Renversé
Russian poem
16 novembre 2022
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta para alisin ang Facebook post na nagkukumpara sa hukbo ng Russia na nasa Ukraine sa mga Nazi at pagbanggit ng tula na nananawagan ng pagpatay ng mga fascist
Available rin ang desisyon na ito sa Russian (sa pamamagitan ng tab ng “wika” na naa-access sa menu na nasa itaas ng screen na ito), sa Latvian ( dito) at sa Ukrainian ( dito).
Lai iepazītos ar lēmumu latviski, spied šeit.
Щоб прочитати це рішення українською мовою, натисніть тут.
Buod ng kaso
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta para alisin ang Facebook post na nagkukumpara sa hukbo ng Russia na nasa Ukraine sa mga Nazi at pagbanggit ng tula na nananawagan ng pagpatay ng mga fascist. Binaliktad din nito ang nalaman ng Meta na ang image ng isang bangkay na nasa parehong post ay nilabag ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content. Naglagay ang Meta ng babalang screen sa image sa dahilan na nilabag nito ang patakaran. Nagdulot ng ilang mahalagang isyu ang kasong ito tungkol sa pag-moderate ng content sa mga mahirap na sitwasyon.
Tungkol sa kaso
Noong Abril 2022, nag-post ang user ng Facebook sa Latvia ng isang image ng isang bangkay, na nakadapa sa kalsada. Walang makikitang mga sugat. Kinumpirma ng Meta sa Board na nabaril ang tao sa Bucha, Ukraine.
Iginigiit ng text na nakasulat sa Russian na kasama ng image ang sinasabing mga atrocity na ginawa ng mga sundalong Soviet sa Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinagbigyan sa batayan na ipinaghiganti nila ang mga krimeng ginawa ng mga Nazi sundalo sa USSR. Gumawa ito ng kaugnayan sa pagitan ng hukbo ng Nazi at ng Russia sa Ukraine, na nagsasabing ang hukbo ng Russia ay “became fascist (naging fascist)”.
Ang post ay nagbabanggit ng sinasabing mga atrocity na ginawa ng hukbo ng Russia sa Ukraine at sinasabing “after Bucha, Ukrainians will also want to repeat... and will be able to repeat (Pagkatapos ng Bucha, gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin)” Nagtapos ito sa pagbanggit ng tulang “Kill him!” ng makatang Soviet na si Konstantin Simonov, kasama ang mga linyang: “kill the fascist... (patayin ang fascist) Kill him! (Patayin siya!) Kill him! (Patayin siya!) Kill! (Patayin!)”
Ang post ay ni-report ng isa pang Facebook user at inalis ng Meta dahil sa paglabag nito sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech nito. Pagkatapos piliin ng Board ang kaso, nalaman ng Meta na nagkamali itong alisin ang post at ibinalik ito. Pagkalipas ng tatlong linggo, naglagay ito ng babalang screen sa image sa ilalim ng patakaran nito sa Marahas at Graphic na Content.
Mga mahalagang nalaman
Nalaman ng Board na ang pag-alis ng post, at pagkatapos ay paglalagay ng babalang screen, ay hindi alinsunod sa Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook, mga pagpapahalaga ng Meta, o mga responsibilidad nito sa mga karapatang sibil.
Nalaman ng Board na sa halip na gumawa ng mga pangkalahatang pag-aakusa na “mga Nazi ang mga sundalong Russian,” iginiit ng post na kumilos ang mga ito na parang mga Nazi sa partikular na oras at lugar, at gumawa ng mga katumbas sa kasaysayan. Tina-target din ng post ang mga sundalong Russian dahil sa kanilang tungkulin bilang mga manlalaban, hindi dahil sa kanilang nasyonalidad. Sa kontekstong ito, hindi naprotektahan ng mga responsibilidad ng Meta sa mga karapatang sibil o ng Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ang mga sundalo mula sa mga pahayag ng maling gawain o pumigil sa nang-uudyok na mga pagkukumpara sa pagitan ng kanilang mga aksyon at mga nakaraang pangyayari.
