قرار قضية متعددة

Negatibong Mga Stereotype ng Mga African American

Sinuri ng Board ang tatlong Facebook post na naglalaman ng mga racist materyal, na hindi inalis ng Meta. Pagkatapos ipaalam ng Board ang mga apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang mga orihinal na desisyon nito at inalis ang mga post.

3 تم تضمين من الحالات في هذه الحزمة

أسقط

FB-LHBURU6Z

Kaso tungkol sa hate speech sa Facebook

منصة
Facebook
عنوان
Diskriminasyon,Lahi at Etnisidad
معيار
Mapoot na asal
موقع
United States
Date
تم النشر بتاريخ تم النشر بتاريخ 18 نَيْسان 2024
أسقط

FB-1HX5SN1H

Kaso tungkol sa hate speech sa Facebook

منصة
Facebook
عنوان
Diskriminasyon,Lahi at Etnisidad
معيار
Mapoot na asal
موقع
United Kingdom,United States
Date
تم النشر بتاريخ تم النشر بتاريخ 18 نَيْسان 2024
أسقط

FB-ZD01WKKW

Kaso tungkol sa hate speech sa Facebook

منصة
Facebook
عنوان
Diskriminasyon,Lahi at Etnisidad
معيار
Mapoot na asal
موقع
United States
Date
تم النشر بتاريخ تم النشر بتاريخ 18 نَيْسان 2024

Ito ay summary decision. Tinitingnan ng mga summary decision ang mga kaso kung saan binaliktad ng Meta ang orihinal na desisyon nito sa isang piraso ng content pagkatapos ipaalam ito ng Board sa kumpanya at kasama ang impormasyon tungkol sa mga tinatanggap na mali ng Meta. Inaaprubahan ang mga ito ng panel ng Board Member, kaysa sa buong Board, hindi kabilang ang mga comment ng publiko at walang naunang pagpapasya para sa Board. Direktang ginagawa ng mga summary decision ang tungkol sa mga pagbabago sa mga desisyon ng Meta, pagbibigay ng transparency sa mga pagtatamang ito, habang tinutukoy kung saan maaaring pahusayin ng Meta ang pagpapatupad nito.

Buod

Sinuri ng Board ang tatlong Facebook post na naglalaman ng mga racist materyal, na hindi inalis ng Meta. Kasama sa bawat post ang caricature o namanipulang larawan ng mga African American na binibigyan-diin ang mga nakakasakit na stereotype, kasama ang mga absent father, na nasa welfare at mga magnanakaw sa isang tindahan. Binibigyan-diin ng mga kasong ito ang mga mali sa pagpapatupad ng Meta sa mga patakaran saHate Speech at Pambu-bully at Pangha-harass nito. Pagkatapos ipaalam ng Board ang mga apela sa Meta, binaliktad ng kumpanya ang mga orihinal na desisyon nito at inalis ang mga post.

Tungkol sa mga Kaso

Sa huling bahagi ng 2023, nakatanggap ang Board ng tatlong hiwalay na apela tungkol sa tatlong iba’t ibang larawan na na-post sa Facebook, lahat ay naglalaman ng negatibong material tungkol sa mga African American.

Sa unang post na sinuri ng halos 500,000 beses, nag-post ang user ng larawan ng gawa ng computer ang isang nasusunog na tindahan na may mga Black na tao na ipinakita bilang mga cartoon character, nakasuot ng mga may hood na sweatshirt, may dalang paninda at tumatakbo palabas ng tindahan. Ang pangalan ng tindahan,Target, ay binago sa “Loot” sa larawan at sa kasamang caption, inilalarawan ng user ang larawan bilang susunod na pelikula ng Pixar.

Pini-feature ng pangalawang post ang larawan na gawa ng computer na ginagaya rin ang poster ng pelikula, kasama ang Black na babae na may exaggerated na mga pisikal na feature na ipinakitang may hawak na shopping cart na puno ng Cheetos. Ang pamagat ng pelikula ay “EBT,” na pangalan ng isang sistema para sa tumatanggap ng social welfare na mga benepisyo sa United Staes. Sa itaas ng poster, sa lugar na mga pangalan ng mga actor, ay ang mga pangalan nina Trayvon Martin at George Floyd, mga African American na parehong mga biktima ng karahasan, ang isa ay binaril ng armadong vigilante noong 2012 at ang isa ay pinatay sa mga kamay ng mga pulis noong 2020. Nakatulong ang kanilang mga kamatayan na magsimula ng mga protesta tungkol sa pagkakaiba ng lahi sa sistema ng hustiya sa U.S.

