ang mga bahagi kung saan maaaring pahusayin ng kumpanya ang pagpapatupad ng patakaran nito.

Buod ng kaso

Inapela ng isang user ang desisyon ng Meta na alisin ang Instagram post ng video na kinodena ang puna ng music artist na si Ye (ang American rapper na dating kilala bilang si Kanye West) na pinupuri si Hitler at itinatanggi ang Holocaust. Pagkatapos ipaalam ng Board ang apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang orihinal na desisyon nito at ibinalik ang post.

Paglalarawan at background ng kaso

Noong Enero 2023, ang Instagram user mula sa Turkey ay nag-post ng cideo na naglalaman ng excerpt ng isang interview Ingles kung saan sinasabi ni Ye na "gusto" niya si Adolph Hitler at "hindi pinatay ang 6 milyong Jews"ni Hitler. Pinutol ang video sa isang taong na mukhang isang TV reporter na nagpapahayag ng galit sa mga pahayag ni Ye at inaala kung paano pinatay ang kanyang mga miyembro ng pamilya sa Holocaust. May substitle ang video sa Turkish at mayroong caption na pwede i-translate bilang "TV reporter responds to Kanye West." (Tumugon ang TV reporter kay Kanye West)

Orihinal na inalis ng Meta ang post mula sa Instagram na sinasabi ang mga patakaran nito sa Mapanganib na mga at Organisasyon at Indibiduwal (DOI) at hate Speech. Sa ilalim ng patakaran ng DOI,inaalis ng kumpanya ang papuri ng mga itinalagang indibidwal, kasama si Adolf Hitler. Gayunpaman, kinikilala ng patakaran na “maaaring mag-share ang mga user ng content na may kasamang mga pagtukoy sa mga itinalagang mapanganib na organisasyon at indibiduwal para i-report, kondenahin o talakayin ang mga ito o ang kanilang mga aktibidad nang walang kinikilingan.” Sa ilalim ng patakaran nito sa Hate Speech, inalis ng kumpanya ang pagtanggi sa Holocaust bilang anyo ng nakakasakit na stereotyoe na “historically na naka-link sa intimidation, exclusion, o karahasan sa batayan ng protektadong katangian.” Kinikilala rin ng patakaran ng Hate Speech na “minsan nagshe-share ang mga tao ng content na may kasamang mga pang-iinsulto o hate speech ng ibang tao para kondenahin ito o magbigay ng kaalaman.”

Sa kanilang apela sa Board, iginiit ng user na ang mga video ay hindi sinusuportahan si Adolf Hitler at nauwanaan sila.

Pagkatapos ipaalam ng Board ang kasong ito sa Meta, nalaman ng kumpanya na hindi nilabag ng content ang patakaran nito. Bagaman may papuri ang video para kay Adolf Hitker at pagtanggi sa Holocaust, ang pangalawang bahagi ng video ay malinaw na kinokondena ang mga pahayag na ito, inilalabay ito sa pinapayagang konteksto. Kaya, nagpasiya ang kumpanya na ang inisyal na pag-alis nito ay mali at ni-restore ang content sa platform.

Awtoridad at scope ng Board

Mayroong awtoridad ang Board na suriin ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa user na inalis ang content (Article 2, Seksyon 1 ng Charter). Article 3, Seksyon 1 ng Mga Regulasyon).

Kung saan tinatanggap ng Meta na nagkamali ito at binaliktad ang desisyon nito sa isang kaso na isinasaalang-alang para suriin ang Board, maaaring piliin ng Board ang kasong iyon para sa summary decision (Article 2, Seksyon 2.1.3 ng Mga Regulasyon). Sinusuri ng Board ang orihinal na desisyon para dagdagan ang pag-unawa ng proseso ng pag-moderate ng content, para bawasan ang mga mali at para dagdagan ang pagiging patas para sa mga taong gumagamit ng Facebook at Instagram.

Kahalagahan ng kaso

Ipinapakita ng kasong ito ang halimbawa ng mali sa paggamit ng mga eksepsyon sa DOI ng Meta at mga patakaran nito sa Hate Speech. Maaaring pigilan ng mga nasabing pagkakamali ang speech na nangangahulugan na tumugon sa hatespeech, kas ama ang pagtanggi sa holocaust, o kondenahin ang mga pahayag ng papuri para sa mga mapanganib na indibidwal tulad ni Hitler. Mahalaga ang pagprotekta ng counter-speech para sa advancing na kalayaan sa pagpapahayag at tool para labanan ang nakakasakit na content tulad ng maling impormasyon at hate speech. Dati inirekomenda ng Board na: Dapat ma-assess ng Meta ang kawastuhan ng mga reviewer sa pagpapatupad ng pagpapahintulot sa pagre-report sa ilalim ng patakaran sa ng DOI upang matukoy ang mga isyu sa system na ( Pagbanggit ng Taliban sa news reporting, recommendation no. 5); Dapat i-evaluate ng Meta ang automated na modetation processes para sa pagpapatupad ng patakaran ng DOI ( isolation ni Öcalan, recommendation no. 2); at dapat magsagawa ang Meta ng pag-assess ng accuracy na nakatuon sa pagpapahintulot sa patakaran nito sa Hate Speech na sumasakop sa mga paraaan ng pagpapahayag tulad ng condemnation, empowering na paggamit ( Wampum belt, recommendation no. 3). Ni-report ng Meta ang progress sa Mention ng Taliban sa news reporting, recommendation no. 5), tumanggi ipatupad Öcalan's isolation, recommendation no. 2), at nagpakita ng pagpapatupad sa Wampum belt, recommendation no. 3.

Inulit ng Board na ang buong pagpapatuad ng mga rekomendasyong ito ay mabawasan ang mga error rate sa mga pagpapatupad sapagpapahintulot sa ilalim ng Hate Speech at ang mga patakaran sa Mapanganib na mga Indibiduwal at Organisasyon Mas mapoprotektahan nito ang counter-speech at papagandahin ang kalayaan ng pahayag sa pangkalatahan.

Desisyon

Binaliktad ng Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang content. Tinanggap ng Board ang pagwawasto ng Meta sa mga inisyal na mali nito noong ipinaalam ng Board ang kaso sa Meta.

Voltar para Decisões de Casos e Pareceres Consultivos sobre Políticas