Binigyang-diin ng Board ang kahalagahan ng konteksto sa pag-assess kung nanghihimok ng karahasan ang content. Sa kasong ito, nalaman ng Board na ang mga quote mula sa tulang “Kill him!” ay isang artistic at pag-uugnay sa kultura na ginamit bilang rhetorical na gamit. Kapag binasa nang ayon sa konteksto ng buong post, nalaman ng Board na ginagamit ang mga quote para ilarawan ang state of mind sa halip na manghikayat. Nagbigay ito ng babala sa mga cycle ng karahasan at ang potensyal na umulit ang kasaysayan sa Ukraine.
Nililinaw ng internal na patnubay ng Meta para sa mga moderator na binibigyang-kahulugan ng kumpanya ang Pamantayan ng Komunidad nito sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen para pahintulutan ang mga nasabing “walang kinikilingang [mga] pagbanggit sa posibleng kahinatnan” at “[mga] babala na nagpapayo.” Gayunpaman, hindi ito ipinaliwanag sa pampublikong Mga Pamantayan ng Komunidad. Gayundin, ipinagbabawal ng patakaran sa Marahas at Graphic na Content ang mga image na nagpapakita ng marahas na pagkamatay. Inilalarawan ng internal na patnubay para sa mga moderator kugn paano tinutukoy ng Meta kung mukhang marahas ang pagkamatay, pero hindi ito kasama sa patakaran sa publiko.
Sa kasong ito, nalaman ng karamihan sa Board na ang image sa post ay walang kasamang malinaw na mga palatandaan ng karahasan na ayon sa internal na patnubay ng Meta para sa mga moderator ay bibigyan ng katwiran ang paggamit ng babalang screen.
Sa pangkalahatan, nalaman ng Board na hindi malamang na palulubhain ng post na ito ang karahasan. Gayunpaman, sinasabi nito na mayroong mga karagdagang complexity sa pagsusuri ng marahas na salita sa mga internasyonal na magulong sitwasyon kung saan pinapayagan ng internasyonal na batas na ma-target ang mga manlalaban. Ang paglusob ng Russian sa Ukraine ay kinikilala sa ibang bansa bilang labag sa batas. Hinihikayat ng Board ang Meta na baguhin ang mga patakaran nito para isaalang-alang ang mga pangyayari ng labag sa batas na pangingialam ng militar.
Ang desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang post at ang kasunod nitong pagpapasya na nilabag ng image sa post ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content, bilang resulta nito naglagay ang Meta ng babalang screen.
Inirerekomenda ng Board sa Meta na:
- Baguhin nito ang pampublikong Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen para linawin batay sa interpretasyon ng Meta sa patakaran, na pinahihintulutan nito ang content na gumagawa ng “walang kinikilingang pagbanggit ng posibleng kahihinatnan.”
- Magsama ng paliwanag kung paano nito pinagpapasyahan kung ang image ay nagpapakita ng “marahas na pagkamatay ng isang tao,” sa pampublikong Pamantayan ng Komunidad sa Marahas at Graphic na Content.
- I-assess ang feasibility ng pagpapakilala ng mga tool na pahihintulutan ang mga user na nasa hustong gulang na magpasya kung makikita ang graphic content at, kung pahihintulutan nito, kung makikita ito nang mayroong babalang screen o wala.
*Ang mga buod ng kaso ay nagbibigay ng overview ng kaso at walang halaga na katulad sa naunang pagpapasya.
Buong desisyon sa kaso
1. Buod ng desisyon
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang isang post sa Facebook na tumutugon sa gulo sa Ukraine. Ang content na nasa wikang Russian at na-post sa Latvia, ay binububo ng mga larawan ng kalsada na mayroong nakahigang tao – na malamang ay namatay – sa lupa, na may kasamang text. Ang text ay may kasamang mga quotation mula sa kilalang tula ng makatang Soviet na si Konstantin Simonov na nananawagan para sa paglaban sa mga manlulusob na German sa World War II, at ipinahiwatig nito na gumaganap ng katulad na tungkulin ang mga manlulusob na Russian sa Ukraine na ginampanan ng mga sundalong German sa USSR. Pagkatapos piliin ng Board ang post na ito para suriin, binago ng Meta ang posisyon nito at ibinalik ang content sa platform. Nagdala ang content ng mga mahalagang tanong para magbigay ng depinisyon sa ilalim ng mga patakaran ng Meta sa Hate Speech at Karahasan at Panghihimok ng Gumawa ng Krimen. Ilang linggo pagkatapos magpasyang ibalik ang post, naglagay ang Meta ng babalang screen sa litrato. Nalaman ng karamihan sa Board na hindi nilalabag ng larawan ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content, dahil walang malinaw na mga visual indicator ng karahasan ang image, gaya ng inilarawan sa internal na mga alituntunin ng Meta sa mga content moderator, na magbibigay ng katwiran sa paggamit ng babalang screen.
