पलट जाना
Speech ng heneral ng Brazil
22 जून 2023
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na huwag alisin ang video sa Facebook na nagpi-feature ng isang heneral ng Brazil na pangkalahatang nananawagan sa mga tao na “go to the National Congress and the Supreme Court” (pumunta sa National Congress at sa Supreme Court).
Buod ng Kaso
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na huwag alisin ang video sa Facebook na nagpi-feature ng isang heneral ng Brazil na pangkalahatang nananawagan sa mga tao na “hit the streets” (lumabas sa lansangan) at “go to the National Congress and the Supreme Court” (pumunta sa National Congress at sa Supreme Court). Bagaman kinikilala ng Board na bumubuo ang Meta ng maraming risk evaluation at mitigation measures sa panahon at pagkatapos ng mga eleksyon, dahil sa posibleng panganib na magamit ang mga platform nito para manghimok ng karahasan sa konteksto ng mga eleksyon, dapat patuloy na dagdagan ng Meta ang mga pagsusumikap nitong iwasan, pigilan at tugunan ang mga hindi magandang kinalabasan. Inirerekomenda ng Board na bumuo ang Meta ng framework para ma-evaluate ang mga pagsusumikap nito para sa integridad ng eleksyon para maiwasang magamit ang mga platform nito para mag-promote ng pulitikal na karahasan.
Tungkol sa kaso
Ang mga eleksyon sa pagkapresidente sa Brazil noong Oktubre 2022 ay lubhang nahati sa dalawang magkasalungat na grupo, na may malakawan at coordinated na mga claim online at offline na kumukwestyon sa legitimacy ng mga eleksyon. Kasama rito ang mga panawagan para sa panghihimasok ng militar, at para sa paglusob sa mga gusali ng gobyerno para pigilan ang paglipat sa bagong gobyerno. Ang matinding panganib ng pulitikal na karahasan ay hindi humupa dahil sa pag-upo sa katungkulan ng bagong halal na Presidente na si Luiz Inácio Lula da Silva noong Enero 1, 2023, dahil nagpatuloy ang civil unrest, mga protesta at mga encampment sa harap ng mga base ng militar.
Makalipas ang dalawang araw, noong Enero 3, 2023, nag-post ang Facebook user ng isang video na may kaugnayan sa mga eleksyon sa Brazil noong 2022. Ang caption na nasa Portuguese ay may kasamang panawagan na “besiege” (salakayin) ang Congress ng Brazil bilang “the last alternative” (huling alternatibo). Ipinapakita rin ng video ang bahagi ng speech na ibinigay ng prominenteng heneral ng Brazil na sumusuporta sa muling pagkahalal sa dating Presidente na si Jair Bolsonaro. Sa video, nananawagan ang nakaunipormeng heneral sa mga tao na “hit the streets” (lumabas sa lansangan) at “go to the National Congress … [and the] Supreme Court” (pumunta sa National Congress ... [at sa] Supreme Court.” Ang pagkakasunud-sunod ng mga image ay sinusundan ng speech ng general, kasama ang isang sunog sa Three Powers Plaza sa Brasilia, kung nasaan ang mga opisina ng presidente ng Brazil, Congress, at Supreme Court. Sinasabi ng text sa ibabaw ng image na nasa Portuguese ang, “Come to Brasilia! (Pumunta sa Brasília!) Let’s Storm it! (Lusubin Natin ito!) Let’s besiege the three powers.” (Salakayin natin ang three powers) Sinasabi ng text sa ibabaw ng isa pang image ang, “we demand the source code,” (hinihingi namin ang source code) isang slogan na ginamit ng mga nagpoprotesta para kuwestyunin ang pagiging reliable ng mga electronic voting machine ng Brazil.
Sa araw nang na-post ang content, ni-report ito ng user dahil sa paglabag sa Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, na nagbabawal sa mga panawagan para sa sapilitang pagpasok sa mga lokasyon na mataas ang panganib. Sa kabuuan, ni-report ng apat na user ang content nang pitong beses sa pagitan ng Enero 3 at Enero 4. Kasunod ng unang report, sinuri ang content ng content reviewer at nalamang hindi nito nilalabag ang mga patakaran ng Meta. Inapela ng user ang desisyon, pero hindi binago ng pangalawang content reviewer ang desisyon. Sumunod na araw, sinuri ng limang magkakaibang moderator ang anim pang report, at para sa lahat ng ito hindi nilabag ng content ang mga patakaran ng Meta.
Noong Enero 8, pinasok ng mga tagasuporta ng dating presidente na si Bolsonaro ang National Congress, Supreme Court, at ang mga opisina ng presidente na matatagpuan sa “Three Powers Plaza” sa Brasília, tinakot ang pulis at sisira ang property. Noong Enero 9, idineklara ng Meta ang pagra-riot noong Enero 8 bilang “lumalabag na event” ayon sa patakaran nito sa Mapanganib na mga Indibiduwal at Organisasyon at sinabing aalisin nito ang “content na sumusuporta o pumupuri sa mga aksyong ito.” Inanunsyo rin ng kumpanya na “itinalaga nito ang Brazil bilang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib” at “inaalis ang content na nananawagan sa mga tao na lumaban o sapilitang lusubin ang Congress, ang palasyo ng Presidente at iba pang mga pederal na gusali.”
Bilang resulta ng pagpili ng Board sa kasong ito, nalaman ng Meta na mali ang pauulit-ulit na mga desisyon na huwag alisin ang content sa Facebook. Noong Enero 20, 2023, pagkatapos ilagay ng Board ang kasong ito sa shortlist, inalis ng Meta ang content.
Mga mahalagang nalaman
Nagdulot ng mga alalahanin ang kasong ito sa bisa ng mga pagsusumikap sa integridad ng eleksyon ng Meta sa konteksto ng 2022 Pangkalahatang Eleksyon ng Brazil, at sa iba pang lugar. Bagaman ang paghamon sa integridad ng mga eleksyon ay karaniwang itinuturing na protektadong speech, sa ilang mga sitwasyon, ang malawakang mga pahayag na sinusubukang sirain ang mga eleksyon ay maaaring humantong sa karahasan. Sa kasong ito, ang layunin ng nagsasalita, ang content ng speech at ang naabot nito, pati rin ang posibilidad na napipintong pinsala na magreresulta sa pulitikal na konteksto ng Brazil noong panahong iyon, ay napatunayan para alisin ang post.
Para lumabag ang post sa mga panuntunan ng Meta sa panawagan ng sapilitang pagpasok sa mga lokasyon na mataas ang panganib, ang lokasyon ay dapat ituring na “mataas na panganib” at dapat ito ay matatagpuan sa isang lugar o vicinity na hiwalay na itinalaga bilang “pansamantalang lokasyon na mataas ang panganib.” Dahil ang post ay malinaw na panawagan sa sapilitang pagpasok sa mga gusali ng gobyerno na matatagpuan sa Three Powers Plaza sa Brasília (“mga lokasyon na mataas ang panganib” na matatagpuan sa “pansamantalang lokasyon na mataas ang panganib,” sa Brazil), ang mga inisyal na desisyon ng Meta na huwag alisin ang content na ito sa panahon ng matinding pulitikal na karahasan ay nagpakita ng malinaw na pagtaliwas sa sarili nitong mga panuntunan.
Lubhang nabahala ang Board na sa kabila ng civil unrest sa Brazil noong panahon na na-post ang content, at ang malawakang pagkalat ng katulad na content sa mga linggo at buwan bago ang mga riot noong Enero 8, paulit-ulit na in-assess ng mga content moderator ng Meta ang content na ito bilang hindi lumalabag at hindi ito na-escalate para sa karagdagang pagsusuri. Dagdag pa rito, noong humingi ng impormasyon ang Board sa Meta tungkol sa partikular na mga pahayag na may kaugnayan sa eleksyon sa mga platform nito bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga eleksyon sa Brazil, ipinaliwanag ng kumpanya na wala itong data sa paglaganap ng nasabing mga pahayag. Ang content sa kasong ito ay inalis din sa kalaunan mahigit dalawang linggo ang lumipas, kung kailan naganap na ang lumalabag na kaganapan na pinasimulan nito, at pagkatapos lang na sabihin ng Board sa Meta ang tungkol sa kasong ito.
Bilang pagtugon sa tanong mula sa Board, sinabi ng Meta na sa pangkalahatan wala itong ginagamit na anumang partikular na metrics para sa pagsukat ng tagumpay ng mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon. Kaya, nakita ng Board na dapat bumuo ang Meta ng framework para sa pag-evaluate ng mga pagsusumikap ng kumpanya sa integridad ng eleksyon, at para sa pagre-report ng publiko tungkol sa paksa. Nilalayon nitong bigyan ang kumpanya ng may kaugnayang data para mapahusay ang sistema nito sa pag-moderate ng content sa kabuuan at para magpasya kung paano gagamitin nang pinakamahusay ang mga resource nito sa electoral na mga konteksto. Kung wala ang ganitong uri ng impormasyon, hindi mae-evaluate nng Board o ng publiko nang mas malawak ang bisa ng mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon.
Ang desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta para huwag alisin ang post.
Inirerekomenda rin ng Board sa Meta na:
- Bumuo ng framework para sa pag-evaluate ng mga pasusumikap nito sa integridad ng eleksyon. Kasama rito ang paggawa at pagbabahagi ng metrics para sa matagumpay na mga pagsusumikap sa integridad ng eleksyon, kasama ang mga may kaugnayan sa pagpapatupad ng Meta sa mga patakara nito sa content at ang pamamaraan nito sa mga ad.
