पलट जाना
Nazi quote
28 जनवरी 2021
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na alisin ang post na sinasabi ng kumpanya na nilabag ang Pamantayan ng Komunidad nito sa mga mapanganib na indibiduwal at organisasyon.
Buod ng Kaso
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na alisin ang post na sinasabi ng kumpanya na nilabag ang Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon. Nalaman ng Board na ang mga rule na ito ay hindi ginawang sapat na malinaw sa mga user.
Tungkol sa kaso
Noong Oktubre 2020, nag-post ang user ng quote na maling iniugnay ka Joseph Goebbels, ang Reich Minister of Propaganda sa Nazi Germany. Ang quote, sa Ingles, sinasabi na, kaysa sa maganda sa mga matatalino, dapat maganda sa mga argument sa mga emosyon at instinct. Sinabi na hindi malahaga ang katotohanan at ay subordinate sa mga tactika at psychology. Walang mga litrato ni Joseph Goebbels o mga simbolo ng Nazi na nasa post. Sa kanilang pahayag sa Board, sinabi ng user na ang kanilang layunin ay maglagay ng comparison sa pagitan ng opinyon sa quote at ang presidency ni Donald Trump.
Unang pinost ng user ang content dalawang taon na ang nakaraan at naisipan niyang ibahagi ito ulit dahil sa “memory” function ng Facebook, na nagbibigay-daan sa mga user na makita kung ano ang kanilang pinost sa isang partikular na araw sa isang taon sa nakaraan, na may opsyong ibahagi ulit ang post.
Inalis ng Facebook ang post dahil sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon.
Mahahalagang nalaman
Sa pagtugon nito sa Board, nakumpirma ng Facebook na si Joseph Goebbels ay nasa listahan ng mga mapanganib na indibiduwal ng kumpanya. Sinabi ng Facebook na mga post na nagbabahagi ng quote na nauugnay sa mga mapanganib na indibiduwal ay itinuturing bilang nagpapahayag ng suporta para sa mga ito, maliban kung ang user ay nagbibigay ng karagdagang koneteksto para gawing malinaw ang kanilang layunin.
Inalis ng Facebook ang post dahil hindi nilinaw ng user na ibinahagi niya ang quote para kondenahin si Joseph Goebbels, para i-counter ang extremism o mapoot na salita, o para sa academic o balita.
Sa pagsusuri ng kaso, nalaman ng Board na hindi sinuportahan ng quote ang ideology ng partido ng Nazi o mga mapoot at marahas na pagkilos ng rehimen. Ang mga comment sa post mula sa mga kaibigan ng user ay sinuportahah ang sinasabi ng user na hinangad nila para kumpara ang presidency ni Donald Trump sa rehimen ng Nazi.
Sa ilalim ng international na mga pamantayan sa mga karapatang pantao, ang anumang rule na nililimitahan ang malayang pagpapahayag ay dapat malinaw, tama at naa-access ng publiko, para mapamahalaan ng mga indibiduwal ang kanilang sarili nang naanlinsunod. Hindi naniniwala ang Board na hindi natugunan ng kinakailangan na ito ang mga rule sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon ng Facebook.
Nakita ng Board na may pagkakaiba sa mga rule na ginawang pampubliko sa pamamagitan ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook at sa mga karagdagang hindi pampublikong rule na ginagamit ng mga content moderator ng kumpanya. Sa mga rule na makukuha ng publiko, hindi sapat na malinaw ang Facebook na, kapag nagpo-post ng quote na nauugnay sa mapanganib na indibiduwal, dapat linawin ng user na hindi nila pinupuri o sinusuportahan ang mga ito.
Ang patakaran ng Facebook sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisayon ay hindi rin nagbibigay ng malinaw na mga halimbawa na nagpapaliwanag ng kahulugan ng mga salitang tulad ng “purihin” at “suportahan,” na nagpapahirap para sa mga user na maintindihan ang Pamantayan ng Komunidad na ito.
Habang kinumpirma ng Facebook sa Board na si Joseph Goebbels ay itinalagang bilang mapanganib na indibiduwal, hindi nagbibigay ang kumpanya ng nakapublikong listahan ng mga mapanganib na inidibiduwal at organisasyon, mga halimbawa ng mga ito. Nakikita rin ng Board na, sa kasong ito, na mukhang hindi sinabihan ang user aling Pamantayan ng Komunidad ang nilabag ng kanilang content.
