Anulado

Pag-reclaim sa mga salitang Arabic

Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang isang Instagram post na ayon sa user ay nagpakita ng mga litrato ng mga salitang Arabic na maaaring gamitin bilang paninira sa mga lalaki na may effeminate mannerisms (mga gawi na katulad ng sa mga babae).

Tipo de decisão

Padrão

Políticas e tópicos

विषय
LGBT, Comunidades marginalizadas, Igualdade de gênero e sexo
Padrão da comunidade
Discurso de ódio

Regiões/países

Localização
Egito, Líbano, Marrocos

Plataforma

Plataforma
Instagram

Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang isang Instagram post na ayon sa user ay nagpakita ng mga litrato ng mga salitang Arabic na maaaring gamitin bilang paninira sa mga lalaki na may “effeminate mannerisms (mga gawi na katulad ng sa mga babae).” Ang content ay kabilang sa exception sa patakaran sa Hate Speech ng Meta at hindi ito dapat inalis.

Tungkol sa kaso

Noong Nobyembre 2021, nag-post ang isang naka-public na Instagram account na inilalarawan ang sarili bilang isang lugar para talakayin ang mga queer narrative sa kulturang Arabic ng isang serye ng mga litrato na nasa carousel (iisang Instagram post na pwedeng maglaman ng hanggang 10 image na may iisang caption). Ipinaliwanag ng caption, na nakasulat sa parehong Arabic at English na ang bawat litrato ay nagpapakita ng iba’t ibang salita na magagamit sa isang mapanirang paraan tungkol sa mga lalaki na may “effeminate mannerisms (mga gawi na katulad ng sa mga babae)” sa lugar na nagsasalita ng Arabic, kasama ang mga salitang “zamel,” “foufou,” at “tante”/“tanta.” Sinabi ng user na ang nilalayon ng post ay “to reclaim [the] power of such hurtful terms (ma-reclaim ang kapangyarihan ng mga nasabing nakakasakit na salita).”

Unang inalis ng Meta ang content dahil sa paglabag sa patakaran nito sa Hate Speech pero ibinalik ito matapos umapela ng user. Matapos itong i-report ng isa pang user, inalis ito ulit ng Meta dahil sa paglabag sa patakaran nito sa Hate Speech. Ayon sa Meta, bago pinili ng Board ang kasong ito, na-escalate ang content para sa karagdagang internal review na tumukoy na sa katunayan, hindi nito nilabag ang patakaran ng kumpanya sa Hate Speech. Pagkatapos nito, ibinalik ng Meta ang content sa Instagram. Ipinaliwanag ng Meta na ang mga inisyal na desisyon nito na alisin ang content ay batay sa mga review ng mga litrato na may mga salitang “z***l” at “t***e/t***a.”

Mga mahalagang nalaman

Ayon sa Board, ang pag-alis sa content na ito ay malinaw na pagkakamali na hindi alisunod sa patakaran ng Meta sa Hate Speech. Bagama’t may mga nang-iinsultong salita ang post, kabilang ang content sa exception para sa salitang “ginagamit para tukuyin ang sarili o sa paraan na nagbibigay ng kapangyarihan”, pati rin ang exception na nagpapahintulot sa pag-quote ng hate speech para “kondenahin ito o para magbigay ng kamalayan.” Ang mga pahayag ng user na hindi niya “condone or encourage the use (kinondena o hinikayat ang paggamit)” ng mga nang-iinsultong salita na kinukuwestyon, at ang kanyang layunin ay “to reclaim [the] power of such hurtful terms (ma-reclaim ang kapangyarihan ng mga nasabing nakakasakit na salita),” ay dapat na-alerto ang moderator sa posibilidad na maaaring gamitin ang exception.

Para sa mga LGBTQIA+ na mga tao sa mga bansa na nagpe-penalize sa kanilang pagpapahayag, ang social media ang kadalasang isa sa tanging paraan para malaya nilang maipahayag ang kanilang mga sarili. Ang over-moderation ng pananalita ng mga user mula sa mga inaping minority group ay seryosong banta sa kanilang kalayaan sa pagpapahayag. Dahil dito, nababahala ang Board na hindi consistent ang Meta sa paggamit ng mga exemption sa patakaran sa Hate Speech sa pagpapahayag mula sa mga marginalized group.

Sa kasong ito ang mga mali na kinabibilangan ng tatlong magkakahiwalay na mga moderator na tumutukoy na nilabag ng content ang patakaran sa Hate Speech, ay isinasaad na ang patnubay ng Meta sa mga moderator na nag-a-assess ng mga pagbanggit sa mga nang-iinsultong salita ay maaaring hindi sapat. Nabahala ang Board na maaaring walang sapat na mga resource ang mga reviewer pagdating sa kapasidad o training para maiwasan ang uri ng pagkakamaling nakita sa kasong ito.

Ang pagbibigay sa mga moderator ng patnubay na nasa English sa kung paano susuriin ang content na nasa mga wika na hindi English, gaya ng kasalukuyang ginagawa ng Meta, ay natural na mahirap. Para tulungan ang mga moderator na ma-assess nang mas mabuti kung kailan gagamitin ang mga exception para sa content na may mga pang-iinsulto, inirerekomenda ng Board na i-translate ng Meta ang internal na patnubay nito sa mga dialect ng Arabic na ginagamit ng mga moderator nito.

Naniniwala rin ang Board na para mabuo ang mga natatanging listahan ng mga nang-iinsultong salita at bigyan ng tamang patnubay ang mga moderator sa paggamit ng mga exception sa patakaran nito sa pang-iinsulto, dapat regular na humingi ng mungkahi ang meta mula sa mga minority na tina-target ng mga pang-iinsulto sa isang bansa at sa antas na partikular sa kultura. Dapat ding maging mas malinaw ang Meta sa kung paano nito ginagawa, ini-enforce at ino-audit ang mga listahan nito ng mga nang-iinsultong salita na partikular sa market.

Ang desisyon ng Oversight Board

Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta para alisin ang content.

Bilang pahayag ng policy advisory, inirerekomenda ng Board sa Meta na:

  • I-translate ang Mga Internal na Pamantayan sa Pagpapatupad at Mga Kilalang Tanong sa mga dialect ng Arabic na ginagamit ng mga modertor ng content nito. Ang paggawa nito ay mababawasan ang over-enforcement sa mga rehiyon na nagsasalita ng Arabic sa pamamagitan ng pagtulong sa mga modertor na mag-assess nang mas mabuti kapag pinapahintulutan ang mga exception para sa content na may mga pang-iinsulto.
  • Mag-publish ng malinaw na paliwanag ng kung paano ito gumagawa ng listahan ng mga nang-iinsultong salita na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para sa pagtatalaga kung aling mga pang-iinsulto at mga bansa ang nakatalaga sa bawat listahan na partikular sa market.
  • Mag-publish ng malinaw na paliwanag ng kung paano nito ini-enforce ang mga listahan ng nang-iinsultong salita na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para matukoy nang tama kung kailan at saan ie-enforce ang pagbabawal ng mga pang-iinsulto, ito man ay kaugnay sa mga post na mula sa pinag-uusapang rehiyon, nagmumula sa labas pero may kaugnayan sa pinag-uusapang rehiyon, at/o may kaugnayan sa lahat ng user na nasa pinag-uusapang rehiyon, anuman ang pinagmulang heograpiko ng post.
  • Mag-publish ng malinaw na paliwanag ng kung paano nito ino-audit ang mga listahan nito ng pang-iinsulto na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para sa pag-alis ng mga pang-iinsulto mula sa o pagpapanatili ng mga pang-iinsulto sa mga listahan ng Meta na partikular sa market.

*Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at walang precedential value.

Buong desisyon sa kaso

1.Buod ng desisyon

Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang isang Instagram post ng isang account na nag-eexplore sa “mga queer narrative sa kasaysayan ng Arabic at popular culture.” Kabilang din ang content sa isang exception sa patakaran ng Meta sa Hate Speech dahil nire-report, kinokondena at tinatalakay nito ang negatibong paggamit ng mga homophobic na pang-iinsulto ng iba at ginagamit ang mga ito sa malinaw na positibong konteksto.

2. Paglalarawan at background ng kaso

Noong Nobyembre 2021, nag-post ang isang naka-public na Instagram account na tinutukoy ang sarili bilang isang lugar para talakayin ang mga queer narrative sa kulturang Arabic ng isang serye ng mga litrato na nasa carousel (iisang Instagram post na pwedeng maglaman ng hanggang 10 image na may iisang caption). Ipinaliwanag ng caption, na isinulat ng user sa parehong Arabic at English na ang bawat litrato ay nagpapakita ng iba’t ibang salita na magagamit sa isang mapanirang paraan tungkol sa mga lalaki na may “effeminate mannerisms (mga gawi na katulad ng sa mga babae)” sa lugar na nagsasalita ng Arabic, kasama ang mga salitang "zamel," "foufou," at "tante"/"tanta." Sa caption sinabi ng user na hindi niya "condone or encourage the use of these words (kinondena o hinikayat ang paggamti ng mga salitang ito), pero ipinaliwanag niyang inabuso siya dati ng isa sa mga pang-iinsultong ito at ang layunin ng post ay "to reclaim [the] power of such hurtful terms (ma-reclaim ang kapangyarihan ng mga nasabing nakakasakit na salita)." Kinumpirma ng mga external expert ng Board na ang mga salitang binanggit sa content ay kadalasang ginagamit bilang mga pang-iinsulto.

Ang content ay tiningnan nang humigit-kumulang na 9,000 beses, nakatanggap ng mga 30 comment at humigit-kumulang na 2,000 reaksyon. Sa loob ng tatlong oras ng pag-post ng content, ni-report ito ng user para sa "adult activity or sexual activity (nudity sa nasa hustong gulang o sekswal na aktibidad)" at ni-report ito ng isa pang user bilang "sexual solicitation (nag-aalok o humihiling ng pakikipagtalik)." Magkahiwalay na tiningnan ang bawat report ng magkakaibang human moderator. Walang ginawang aksyon ang moderator na nag-review ng unang report, pero ang moderator na nag-review ng pangalawang report ay inalis ang content dahil sa paglabag sa patakaran sa Hate Speech ng Meta. Inapela ng user ang pag-alis na ito at ibinalik ng pangatlong moderator ang content sa platform. Pagkatapos maibalik ang content, ni-report ito ng isa pang user bilang “hate speech” at nagsagawa ang isa pang moderator ng pang-apat na pag-review, na nag-alis ulit sa content. Umapela ang user sa pangalawang pagkakataon at, pagkatapos ng panlimang pag-review, pinanindigan ng isa pang moderator ang desisyon nitong alisin ang content. Matapos maabisuhan ng Meta ang user tungkol sa desisyon na iyon, nag-submit ng apela ang user sa Oversight Board. Kinalaunan, kinumpirma ng Meta na ang lahat ng moderator na nag-review ng content ay mga fluent na nagsasalita ng Arabic.

Ipinaliwanag ng Meta na ang mga inisyal na desisyon nito na alisin ng content ay batay sa mga review ng mga litrato na may mga salitang “z***l” at “t***e/t***a.” Bilang pagtugon sa tanong mula sa Board, sinabi rin ng Meta na itinuturing ng kumpanya ang isa pang salitang ginamit sa content, na “moukhanath” bilang pang-iinsulto.

Ayon sa Meta, pagkatapos umapela ng user sa Board pero bago pinili ng Board ang kaso, hiwalay na na-escalate ang content para sa karagdagang internal review na tumukoy na hindi nito nilabag ang Patakaran sa Hate Speech. Kasunod nito, ibinalik sa platform ang content.

3. Authority at scope ng Oversight Board

Mayroong authority ang Board na i-review ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa user na inalis ang content (Article 2, Seksyon 1 ng Charter). Article 3, Seksyon 1 ng Mga Internal na Patakaran).

Maaaring suportahan o baliktarin ng Board ang desisyon ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 5), at ipapatupad ang desisyon na ito sa kumpanya (Article 4 ng Charter). Dapat ring i-assess ng Meta ang pagiging posible ng pag-apply ng desisyon nito tungkol sa magkatulad na content na may parallel na konteksto (Article 4 ng Charter). Ang mga desisyon ng Board ay maaaring may kasamang mga pahayag ng policy advisory na may mga hindi ipapatupad na rekomendasyon na kailangang tugunan ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 4; Article 4).

Kapag pumipili ang Board ng mga kaso na tulad ng isang ito, kung saan sumang-ayon ang Meta na nagkamali ito, nire-review ng Board ang orihinal na desisyon para tulungang dagdagan ang pag-unawa sa kung bakit nangyari ang mga pagkakamali, at para gumawa ng mga obserbasyon o rekomendasyon na maaaring maresulta sa pagbawas ng mga pagkakamali at para pahusayin ang due process.

4.Mga source ng authority

Isinaalang-alang ng Oversight Board ang mga sumusunod na source ng authority:

I.Mga desisyon ng Oversight Board:

Ang pinaka-relevant na mga desisyon ng Board sa kasong ito ay kinabibilangan ng:

  • Ang “desisyon sa Wampum Belt” (2021-012-FB-UA): Sa desisyong ito binigyang-diin ng Board ang kahalagahan ng pagprotekta sa pagpapahayag ng mga marginalized group, sinasabing dapat tiyakin ng Meta na hindi nito inaalis ang content na kabilang sa exception ng patakaran sa Hate Speech.
  • Ang “Desisyon sa mga pang-iinsulto sa South Africa” (2021-011-FB-UA): Sa desisyohng ito nalaman ng Board na dapat maging mas malinaw ang Meta sa mga pamamaraan at criteria na ginagamit nito para sa pagbuo ng mga listahan nito ng pang-iinsulto. Inirekomenda rin ng Board na dapat i-prioritize ng Meta ang pagpapahusay sa pagiging patas ng procedure sa pagpapatupad nito ng patakaran sa Hate Speech para maunawaan nang mas mabuti ng mga user kung bakit inalis ang content.
  • Ang “Desisyon sa Myanmar bot” (2021-007-FB-UA): Sa desisyong ito binigyang-diin ng Board ang kahalagahan ng konteksto sa pag-assess kung kabilang ang content sa mga exception sa patakaran sa Hate Speech.

Nag-refer din ang Board sa mga rekomendasyong ginawa sa: Ang “Desisyon sa pagbukod kay Ocalan” (2021-006-IG-UA), ang "Desisyon sa meme ng Dalawang button” (2021-005-FB-UA), at ang “Desisyon sa mga sintomas ng breast cancer at nudity” (2020-004-IG-UA).