2. Paglalarawan at background ng kaso
Noong Abril 2022, nag-post ang isang user ng Facebook sa Latvia ng isang litrato at text na nasa Russian sa kanyang News Feed. Tiningnan ang post ng humigit-kumulang na 20,000 beses, ibinahagi nang humigit-kumulang na 100 beses, at nakatanggap ng halos 600 reaksyon at mahigit sa 100 comment.
Ipinapakita ng litrato ang street view na may taong nakahiga sa lupa na malamang ay patay na sa tabi ng natumbang bisikleta. Walang makikitang mga sugat. Nagsisimula ang text sa, “they wanted to repeat and repeated (gusto nilang umulit at inulit ito).” Nagkomento ang post sa sinasabing mga krimen na ginawa ng mga sundalong Soviet sa Germany sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinasabi nito na ang nasabing mga krimen ay pinagbigyan sa dahilan na ipinaghihiganti ng mga sundalo ang mga nakakakilabot na pangyayari na idinulot ng mga Nazi sa USSR. Nagdulot ito ng koneksyon sa pagitan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng paglusob sa Ukraine, iginiit na ang hukbo ng Russia ay “became fascist (naging fascist)”. Sinasabi ng post na ang hukbo ng Russian sa Ukraine ay “rape[s] girls, wound[s] their fathers, torture[s] and kill[s] peaceful people (ginagahasa ang mga babae, sinusugatan ang kanilang mga ama, tino-torture at pinapatay ang mga tahimik na tao).” Nagtapos ito na “after Bucha, Ukrainians will also want to repeat ... and will be able to repeat (Pagkatapos ng Bucha, gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin)” ang mga nasabing aksyon. Sa pagtatapos ng post, nagbahagi ang user ng excerpt ng tulang “Kill him!” mula sa makatang Soviet na si Konstantin Simonov, na may kasamang mga linyang: “kill the fascist so he will lie on the ground’s backbone, not you” (patayin ang fascist para humandusay siya sa lupa, hindi ikaw); “kill at least one of them as soon as you can” (patayin ang kahit isa sa kanila sa lalong madaling panahon na magagawa mo)”; “Kill him! (Patayin siya!) Kill him! (Patayin siya!) Kill! (Patayin!)”
Sa parehong araw na na-post ang content, ni-report ito ng isa pang user bilang “marahas at graphic na content” Batay sa desisyon ng human reviewer, inalis ng Meta ang content dahil sa paglabag nito sa Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech. Ilang oras ang lumipas, umapela ang user na nag-post ng content at in-assess ng pangalawang reviewer ang content bilang lumalabag sa parehong patakaran.
Umapela ang user sa Oversight Board. Bilang resulta ng pagpili ng Board na suriin ang apela noong Mayo 31, 2022, nalaman ng Meta na may mali sa nakaraang desisyon nito na alisin ang content at ibinalik ito. Noong Hunyo 23, 2022, 23 araw pagkatapos ibalik ang content, naglagay ang Meta ng babalang screen sa litrato sa post sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Marahas at Graphic na Content, sa batayan na nagpapakita ito ng marahas na pagkamatay ng isang tao. Nakasulat sa babalang screen ang “sensitibong content – posibleng magpakita ang litratong ito ng marahas o graphic na content,” at binibigyan nito ang user ng dalawang opsyon: “alamin pa” at “tingnan ang litrato.”
Ang sumusunod na background ayon sa impormasyon ay may kaugnayan sa desisyon ng Board at batay sa research na ginawa ng Board:
- Ang paglusob ng Russian sa Ukraine ay kinilala ng United Nations General Assembly noong Marso 2, 2022 bilang labag sa batas ( A/RES/ES-11/1).