Ang desisyon ng Oversight Board
Binabaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na alisin ang content at hinihiling na ma-restore ang post.
Sa pahayag ng policy advisory, nirerekomenda ng Board na ang Facebook ay dapat:
- Tiyakin na palaging inaabisuhan ang mga user sa mga dahilan ng anumang pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad laban sa kanila, kasama ang partikular na rule na ipinatutupad ng Facebook.
- Ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa ng paggamit ng mahahalagang salita mula sa patakaran ng Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon, kasama ang mga kahulugan ng “purihin,” “suporta” at “representation.” Dapat din mas payuhan ng Pamantayan ng Komunidad ang mga user sa kung paano gawing malinaw ang kanilang layunin kapag pinag-uusapan ang mga mapanganib na indibiduwal o organisasyon.
- Magbigay ng nakapublikong listahan ng mga organisasyon at indibiduwal na itinalaga bilang ‘mapanganib’ sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon o, listahan ng mga halimbawa man lang.
*Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at walang precedential value.
Buong Desisyon sa Kaso
1.Buod ng Desisyon
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na alisin ang post na sinasabi ng kumpanya na nilabag ang Pamantayan ng Komunidad nito sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon. Nalaman ng Board na ang mga rule na ito ay hindi ginawang sapat na malinaw sa mga user.
2. Paglalarawan ng Kaso
Noong Oktubre 2020, may user na nag-post ng quote na maling iniugnay kay Joseph Goebbels, ang Reich Minister of Propaganda sa Nazi Germany. Ang quote, sa Ingles, sinabi na walang saysay na maganda sa mga matatalino, dahil hindi ito mapapalitan at, sa anumang pangyayari ay hahantong sa mas matatag na tao sa kalye. Dahil doon, sinabi ng quote, ang mga argument ay dapat maganda sa mga emosyon at instinct. Nagtapos ito sa pagsasabing hindi mahalaga ang katotohanan at ay subordinate sa mga taktika at psychology. Walang mga litrato ni Goebbels o mga simbolo ng Nazi na nasa post. Unang pinost ng user ang content dalawang taon na ang nakaraan at naisipan niyang ibahagi ito ulit dahil sa “memory” function ng Facebook, na nagbibigay-daan sa mga user na makita kung ano ang kanilang pinost sa isang partikular na araw sa isang taon sa nakaraan, na may opsyong ibahagi ulit ang post. Walang mga report ng content ng user. Inalis ng Facebook ang post dahil sa paglabag ng Pamantayan ng Komunidad sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon.
Ang quote at ang pagpapatungkol lang kay Goebbels ang laman ng post. Walang karagdagang commentary sa post na sinasabi ang layunin ng user sa pagbabahagi ng content. Sa kanilang pahayag sa Board, ipinaliwanag nila na ang kanilang quote ay kinabibilangan ng mga isyung panlipunan, at ang content ng quote ay “NAPAKAMAHALAGA sa ngayon sa ating bansa dahil mayroon tayong ‘leader’ na ang presidency ay sinusunod ang fascist model.” Ang kanilang layunin pahayag ay maglagay ng comparison sa pagitan ng opinyon na nasa quote at ang presidency ni Donald Trump. Sina-suggest ng mga comment sa post na naintindihan ng mga kaibigan ng user ito na ganito nga.
3. Authority at Scope
May awtoridad ang Board na suriin ang desisyon ng Facebook sa ilalim ng Article 2 (Authority to Review) ng Charter ng Board at maaaring suportahan o i-reverse ang desisyong iyon sa ilalim ng Article 3, Seksyon 5 (Mga Procedure para sa Review: Resolution) ng Charter. Walang ipinakitang mga dahilan ang Facebook para sa content na hindi isasama alinsunod sa Article 2, Seksyon 1.2.1 (Hindi Available ang Content para sa Pagsusuri ng Board) ng Internal na Patakaran ng Board, o isinaad ng Facebook na itinuturing nito ang kaso na hindi eligible sa ilalim ng Article 2, Seksyon 1.2.2 (Mga Legal na Obligasyon) ng Internal na Karapatan.