II. Mga patakaran ng Meta sa content:

Ang kasong ito ay kinabibilangan ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram at ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook. Sinasabi ng Transparency Center ng Meta na "pareho ang Mga Patakaran sa Content ng Facebook at Instagram. Ibig sabihin nito, kung itinuring ang content na lumalabag sa Facebook, itinuturing din itong lumalabag sa Instagram."

Sinasabi ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram na:

Gusto naming pagyamanin ang isang positibo at diverse na community. Inaalis namin ang content na may credible na mga banta o hate speech... Hindi kailanman OK na mang-encourage ng karahasan o mang-atake ng kahit na sino batay sa kanilang lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, kasarian, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, kinabibilangang relihiyon, mga kapansanan o mga sakit. Kapag ibinabahagi ang hate speech para hamunin ito o para magbigay ng kamalayan, maaari namin itong payagan. Sa mga pangyayaring iyon, hinihiling namin sa iyong sabihin nang malinaw ang iyong layunin.

Tinutukoy ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook ang hate speech bilang "direktang pag-atake sa mga tao batay sa tinatawag naming mga protektadong katangian – lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, kinabibilangang relihiyon, sekswal na oryentasyon, paniniwala, kasarian, kinikilalang kasarian at malubhang sakit o kapansanan." Hinahati ng Meta ang mga pang-aatake sa tatlong tier. Ipinagbabawal ng mga pang-iinsultong bahagi ng patakaran sa hate speech ang “[c]ontent na naglalarawan o negatibong pinupuntirya ang mga tao gamit ang mga pang-iinsulto, kung saan ang mga pang-iinsulto ay tinutukoy bilang mga salita na likas na nakakasakit at ginagamit bilang mga nakakainsultong bansag para sa mga katangian na nasa itaas.” Ang natitira sa tatlong tier ay ipinagbabawal ang content na pumupuntirya sa mga tao sa pamamagitan ng paghihiwalay o pagbubukod.

Bilang bahagi ng paliwanag ng patakaran, ipinapaliwanag ng Meta na:

Alam namin na kung minsan ay nagbabahagi ng content ang mga tao na may kasamang hate speech ng ibang tao para kondenahin ito o para magbigay ng kaalaman tungkol dito. Sa iba pang mga kaso, ang salita na maaaring lumabag sa aming mga pamantayan ay maaaring gamitin para tukuyin ang sarili o sa paraan na nagbibigay ng kakayahan. Ginawa ang aming mga patakaran para bigyan ng puwang ang mga ganitong uri ng salita, pero hinihiling namin sa mga tao na sabihin nang malinaw ang kanilang layunin. Kung hindi malinaw ang intensyon, maaari naming alisin ang content.

III. Mga pagpapahalaga ng Meta:

Nakasaad ang mga pagpapahalaga ng Meta sa pagpapakilala sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook kung saan "pinakamahalaga" ang pagpapahalaga ng "Boses":

Ang layunin ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad ay palaging gagawa ng lugar para sa pagpapahayag at bigyan ang mga tao ng boses. […] Gusto naming makipag-usap nang bukas sa mga tao tungkol sa mga isyu na mahalaga sa kanila, kahit na may ilang hindi sumang-ayon o hindi ito katanggap-tanggap sa kanila.

Nililimitahan ng Meta ang "Boses" para matugunan ang apat na pagpapahalaga, dalawa rito ay nauugnay dito:

"Kaligtasan": Nakatuon kami na gawing ligtas na lugar ang Facebook. Ang pagpapahayag na nagbabanta sa mga tao ay may potensyal na manakot, ibukod o patahimikin ang iba at hindi ito pinahihintulutan sa Facebook.

"Dignidad": Naniniwala kaming pantay-pantay ang lahat ng tao sa dignidad at mga karapatan. Inaasahan namin na igagalang ng mga tao ang dignidad ng iba at hindi iha-harass o hahamakin ang mga ito.

IV. Internasyonal na mga pamantayan sa mga karapatang pantao:

Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights (UNGPs), na inindorso ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Noong 2021, inanunsyong Meta ang Patakaran ng Kumpanya sa Mga Karapatang Pantao, kung saan muli nitong pinagtibay ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatang pantao nang ayon sa mga UNGP. Ang pagsusuri ng Board sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta sa kasong ito ay nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan sa mga karapatang pantao na ginamit sa Seksyon 8 ng desisyong ito:

5. Mga pag-submit ng user

Sa kanilang pahayag sa Board, inilarawan ng user ang kanilang account bilang isang lugar “to celebrate queer Arab culture (para ipagdiwang ang queer na kultura ng Arab.” Ipinaliwanag nila na bagaman ito ay isang “safe place (ligtas na lugar),” habang lumalaki ang nagpa-follow rito, mas pinupuntirya ito ng mga homphobic troll na nagsusulat ng mga mapang-abusong comment at mass-report content.

Ipinaliwanag ng user na ang kanyang intensyon sa pagpo-post ng content ay ipagdiwang “effeminate men and boys (mga lalaki at batang lalaki na may mga gawi na katulad ng sa mga babae)” sa lipunan ng Arab na kadalasan ay hinahamak sa pamamagitan ng mapang-insultong salita na binigyang-diin sa post. Higit pa niyang ipinaliwanag na sinusubukan niyang ma-reclaim ang mga mapang-insultong salita na ito na ginamit laban sa kaya bilang paraan ng paglaban at pagbibigay ng kapangyarihan, at iginiit na nilinaw niya sa content ng post na hindi niya kinokondena o hinihikayat ang paggamit ng mga salita sa mga litrato bilang mga pang-iinsulto. Sinabi rin ng user na naniniwala siya na sumunod ang kanyang content sa mga patakaran ng Meta sa content na partikular na pinapayagan ang paggamit ng mga na-ban na salita kapag ginamit sa pagtukoy sa sairli o sa isang paraan na nagbibigay ng kapangyarihan.

6. Mga Meta submission

Ipinaliwanag ng Meta sa dahilan nito na unang inalis ang content sa ilalim ng Patakaran nito sa Hate Speech dahil ang content ay may ipinagbabawal na salita na nasa listahan ng Meta ng pang-iinsulto na “isang mapang-insultong salita para sa mga bakla.” Sa huli, binaliktad ng Meta ang orihinal na desisyon nito at ibinalik ang content dahil ang paggamit ng sinasabing salita ay kabilang sa mga exception ng Meta para sa “content na kumokondena sa pang-iinsulto o hate speech, tinatalakay ang paggamit ng mga pang-iinsulto kabilang ang mga pag-report ng mga pangyayaring ito kapag ginamit ang mga ito, o pinagtatalunan kung katanggap-tanggap bang gamitin ang mga ito.” Tinanggap ng Meta na sinabi ng konteksto na kumukuha ng atensyon ang user para sa nakakasakit na katangian ng salita at kaya hindi ito lumalabag.

Bilang pagtugon sa mga tanong mula sa Board tungkol sa kung paano nauugnay ang konteksto sa paggamit ng Meta sa mga exception sa patakaran sa Hate Speech, sinabi ng Meta na “pinapayagan ang hate speech at mga pang-iinsulto” kapag ang mga ito ay kinukutya, kinokondena, tinatalakay, nire-report, o ginagamit na pagtukoy sa sarili at ang responsibilidad ay nasa user para gawing malinaw ang kanyang layunin kapag binabanggit ang isang pang-iinsulto.