- Linawin sa Transparency Center nito na, bukod sa Crisis Policy Protocol, nagpapatakbo ang kumpanya ng iba pang mga protocol para subukan nitong pigilan at tugunan ang posibleng panganib ng pinsala na magreresulta sa mga electoral na konteksto o iba pang mga event na mataas ang panganib.
*Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at hindi magiging batayan sa susunod na mga pasya.
Buong desisyon sa kaso
1. Buod ng desisyon
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na huwag alisin ang video sa Facebook na nagpi-feature ng isang heneral ng Brazil na pangkalahatang nananawagan sa mga tao na “hit the streets” (lumabas sa lansangan) at “go to the National Congress and the Supreme Court” (pumunta sa National Congress at sa Supreme Court). Ang mga panawagan na ito ay sinundan ng image ng Three Powers Plaza sa Brasília, kung saan matatagpuan ang mga gusali ng gobyerno na ito, na nasusunog, at may text sa ibabaw na “Come to Brasília! (Pumunta sa Brasília!) Let’s storm it! (Lusubin natin ito!) Let’s besiege the three powers.” (Salakayin natin ang three powers) Ayon sa Board, malinaw ang mga pahayag na ito at malinaw na mga panawagan para salakayin at kontrolin ang mga gusaling ito sa konteksto ng mga tagasuporta ni Bolsonaro na nagdi-dispute sa mga resulta ng eleksyon at nananawagan ng panghihimasok ng militar para pigilan ang paglipat ng gobyerno. Pagkatapos mailagay ng Board ang post na ito sa shortlist para suriin, binaliktad ng Meta ang orihinal na desisyon nito at inalis ito sa Facebook.
Nagdulot ng mas marami pang alalahanin ang kasong ito sa bisa ng mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon sa konteksto ng 2022 Pangkalahatang Eleksyon ng Brazil, at sa iba pang lugar. Ang paghamon sa integridad ng mga eleksyon ay karaniwang itinuturing na protektadong speech, pero sa ilang sitwasyon, maaaring humantong sa offline na karahasan ang malawakang mga pahayag sa online at offline na sinusubukang sirain ang mga eleksyon, tulad ng nasa kasong ito. Sa Brazil, makikita ang bawat babalang senyales na maaaring magresulta ang nasabing karahasan. Bagaman kinikilala ng Board na bumubuo ang Meta ng maraming risk evaluation at mitigation measures sa panahon at pagkatapos ng mga eleksyon, dahil sa posibleng panganib na magamit ang mga platform nito para manghimok ng karahasan sa konteksto ng mga eleksyon, dapat patuloy na dagdagan ng Meta ang mga pagsusumikap nitong iwasan, pigilan at tugunan ang mga hindi magandang kinalabasan. Ang yugto pagkatapos ng eleksyon ay dapat isama sa mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon para matugunan ang panganib ng karahasan sa konteksto ng paglipat ng kapangyarihan.
Kaya, inirerekomenda ng Board na bumuo ang Meta ng framework para sa pag-evaluate ng mga pagsusumikap ng kumpanya sa integridad ng eleksyon, at para sa pagre-report ng publiko tungkol sa paksa. Ang nasabing framework ay dapat may kasamang metrics ng tagumpay sa pinaka may kaugnayang mga aspeto ng mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon, na magpapahintulot sa kumpanya hindi lang para matukoy at maayos ang mga mali, ngunit para masubaybayan din kung gaano kabisa ang mga hakbang nito sa mga kritikal na sitwasyon. Inirerekomenda rin ng Board na linawin ng Meta ang kaugnay sa iba’t ibang protocol at hakbang na ginagamit nito para pigilan at tugunan ang posibleng panganib ng pinsala na magreresutla sa electoral na mga konteksto at iba pang mga event na mataas ang panganib. Kasama rito ang pagbabanggit at paglalarawan ng nasabing mga produkto, ang kanilang layunin, ang points of contact sa pagitan gn mga ito at kung paano naiiba ang mga ito sa isa’t isa. Ang nasabing mga protocol ay kailangang maging mas mabisa, magkaroon ng malinaw na chain of command, at may sapat na staff, lalo na kapag nag-ooperate sa konteksto ng mga eleksyon na may matinding panganib ng pulitikal na karahasan. Makakatulong ang mga rekomendasyong ito na mapahusay ang sistema ng kumpanya sa pag-moderate ng content sa kabuuan, sa pamamagitan ng paglalagay sa Meta sa mas magandang posisyon para mapigilan ang mga platform nito na gamitin para mag-promote ng pulitikal na karahasn at para pagandahinsa pangkalahatan ang mga pagtugon nito sa karahasan na kaugnay ng eleksyon.
2. Paglalarawan at background ng kaso
Noong Enero 3, 2023, nag-post ang Facebook user ng isang video na may kaugnayan sa mga eleksyon sa Brazil noong 2022. Ang caption na nasa Portuguese ay may kasamang panawagan na “besiege” (salakayin) ang Congress ng Brazil bilang “the last alternative” (huling alternatibo). Ipinapakita ng isang minuto at 32 segundong video ang bahagi ng speech na ibinigay ng prominenteng heneral ng Brazil at tagasuporta ng muling pagkahalal ng dating Presidente na si Jair Bolsonaro. Sa video, nananawagan ang nakaunipormeng heneral sa mga tao na “hit the streets” (lumabas sa lansangan) at “go to the National Congress … [and the] Supreme Court” (pumunta sa National Congress ... [at sa] Supreme Court.” Ang pagkakasunud-sunod ng mga image ay sinusundan ng speech ng general, kasama ang isang sunog sa Three Powers Plaza sa Brasilia, kung nasaan ang mga opisina ng presidente ng Brazil, Congress, at Supreme Court. Sinasabi ng text sa ibabaw ng image na nasa Portuguese ang, “Come to Brasilia! (Pumunta sa Brasília!) Let’s Storm it! (Lusubin Natin ito!) Let’s besiege the three powers.” (Salakayin natin ang three powers) Sinasabi ng text sa ibabaw ng isa pang image ang, “we demand the source code,” (hinihingi namin ang source code) isang slogan na ginamit ng mga nagpoprotesta para kuwestyunin ang pagiging reliable ng mga electronic voting machine ng Brazil. Na-play ang video nang mahigit 18,000 beses at hindi ibinahagi.
Dalawang araw bago na-post ang content, nanumpa ang kalaban sa electoral ni Bolsonaro na si Luiz Inácio Lula da Silva bilang presidente ng Brazil pagkatapos manalo sa run-off election noong Oktubre 30, 2022 na may 50.9 porsyento ng mga boto. Ang mga panahon bago, sa pagitan ng, at pagkatapos ng dalawang round ng pagboto ay may kapansin-pansing matinding panganib ng pulitikal na karahasan, hinimok ng mga pahayag tungkol sa posibleng mangyari na electoral fraud. Ito ay batay sa sinasabing kahinaan ng electronic na mga voting machine ng Brazil sa pag-hack. Bago pa man ang eleksyon, mas tumindi ang kawalan ng tiwala ng dating Presidente na si Bolsonaro sa electoral system, nagpaparatang ng fraud nang walang sumusuportang ebidensya at sinasabing hindi reliable ang mga electronic na voting machine. Ang ilang opisyal ng militar ay nagsabi rin ng mga katulad na pahayag ng electoral fraud at nagsalita nang pabor sa paggamit ng militar bilang tagapamagitan sa mga electoral dispute. Ang ilang pangyayari ng mga ad na pampulitika na umaatake sa legitimacy ng mga eleksyon sa mga platform ng Meta ay ni-report. Kasama rito ang mga post at video na umaatake sa mga awtoridad na panghukuman at nagsusulong ng kudeta ng militar. Higit pa rito, nag-publish ng report ang Global Witness sa Brazil na naglalarawan sa kung paano inaprubahan ng kumpanya at pinakalat sa mga platform ng Meta ang mga ad na pampulitika na lumabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad. Sinubaybayan ng mga nalaman ang mga katulad na report mula sa organisasyon na kinasasangkutan ng iba pang mga bansa tulad ng Myanmar at Kenya.
Ang panahon pagkatapos ng eleksyon ay sinamahan ng civil unrest, kasama ang mga protesta, pagharang sa kalsada, at pag-set up ng mga encampment sa harap ng mga base ng militar para manawagan sa mga hukbo na baliktarin ang mga resulta ng eleksyon. Ayon sa mga eksperto na kinonsulta ng Board, unang lumabas sa online noong Oktubre 2022 ang video sa kasong ito, agad na pagkatapos malaman ang mga resulta ng electoral; nanatili ang katulad na content sa iba’t ibang social media platform na humantong sa mga riot noong Enero 8. Noong Disyembre 12, 2022, ang parehong araw nang nakumpirma ng Superior Electoral Court ang pagkapanalo ni Lula, ang grupo ng mga nagpoprotesta na sumusuporta kay Bolsonaro ay sinubukang pumasok sa mga headquarter ng Federal Police sa Brasília. Naganap ang maraming bandalismo. Noong Disyembre 24, 2022, nagkaroon ng pagtangkang pamomomba malapit sa international airport ng bansa sa Brasília. Inaresto ang lalaking responsable sa pag-atake at umamin na ang layunin niya ay makakuha ng pansin sa kanilang hangarin na magkaroon ng kudeta.
Ang matinding panganib ng pulitikal na karahasan sa Brazil ay hindi humupa sa inagurasyon ng bagong halal na presidente noong Enero 1, 2023. Batay sa research na ginawa ng Board, tumaas sa mga Meta platform ang mga maling pahayag tungkol sa mga voting machine pagkatapos ng una at pangalawang rounds ng pagboto, at muli sa mga linggo kasunod ng pagkapanalo ni Lula. Dagdag pa rito, sa mga araw bago sumapit ang Enero 8, gumamit ang mga tagasuporta ni Bolsonaro ng mga slogan na may nakatagong ibig sabihin para i-promote ang mga protesta sa Brasília na partikular na nakatuon sa mga gusali ng gobyerno. Karamihan sa mga logistical na pag-oorganisa ay mukhang nakamit sa pamamagitan ng mga paraan ng pakikipag-ugnayan maliban sa Facebook.