4.May Kaugnayang Mga Pamantayan
Isinaalang-alang ng Oversight Board ang mga sumusunod na pamantayan sa desisyon nito:
I. Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook:
Isinasaad ng Pamantayan ng Komunidad sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon na “sa pagsusumikap na pigilan at antalahin ang pinsala sa totoong buhay, hindi namin pinapayagan ang anumang organisasyon o indibiduwal na nagpapahayag ng marahas na misyon o sangkot sa karahasan na magkaroon ng presensya sa Facebook.” Sinasabi pa ng Facebook na “aalisin ang content na nagpapahayag ng suporta o papuri para sa mga grupo, leader o indibiduwal na kabilang sa mga aktibidad na ito”.
II. Mga Pagpapahalaga ng Facebook:
Ang mga pagpapahalaga ng Facebook na may kaugnayan sa case na ito ay nakabalangkas sa panimula sa Mga Pamantayan ng Komunidad. Ang una ay “Boses”, na inilalarawan bilang “pinakamahalaga”:
Ang layunin ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad ay palaging gagawa ng lugar para sa pagpapahayag at bigyan ang mga tao ng boses. […] Gusto naming makipag-usap nang bukas sa mga tao tungkol sa mga isyu na mahalaga sa kanila, kahit na may ilang hindi sumang-ayon o makita nila itong hindi katanggap-tanggap.
Nililimitahan ng Facebook ang "Boses" para gamitin ang apat pang pagpapahalaga. Isinasaalang-alang ng Board na ang kalahagan ng “Kaligtasan” ay may kaugnayan sa desisyong ito.
Kaligtasan: Nakatuon kami na gawing ligtas na lugar ang Facebook. Ang pagpapahayag na nagbabanta sa mga tao ay may potensyal na manakot, ibukod o patahimikin ang iba at hindi pinapayagan sa Facebook.
III. Mga May Kaugnayang Pamantayan ng Mga Karapatang Pantao na isinaalang-alang ng Board:
Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights ( UNGPs), na na-endorse ng UN Human Rights Council noong 2011, magtatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad ng karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Alinsunod sa mga UNGP, ang mga sumusunod na pamantayan ng mga karapatang pantao ay isinaalang-alang sa kasong ito:
- Ang karapatan sa malayang pagpapahayag: International Covenant sa Civil at Political Rights ( ICCPR), Mga Article 19 at 20; Pangkalahatang Comment Bilang 34, Committee ng Karapatang Pantao (2011) ( Pangkalahatang Comment 34; UN Special Rapporteur sa mga report ng malayang opinyon at pagpapahayag: A/69/335 (2014); A/HRC/38/35 (2018); A/73/348 (2018), at A/HRC/44/49 (2020); Joint Declaration on Freedom of Expression and Elections in the Digital Age (2020); at ang Rabat Plan of Action;
- Ang karapatan sa walang diskriminasyon: ICCPR mga Article 2 at 26. International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination ( ICERD), Mga Article1, 4 at 5; Committee on the Elimination of Racial Discrimination, General Recommendation No. 35 (2013) ( GR35); UN Special Rapporteur on Racism, report: A/HRC/38/53 (2018);
- Ang karapatang mabuhay: ICCPR Article 6; General Comment No. 36, Human Rights Committee (2018) (GC36);
- Ang karapatan sa seguridad ng tao: ICCPR Article 9; gaya ng binigyang-kahulugan ng Pangkalahatnag Comment Bilang 35, talata 9, Human Rights Committee (2014).
5. Pahayag ng User
Sinasabi ng user na una nilang pinost ang content na ito mas maaga nang dalawang taon at na-prompt na i-post ito ulit ng “memory” function ng Facebook. Ipinaliliwanag nila na mahalaga ang post dahil ang United States ay mayroon leader na ang presidency ay sinusunod ang fascist model. Sinabi pa nila na ang kakayahan nilang gamitin ang Facebook ay ipinagbawal pagkatapos nilang i-post ang content.
6. Paliwanag ng Desisyon ng Facebook
Sinasabi ng Facebook na itinuturing ang content na nagko-quote, o inuugnay ang mga quote (anuman ang kanilang accuracy), sa nakatalagang mapanganib na indibiduwal bilang pagpapahayag ng suporta para sa indibiduwal na iyon maliban kung magbigay ng karagdagang konteksto ang user para gawing malinaw ang kanilang layunin. Sinasabi sa kasong ito, hindi nagbigay ng karagdagang konteksto ang user na isinasaad na naibahagi ang quote para kondenahin si Goebbels, para i-counter ang extremism o mapoot na salita, o bilang bahagi ng academic o pinag-uusapan. Sinasabi ng Facebook na hindi ito inalis ang content kung nilinaw ang post ng user na naibahagi ito para sa mga dahilan na ito. Bagaman ang mga ginawang comment ng iba sa post ng user ay nagsasaad na hindi nila nilalayong purihin o suportahan si Joseph Goebbels, ipinaliwanag ng Facebook na sinusuri lang nila ang post nito kapag gumagawa ng pag-moderate ng desisyon. Hindi inalis ang content noong orihinal na pinost dahil walang mga report ng user na laban dito at hindi awtomatikong natukoy.