Bilang pagtugon sa isa pang tanong mula sa Board, sinabi ng Meta na “hindi nila inisip” kung bakit nagkamaling alisin ang content dahil hindi dinodokumento ng mga content reviewer nito ang mga dahilan para sa kanilang mga desisyon.

Tinanong ng Board ang Meta ng kabuuang 17 taong, 16 dito ay ganap na nasagot at ang 1 dito ay bahagyang nasagot.

7. Mga komento ng publiko

Nakatanggap ang Board ng tatlong komento ng publiko kaugnay sa kasong ito. Ang isa sa mga komento ay na-submit mula sa United States at Canada, isa mula sa Middle East at North Africa, at isa mula sa Latin America at ang Caribbean.

Tinalakay ng mga submissiong ang mga sumusunod na tema: Kaligtasan ng LGBT sa mga pangunahing social media platform, ang pagsasaalang-alang ng lokal na konteksto sa pagpapatupad ng patakaran sa hate speech, at ang pagbabago sa mga kahulugan ng mga salitang Arabic.

Para basahin ang mga komento ng publiko na na-submit para sa kasong ito, paki-click dito.

Dagdag pa rito, bilang bahagi ng patuloy na mga engagement effort ng stakeholder, ang mga miyembro ng Board ay gumawa ng mga talakayan na nagbibigay ng impormasyon at kaalaman kasama ang mga organisasyon na nagsusumikap para sa kalayaan ng pagpapahayag at ang mga karapatan ng mga taong LGBTQIA+, kasama ang mga nagsasalita ng Arabic. Binigyang-diin ng talakayan na ito ang mga alalahanin kabilang ang: kahirapan sa pagproklama sa pang-iinsulto bilang na-reclaim nang malinaw at pangkalahatang nakakasakit kapag ang pinag-uusapang salita ay maaaring patuloy na marinig ng ilang audience bilang pang-iinsulto, anuman ang layunin ng nagsasalita, ang mga problemang naidulot ng kakulangan sa mungkahi sa patakaran sa content mula sa mga advocacy group ng LGBTQIA+ at mga komunidad na hindi nagsasalita ng English, at ang mga panganib ng pag-moderate ng content na hindi sapat na sensitibo sa konteksto.

8.Pagsusuri ng Oversight Board

Tiningnan ng Board ang tanong na kung ang content na ito ba ay dapat ibalik sa pamamagitan ng tatlong lente: Ang mga patakaran ng Meta; ang mga pagpapahalaga ng kumpanya; at mga responsibilidad nito sa mga karapatang pantao.

Pinili ng Board ang kasong ito dahil ang over-moderation ng pananalita ng mga user mula sa mga inaping minority group ay seryoso at malawakang banta sa kanilang kalayaan sa pagpapahayag. Partikular na mahalaga ang mga online na lugar sa mga grupo na nahaharap sa pang-aapi at nangangailangan ng mas maraming atensyon ang kanilang mga karapatan para sa proteksyon mula sa mga kumpanya ng social media. Ipinapakita rin ng kasong ito ang tensyon para sa Meta sa paghahangad na protektahan ang mga minority mula sa hate speech, habang hinahangad din na gumawa ng lugar kung saan ganap na maipapahayag ng mga minority ang kanilang mga sarili, kasama ang pag-reclaim sa mga mapoot na pang-iinsulto.

8.1 Pagsunod sa mga patakaran ng Meta sa content

I.Mga panuntunan ng content

Nalaman ng Board na, bagaman ginagamit ang mga pang-iinsultong salita, hindi hate speech ang content dahil kabilang ito sa isang exception sa patakaran sa Hate Speech para sa mga pang-iinsultong salita na “ginagamit sa pagtukoy sa sarili o sa paraan na nagbibigay ng kapangyarihan,” pati rin ang exception para sa pagbanggit sa hate speech para “kondenahin ito o magbigay ng kaalaman.”

Sa mga desisyon sa "Wampum Belt" at "Meme ng dalawang button" sinabi ng Board na hindi kinakailangang malinaw na sabihin ng user ang intensyon nito sa isang post para matugunan nito ang mga kinakailangan ng exception sa patakaran sa Hate Speech. Sapat na maging malinaw ang user sa konteksto ng post na gumagamit siya ng salitang hate speech sa paraan na pinapayagan ng patakaran.

Gayunpaman, ang content sa kasong ito ay may kasamang mga pahayag ng user na hindi niya “condone or encourage (kinondena o hinikayat)” ang nakakasakit na paggamit ng pinag-uusapang mga nang-iinsultong salita pero sa halip ang post ay “an attempt to resist and challenge the dominant narrative (isang pagsubok na labanan at hamunin ang nangingibabaw na narrative)” at “to reclaim the power of such hurtful terms (ma-reclaim ang kapangyarihan ng mga nasabing nakakasakit na salita).” Bagamant ang malinaw na mga pahayag ng layunin ay hindi palaging kinakailangan o sapat para ma-legitimize ang paggamit o pagbanggit ng hate speech, dapat nitong alertuhan ang moderator sa posibilidad na maaaring naaangkop ang isang exception. Sa kasong ito, nalaman ng Board na ang pahayag ng layunin, kasama ang konteksto, ay nililinaw na direktang kabilang ang content sa exception.

Sa kabila nito, unang inalis ng Meta ang content, kung saan tinukoy ng tatlong makakahiwalay na moderator na nilabag ng content ang patakaran sa Hate Speech. Bagamant may malawak na mga posibleng dahilan sa kung paano nabigo ang maraming moderator na ma-classify nang tama ang content, hindi nakapagbigay ang Meta ng mga partikular na paliwanag para sa pagkakamali dahil hindi hinihiling ng kumpanya sa mga moderator na i-record ang dahilan para sa kanilang mga desisyon. Gaya ng binanggit sa desisyon sa "Wampum Belt", ipinapakita ng mga uri ng mga pagkakamali at ang mga tao o mga komunidad na nagpapasan ng kahirapan sa mga ito ang mga pinipiling disenyo para sa mga enforcement system sa platform na naglalagay sa panganib na pahinain ang mga karapatan sa malayang pananalita ng mga member ng mga inaaping grupo. Kapag may nakikita ang Meta na pattern ng patuloy na over-enforcement ng content kaugnay sa inaapi o marginalized group, tulad ng sa kasong ito, naaangkop na imbestigahan ang dahilan sa likod ng mga desisyon sa pag-enforce at isaalang-alang kung anong mga pagbabago sa mga panuntunan sa pag-moderate, o dinagdagang training o supervision kaugnay sa mga dati nang panuntunan ang kinakailangan para maiwasan ang masyadong masigasig na pag-enforce na nagpapahirap sa mga member ng grupo na nalalagay sa partikular na panganib ang mga karapatan sa pagpapahayag.