Ni-report ng mga internasyonal na observation mission sa eleksyon tulad ng Organization of American States at ang Carter Center na walang makabuluhang ebidensya ng fraud at na isinagawa ang eleksyon sa malaya at patas na paraan sa kabila ng mga pressure ng lubhang nahati na sa dalawang magkasalungat na grupo na electorate. Portal ding na-obserbahan ng Brazilian Ministry of Defense ang eleksyon at nag-report na walang ebidensya o mga irregularity o fraud, bagaman kasunod nito ay naglabas ito ng sumasalungat na pahayag na ang mga hukbong sandatahan ay “hindi ni-rule out ang posibilidad ng fraud.” Sa Brazil, pinangangasiwaan ng Ministry of Defense ang trabaho ng hukbong sandatahan.
Tumindi ang mga tensyon noong Enero 8, noong pinasok ng mga tagasuporta ng dating Presidente na si Bolsonaro ang National Congress, Supreme Court, at ang mga opisina ng presidente na matatagpuan sa “Three Powers Plaza” sa Brasília, na binanggit sa content ng kaso, tinakot ang pulis at sinira ang property. Mga 1,400 tao ang inaresto para sa paglahok sa mga rito noong Enero 8, na may mga 600 ang nasa kustodiya pa.
Pagkatapos ng mga pangyayari noong Enero 8, kinondena ng United Nations ang paggamit ng karahasan, sinasabi na ito ay ang “tugatog ng natamong binagong mga katotohanan at panghihimok na gumawa ng karahasan at galit mula sa mga pulitikal, panlipunan at pang-ekonomikong mga tao na nag-uudyok ng atmosphere ng kawalan ng tiwala, pagkakahati, at pagsira sa pamamagitan ng pagtanggi sa resulta ng demokratikong mga eleksyon.” Inulit nito ang commitment at kumpiyansa nito sa demokratikong mga institusyon ng Brazil. Sinabi ng mga komento ng publiko at eksperto na kinonsulta ng Board ang mapanganib na epekto na ang mga pahayag na pumigil na pagdudahan ang integridad ng electoral system ng Brazil sa panghihikayat ng pagkakahati sa pulitika at pagpapahintulot sa offline na pulitikal na karahasan (Tingnan ang mga komento ng publiko mula sa Dangerous Speech Project [PC-11010], LARDEM - Clínica de Direitos Humanos da Pontifícia Universidade Católica do Paraná [PC-11011], Instituto Vero [PC-11015], ModeraLab [PC-11016], Campaign Legal Center [PC-11017], Center for Democracy & Technology [PC-11018], InternetLab [PC-11019], and Coalizão Direitos na Rede [PC-11020]).
Noong Enero 9, 2023, idineklara ng Meta ang pagra-riot noong Enero 8 bilang “lumalabag na event” ayon sa patakarang Mapanganib na mga Indibiduwal at Organisasyon at sinabing aalisin nito ang “content na sumusuporta o pumupuri sa mga aksyong ito.” Inanunsyo rin ng kumpanya na “[b]ago pa man ang eleksyon,” “itinalaga nito ang Brazil bilang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib” at “inaalis ang content na nananawagan sa mga tao na lumaban o sapilitang lusubin ang Congress, ang palasyo ng Presidente at iba pang mga pederal na gusali.”
Noong Enero 3, ang parehong araw na na-post ang content, ni-report ito ng isang user dahil sa paglabag sa Pamantayan ng Komunidad ng Meta sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, na nagbabawal sa mga panawagan na “sapilitang pumasok sa mga lokasyon … kung saan mayroong mga pansamantalang senyales ng matinding panganib ng karahasan o offline na pinsala.” Sa kabuuan, ni-report ng apat na user ang content nang pitong beses sa pagitan ng Enero 3 at Enero 4. Kasunod ng unang report, sinuri ang content ng human moderator at nalamang hindi nilalabag ang mga patakaran ng Meta. Inapela ng user ang desisyon, pero hindi binago ng pangalawang human moderator ang desisyon. Sumunod na araw, sinuri ng limang magkakaibang moderator ang anim pang report, at para sa lahat ng ito hindi nilabag ng content ang mga patakaran ng Meta. Hindi in-escalate ang content sa patakaran o mga eksperto sa paksa para sa karagdagang pagsusuri. Bilang pagtugon sa tanong mula sa Board, nilinaw ng Meta na nasa Europe ang pitong tao na sumuri sa content. Ayon sa Meta, mahusay sa Portuguese ang lahat at may kadalubhasaan sa wika at kultura para suriin ang Brazilian content.
Bilang resulta ng pagpili ng Board sa kasong ito, nalaman ng Meta na mali ang pauulit-ulit na mga desisyon na huwag alisin ang content sa Facebook. Noong Enero 20, 2023, matapos ilagay ng Board sa shortlist ang kaso, inalis ng Meta ang content, nagbigay ng strike laban sa account ng content creator, at gumamit ng 24 na oras na feature-limit, na pumigil sa kanyang gumawa ng bagong content sa loob ng panahong iyon. Sa kabila ng aksyon ng Meta, binigyang-diin ng pagsusumite sa Board ng komento ng publiko ng civil society group na Ekō’s Board at ng iba pang mga report na nanatili sa Facebook ang katulad na content kahit pagkatapos na ipaalam ng Board sa Meta ang kasong ito (PC-11000).
3. Authority at scope ng Oversight Board
Mayroong authority ang Board na suriin ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa taong nag-report dati ng content na hindi inalis (Article 2, Seksyon 1 ng Charter; Article 3, Seksyon 1 ng Mga Regulasyon). Maaaring panatilihin o baliktarin ng Board ang desisyon ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 5), at ipapatupad ang desisyon na ito sa kumpanya (Article 4 ng Charter). Dapat ring i-assess ng Meta ang pagiging posible ng pag-apply ng desisyon nito tungkol sa magkatulad na content na may katulad na konteksto (Article 4 ng Charter). Ang mga desisyon ng Board ay maaaring may kasamang mga non-binding na rekomendasyon na kailangang tugunan ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 4; Article 4). Kung saan nangangako ang Meta na gumawa ng aksyon sa mga rekomendasyon, sinusubaybayan ng Board ang kanilang pagpapatupad.
Kapag pumipipili ang Board ng mga kasong katulad ng isang ito, kung saan kalaunan ay tinanggap ng Meta na nagkamali ito, susuriin ng Board ang orihinal na desisyon, para tulungang dagdagan ang pag-unawa ng mga sukatan ng patakaran at mga proseso sa pag-moderate ng content na nagdulot ng mali. Pagkatapos, sisikaping tugunan ng Board ang mga isyung tutukuyin nito gamit ang mga umiiral na patakaran o proseso ng Meta. Nilalayon din ng Board na magbigay ng mga rekomendasyon para pahusayin ng Meta ang enforcement at tratuhin nang patas ang mga user magmula ngayon.
4. Mga source ng authority at gabay
Ang sumusunod na mga pamantayan at huwaran ang nakaimpluwensiya sa pagsusuri ng Board sa kasong ito:
I. Mga desisyon ng Oversight Board:
Kasama sa pinaka may kaugnayan na mga nakaraang desisyon ng Oversight Board ang:
- “Pagsuspinde sa Dating Presidente na si Trump” (desisyon sa kasong 2021-001-FB-FBR): Sinabi ng Board na, sa mga konteksto ng electoral, ang mga responsibilidad ng Meta sa mga karapatang pantao ay nangangailangan ng pagpapahintulot ng pulitikal na pagpapahayag habang iniiwasan ang mga seryosong panganib sa iba pang mga karapatang pantao.
- “Myanmar bot” (desisyon sa kasong 2021-007-FB-UA): Binigyang-diin ng Board ang kahalagahan ng pagprotekta sa pampulitikang speech sa mga panahon ng pulitikal na krisis.
- “Tigray Communication Affairs Bureau” (desisyon sa kasong 2022-006-FB-MR): Binigyang-diin ng Board ang responsibilidad ng Meta na bumuo ng may prinsipyo at transparent na sistema para sa pag-moderate ng content sa mga conflict zone para pigilan ang mga panganib ng mga platform nito na gamitin para manghimok ng karahasan.
- “Knin cartoon” (desisyon sa kasong 2022-001-FB-UA): Hinimok ng Board ang Meta na magbigay ng higit pang paglilinaw sa kung paano ini-escalate ang content sa mga eksperto sa paksa.
II.Mga patakaran ng Meta sa content:
Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen
Sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, hindi pinapayagan ng Meta ang “mga pahayag na may hinahangad o advocacy, mga panawagan ng aksyon, o mga pahayag na may hinahangad o kondisyon para sapilitang pumasok sa mga lugar (kasama ang ngunit hindi limitado sa mga lugar ng sambahan, mga pang-edukasyonal na pasilidad, mga poll, o mga lokasyong ginagamit para bilangin ang mga boto o magbigay ng eleksyon) kung saan mayroong mga pansamantalang senyales ng matinding panganib ng karahasan o offline na pinsala.” Ang paliwanag ng patakaran para sa Pamantayan ng Komunidad na ito ay “pigilan ang posibleng offline na pinsala na maaaring may kaugnayan sa content” na lumabas sa mga platform ng Meta. Gayundin, kinikilala ng Meta na “karaniwang ipinapahayag ng mga tao ang paghamak o hindi pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagbabanta o panawagan ng karahasan sa hindi seryosong mga paraan.” Kaya, inaalis ng Meta ang content kapag naniniwala ang kumpanya na “mayroong tunay na panganib ng pisikal na pinsala o direktang mga banta sa kaligtasan ng publiko.” Sa pagtukoy kung credible ang isang banta, isinasaalang-alang din ng Meta “ang wika at ang konteksto.”