Ang pangatlong post, na tiningnan ng halos 14 na milyong beses, pini-feature ang meme na sinasabi na ang “Gumawa ang Adobe ng software na maaaring matukoy ang photoshop sa isang larawan.” Sa ilalim ng ckaim, may isang larawan ng babae na may mga makulay na marking sa kanyang buong mukha (karaniwang ginagamit para ipakita ang pagtukoy ng heat) para ipahiwatig na binago ang mga bahagi ng larawan. Ikinupara ito sa isang larawan ng Black pamilya na kumakain kung ang ama at ang pagkain sa lamesa ay mayroong parehong mga makukulay na marking, ipinapahiwatid ang dalawang elementong ito ay idinagdag sa pamamagitan ng pag-edit. Muling ipinatupad ng post ang malawakang negatibong stereotype tungkol kakulangan ng ama sa mga BLack family sa United States, kung saan nagmumula mula sa masalimuot na history ng systemic racism at hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya.

Insiyal na hindi inalis ng Meta ang tatlong post sa Facebook, sa kabila ng mga apela mula sa mga user. Sa kanilang mga apela sa Board, igiit ng parehong mga user na nagpapakita ang content ng mapinsalang mga racial stereotype ng mga African American.

Pagkatapos ipaalam ng Board sa Meta ang mga kasong ito, nalaman ng kumpanya na nilabag ng bawat post ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech, kung saan bina-ban ang mga direktang pang-aatake laban sa mga tao sa basehan ng mga protektadong katangian, kasama ang lahi at etnisidad. Partikular ding ipinagbabawal ng patakaran ang “pag-target ng isang tao o grupo” na may “hindi makataong speech” sa paraan ng “pagkukumpara sa mga kriminal kasama ang mga magnanakaw,” “kinukutya ang konsepto, mga pangyayari o biktima ng mga hate crime” at “paglalahat na nagsasaad ng kababaan ng uri ... mga moral characteristic.”

Dagdag pa rito, nalaman ng Meta na ang pangalawang post na kasama ang mga pangalan nina Trayvon Martin at George Floyd ay nilalbag din ang Pamantayan ng Komunidad sa Pambu-bully at Pangha-harass sa ilalim ng kung saan inaalis ng kumpanya ang “ang pagdiriwang pangungutya ng kamatayan o medikal na kondisyon” ng sinuman. Ipinaliwanag ng kumpanya na “isinama ng larawan ang pangalan ng dalawang pumanaw na mga indibiduwal, sina Trayvon Martin at George Floyd ... Tinatratong hindi mahalaga ng content ang kanilang mga pagkamatay sa paghihiwatig na magiging bida sila sa isang gawa-gawang animated na pelikula.”
Kaya inalis ng kumpanya ang lahat na tatlong post.

Awtoridad at Scope ng Board

Mayroong karapatan ang Board na suriin ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa user na nag-report ng content na hindi inalis (Charter Article 2, Seksyon 1; Article 3, Seksyon 1 ng Mga Regulasyon).

Kapag tinatanggap ng Meta na nagkamali ito at binaliktad ang desisyon nito sa isang kaso na isinasaalang-alang para suriin ng Board, maaaring piliin ng Board ang kasong iyon para sa summary decision (Article 2, Seksyon 2.1.3 ng Mga Regulasyon). Sinusuri ng Board ang orihinal na desisyon para dagdagan ang pag-unawa sa proseso ng pag-moderate ng content, para bawasan ang mga mali at dagdagan ang pagiging patas para sa mga user ng Facebook at Instagram.

Kahalagahan ng mgA Kaso

Binigyan-diin ng mga kasong ito ang tatlong sitwasyon kung saan nabigong epektibong ipinatupad ng Meta ang mga patakaran nito laban sa Hate Speech at Pambu-bully at Pangha-harass, sa pamamagitan ng hindi pag-alis ng mga lumalabag na post sa kabila ng mga reklamo ng user. Nakatanggao ng mataas na bilang ng mga view ang dalawa sa mga post. Ang mga nasabing mali sa pag-moderate ng hindi sapat na pagpapatupad ay maaaring maaaoektuhan nang hindi maganda ang grupo ng protektadong katangian. Hiniling ng Board sa Meta na gawing strategic priority ang pagtugon sa Hate Speech Laban sa Mga Marginalized Group.

Noong 2022, nagbigay ang Board ng rekomendasyon na “dapat linawin ng Meta ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech at ang gabay na ibinibigay sa mga reviewer, ipinapaliwanag na kahit ang hindi ipinahiwatig ang mga reference sa mga protektadong grupo ay ipinagbabawal ng patakaran kapag ang pagtukoy ay makatwirang mauunawaan,” ( Knin Cartoon , rekomendasyon bilang 1), na ini-report ng Meta bilang bahagyang ipinatupad.

Desisyon

Binaliktad ng Board ang orihinal na desisyon ng Meta para huwag alisin ang tatlong post. Tinanggap ng Board ang pagwawasto ng Meta sa mga inisyal na mali nito noong ipinaalam ng Board ang mga kasong ito sa kumpanya.

العودة إلى قرارات الحالة والآراء الاستشارية المتعلقة بالسياسة