II.Aksyon sa pagpapatupad

Bilang pagtugon sa mga tanong mula sa Board, ipinaliwanag ng Meta na ibinalik lang ang content sa platform dahil na-flage ito ng isang empleyado ng Meta dahil sa escalated level ng review. Ang “Escalated para i-review” ay nangangahulugan na, sa halip na balikan muli ang desisyon sa pamamagitan ng at-scale review, na kadalasang ina-outsource, napupunta ito sa isang internal team sa Meta. Kailangan nitong mapansin ng empleyado ng Meta ang pag-alis sa content, pagkatapos ay magsasagot at magsu-submit ng internal webform na nagbibigay-diin sa isyu. Dagdag pa sa element of chance, ang mga system na tulad ng mga ito ay pwede lang matukoy ang mga mali sa content na personal na na-expose ng tauhan ng Meta. Alinsunod, ang content na hindi English, content na hindi pinost ng mga account na may maraming follower sa US, o content na ginawa para sa at ng mga group na kaunti ang kumakatawan sa Meta ay napakamalamang na hindi mapapansin, mapa-flag at mabibigyan ng karagdagang pansin.

Bilang bahagi ng outreach na ito, ipinaalam sa Board ang mga alalahanin mula sa mga stakeholder na ang tamang pagpapatupad ng mga exception sa patakaran sa Hate Speech ay nangangailangan ng antas ng kadalubhasaan sa paksa at lokal na kaalaman na maaaring wala ang Meta o hindi palaging nagagamit. Ibinahagi ng Board ang mga alalahanin na, maliban kung regular na hihingi ng mungkahi ang Meta mula sa mga minority group na pinupuntirya ng mga pang-iinsulto sa antas na partikular sa isang bansa, hindi ito makakabuo ng natatanging mga listahan ng mga itinalagang pang-iinsultong salita at bibigyan ang mga moderator nito ng tamang patnubay sa kung paano dapat gamitin ang mga exception sa patakaran sa mga pang-iinsulto.

8.2 Pagsunod sa mga pagpapahalaga ng Meta

Nalaman ng Board na ang orihinal na desisyon na alisin ang content na ito ay hindi alinsunod sa mga pagpapahalaga ng Meta na "Boses" at "Dignidad" at hindi nito natugunan ang pagpapahalagang "Kaligtasan." Bagaman alinsunod ito sa mga pagpapahalaga ng Meta para iwasan ang paggamit ng mga pang-iinsulto para abusuhin ang mga tao sa mga platform nito, nababahala ang Board na hindi consistent na ginagamit ng Meta ang mga exception sa patakaran sa pagpapahayag mula sa mga marginalized group.

Sa konteksto ng kasong ito, ang “Boses” na hinahangad na mag-promote ng malayang pagpapahayag mula sa mga member ng marginalized group ay pinakamahalaga. Tama ang Meta na subukang limitahan ang paggamit ng mga pang-iinsulto para hamakin at takutin ang kanilang mga target, at payagan din ang mga pagsubok na may mabuting hangarin para alisin sa mga salitang iyon ang negatibong epekto ng mga ito sa pamamagitan ng pagwawasto nito.

Alam ng Board na ang pagpapakalat ng mga pang-iinsulto ay nakakaapekto sa “Dignidad.” Lalo na kapag ginagamit nang may layuning makasakit o alisin ang mga contextual clue na nagpapahiwatig na hindi ginagamit ang mga ito para makasakit, ang mga karanasan sa mga pang-iinsultong salita ay maaaring manakot, mang-inis o makasakit ng mga user sa mga paraan na pumipigil sa pagpapahayag sa online. Kung saan may mga malinaw na contextual clue na binanggit ang pang-iinsulto para kondenahin ito, magbigay ng kamalayan tungkol dito, o binanggit ito bilang pagtukoy sa sarili o sa paraan na nagbibigay ng kapangyarihan, hindi sinasabi ng pagpapahalagang “Dignidad” na dapat alisin sa platform ang salita. Salungat dito, ang over-enforcement na nagbabalewala sa mga exception ay partikular na nakakaapekto sa minority at mga marginalized group. Gaya ng inirerekomenda ng Board sa desisyon sa “Meme ng dalawang button”, dapat tiyakin ng Meta na sapat na na-resource at suportado ang mga moderator nito kung saan maa-assess nang tama ang may kaugnayang konteksto. Mahalaga na matutukoy ng mga moderator ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pinahihintulutang pagbanggit sa mga pang-iinsulto at hindi pinahihintulutang mga paggamit ng mga pang-iinsulto para protektahan ang "Boses" at "Dignidad" ng mga user nito, lalo na ang mula sa mga marginalized na komunidad.

Dahil nasa pinaigting na antas ng panganib ang “Dignidad” at “Kaligtasan” ng mga marginalized na komunidad sa mga social media platform, ang mga platform na iyon ay may mas matinding mga responsibilidad para protektahan ang mga ito. Inirekomenda na ng Board sa desisyon sa "Wampum Belt" na dapat gumawa ang Meta ng mga pag-assess ng accuracy sa paggamit ng mga pagpapahintulot sa patakaran sa Hate Speech. Maaaring mapahusay ang accuracy sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga moderator para matukoy nila ang content na kinabibilangan ng mga diniskriminang komunidad at makatanggap ng mga instruksyon para maingat na i-assess kung ang naaangkop ang mga exception sa patakaran sa Hate Speech. Ang pag-assess ng content, kasama ang pagsuporta ng mga contextual clue, ay dapat maging mga nagti-trigger na dahilan para sa paggamit ng mga exception na ito.

Kaugnay sa “Kaligtasan,” sinabi rin ng Board ang partikular na kahalagahan ng parehong ligtas na mga online space at maingat na pag-moderate sa mga marginalized at pinagbabantaang komunidad. Ang mga LGBTQIA+ na nagsasalita ng Arabic, lalo na ang nasa MENA region, ay nahaharap sa antas ng panganib kapag hayagang ipinapahayag ang kanilang mga sarili online. Dapat balansehin ng Meta ang pangangailangan na magbigay ng sumusuportang mga arena para sa pagpapahayag na ito sa pagtiyak na hindi nito nao-over moderate at pinatatahimik ang mga taong nahaharap na sa censorship at oppression. Bagaman kinikilala ng Board ang pagiging masalimuot ng pag-moderate sa area na ito, lalo na nang malawakan, mahalagang mag-invest ang mga platform sa mga resource na kinakailangan para magawa ito nang tama.

8.3 Pagsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta

Nagpasya ang Board na ang inisyal na desisyon ng Meta na alisin ang content ay hindi consistent sa mga responsibilidad nito sa mga karapatang pantao bilang isang negosyo. Ipinangako ng Metsa sa sarili nito na igagalang ang mga karapatang pantao sa ilalim ng UN Guiding Principles on Business and Human Rights ( mga UNGP). Sinasabi ng Patakaran sa Mga Karapatang Pantao ng Kumpanya ng Facebook na kasama rito ang International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR).

1. Kalayaan sa pagpapahayag (Article 19 ICCPR)

Isinasaad ng Article 19 ng ICCPR ang malawakang proteksyon ng pagpapahayag, kabilang ang pagtalakay sa mga karapatang panato at pagpapahayag na maaaring ituring bilang “labis na nakakasakit” (Pangkalahatang Komento 34, talata 11). Ang karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag ay iginagarantiya sa lahat ng tao nang hindi nandidiskrimina ng “kasarian” o “iba pang status” (Article 2, talata 1, ICCPR). Kabilang dito ang sekswal na oryentasyon at kinikilalang kasarian ( Toonen v. Australia (1992); A/HRC/19/41, talata 7).