Nabigyan din ng impormasyon ang pagsusuri ng Board sa pamamagitan ng commitment ng Meta sa “Boses” na inilalarawan ng kumpanya bilang “mahalaga,” at ang pagpapahalaga nito na “Kaligtasan.”
III. Mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta
Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights (mga UNGP), na inendorso ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng mga kumpanya. Noong 2021, inanunsyong Meta ang Patakaran ng Kumpanya sa Mga Karapatang Pantao nito, kung saan muli nitong pinagtibay ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatang pantao nang ayon sa mga UNGP.
Ang pagsusuri ng Board sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta sa kasong ito ay nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na internasyonal na pamantayan:
- Ang karapatan sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag: Article 19 at 20, International Covenant on Civil and Political Rights ( ICCPR), Pangkalahatang Komento Bilang 34, Human Rights Committee, 2011; Research Paper 1/2019 on Elections in the Digital Age (2019): UN Special Rapporteur sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag, mga report: A/HRC/38/35 (2018) at A/74/486 (2019); Rabat Plan of Action, report ng UN High Commissioner para sa Mga Karapatang Pantao: A/HRC/22/17/Add.4 (2013).
- Ang karapatan sa mapayapang pagtitipon: Article 21, ICCPR; Pangkalahatang Komento Bilang 37, Human Rights Committee, 2020.
- Ang karapatang mabuhay: Article 6, ICCPR.
- Ang karapatang lumahok sa mga pampublikong ugnayan at ang karapatang bumoto: Article 25, ICCPR.
5. Mga submission ng user
Sa kanilang apela sa Board, sinabi ng user na nag-report ng content na siya ay “have already reported this and countless other videos to Facebook and the answer is always the same, that it doesn’t violate na Community Standards” (na-report na niya ito at ang marami pang video sa Facebook at palaging pareho ang sagot, na hindi nito nilalabag ang Mga Pamantayan ng Komunidad). Higit pang iniugnay ng user ang posibilidad ng content na manghimok ng karahasan sa pagkilos na ginawa ng mga tao sa Brazil “na hindi tinatanggap ang mga resulta ng mga eleksyon.”
6. Mga submission ng Meta
Noong ipinaalam ng Board sa Meta ang kasong ito, natukoy ng kumpanya na mali ang orihinal na desisyon nitong huwag alisin ang content. Binigyan ng Meta ang Board ng malawak na pagsusuri ng panlipunan at pulitikal na konteksto ng Brazil bago, sa panahon ng, at pagkatapos ng eleksyon sa pagkapresidente para mabigyan ng katwiran ang – bagaman nahuling – pag-alis ng content sa kasong ito. Kalaunan, binigyan nito ang Board ng mga posibleng dahilan na “maaaring nag-ambag” sa patuloy na mali sa enforcement.
Sinabi ng Meta ang pananaw nito na “ang maraming pagbanggit sa ‘pagsalakay’ sa mga lokasyon na mataas ang panganib sa caption at video ay hindi hiwalay na humantong sa antas ng ‘sapilitang pagpasok’ sa ilalim [ng] patakaran sa [Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen]. Gayunpaman, “ang kombinasyon ng panawagan sa mga tao na ‘Come to Brasília! (Pumunta sa Brasília!) Let’s storm it! (Lusubin natin ito!) Let’s besiege the three powers’ (Salakayin namin ang three powers) na may image sa background ng nasusunog na Three Powers Plaza ay ginagawang malinaw ang intensyon na sapilitang pasukin ang mga prominenteng lokasyon na ito.”
Ayon sa Meta, hindi kwalipikado ang content para sa newsworthiness allowance bagaman kinilala nito na ang mga platform nito ay “mga mahalagang lugar para sa political discourse, lalo na tungkol sa mga eleksyon.” Sa kasong ito, hindi naging mas matimbang ang halaga ng content sa kapakanan ng publiko sa panganib ng pinsala dahil sa “malinaw na panagawan nito ng karahasan” at ang “matinding panganib ng offline na pinsala kasunod ng eleksyon sa Pagkapresidente sa Brazil at ang inagurasyon ni Lula.” Walang nakitang indikasyon ang Meta na ibinihagi ang content para kondenahin o magbigay ng kamalayan sa panawagan ng karahasan. Iginiit ng kumpanya na ang desisyon nito sa huli na alisin ang content ay alinsunod sa mga pagpapahalaga nito at sa mga internasyonal na pamantayan sa mga karapatang pantao.
Para matugunan ang mga eleksyon at iba pang sitwasyon ng krisis, nag-set up ang Meta ng maraming hakbang sa pagsusuri at pagpigil ng panganib na pinatatakbo ng iba’t ibang team at maaari itong gamitin nang sabay-sabay o magkakahiwalay. Ang bawat isa ay may iba’t ibang “mga tier” o “mga level” ng tindi depende sa kani-kanyang pag-evaluate ng panganib:
- Ang patakarang Integrity Country Prioritization (kilala rin bilang at-risk tiering system), na pinatatakbo ng product team sa Meta, ay nagbibigay ng balangkas para sa pangmatagalang pagbibigay ng prayoridad sa mga pamumuhunan sa resource ng produkto. Bagaman inilalarawan ng Meta ang prosesong ito bilang hindi tumutugon sa mga panandaliang krisis, ini-evaluate nito ang lahat ng bansa nang dalawang beses sa isang taon para sa lumilitaw na mga panganib/banta.
- Pinagsasama-sama ng Integrity Product Operations Center (mga IPOC), ang cross-functional team ng mga eksperto sa paksa mula sa kumpanya para “tumugon nang real time sa mga posibleng problema at trend.” Binuo ang mga IPOC para mabilis na ma-assess ang malaking pangkat ng mga isyu, tukuyin ang mga panganib, at alamin kung paano tutugunan ang mga ito sa konteksto ng krisis o sitwasyon na mataas ang panganib. Ang mga IPOC ay tinatawag na Mga Election Operation Center kapag partikular na nakatuon ang mga ito sa mga eleksyon.
- Ang Mga Election Operation Centers ay nagbibigay ng “real-time na pagsubaybay sa mga pangunahing isyu sa eleksyon, tulad ng mga pagsusumikap na pigilan ang mga tao na bumoto, mga pagtaas ng bilang ng spam, posibleng foreign interference, o mga report ng content na lumalabag sa mga patakaran ng [Meta],” at “subaybayan ang coverage ng balita at aktibidad na may kaugnayan sa eleksyon sa iba pang social network at tradisyonal na media.” Ang mga center ay binibigyan ang Meta ng “magkakasamang pananaw at tumutulong na masubaybayan kung anong uri ng content ang posibleng maging viral” para “pabilisin” ang tagal ng pagsagot ng kumpanya sa mga banta na ito. Bahagi ng paghahanda ng Election Operation Center ay kinabibilangan ng “malawak na pagpaplano ng senaryo para malaman kung paano haharapin ang mga posibleng banta – mula sa pangha-harass hanggang sa pagpigil sa pagboto ng botante – at maagang bumuo ng mga sistema at pamamaraan para tumugon nang mahusay.”
- Panghuli, ang Crisis Policy Protocol ay ang framework na ginamit ng Meta para sa paggawa ng mga tugon na partikular sa patakaran at may takdang panahon para sa lumilitaw na krisis. Ginawa ng Meta ang protocol na ito bilang pagtugon sa rekomendasyon ng Oversight Board sa kaso ng pagsuspinde sa dating Presidente na si Trump. Sa ilalim ng protocol na ito, nagtatag ang Meta ng tatlong kategorya ng krisis, kung saan ibinatay ang ginamit ng kumpanya na partikular na pangkat ng mga hakbang para pigilan ang mga panganib. Ang Kategorya 1 na krisis, halimbawa, ay nati-triger ng “nadagdagang pagpapatupad ng batas o aktibidad ng militar” o “nakaplanong eleksyon na mataas ang panganib o flashpoint event.”
Ang Election Operation Center na namamahala sa 2022 pangkalahatang eleksyon sa Brazil ay pinatakbo sa iba’t ibang panahon mula Setyembre hanggang Nobyembre 2022, kasama ang sa una at pangalawang round ng eleksyon. Gayunpaman, walang Election Operation Center (o IPOC) noong na-post ang content noong Enero 3, 2023. Itinalaga ng Meta ang “kaguluhan pagkatapos ng eleksyon” bilang krisis sa ilalim ng Crisis Policy Protocol para tulungan ang kumpanya na ma-assess kung paano pinakamahusay na mapipigilan ang mga panganib ng content.