- Nagpahayag si Michelle Bachelet, UN High Commissioner para sa Mga Karapatang Pantao, ng mga alalahanin sa “seryoso at nakakabahalang mga tanong tungkol sa posibleng krimen ng digmaan, matitinding paglabag ng internasyonal na batas sa humanitarian at malubhang mga paglabag ng internasyonal na batas sa mga karapatang pantao” sa Ukraine.
- Sa mga kultura pagkatapos ng Soviet, ang salitang “fascist” ay kadalasang tumutukoy sa mga German Nazi, lalo na sa konteksto ng World War II. Gayunpaman, ang depinisyon ng salitang “fascist” ay hindi na direktang nauugnay sa mga German Nazi. Sa Russia at sa Ukraine, naging malabo ang salita dahil sa mga pampulitikang talakayan kung saan ginamit ang salitang “fascist” para ma-stigmatize ang mga kalaban sa iba’t ibang bahagi ng pampulitikang spectrum.
- “They wanted to repeat and repeated (Gusto nilang umulit at inulit ito)” ang unang pangungusap sa post ng user, ay pagtukoy sa “[w]e can repeat ([m]aaari kaming umulit)” isang sikat na slogan na nasa Russian, na ginagamit ng ilan para tukuyin ang tagumpay ng Soviet laban sa mga Nazi sa World War II. Higit pang binanggit ng user sa slogan na ito noong sinasabing, “after Bucha, Ukrainians will also want to repeat... and will be able to repeat (Pagkatapos ng Bucha, gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin)” ang mga aksyon ng hukbo na Russian.
3. Authority at scope ng Oversight Board
Mayroong authority ang Board na i-review ang desisyon ng Meta kasunod ng isang apela mula sa user na inalis ang content (Article 2, Seksyon 1 ng Charter). Article 3, Seksyon 1 ng Mga Internal na Patakaran). Maaaring suportahan o baliktarin ng Board ang desisyon ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 5), at ipapatupad ang desisyon na ito sa kumpanya (Article 4 ng Charter). Dapat ring i-assess ng Meta ang pagiging posible ng pag-apply ng desisyon nito tungkol sa magkatulad na content na may parallel na konteksto (Article 4 ng Charter). Ang mga desisyon ng Board ay maaaring may kasamang mga pahayag ng policy advisory na may mga hindi ipapatupad na rekomendasyon na kailangang tugunan ng Meta (Article 3 ng Charter, Seksyon 4; Article 4).
Kapag pumipili ang Board ng mga kaso na tulad ng isang ito, kung saan sumang-ayon ang Meta na nagkamali ito, nire-review ng Board ang orihinal na desisyon para tulungang dagdagan ang pag-unawa sa kung bakit nangyari ang mga pagkakamali, at para gumawa ng mga obserbasyon o rekomendasyon na maaaring maresulta sa pagbawas ng mga pagkakamali at para pahusayin ang patas at malinaw na mga pamamaraan.
4. Mga source ng authority
Isinaalang-alang ng Oversight Board ang mga sumusunod na awtoridad at pamantayan:
I. Mga desisyon ng Oversight Board:
Kasama sa pinaka may kaugnayan mga nakaraang desisyon ng Oversight Board ang:
- Kasong “Tigray Communication Affairs Bureau” ( 2022-006-FB-MR). Sa kasong ito, hindi binago ng Board ang desisyon ng Meta na alisin ang content pagkatapos mapagpasyahan na dahil sa profile ng user (isang regional government ministry), ang ginamit na salita (malinaw na panawagang patayin ang mga sundalong hindi susuko) at ang naaabot ng page (mga 260,000 follower), nagkaroon ng mataas na panganib na maaaring humantong ang post sa higit pang karahasan.
- Kasong “Sudan graphic video” ( 2022-002-FB-MR). Sa kasong ito, inirekomenda ng Board sa Meta na: (i) baguhin ang Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Graphic na Content para payagan ang mga video ng mga tao o mga bangkay kapag ibinahagi para sa layunin ng pagbibigay ng kamalayan o pagdodokumneto ng mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao; at (ii) gumawa ng proseso sa pagbuo ng patakaran na bubuo ng mga pamantayan para matukoy ang mga video ng mga tao o bangkay kapag ibinahagi para sa layunin ng pagbibigay ng kaalaman sa o pagdodokumento ng mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao.