Ang post na ito ay nauugnay sa mga mahalagang isyung panlipunan tungkol sa diskriminasyon laban sa LGBTQIA+ na mga tao. Napansin ng UN High Commissioner for Human Rights ang mga alalahanin tungkol sa mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag na nagreresulta sa mga nadidiskriminang limitasyon sa advocacy para sa mga karapatan ng LGBTQIA+ ( A/HRC/19/41, talata 65).

Hinihiling ng Article 19 na kung saan ang mga paghihigpit sa pagpapahayag ay ipinapataw ng estado, dapat nilang matugunan ang mga kinakailangan sa legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at proporsyonalidad (Article 19, talata 3, ICCPR). Umaasa sa framework ng mga UNGP, ang UN Special Rapporteur tungkol sa malayang opinyon at pagpapahayag ay nanawagan sa mga kumpanya ng social media para tiyakin na ang mga panuntunan ng mga ito sa content ay ginagabayan ng mga kinakailangan sa Article 19, talata 3, ICCPR ( A/HRC/38/35, talata 45 at 70).

I. Legalidad (pagiging malinaw at pagiging naa-access ng mga panuntunan)

Ang pangangailangan ng legality ay isinasaad na ang anumang paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay dapat naa-access at sapat na malinaw para magbigay ng gabay sa kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan.

Inirekomenda ng Board sa kasong "Mga sintomas ng breast cancer at nudity" (2020-004-IG-UA, Rekomendasyon bilang 9), ang kasong "Pagbubukod kay Ocalan" (2021-006-IG-UA, Rekomendasyon bilang 10) at ang Opinyon sa Policy Advisory sa pagbabahagi ng pribadong residensyal na impormasyon (Rekomendasyon bilang 9) na dapat linawin ng Meta sa mga user ng Instagram na ginagamit ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Instagram sa parehong paraan ng paggamit nito sa Facebook, na may ilang mga exception. Sa Opinyon sa Policy Advisory, inirekomenda ng Board na dapat itong kumpletuhin ng Meta sa loob ng 90 araw. Sinabi ng Board na ang tugon ng Meta sa Opinyon sa Policy Advisory na, bagaman ganap na ipapatupad ang rekomendasyong ito, nagsusumikap pa rin ang Meta na bumuo nang mas komprehensibong Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram na naglilinaw sa kanilang kaugnayan sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at hindi ito makakaabot sa 90 araw na deadline. Dahil maraming beses nang inulit ng Board ang rekomendasyon na ito, naniniwala ito na hindi nagkaroon ng sapat na oras ang Meta para makapaghanda para sa mga pagbabagong ito. Ang hindi malinaw na kaugnayan sa pagitan ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram at Mga Pamanayan ng Komunidad ng Facebook ay pinagmumulan ng patuloy na pagkalito para sa mga user ng mga platform ng Meta. Sa ngayon, bagaman may link ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram sa Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Hate Speech, hindi malinaw sa user na ang buong Pamantayan ng Komunidad ng Facebook sa Hate Speech, kabilang ang pagbabawal sa mga pang-iinsulto at mga exception, ay naaangkop sa Instagram. Para sa Board nananatiling dapat bigyan ng prayoridad ang nasa oras at komprehensibong mga update sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng Instagram.

Tungkol sa pagbuo ng listahan ng mga pang-iinsulto, inuulit ng Board ang ginawa nitong opinyon sa kasong "Mga Pang-iinsulto sa South Africa" ( 2021-011-FB-UA) na dapat maging mas malinaw ang Meta sa mga pamamaraan at criteria para sa pagbuo ng listahan. Sa kasong ito, ipinaliwanag ng Meta na tinutukoy nito ang mga listahan ng pang-iinsulto para sa bawat naitatag na market batay sa “pagsusuri at pag-vet mula sa mga may kaugnayang internal partner tulad ng proseso, mga market, at mga team ng patakaran sa content.” Sinabi rin ng Meta na ino-audit taun-taon ng mga market expert nito ang listahan ng pang-iinsulto, kung saan ina-assess ang bawat salita ayon sa kalidad nito at dami, tinitingnan ang kaibahan ng “mga salitang natural na nakakasakit, kahit na nakasulat ito nang mag-isa, at ang mga salitang hindi natural na nakakasakit.” Hindi malinaw sa Board kung kailan nangyayari ang taunang review na iyon, pero pagkatapos piliin ng Board ang kasong ito, na-audit ng Meta ang salitang “z***l.” Kasunod ng pag-audit na ito, inalis ang salita sa “Arabic” na listahan ng pang-iinsulto habang nanatili ito sa listahan ng pang-iinsulto para sa “Maghreb market.” Hindi alam ng Board kung ang pag-audit na ito ay bahagi ng mga regular na pamamaraan o isang ad hoc review bilang pagtugon sa pagpili ng Board sa kasong ito. Mas pangkaraniwan, hindi malinaw sa Board kung anong mga qualitative at quantitative assessment ang bumubuo sa mga taunang review.

Hindi available sa mga user ang impormasyon sa mga proseso at criteria para sa pagbuo ng listahan ng pang-iinsulto at pagtatalaga ng market, lalo na ang tungkol sa kung paano natutukoy ang mga linguistic at geographic market. Kung wala ang impormasyong ito, maaaring mahirapan ang mga user na ma-assess kung anong mga salita ang maaaring ituring na mga pang-iinsulto, batay lamang sa depinisyon ng mga pang-iinsulto na nasa patakaran sa Hate Speech na umaasa sa mga subjective na konsepto tulad ng natural na pagiging nakakasakit at nakakainsultong katangian ( A/74/486, talata 46; tingnan din ang A/HRC/38/35, talata 26).

Tungkol sa kung paano ini-enforce ang listahan ng pang-iinsulto, sinabi ng Meta sa kasong "Mga Pang-iinsulto sa South Africa" ( 2021-011-FB-UA) na ang “pagbabawal nito sa mga pang-iinsulto ay pandaigdigan, pero ang pagtatalaga ng mga pang-iinsulto ay partikular sa market.” Ipinaliwanag nito na “[k]ung ang isang salita ay lumabas sa isang listahan ng pang-iinsulto sa market, ipinagbabawal ng patakaran sa hate speech ang paggamit nito sa market na iyon.” Nakakalito ang paliwanag ng Meta kung ang mga kasanayan nito sa pag-enforce, na maaaring pandaigdigan ang saklaw, ay nangangahulugan na ipinagbabawal din nang pandaigdigan ang mga pang-iinsultong may itinalagang market. Ipinaliwanag ng Meta na tinukoy nito ang isang market bilang “kombinasyon ng (mga) bansa at (mga) wika/(mga) dialect” at na “ang pagkakahati sa pagitan ng...[mga] market ay pangunahing batay sa kombinasyon ng wika / dialect at bansa ng content.” Ang mga content reviewer ng Meta ay “itinalaga sa kanilang market batay sa kanilang linguistic aptitude at kaalaman sa kultura at market.” Ayon sa Meta, ang content na ito ay kinabibilangan ng Arabic at Maghreb na mga market sa listahan ng pang-iinsulto. Idinaan ito sa mga market na ito “batay sa kombinasyon ng maraming signal tulad ng lokasyon, wika, at dialect na nakita sa content, ang uri ng content at ang uri ng report.” Hindi sapat na malinaw sa Board kung paano nagtutulungan ang maraming signal para malaman kung sa aling mga market makikibahagi ang piraso ng content, at kung ang content na may pang-iinsultong salita sa isang partikular na market ay aalisin lamang kung nauugnay sa market na iyon ang content, o kung aalisin ito sa buong daigdig. Hindi ipinapaliwanag ng Pamantayan ng Komunidad ang prosesong ito.