Bilang pagtugon sa tanong mula sa Board tungkol sa mga digital trend sa mga platform ng Meta bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga eleksyon sa Brazil, sinabi ng kumpanya na bilang bahagi ng “paghahanda nito sa eleksyon at trabaho sa pagtugon, natukoy ng maraming team ang mga content trend na may kaugnayan sa eleksyon at isinama ang mga ito sa [kanilang] estratehiya sa pagpigil ng panganib.” Kasama sa mga ito ang: “(i) mga panganib na nauugnay sa panghihimok o pagkalat ng mga banta ng karahasan; (ii) maling impormasyon; at (iii) integridad ng negosyo, na kinabibilangan ng mga panganib na nauugnay sa posibleng pang-aabuso ng pag-a-advertise ng masamang content... o mga pagtatangkang gumawa ng mga campaign sa mga paraan na nagmamanipula o sumisira sa public debate.” Sinabi ng Meta na “ang mgaresulta, bukod sa iba pang mga salok, ay tumulong na masabi ang maraming produkto at mga mitigasyon ng patakaran.” Gayunpaman, walang “prevalence data” ang Meta sa mga partikular na pahayag (hal. ng electoral fraud, mga panawagan na pumunta sa Brasília o sapilitang lusubin ang mga pederal na gusali ng gobyerno, mga panawagan para sa panghihimasok ng militar), dahil sa pangkalahatan, ang mga enforcement system ng kumpanya “ay binuo para sumubaybay at mag-track batay sa mga patakaran na nilalabag ng mga ito.”
Tinanong ng Board ang Meta ng 15 tanong sa sulat, kasama ang 5 na follow-up sa oral briefing sa kung paano gumagana ang mga Election Operation Center. Mga tanong na may kaugnayan sa: mga instrumento ng patakaran na magagamit para matugunan ang coorindated na gawi sa mga platform ng Meta; mga panganib na maagang natukoy sa 2022 mga eleksyon sa Brazil; ang kaugnayan sa pagitan ng Election Operation Center para sa eleksyon sa Brazil at ang Crisis Policy Protocol; kung nagtatakda ng limitasyon ang Meta kapag inaalam ang kaibahan sa pagitan ng lehitimong pulitikal na pag-oorganisa at masamang coordinated na aksyon; mga digital trend sa mga platform ng Meta sa Brazil bago, sa panahon ng, at pagkatapos ng mga eleksyon; at ang mga kakayahan sa wika ng mga content moderator na sumuri ng content ng kaso.
Sinagot ng Meta ang 13 tanong. Hindi sinagot ng Meta ang dalawang tanong, isa na kaugnay sa kaugnayan sa pagitan ng pulitikal na pag-a-advertise at maling impormasyon, at ang isa pa kaugnay sa bilang ng mga pag-alis ng mga page at account habang aktibo ang Election Operation Center para sa 2022 mga eleksyon sa Brazil. Sinabi rin ng Meta sa Board na hindi nagkaroon ang kumpanya ng mas pangkalahatang data sa pag-moderate ng content sa konteksto ng 2022 eleksyon sa Brazil na maibabahagi sa Board, bukod sa bilang ng mga pag-alis ng content na naibahagi na sa publiko. Higit pang ipinaliwanag ng Meta na hindi ina-assess ng kumpanya ang performance nito sa konteksto ng mga eleksyon kumpara sa partikular na pangkat ng metrics ng tagumpay at mga benchmark. Sinabi ng Meta ang pangangailangan na bigyan ng prayoridad ang mga resource kapag tumutugon sa mga tanong ng Board, at sinabi na ang pagbibigay ng hiniling na data sa loob ng takdang panahon para pagpasyahan ang kaso ay hindi maaari.
7. Mga komento ng publiko
Nakatanggap ang Oversight Board ng 18 komento ng publiko na may kaugnayan sa kasong ito. Labing-isa sa mga komento ang nagmula sa Latin America at ang Caribbean, tatlo mula sa United States at Canada, dalawa mula sa Middle East at North Africa, isa mula sa Asia Pacific at Oceania, at isa mula sa Central at South Asia. Dagdag pa rito, noong Pebrero 2023, nag-organisa ang Board ng roundtable kasama ng mga stakeholder mula sa Brazil at Latin America sa paksang “Pag-moderate ng Content at Mga Pulitikal na Transisyon.”
Tinalakay ng mga pagsu-submit na ito ang mga sumusunod na tema: ang naipon na mga mapaminsalang pahayag tungkol sa dayaan sa eleksyon at mga panawagan ng kudeta ng militra sa mga social media platform bago, sa panahon ng, at pagkatapos ng 2022 mga eleksyon sa Brazil; maling impormasyon na may kaugnayan sa eleksyon; Mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon; Responsibilidad ng Meta na protektahan ang mga karapatan ng mga user sa konteksto ng demokratikong paglipat ng kapangyarihan; ang kaugnayan sa pagitan ng denialism sa eleksyon at pulitikal na karahasan; at ang kahalagahan ng pagiging pamilyar ng mga content reviewer sa lokal na pulitikal na konteksto.
Para basahin ang mga komento ng publiko na na-submit para sa kasong ito, paki-click dito.
8. Pagsusuri ng Oversight Board
Sinuri ng Board kung dapat bang alisin ang content na ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga patakaran sa content, mga responsibilidad sa mga karapatang pantao, at mga pagpapahalaga ng Meta. Pinili ang kasong ito dahil pinahihintulutan nito ang Board na ma-assess kung paano inaalam ng Meta ang kaibahan sa mapayapang pag-oorganisa sa mga platform nito mula sa panghihimok o koordinasyon ng marahas na aksyon, lalo na sa konteksto ng paglipat ng kapangyarihan. Dagdag pa rito, pinapayagan ng kaso ang Board na masuri ang mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon nang mas pangkalahatan, at mas partikular sa Brazil, itinuturing na ang mga panahon pagkatapos ng eleksyon ay mahahalagang sandali para kuwestyunin ang integridad ng eleksyon at para igarantiya na igagalang ang lehitimong mga resulta ng electoral. Kaya, nalaman ng Board na dapat talakayin ng mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon ang parehong proseso ng electoral mismo at ang panahon pagkatapos ng eleksyon, dahil ang huling nabanggit ay madaling mamanipula, maling impormasyon na may kaugnayan sa eleksyon at mga banta ng karahasan. Ang kaso ay kabilang sa “mga eleksyon at civic space” na strategic priority ng Board.
8.1 Pagsunod sa mga patakaran sa content ng Meta
I. Mga panuntunan ng content
Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen
Nalaman ng Board na ang content sa kasong ito ay nilalabag ang pagbabawal ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen sa content na nananawagan para sa sapilitang pagpasok sa ilang mga lokasyon na mataas ang panganib. Nalaman ng Board na bagaman ang pagpapahalagang “Boses” ng Meta ay partikular na may kaugnayan sa mga proseso ng electoral, kasama ang panahon pagkatapos ng eleksyon, kinakailangan ang pag-alis ng content sa kasong ito para isulong ang pagpapahalagang “Kaligtasan” ng Meta.
Para labagin ang limitasyon ng patakaran laban sa mga panawagan ng sapilitang pagpasok sa mga lokasyon na mataas ang panganib, kailangan ng dalawang pagtatalaga na “mataas ang panganib.” Una, ang lokasyon ay dapat ituring na “mataas na panganib” at, pangalawa, dapat ito ay matatagpuan sa isang lugar o vicinity na hiwalay na itinalaga bilang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib. Ang mga partikular na instruksyon ng Meta sa mga content reviewer ay “[a]lisin ang mga panawagan ng aksyon, mga pahayag ng layunin, mga pahayag na nag-a-advocate, at mga pahayag na may hangarin na sapilitang pumasok sa mga lokasyon na mataas ang panganib nang nasa Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib.”
Tinutukoy ng Meta ang “lokasyon na mataas ang panganib” bilang “lokasyon, permanente o pansamantala, na itinuturing na mataas ang panganib dahil sa posibilidad nito na maging target ng karahasan.” Kasama sa mga permanenteng lokasyon na mataas ang panganib ang “mga lugar ng trabo o tirahan ng mga tao o kanilang mga pamilya na mataas ang panganib (halimbawa, ang mga headquarter para sa organisasyon ng balita, mga medical center, mga laboratoryo, istasyon ng pulis, mga opisina ng gobyerno, atbp.); mga pasilidad na ginagamit sa panahon ng lokal, panlalawigan, at pambansang mga eleksyon bilang center para sa pagrerehistro ng botante, lokasyon para bumoto, site sa pagbibilang ng boto (halimbawa lokal na aklatan, gusali ng gobyerno, community o civic center, atbp.) o site na ginagamit sa pagsasagawa ng eleksyon.” Ayon sa Meta, ang Congress, Supreme Court at mga opisina ng Presidente ng Brazill ay permanenteng “mga lokasyon na mataas ang panganib” lahat bilang resulta ng pagiging mga lugar ng trabaho o tirahan ng mga tao o kanilang mga pamilya na mataas ang panganib.”
Ang karagdagang pagtatalaga ng “Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib” sa mas malawak na lugar o vicinity ay sinasakop ang anumang “lokasyon na pansamantalang itinalaga ng [Meta bilang ganoon] para sa loob ng takdang panahon.” Ang isang lugar ay itinatalaga bilang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib batay sa maraming salik, kabilang ang “kung naganap ang napakatinding karahasan sa isang protesta sa lokasyon sa nakalipas na 7 araw;” “ebidensya ng nagdagdagang panganib ng karahasan na nauugnay sa civil unrest o kontrobersyal na desisyon ng hukuman sa lokasyon;” “pag-assess mula sa nagpapatupad ng batas, mga internal na report ng seguridad, o pinagkakatiwalaang partner na posibleng maganap ang napipintong karahasan sa lokasyon;” “ebidensya ng nakaplano aktibong protesta sa lokasyon o nakaplano o aktibong protesta sa lokasyon kung saan nanawagan ang nag-organisa na gumamit ng mga armas o magdala nito sa lokasyon ng protesta;” at “pag-assess ng mga internal team na mas matimbang ang mga alalahanin sa kaligtasan kaysa sa posibleng epekto sa pagpapahayag ng self-defense at self-determination.” Kapag naitalaga na ang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib, ibinabahagi ang pagtatalaga sa mga internal team ng Meta. Bagaman ang nasabing mga pagtatalaga ay may limitadong panahon, paminsan-minsan, nagbibigay ang kumpanya ng mga palugit. Ayon sa Meta, ang pagtatalaga ng Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib ay humahantong sa proactive na pagsusuri ng content “bago [ito] i-report ng mga user.”