Nakita rin ng Board na, noong sinabihan ng Facebook ang user na inalis ang kanilang post, hindi sinabi sa kanila ng kumpanya kung aling Pamantayan ng Komunidad ang nilabag ng kanilang post.
7. Mga third party submission
Isinaalang-alang ng Oversight Board ang 12 comment ng publiko kaugnay sa kasong ito. Isinumite ang tatlong comment mula sa Europe at siyam mula sa United States at rehiyon ng Canada.
Tinalakay ng mga pagsumite ang mga sumusunod na tema: pagsunod sa may kaugnayang Mga Pamantayan ng Komunidad; kung ito man ay binubuo ng pampulitikang speech; ang role ng “memory” function ng Facebook; ang epekto ng mga parusa sa mga user; at feedback sa pagpapaganda sa proseso ng comment ng publiko.
8. Pagsusuri ng Oversight Board
8.1 Pag-comply sa Mga Pamantayan ng Komunidad
Sa tingin ng Board na ang desisyon ng Facebook para alisin ang post ng user ay hindi sumusunod sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon .
Sinasabi ng Facebook na para pigilan at antalahin ang tunay na pinsala, pinagbabawalan nito ang mga organisasyon at indibiduwal (buhay o namatay) na mapabilang sa inorganisang pang-aatake ng indibiduwal bunsod ng galit sa pagkakaroon ng presence sa Facebook. Ipinagbabawal din ang content na nagpapahayag ng suporta o papuri para sa mga ganitong grupo, ang kanilang mga leader, o indbiduwal na kabilang sa mga aktibidad na ito. Hindi pina-publish ng Facebook ang listahan ng mga indibiduwal o organisasyon na itinalaga bilang mapanganib.
Sa paliwanag ng desisyon na ibinigay nito sa Board, nilinaw ng Facebook ang ilang aspeto ng patakaran sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon na hindi nabalangkas sa Mga Pamantayan ng Komunidad. Una, kinumpirma ng Facebook na ang Nazi party (ang national Socialist German Workers’ Party, aktibo sa pagitan ng 1920 at 1945) ay itinalaga bilang hate organization simula noong 2009 ng Facebook. Si Joseph Goebbels, bilang isa sa mga leader ng partido, ay itinalagang bilang isang mapanganib na indibiduwal. Pangalawa, itinuturing ng Facebook ang lahat ng content na nagko-quote, o inuugnay ang mga quote (anuman ang kanilang accuracy), sa nakatalagang mapanganib na indibiduwal bilang pagpapahayag ng suporta para sa indibiduwal na iyon maliban kung magbigay ng karagdagang konteksto ang user para gawing malinaw ang kanilang layunin. Pangatlo, tinutukoy ng Facebook ang pagsunod sa patakaran batay sa text at/o larawan sa post mismo, nang hindi ina-assess ang mga reaksyon o comment sa post.
Sa kasong ito, ang content na kabilang sa isang quote na iniugnay kay Joseph Goebbels. Sa tingin ng Board na hindi na-promote ng quote ang ideology ng partido ng Nazi at hindi inindorso ang mga mapoot na pagkilos at karahasan ng rehimen. Ang mga comment sa post mula sa mga kaibigan ng user ay sinuportahan ang sinasabi ng user na hinangad nila para ikumpara ang presidency ni Donald Trump at ang rehimen ng Nazi.