Dapat magbigay ang Meta ng komprehensibong paliwanag ng kung paano ini-enforce sa platform ang mga pang-iinsulto. Maraming malabong bahagi sa kasalukuyang patakaran, kasama ang kung ang mga pang-iinsultong itinalaga para sa mga partikular na heograpiya ay inaalis sa platform kapag pinost lamang sa mga heograpiyang iyon o kapag nakita sa mga heograpiyang iyon, o kahit ano pa man ang kanilang pinost o nakita. Dapat ding ipaliwanag ng Meta kung paano nito pinamamahalaan ang mga salita na itinuturing na pang-iinsulto sa ilang setting pero may ganap na ibang kahulugan, ang isa na hindi lumalabag sa anumang mga patakaran ng Meta, sa ibang lugar.

Maaari ring magdulot ng pagkalito ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech. Bagaman ang pagbabawal sa mga pang-iinsulto ay makikita sa ibaba ng heading tier three hate speech hindi malinaw sa Board kung ang pagbabawal ay kabilang sa tier three dahil ang mga pang-iinsulto ay hindi kinakailangang pinupuntirya ang mga tao sa pamamagitan ng paghihiwalay o pagbubukod, na pinagtutuunan ng pansin sa natitirang bahagi ng tier na iyon.

II.Lehitimong layunin

Ang anumang paghihigpit sa pagpapahayag ay dapat ipagpatuloy ang isa sa mga lehitimong layuning nakalista sa ICCPR, kung saan kasama ang “karapatan ng iba.” Hinahangad ng pinag-uusapang patakaran ang lehitimong layunin ng pagprotekta ng mga karapatan ng iba ( Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 28) hanggang sa pagkakapantay-pantay, proteksyon laban sa karahasan, at diskriminasyon batay sa sekswal na oryentasyon at kinikilalang kasarian (Article 2, talata 1, Article 26 ICCPR; UN Human Rights Committee, Toonen v. Australia (1992); Ang UN Human Rights Council Resolution 32/2 tungkol sa proteksyon laban sa karahasan at diskriminasyon batay sa sekswal na oryentasyon at kinikilalang kasarian).

III. Pagiging kinakailangan at proporsyonalidad

Isinasaad ng prinsipyo ng pagiging kinakailangan at proporsyonalidad na ang anumang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay “dapat naaangkop para makamit ang tungkulin nitong magbigay ng proteksyon; ang mga ito dapat ay hindi masyadong nanghihimasok na instrumento sa mga maaaring makagawa ng tungkulin nito para magbigay ng proteksyon; [at] ang mga ito dapat ay proporsyon sa kapakanan na dapat protektahan” ( Pangkalahatang Komento 34, talata 34).

Hindi kinakailangang alisin ang content sa kasong ito dahil ang pag-alis ay malinaw na pagkakamali na hindi alinsunod sa exception sa mga patakaran ng Meta sa Hate Speech. Ang pag-alis ay hindi rin nanghihimasok na instrumento para makamit ang lehitimong layunin dahil, sa bawat pag-review na nagreresulta sa pag-alis, ang buong carousel na may 10 litrato ay inalis para sa sinasabing mga paglabag ng patakaran sa isa sa mga litrato lamang. Kahit na may isang image ang carousel na may mga pang-iinsulto na hindi pinapayagan na hindi kabilang sa exception, ang pag-alis sa buong carousel ay hindi magiging naaangkop na pagtugon.

Ipinaliwanag ng Meta sa Board na “itinuturing na lumalabag ang post kapag ang anumang litrato ay lumalabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad” at “[h]indi tulad ng Facebook, hindi maaaring alisin gn Meta ang iisang image mula sa isang post sa Instagram na maraming litrato.” Sinabi ng Meta na nagmungkahi ng update sa content review tool na may layunin na maaaring alisin ng mga reviewer ang lumalabag na litrato sa isang carousel, pero hindi nabigyan ng prayoridad ang update. Hindi malinaw sa Board ang paliwanag na ito, at naniniwala ito na ang pag-deprioritize sa update ay maaaring humantong sa systemic overenforcement kung saan aalisin ang buong carousel kahit na mga bahagi lamang nito ang itinuturing na lumalabag. Sinabi rin ng Board na, kung magpo-post ang user ng parehong serye ng mga litrato sa Facebook at Instagram, ang magkakaibang mga pagtrato sa ganitong uri ng content sa dalawang platform ay hahantong sa hindi magkakaparehong resulta na hindi mabibigyan ng katwiran ng anumang makabuluhang pagkakaiba sa patakaran: kung ang isang post ay lumalabag, magdudulot ito ng pag-alis sa buong carousel sa Instagram, pero hindi sa Facebook.

2.Walang diskriminasyon

Dahil sa kahalagahan ng pag-reclaim sa mga nang-iinsultong salita para sa LGBTQIA+ na mga tao sa pagsalungat sa diskriminasyon, inaasahan ng Board ang Meta na maging partikular na sensitibo sa posibilidad ng maling pag-alis ng content sa kasong ito at katulad na content sa Facebook at Instagram. Gaya ng sinabi ng Board sa desisyon sa "Wampum Belt" ( 2021-012-FB-UA) tungkol sa artistic na pagpapahayag mula sa mga Indigenous na tao, hindi sapat na ma-evaluate ang performance ng enforcement ng Meta sa patakaran ng Facebook sa Hate Speech sa kabuuan – dapat isaalang-alang ang partikular na mga marginalized na grupo. Ayon sa mga UNGP, "dapat magtuon ng espesyal na pansin ang mga business enterprise sa anumang partikular na mga epeketo ng mga karapatang pantao sa mga indibiduwal mula sa mga grupo o populasyon na maaaring nasa tumaas na panganib ng vulnerability o marginalization" (Mga UNGP, Prinsipyo 18 at 20). Para sa mga LGBTQIA+ na mga tao sa mga bansa na nagpe-penalize sa kanilang pagpapahayag, ang social media ang kadalasang isa sa tanging paraan para malaya pa rin nilang maipahayag ang kanilang mga sarili. Ganito ang partikular na sitwasyon para sa Instagram, kung saan pinapayagan ng Mga Alituntunin ng Komunidad ang mga user na huwag gamitin ang kanilang tunay na pangalan. Sinabi ng Board na ang parehong mga kalayaan ay hindi ibinibigay sa mga user ng Facebook sa Mga Alituntunin ng Pamantayan. Magiging mahalaga sa Meta na ipakita nito na gumamit ito ng due diligence sa mga karapatang pantao para matiyak na pinatatakbo nang patas ang mga system nito at hindi ito nag-aambag sa diskriminasyon (Mga UNGP, Prinsipyo 17). Sinabi ng Board na palaging sinusuri ng Meta ang accuracy ng mga enforcement system nito sa pamamahala ng hate speech (desisyon sa "Wampum Belt"). Gayunpaman ang mga assessment na ito ay hindi hinati sa mga pag-evaluate ng accuracy na partikular na sumusukat sa kakayahan ng Meta na matukoy ang hindi pinapayagang hate speech mula sa pinapayagang content na sinusubukang ma-reclaim ang mga nang-iinsultong salita.