Para sa mga eleksyon noong 2022, itinalaga ng Meta ang buong bansa ng Brazil bilang Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib. Unang itinatag ang pagtatalaga noong Setyembre 1, 2022 batay sa pag-assess ng Meta sa nadagdagang panganib ng karahasan na nauugnay sa patuloy na civil unrest at kaguluhan na may kaugnayan sa eleksyon. Pinalawig ang pagtatalaga para maisama ang eleksyon noong Oktubre 2022 at ang resulta nito, hanggang Pebrero 22, 2023. Umiiral ang pagtatalaga sa panahong na-post ang content ng kaso.
Ayon sa Meta, ang parehong mga pagtatalaga ay dapat umiiral para labagin ng piraso ng content ang patakaran, gaya ng nasa sinsuring post. Ayon sa Meta, ang dobleng requirement ay tumutulong na matiyak na ang mga panawagan ng mga protesta ay hindi malawakang pipigilan at content na posibleng magresulta lang sa karahasan ang aalisin.
Dahil sa binanggit sa itaas, itinuring ng Board ang mga inisyal na desisyon ng Meta na hindi dapat alisin sa platform ang content sa panahon ng matinding panganib ng pulitikal na karahasan, bilang malinaw na pagtaliwas sa sarili nitong pamantayan, dahil bumuo ito sa malinaw na panawagan ng sapilitang pagpasok sa mga gusali ng gobyerno na matatagpuan sa Three Powers Plaza sa Brasília, na “mga lokasyon na mataas ang panganib” na matatagpuan sa “pansamantalang lokasyon na mataas ang panganib” sa Brazil.
II. Enforcement Action
Ayon sa Meta, pitong human moderator na may kinakailangang kadalubhasaan sa wika at kultura ang sumuri ng content. Hindi sinasabihan ng Meta ang mga at-scale reviewer na itala ang kanilang mga dahilan para sa paggawa ng mga desisyon. Noong pinili ng Board ang kasong ito, nagsagawa ang mga internal team ng Meta ng pagsusuri na nagpasya na ang tatlong posibleng salik “ay posibleng nag-ambag” sa patuloy na mali sa enforcement: (1) posibleng hindi naunawaan ng mga reviewer ang layunin ng user (panawagan ng aksyon) na posibleng dahil sa kakulangan ng bantas na humantong sa maling pag-unawa sa content bilang neutral na komento tungkol sa pangyayari; o (2) maling desisyon ang ginawa ng mga reviewer sa kabila ng pinaiiral na tamang mga alituntunin dahil sa maraming update tungkol sa pag-handle ng content na may kaugnayan sa mga pangyayari na mataas ang panganib mula sa iba’t ibang pinagmulan; o (3) posibleng hindi nakita ng mga reviewer ang paglabag sa video.
Iminumungkahi ng Salik 1 at 3 na hindi maingat na sinuri ng mga moderator ang content na ito o pinanoo nang buo ang video, dahil malinaw ang nilalaman nitong potensyal na paglabag ng mga patakaran ng Meta. Gayunpaman, hindi nagbibigay ang Meta ng anumang paliwanag kung bakit hindi na-escalate ang content sa mga eksperto sa paksa at patakaran para higit pang suriin. Hindi na-escalate ang content sa kabila ng katunayan na nanggaling ito sa isang bansa na noong na-post at ni-report ang content, ay itinalaga bilang “Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib” na may kaugnayan sa limitasyon ng patakaran na na-activate lang noong pinairal ang pagtatalagang ito. Hindi rin na-escalate ang content sa kabila ng kabuuang online at offline na konteksto sa Brazil (Tingnan ang Seksyon 2).
Sinabi na ng Meta sa Board na hindi palaging mapapanood nang buo ng mga content reviewer ang mga video. Gayunpaman, sa mga sitwasyon ng matinding panganib ng karahasan, kung saan na-trigger ang mga partikular na instrumento ng patakaran, inaasahan ng Board na panonoorin nang buo ng mga content reviewer ang mga video, at ie-escalate rin ang mga content na posibleng lumalabag.
Kaugnay sa salik 2, bagaman sinabi ng Meta na sinasabi nito sa at-scale na mga reviewer ang mga pagtatalaga ng Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib, kinikilala ng kumpanya ang mga posibleng pagkukulang sa socialization nito rito at iba pang mga hakbang para mapigilan ang panganib na may kaugnayan sa eleksyon. Ang socialization ng ganitong uri ng impormasyon ay pinahihintulutan ang mga content reviewer na makita, alisin, o i-escalate ang may problemang content tulad ng video sa kasong ito. Ang katunayan na umiiral sa Brazil ang iba’t ibang mga hakbang sa pag-evaluate at pagpigil noong panahong iyon, isinasaad nito na posibleng kailanganing masabi ang mga ito sa mas mabuting paraan at magkaroon ng mas malinaw na chain of command para gawing mas mabisa ang mga pagsusumikap ng kumpanya sa integridad ng eleksyon.
Sa kabila ng huling desisyon ng Meta na alisin ang content, lubhang nabahala ang Board na sa kabila ng civil unrest sa Brazil noong na-post ang content, at ang malawakang paglaganap ng katulad na online content ilang buwan at linggo bago ang mga riot noong Enero 8, paulit-ulit na na-assess ng mga content moderator ng Meta ang content na ito bilang hindi lumalabag at hindi ito na-escalate para masuri pa sa kabila ng mga ipinahiwatig nitong konteksto. Ang mga alalahaning ito ay pinalubha ng katunayan na noong humingi ng impormasyon ang Board sa Meta tungkol sa mga pahayag na may kaugnayan sa eleksyon sa mga platform nito bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga eleksyon sa Brazil, ipinaliwanag ng kumpanya na wala itong prevalance data (tingnan ang Seksyon 6). Ang content sa kasong ito ay inalis din sa kalaunan mahigit dalawang linggo ang lumipas, pagkatapos maganap ang lumalabag na kaganapan na pinasimulan nito, at pagkatapos lang ipaalam ng Board sa Meta ang tungkol sa kaso.
Kinilala ng Meta ang matinding panganib ng karahasan sa Brazil, una sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang hakbang sa pag-evaluate ng panganib bago, sa panahon ng at pagkatapos ma-post ang content, at direkta rin sa Board noong nagpasya ang kumpanya na alisin na ang content. Gayunpaman, patuloy na nabigo ang mga reviewer ng kumpanya na sapat na ipatupad ang Mga Pamantayan ng Komunidad nito, lalo na ang mismong limitasyon ng patakaran ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen na na-trigger ng pagtatalaga ng Pansamantalang Lokasyon na Mataas ang Panganib. Ang katunayan na hindi na-escalate ang content bago ang pagpili ng Board, sa kabila ng paglilinaw ng posibleng paglabag, at na nagkaroon ng katulad na content na umiikot sa Facebook noong panahong iyon (tingnan ang Seksyon 2 at 8.2), ipinapakita nito na ang mga paraan ng pag-escalate ay posibleng hindi sapat na malinaw at mabisa (Tingnan ang Kasong Knin cartoon). Ipinapakita rin nito na kailangang pahusayin ng Meta ang mga proteksyon nito sa mga eleksyon. Gaya ng sinabi ng Board sa mga nakaraang desisyon, kailangang-kailangan na magkaroon ang mga at-scale reviewer ng sapat na kaalaman sa wika at konteksto at mayroong mga kinakailangang tool at paraan para ma-escalate ang content na posibleng lumalabag.
III. Transparency
Kinikilala ng Board na gumawa ang Meta ng mga mahalagang pagsusumikap para protektahan ang integridad ng mga eleksyon sa Brazil noong 2022. Noong Agosto 2022, noong pormal na nagsimula ang panahon ng kampanya, inanunsyo sa publiko ng Meta ang mga inisiyatiba nito na may kaugnayan sa eleksyon sa bansa. Nakipagtulungan ang kumpanya sa Superior Electoral Court ng Brazil para maglagay ng label sa mga post tungkol sa mga eleksyon sa Facebook at Instagram, “dinadala ang mga tao sa maaasahang impormasyon sa website ng Electoral Justic.” Ayon sa Meta, humantong ito sa “10 beses na pagtaas” sa mga pagbisita sa website. Pinahintulutan din ng pakikipagtulungan na direktang ma-report sa Meta ng Superior Electoral Court ang content na posibleng lumalabag. Nag-host ang Meta ng mga training session para sa mga opisyal ng electoral sa buong Brazil para ipaliwanag ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Brazil at kung paano tinutugunan ang maling impormasyon sa Facebook at Instagram. Ipinagbawal din ng Meta ang may bayad na pag-a-advertise na “kumukuwestyon sa legitimacy ng paparating na eleksyon.” Dagdag pa rito, nagpatupad ang kumpanya ng limit sa pag-forward sa WhatsApp para ma-forward lang ang message sa isang WhatsApp group sa isang pagkakataon. Panghuli, ni-report ng Meta ang maraming piraso ng content na inalis sa ilalim ng iba’t ibang Pamantayan ng Komunidad, tulad ng mga patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, Hate Speech, at Pambu-bully at Pangha-harass, at ang kabuuang bilang ng mga pag-click sa mga label ng elsksyon na nagdadala sa mga user sa authoritative na impormasyon tungkol sa mga eleksyon sa Brazil.