Nakita ng Board ang kakulangan ng impormasyon sa pagitan ng text na available sa publiko ng patakaran sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon at ang karagdagang panloob na mga rule na ginamit ng mga content moderator ng Facebook. Hindi sapat na malinaw ang nakapublikong text na kapag nagpo-post ng quote na iniuugnay sa isang mapanganib na indibiduwal, dapat magbigay ang user ng karagdagang konteksto sa kanilang post para gawin itong malinaw na hindi nila pinupuri o sinusuportahan ang indibiduwal o organisayong na kabilang sa inorganisang pang-aatake ng inibiduwal bunsod ng galit. Sinasabi ng Mga Pamantayan ng Komunidad ang katulad na kinakailangan para sa mga post na isinasama ang mga simbolo ng mga itinalagang organisasyon at indibiduwal, pero hindi parehong sinasabi para sa content na pinpuri o sinusuportahan ang mga ito. Gaya nang ipinapakita ng kasong ito, ang mga resulta na ito pinipigilang salita na hindi nagdudulot ng panganib ng pinsala. Habang pinasasalamatan ng Board ang kahalagahan ng paglaban sa pagkalat ng Nazi ideoloy at mapoot na salita, pati rin ang kahirapan ng pagpapatuloy ng mga ganoong malawakang kayunin, sa kasong ito ang pag-alis ng post ay malinaw na wala sa diwa ng patakaran.
8.2 Pag-comply sa Mga Pagpapahalaga ng Facebook
Sa tingin ng Board na ang pag-alis ay hindi sumusunod sa mga pagpapahalaga ng Facebook. Kapag isinasaalang-alang na alisin ang content sa policy ng Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon, ang halaga ng “Kaligtasan” ay balanse laban sa “pinakamahalaga” na value of “Boses.” Ipinaliliwanag ng Facebook na ang “Kaligtasan” ay maaaring maging mas matimbang kapag maaaring humantong ang content sa pisikal na pinsala. Sa kasong ito, gayupaman, pagsasaalang-alang sa kaunting benepisyo sa value ng “Kaligtasan” mula sa post ng user, sa tingin ng Board na ang pag-alis ay minamaliit ang value ng "Boses.”
8.3 Pag-comply sa Mga Pamantayan ng Karapatang Pantao
- Malayang Pagpapahayag (Article 19 ICCPR)
Ang paggamit sa internasyonal na mga pamantayan sa karapatang pantao sa karapatan sa malayang pagpapahayag, sa tingin ng Board na dapat ma-restore ang content. Ang inilagay na value sa karapatan sa malayang pagpapahayag ay mas madalas pagtalunan ng publiko tungkol sa mga pampulitikang personalidad, na paksa ng post na ito (ICCPR Article 19, talata 2, Pangkalahatang Comment 34, talata 34).
Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ay hindi absolute. Ang anumang pinaghihigpit ng karapatan ay dapat, gayunpaman, ay dapat matugunan ang mga kinakailangan ng legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at proporsyonalidad. Ang pag-alis ng content ng Facebook ay nabigo sa una at pangatlong bahagi ng test na ito.
a. Legalidad
Ang anumang mga panuntunan na naghihigpit sa pagpapahayag ay dapat na malinaw, tiyak, at naa-access ng publiko (Pangkalahatang Comment 34, talata 25) para payagan ang mga indibiduwal na baguhin ang kanilang asal nang naaayon. Ang policy ng Facebook sa Mga Mapanganib ng Indibiduwal at Organisasyon ay kulang ng pamantayan ng legalidad. Kulang ang policy ng mga malinaw na halimbawa na ipinaliliwanag ang paggamit ng “suporta,” “purihin” at “representation,” na ginagawang mahirap para sa mga user na maintindihan ang Pamantayan ng Komunidad na ito. Maidaragdag ito sa mga alalahanin tungkol sa legalidad at maaaring gumawa ng pananaw ng arbitrary enforcement sa mga user. Nagbabahala rin ang Board na sa kasong ito na mukhang hindi sinabihan ang user aling Pamantayan ng Komunidad ang nilabag nila noong inalis ang kanilang content.
Nabigo rin ang Facebook na magbigay ng listahan ng mga indibiduwal at organisasyon na itinalaga bilang mapanganib, o, kahit papaano, mga halimbawa ng mga grupo o indibiduwal na itinalagang bilang mapanganib. Panghuli, nabigong ipaliwanag ng patakaran kung paano nalalaman ang layunin ng user, na ginagawang mahirap ito para sa mga user na makita kung paano at kailan gagamitin ang patakaran at pamahalaan ang sarili nila nang naaalinsunod.