Isinasaad ng mga pagkakamali sa kasong ito na posibleng hindi sapat ang patnubay ng Meta sa mga moderator na nag-a-assess ng mga pagbanggit sa mga nang-iinsultong salita. Nababahala ang Board na maaaring walang sapat na mga resource ang mga reviewer pagdating sa kapasidad o training para maiwasan ang uri ng pagkakamaling nakita sa kasong ito, lalo na kaugnay sa content na pinahihintulutan sa ilalim ng mga exception sa patakaran. Sa kasong ito, sinabi ng Meta sa Board na available lamang sa English ang Mga Kilalang Tanong at Mga Internal na Pamantayan sa Pagpapatupad para “matiyak ang standardized na pandaigdigang enforcement” ng mga patakaran nito, at na ang “lahat ng content moderator nito ay fluent sa English.” Sa desisyon sa "Myanmar bot" ( 2021-007-FB-UA), inirekomenda ng Board na dapat tiyakin ng Meta na available ang Mga Internal na Pamantayan sa Pagpapatupad nito sa wika ng content na nire-review ng mga content moderator. Walang karagdagang aksyon na ginawa ang Meta sa rekomendasyon na ito, nagbigay ng katulad na tugon na fluent sa English ang mga content moderator nito. Nakita ng Board na ang pagbibigay ng patnubay sa mga reviewer na nasa English sa kung paano i-moderate ang content sa mga wikang hindi English ay tunay na mahirap. Ang Mga Internal na Pamantayan sa Pagpapatupad at Mga Kilalang Tanong ay kadalasang batay sa mga US-English na structure ng wika na maaaring hindi naaangkop sa iba pang mga wika, tulad ng Arabic.

Sa desisyon sa "Wampum Belt" ( 2021-012-FB-UA, Rekomendasyon bilang 3), inirekomenda ng Board na dapat gumawa ang Meta ng mga pag-assess ng accuracy na nakatuon sa mga exception sa patakaran sa Hate Speech na tumatalakay sa pagpapahayag tungkol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao (hal., pagkondena, pagbibigay ng kamalayan, paggamit bilang pagtukoy sa sarili, paggamit para magbigay ng kapangyarihan), at dapat ibahagi ng Meta ang mga resulta ng assessment, kabilang ang kung paano bibigyan ng kaalaman ng mga resultang ito ang mga pagpapahusay sa mga enforcement operation at pagbuo ng patakaran. Ibinigay ng Board ang rekomendasyong ito batay sa pag-unawa nito na partikular na malaki ang gastos sa over-removal ng pagpapahayag tungkol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao. Sinabi ng Board ang mga alalahanin ng Meta sa rekomendasyon sa pag-assess ng feasibility, kabilang ang (a) kakulangan ng mga partikular na kategorya sa mga patakaran nito sa mga exception para sa mga area tulad ng mga paglabag sa mga karapatang pantao, at (b) kakulangan sa madaling matukoy na sample ng content na kabilang sa mga exception sa Hate Speech. Naniniwala ang Board na maaaring malampasan ang mga hamon na ito, dahil maaaring ituon ng Meta ang pansin sa pagsusuri sa umiiral na mga exception sa Hate Speech at bigyan ng prayoridad ang pagtukoy sa mga halimbawa ng content. Hinihikayat ng Board ang Meta na mangakong ipatupad ang rekomendasyon sa kasong "Wampum Belt" ( 2021-012-FB-UA) at tanggapin ang mga update mula sa Meta sa susunod nitong quarterly report.

9. Desisyon ng Oversight Board

Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na tanggalin ang content.

10. Pahayag ng policy advisory

Pagpapatupad

1. Dapat i-translate ng Meta ang Mga Internal na Pamantayan sa Pagpapatupad at Mga Kilalang Tanong sa Modern Standard Arabic. Ang paggawa nito ay mababawasan ang over-enforcement sa mga rehiyon na nagsasalita ng Arabic sa pamamagitan ng pagtulong sa mga modertor na mag-assess nang mas mabuti kapag pinapahintulutan ang mga exception para sa content na may mga pang-iinsulto. Sinabi ng Board na hindi gumawa ng karagdagang aksyon ang Meta bilang pagtugon sa rekomendasyon sa kasong "Myanmar Bot" (2021-007-FB-UA) na dapat tiyakin ng Meta na ang Mga Internal na Pamantayan nito sa Pagpapatupad ay available sa wika ng content na nire-review ng mga content moderator. Ituturing ng Board na ipinatupad ang rekomendasyong ito kapag sinabi ng Meta sa Board na nakumpleto na ang pag-translate sa Modern Standard Arabic.

Transparency

2. Dapat mag-publish ang Meta ng malinaw na paliwanag sa kung paano nito ginagawa ang mga listahan nito ng pang-iinsulto na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para sa pagtatalaga kung aling mga pang-iinsulto at mga bansa ang nakatalaga sa bawat listahan na partikular sa market. Ituturing ito ng Board bilang naipatupad na kapag na-publish na ang impormasyon sa Transparency Center.

3. Dapat mag-publish ang Meta ng malinaw na paliwanag ng kung paano nito ini-enforce ang mga listahan nito ng pang-iinsulto na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para matukoy nang tama kung kailan at saan ie-enforce ang pagbabawal ng mga pang-iinsulto, ito man ay kaugnay sa mga post na mula sa pinag-uusapang rehiyon, nagmumula sa labas pero may kaugnayan sa pinag-uusapang rehiyon, at/o may kaugnayan sa lahat ng user na nasa pinag-uusapang rehiyon, anuman ang pinagmulang heograpiko ng post. Ituturing ng Board na naipatupad na ang rekomendasyong ito kapag na-publish na ang impormasyon sa Transparency Center ng Meta.

4. Dapat mag-publish ang Meta ng malinaw na paliwanag sa kung paano nito ino-audit ang mga listahan nito ng pang-iinsulto na partikular sa market. Dapat kasama sa paliwanag na ito ang mga proseso at criteria para sa pag-alis ng mga pang-iinsulto mula sa o pagpapanatili ng mga pang-iinsulto sa mga listahan ng Meta na partikular sa market. Ituturing ng Board na naipatupad na ang rekomendasyong ito kapag na-publish na ang impormasyon sa Transparency Center ng Meta.

*Note sa pamamaraan:

Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.

Para sa desisyon sa kasong ito, gumawa ng independent research sa ngalan ng Board. Isang independent research institute na naka-headquarter sa Unibersidad ng Gothenburg at bumubuo ng isang team ng may mahigit sa 50 social scientist sa anim na kontinente, pati na rin ang mahigit sa 3,200 eksperto sa bansa mula sa buong mundo. Tinulungan din ang Board ng Duco Advisors, isang advisory firm na nakatuon sa pag-uugnay ng geopolitis, tiwala at kaligtasan, at teknolohiya. Ang kumpanyang Lionbridge Technologies, LLC na ang mga espesyalista ay fluent sa mahigit sa 350 wika at nagtatrabaho mula sa 5,000 lungsod sa buong mundo, ang nagbigay ng expertise sa wika.

Voltar para Decisões de Casos e Pareceres Consultivos sobre Políticas