Gayunpaman, noong tinanong ng Board tungkol sa mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon sa konteksto ng mga eleksyon sa Brazil noong 2022, sinabi ng Meta na hindi gumagamit ang kumpanya ng anumang partikular na metrics para masukat ang tagumpay ng mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon sa pangkalahatan, bukod sa pagre-report ng data sa mga pag-alis ng content, mga view at mga pag-click sa mga label ng eleksyon. Sinabi rin ng Board na, mula sa mga pag-disclose ng Meta sa Transparency Center nito at mga pakikipag-usap sa Board, hindi ganap na malinaw kung paano magkakahiwalay o magkakasabay na pinatatakbo ang iba’t ibang hakbang at protocol ng kumpanya sa pag-evaluate ng panganib (Tingnan ang Seksyon 6 sa itaas). Dapat linawin ng Meta ang points of contact sa pagitan ng iba’t ibang mga protocol na ito, ipaliwanag nang mas mabuti kung paano naiiba ang mga ito sa isa’t isa at kung paano mismo nakakaapekto sa kanila ang pagpapatupad ng mga patakaran sa content.
Sinabi ng maraming komento ng publiko (Ekō [PC-11000], Dangerous Speech Project [PC-11010], ModeraLab [PC-11016], Campaign Legal Center [PC-11017], InternetLab [PC-11019], and Coalizão Direitos na Rede [PC-11020]) na natanggap ng Board na kulang ang mga pagsusumikap ng kumpanya para protektahan ang mga eleksyon sa Brazil. Bagaman kinikilala ng Board ang mga hamon sa malawakang pag-moderate ng content, ang responsibilidad ng Meta na iwasan, pigilan at tugunan ang hindi magandang mga epekto sa mga karapatang pantao ay pinaigting sa electoral at iba pang konteksto na mataas ang panganib, at hinihiling na kumpanya na gumawa ng mabisang mga proteksyon laban sa mga ito. Ang mali sa enforcement sa kasong ito ay hindi mukahng isolated na insidente. Ayon sa Ekō (PC-11000), nanatili sa Facebook ang katulad na content kahit pagkatapos ng mga riot nooong Enero 8.
Kailangan ng mas maraming transparency para ma-assess kung sapat ang mga hakbang ng Meta sa mga konteksto ng eleksyon. Ang kakulangan ng data na available para masuri ng Board ay pinahina ang kakayahan ng Board na sapat na ma-assess kung ang mga mali sa enforcement sa kasong ito, at ang mga alalahaning sinabi ng iba’t ibang stakeholder, ay tanda ng isyu sa sistema sa mga patakaran at mga kasanayan sa pag-enforce ng kumpanya. Nakompromiso rin nito ang kakayahan ng Board na magbigay ng mas partikular na mga rekomendasyon para sa Meta sa kung paano pa mapapahusay ang mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon sa buong mundo.
Ang mga kasalukuyang paghahayag ng data ng Meta, lalo na sa mga pag-alis ng content, ay hindi nagbibigay ng kumpletong pananaw sa kalalabasan ng mga hakbang sa integridad ng eleksyon na pinaiiral nito sa isang partikular na market. Halimbawa, hindi kasama rito ang kawastuhan ng enforcement kaugnay sa mga mahalagang patakaran sa electoral na mga konteksto, tulad ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, o ang porsyento ng mga ad na pampulitika na unang inaprubahan ng Meta pero nalaman sa kalaunan na nilalabag ang mga patakaran nito. Ang pagsasagawa ng pag-audit ng istatistika sa metrics na tulad ng mga ito ay pahihintulutan ang Meta hindi lang ayusin ang mga error, ngunit masusubaybayan din kung gaano kabisa ang mga hakbang nito kung saan pinakamahalaga ang maayos ito nang tama.
Kung wala ang ganitong uri ng impormasyon, hindi mae-evaluate nng Board o ng publiko nang mas malawak ang bisa ng mga pagsusumikap ng Meta sa integridad ng eleksyon. Mahalaga ito lalo na kung isasaalang-alang na ang karamihan sa mga insidente ng pultikal na karahasan ay kadalasang nagreresulta mula sa o pinatitindi ng mga dispute na may kaugnayan sa eleksyon, kung saan nananatili sa online ang masamang content para sundan o samahan ang offline na karahasan (Tingnan ang “Myanmar bot” (2021-007-FB-UA), “ Tigray Communication Affairs Bureau” (2022-006-FB-MR), at “ Pagsuspinde sa dating Presidente na si Trump” (2021-001-FB-FBR)).
Kaya, nakita ng Board na dapat bumuo ang Meta ng framework para sa pag-evaluate ng mga pagsusumikap ng kumpanya sa integridad ng eleksyon, at para sa pagre-report ng publiko tungkol sa paksa. Nilalayon nitong bigyan ang kumpanya ng may kaugnayang data para mapahusay ang sistema nito sa pag-moderate ng content sa kabuuan at magpasya kung paano gagamitin nang pinakamahusay ang mga resource nito sa electoral na mga konteksto. Dapat din nitong tulungan ang Meta na mabisang makakuha ng lokal na kaalaman at matukoy at ma-evaluate ang coordinated na mga online at offline na campaign na nilalayong sirain ang mga demokratikong proseso. Dagdag pa rito, dapat maging kapaki-pakinabang ang framework na ito para makabuo ang Meta ng permanenteng mga channel para sa feedback, at malaman ang mga gagamiting hakbang kapag may umiiral na pulitikal na karahasan pagkatapos ng pormal na pagtatapos ng mga proseso ng electoral. Panghuli, sinabi ng Board na, gaya ng ipinaliwanag sa itaas, ang artikulasyon sa pagitan ng iba’t ibang hakbang at protokol ng Meta sa pag-evaluate ng panganib, tulad ng mga IPOC, ang patakaran ng Integrity Country Prioritization, at ang Crisis Policy Protocol (Tingnan ang Seksyon 6 sa itaas) sa mga konteksto na may kaugnayan sa eleksyon ay kailangang suriin at ipaliwanag nang mas mabuti sa publiko.
8.2 Pagsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta
Kalayaan sa pagpapahayag (Article 19 ICCPR)
Ang karapatan sa opinyon at pagpapahayag ay “pangunahing suporta ng mga demokratikong lipunan, at ginagarantiya ang malaya at patas na mga proseso ng electoral, at makabuluhan at kumakatawang public at political discourse” (UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag, Research Paper 1/2019, pahina 2). Isinasaad ng Article 19 ng ICCPR ang malawak na proteksyon ng pagpapahayag, lalo na para sa pampulitikang speech. Kung saan ang mga paghihigpit sa pagpapahayag ay ipinapataw ng estado, kailangan nilang matugunan ang mga kinakailangan ng legalidad, legitimacy, at pangangailangan at proporsyonalidad (Article 19, talata 3, ICCPR). Madalas tawagan ang mga pangangailangan na ito bilang “three-part test.” Ginagamit ng Board ang framework na ito pra bigyang-kahulugan ang boluntaryong mga commitment ng Meta sa mga karapatang pantao.
I. Legalidad (pagiging malinaw at pagiging naa-access ng mga panuntunan)
Hinihiling ng prinsipyo ng legalidad sa ilalim ng internasyonal na batas sa mga karapatang pantao na maging malinaw at naa-access ng publiko ang mga rule na nililimitahan ang pagpapahayag (Pangkalahatang Komento Bilang 34, sa talata 25). Ginamit sa mga panuntunan ng mga social media company, sinabi ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na dapat malinaw at partikular ang mga ito ( A/HRC/38/35, talata 46). Ang mga taong gumagamit ng mga platform ng Meta ay dapat ma-access at maintindihan ang mga panuntunan, at dapat may malinaw na patnubay ang mga content reviewer sa kanilang pag-enforce.
Nalaman ng Board na, gaya ng ginamit sa mga katunayan sa kasong ito, ang pagbabawal ng Meta sa content na nananawagan ng sapilitang pagpasok sa ilang lokasyon na mataas ang panganib ay malinaw na sinabi, at ang mismong mga kondisyon na nag-trigger sa pagbabawal ay malinaw din. Madaling mauunawaan ng user at mga content reviewer ang content ng kaso bilang lumalabag, lalo na sa konteksto ng civil unrest sa Brazil. Kaya, isinasaalang-alang ng Board ang kinakailangan sa legalidad na dapat matugunan.
II. Lehitimong layunin
Ang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag (Article 19, ICCPR) ay dapat hangarin ang isang lehitimong layunin. Nilalayon ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen na “pigilan ang posibleng offline na pinsala” sa pamamagitan ng pag-alis sa content na nagdudulot ng “tunay na panganib ng pisikal na pinsala o direktang mga banta sa kaligtasan ng publiko.” Ibinibigay ng patakarang ito ang lehitimong layunin ng pagprotekta sa mga karapatan ng iba, tulad ng karapatang mabuhay (Article 6, ICCPR), pati rin ang kaayusan ng publiko at seguridad ng bansa (Article 19, talata 3, ICCPR). Sa mga konteksto ng electoral, maaari ring hangarin ng patakaran na ito ang lehitimong layunin ng pagprotekta sa karapatang bumoto at lumahok sa mga pampublikong kaugnayan ng iba (Article 25, ICCPR).
III. Pagiging kinakailangan at proporsyonalidad
Isinasaad ng prinsipyo ng pagiging kinakailangan at proporsyonalidad na ang anumang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay "dapat naaangkop para makamit ang tungkulin nitong magbigay ng proteksyon; ang mga ito dapat ay hindi masyadong nanghihimasok na instrumento sa mga maaaring makagawa ng tungkulin nito para magbigay ng proteksyon: [at] ang mga ito dapat ay proporsyon sa kapakanan na dapat protektahan" (Pangkalahatang Komento 34, talata 33 at 34). Gaya ng sa mga naunang kaso na kinasasangkutan ng panghihimok ng karahasan, nalaman ng Board ang anim na factor ng Rabat Plan of Action ng UN na nauugnay sa pagtukoy ng pangangailangan at proporsyonalidad ng paghihigpit (tingnan ang, halimbawa: Kaso ng pagsuspinde sa Dating Presidente na si Trump).