b. Lehitimong layunin
Article 19, talata 3 ng ICCPR na kasama sa lehitimong layunin ang respeto para sa mga karapatan o reputasyon ng iba tao, pati rin ang proteksyon sa seguridad ng bansa, kaayusan ng publiko, o kalusugan ng publiko o mga mabuting asal. Isinasaad ng paliwanag ng Facebook na ang layunin ng patakaran sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon kaugnay sa sinasabi nito bilang mga “hate organizations” ay para protektahan ang mga karapatan ng iba. Nasisiyahan ang Board na ang mga partikular na probisyon sa mga “hate organizations” na nilalayon na protektahan ang mga indibiduwal mula sa diskriminasyon at protektahan ang mga ito mula sa pag-aatake sa buhay o nakikitang mga intensyon na pagkilos na nagreresulta sa pisikal o mental na pinsala.
c. Pangangailangan at Proporsyonalidad
Ang anumang paghihigpit ay “dapat naaangkop para makamit ang kanilang tungkuling pagprotekta; sila dapat ang pinaka hindi nanghihimasok na instrumento sa mga maaaring makamit ang kanilang tungkuling pagprotekta; sila dapat ay magkatimbang sa interes na dapat protektahan” (Pangkalahatang Comment 34, talata 34.
Ang konteksto ay susi para sa pag-assess ng pangangailangan at proporsyonalidad. Nakita ng Board na nagkaroon ng pandaigdigan pagtaas sa suporta at pagtanggap ng neo-Nazi ideology, at ang kinakaharap na hamon ng Facebook sa paghihigpit sa pagkakaroon ng “hate organizations” sa platform (Report A/HRC/38/53, 2018). Itinuturing ng Board na maaaring kinakailangan, kapag mino-moderate ang content tungkol mga mapanganib na organisasyon na malawakan, para alisin ang mga post kung saan mayroong hindi sapat na konteksto. Sa kasong ito, may kaugnayan lahat ang content ng quote at iba pang sagot ng mga user dito, ang lokasyon ng user at ang timing ng post sa election campaign. Ang pamamaraan ng Facebook na hinihiling sa mga moderator ng content na suriin ang content nang hindi isinasaalang-alang ang mga palatandaang nagbibigay ng konteksto na nagresulta sa hindi kinakailangan at hindi proporsyon na paghihigpit sa pagpapahayag.
d. Pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon
Dapat igalang ng anumang mga paghihigpit sa pagpapahayag ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon (Pangkalahatang Comment 34, mga talata. 26 at 32). Kinikilala ng Board ang kahalagahan ng Facebook labanan ang Nazi ideology sa platform, lalo na sa konteksto ng idinukomento na nadadagdagan ang suporta para sa mga ganoong ideya at anti-Semitism sa buong mundo. Gayupaman, ang pag-aalis ng content na hinangad na punahin ang pulitiko sa pagkukumpara sa kanilang istilo ng pamamahala sa mga architrect ng Nazi ideology ay hindi nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon.
9. Desisyon ng Oversight Board
9.1 Desisyon sa Content
Binaliktad ng Oversight Board ang desisyon ng Facebook na tanggalin ang content, na hinihiling na ma-restore ang post.
9.2 Pahayag ng Policy Advisory
Inirekomenda sa Facebook ng Board na:
- Tiyakin na palaging inaabisuhan ang mga user sa mga dahilan ng anumang pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad laban sa kanila, kasama ang partikular na rule na ipinatutupad ng Facebook (hal. para sa suporta ng hate organization).
- Ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa ng application ng mahahalagang salita na ginagamit sa patakaran ng Mga Mapanganib na mga Indibiduwal at Organisasyon, kasama ang mga kahulugan ng “purihin,” “suporta” at “representation.” Dapat i-align sa mga depenisyon na ginagamit sa Internal na Mga Pamantayan sa Pagpapatupad. Dapat magbigay ang Pamantayan ng Komunidad ng mas malinaw na gabay sa mga user sa kung paano gawaing maliwanag ang layunin kapag tinatalakay ang mga indibiduwal o organisasyon na itinalagang bilang mapanganib.
- Mgabigay ng nakapublikong listahan ng mga organisasyon at indibiduwal na itinalaga sa “mapanganib” sa Pamantayan ng Komunidad sa Mga Mapanganib na Indibiduwal at Organisasyon. Dapat magbigay mang lang ng mga larawan na halimbawa. Matutulungan nito ang mga user na mas maintindihan ang patakaran at pamahalaan ang sarili nila nang naaalinsunod.
*Note sa pamamaraan:
Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel ng limang Miyembro at kinakailangang napagkasunduan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.