Batid ng Board na sa maraming pampulitikang kalagayan, ang paghamon sa integridad ng mga eleksyon o ang electoral system ay lehitimong paggamit ng mga karapatang ng mga tao sa kalayaan sa pagpapahayag at protesta, kahit na may mga isolated na insidente ng karahasan. Dahil sa kanilang pulitikal na mensahe, natatamasa nila ang pinaigting na antas ng proteksyon (Pangkalahatang Komento Bilang 37 talata 19 at 32). Sinabi ng Board gayunpaman na hindi ganito ang sitwasyon dito. May mahalagang hangganan na tumutukoy sa kaibahan sa pagitan ng protektadong pulitikal na speech at panghihimok na gumawa ng karahasan para baliktarin ang mga resuulta ng sikat na eleksyon na ayon sa batas. Batay sa mga salik na nakabalangkas sa Rabat Plan of Action, malinaw na natugunan sa kasong ito ang limitasyon para sa paghihigpit ng speech. Nalaman ng Board na maraming elemento sa content ng kaso ay nauugnay sa pagsusuri nito: ang mga panawagan na “besisge” (salakayin) ang Congress ng Brazill bilang “the last alternative” (huling alternatibo) at “storm” (lusubin) ang “three powers”; ang video na may kasamang panawagan mula sa prominenteng heneral sa Brazil na “go to the National Congress ... [and the] Supreme Court (pumunta sa National Congress ... [at sa] Supreme Court); ang larawan sa background ng mga nasusunog na pederal na gusali ng gobyerno; at ang paghingi ng “source code”. Ang lahat ng ito ay nasa mas malawak na konteksto ng Brazil sa mga tagasuporta ni Bolsonaro na nagdi-dispute sa mga resulta ng eleksyon at humihingi ng kudeta ng militar, na malinaw na panawagan na sakupin at kontrolin ang mga gusali ng gobyerno. Ang layunin ng speaker, ang content ng speech at naaabot nito, pati rin ang posibilidad ng napipintong pinsala ay nagreresulta sa pulitikal na konteksto ng Brazil noong panahong iyon, na nabigyan ng katwiran lahat ng pag-alis ng post.
Na-post ang content sa konteksto ng matinding panganib ng pulitikal na karahasan, na may malawakang patuloy na mga panawagan sa hukbong sandatahan na baliktarin ang mga resulta ng eleksyon. Kasabay din nito, gumamit ng mga slogan na may nakatagong ibig sabihin para i-promote ang mga protesta na partikular na nakatuon sa mga gusali ng gobyerno sa Brasília (Tingnan ang Seksyon 2). Kaugnay nito, ang impormasyong natanggap ng Board sa pamamagitan ng maraming komento ng publiko, kasama ang mula sa ITS Rio – Modera Lab (PC-11016), Coalizão Direitos na Rede (PC-11020), InternetLab (PC-11019), at Ekō (PC-11000), na sumuporta sa research na ginawa ng Board, ay nagpapakita lahat na umiikot nang malawakan ang katulad na content sa social media na humantong sa mga kaganapan noong Enero 8. Binigyang-diin din nila ang napipintong paglusob ng mga tagasuporta ni Bolsonaro sa mga gusali sa Three Powers Plaza, at pag-udyok sa militar na manghimaok, kasama ang sa pamamagitan ng kudeta ng militar.
Dahil sa nabanggit sa itaas, nalaman ng Board na ang pag-alis ng content ay alinsunod sa mga responsibilidad nito sa mga karapatang pantao. Kinakailangan ang pag-alis ng content at proporsyon na pagtugon para protektahan ang karapatang mabuhay ng mga tao, kasama ang mga pampublikong opisyal, at kaayusan ng publiko sa Brazil. Kinakailangan din ang pag-alis nito at ng mga katulad na piraso ng content at proporsyon para protektahan ang karapatang bumoto at lumahok ng mga taga-Brazil sa mga ugnayang pampubliko, sa konteksto kung saan ang pagsubok na pahinain ang demokratikong paglipat ng kapangyarihan ay kasalukuyang nangyayari.
Ang patuloy na kabiguan ng mga sistema ng Meta sa pagsusuri na matukoy nang tama ang paglabag sa video o i-escalate ito para masuri pa at alisin ang content ng kaso ay seryosong alalahanin, na pinaniniwalaan ng Board na magiging nasa mas mabuting posisyon ang Meta para tugunan kung ipapatupad ng kumpanya ang mga rekomendasyon sa ibaba. Bagaman gumawa ang Meta ng mga positibong hakbang para pahusayin ang mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon sa Brazil, hindi sapat ang nagawa nito para tugunan ang posibleng maling paggamit ng mga platform nito sa pamamagitan ng mga uri ng coordinated na kampanya na nakita sa Brazil. Sa kasong ito, ang content na hindi inalis at malawakang ibinahagi ay mukhang karaniwang uri ng maling impormasyon at panghihimok na na-report na umiikot sa mga platform ng Meta sa Brazil noong panahong iyon. Higit pa nitong pinatutunayan ang mga pahayag na ang mga maimpluwensiyang account na maraming kapangyarihan sa mobilisasyon sa mga platform ng Meta ay gumanap ng tungkulin sa pag-promote ng karahasan. Gaya ng iginiit sa mga komento ng publiko na natanggap ng Boad (Tingnan ang Vero [PC-11015], ModeraLab [PC-11016], InternetLab [PC-11019], Instituto de Referência em Internet e Sociedade [PC-11021]), ang pagsusuri at posibleng pag-alis ng indibiduwal na mga piraso ng content mula sa mga platform ng Meta ay hindi sapat at hindi mabisa noong ang nasabing content ay bahagi ng inorganisa at coordinated na aksyon na nilayong sirain ang mga demokratikong proseso. Ang mga pagsusumikap sa integridad ng eleksyon at mga protocol sa krisis ay kailangang tugunan ang mas malawak na mga digital trend na ito.
8.3 Katulad na content na may katulad na konteksto
Ipinahayag ng Board ang alalahanin sa paglaganap ng content na katulad sa sinusuri ilang buwan kasunod ng mga riot sa Brazil noong Enero 8. Dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng Meta sa pagtukoy na lumalabag ang piraso ng content na ito, magtutuon ng espesyal na pansin ang Board sa paggamit ng Meta sa desisyon nito sa katulad na content na may katulad na konteksto na nanatili sa mga platform ng kumpanya, maliban kung ibinahagi para kumondena o magbigay ng kaalaman sa speech ng heneral at ang mga panawagan ng paglusob sa mga gusali ng Three Powers Plaza sa Brasília.
9. Desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta para huwag alisin ang content.
10. Mga Rekomendasyon
A. Enforcement
- Dapat bumuo ng framework ang Meta para sa pag-evaluate ng mga pasusumikap kumpanya sa integridad ng eleksyon. Kasama rito ang paggawa at pagbabahagi ng metrics para sa matagumpay na mga pagsusumikap sa integridad ng eleksyon, kasama ang mga may kaugnayan sa pagpapatupad ng Meta sa mga patakara nito sa content at ang pamamaraan ng kumpanya sa mga ad. Ituturing ng Board na naipatupad na ang rekomendasyon na ito kapag binuo ng Meta ang framework na ito (kasama ang paglalarawan ng metrics at mga layunin para sa metrics na iyon), sasabihin ito sa Transparency Center ng kumpanya nito, sisimulang mag-publish ng mga report na partikular sa bansa, at sasabihin sa publiko ang anumang pagbabago sa pangkalahatang mga pagsusumikap nito sa integridad ng eleksyon bilang resulta ng pag-evaluate na ito.
B. Transparency
- Dapat linawin ng Meta sa Transparency Center nito na, bukod sa Crisis Policy Protocol, nagpapatakbo ang kumpanya ng iba pang mga protocol para subukan nitong pigilan at tugunan ang posibleng panganib ng pinsala na magreresulta sa mga electoral na konteksto o iba pang mga event na mataas ang panganib. Bukod sa pagsasabi at paglalarawan sa mga protocol na iyon, dapat ding isaad ng kumpanya ang layunin nito, anong points of contact sa pagitan ng iba’t ibang protocol na ito, at kung paano naiiba ang mga ito sa isa’t isa. Ituturing ng Board na naipatupad na ang rekomendasyong ito kapag na-publish na ng Meta ang impormasyon sa Transparency Center nito.
* Note sa pamamaraan:
Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.
Para sa desisyon sa kasong ito, gumawa ng independent research sa ngalan ng Board. Ang Board ay tinulungan ng independent research institute na naka-headquarter sa Unibersidad ng Gothenburg na binubuo ng isang team ng may mahigit sa 50 social scientist sa anim na kontinente, pati na rin ang mahigit sa 3,200 eksperto sa bansa mula sa buong mundo. Tinulungan din ang Board ng Duco Advisors, isang advisory firm na nakatuon sa pag-uugnay ng geopolitics, tiwala at kaligtasan, at teknolohiya. Nagbigay din ng pagsusuri ang Memetica, isang organisasyon na nakikibahagi sa open-source research sa mga social media trend. Ang expertise sa wika ay ibinigay ng Lionbridge Technologies, LLC na ang mga espesyalista ay fluent sa mahigit sa 350 wika at nagtatrabaho mula sa 5,000 lungsod sa buong mundo.