II. Mga patakaran ng Meta sa content:
Sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech, hindi pinapayagan ng Meta ang “marahas” o “hindi makataong” salita na pumupuntirya sa mga tao o mga grupo batay sa kanilang mga protektadong katangian. Sinasabi ng patakaran na kasama sa “hindi makatagong salita” ang “mga pagkukumpara, paglalahat, o hindi kwalipikadong mga pahayag tungkol sa gawi sa o tungkol sa...marahas at sekswal na mga kriminal.” Hindi malinaw na naaangkop ang patakaran sa mga kwalipikadong pahayag tungkol sa gawi. Ang mga grupong inilarawan na “gumawa ng mga marahas na krimen o sexual offense” ay hindi protektado mula sa mga pang-aatake sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech.
Sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, hindi pinapayagan ng Meta ang “mga banta na maaaring humantong sa kamatayan (at iba pang mga uri ng lubhang matinding karahasan” kung saan ang “banta” bukod sa iba pa ay tinutukoy na “mga panawagan ng lubhang matinding karahasan” at “mga pahayag na nag-a-advocate ng lubhang matinding karahasan.” Nililinaw ng internal na mga alitutnunin ng Meta para sa mga content reviewer na binibigyan ng kahulugan ng kumpanya ang patakaran nito para payagan ang content na mayroong mga pahayag na may “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahinatnan ng isang aksyon o babalang nagpapayo.”
Sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Graphic na Content, “ang larawan na nagpapakita ng marahas na pagkamatay ng isang tao o mga tao nang hindi sinasadya o pinatay” ay tinatakpan ng babalang screen.
III. Mga pagpapahalaga ng Meta:
Inilarawan ng Meta ang mga pagpapahalaga ng Facebook na “Boses,” “Dignidad,” at “Kaligtasan,” bukod sa iba pa sa pagpapakilala sa Mga Pamantayan ng Komunidad. Babanggitgin ng desisyon na ito ang mga pagpapahalagang iyon kung at ayon sa kaugnayan sa desisyon.
IV. Internasyonal na mga pamantayan sa mga karapatang pantao:
Ang UN Guiding Principles on Business and Human Rights ( Mga UNGP), na na-endorse ng UN Human Rights Council noong 2011, ay nagtatatag ng boluntaryong framework para sa mga responsibilidad ng mga karapatang pantao ng mga pribadong negosyo. Noong 2021, inanunsyong Meta ang Patakaran ng Kumpanya sa Mga Karapatang Pantao nito, kung saan muli nitong pinagtibay ang commitment nito sa paggalang sa mga karapatang pantao nang ayon sa mga UNGP. Ang pagsusuri ng Board sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta sa kasong ito ay nabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan sa mga karapatang pantao:
- Ang mga karapatan sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag: Article 19, International Covenant on Civil and Political Rights ( ICCPR), Pangkalahatang Comment Bilang 34, Human Rights Committee, 2011; UN Special Rapporteur sa kalayaan sa opinyon at pagpapahayag, mga report: A/HRC/38/35 (2018), A/74/486 (2019) at A/HRC/44/49/Add.2 (2020); UN High Commissioner for Human Rights, report: A/HRC/22/17/Add.4 (2013).
- Pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon: Article 2, para. 1 (ICCPR).
- Karapatan sa pisikal na seguridad Article 9 (ICCPR).
- Karapatang mabuhay: Article 6 (ICCPR).
5. Mga submission ng user
Sa kanyang apela sa Board, sinabi ng user na ang litratong ibinahagi niya ay ang “most innocuous” (pinakaligtas) na mga litrato na nagdodokumento ng “crimes of Russian army in the city of Bucha” (mga krimen ng hukbo ng Russia sa lungsod ng Bucha), “where dozens of dead civilians lie on the streets” (kung saan dose-dosenang mga patay na sibilyan ang nakahiga sa mga kalsada). Sinasabi ng user na hindi nananawagan ang kanyang post ng karahasan at tungkol ito sa “past history and the present” (nakaraan at kasalukuyang kasaysayan). Ang sabi niya ang tula ay orihinal na inihandog para sa “struggle of Soviet soldiers against the Nazis” (paghihirap ng mga sundalong Soviet laban sa mga Nazi) at pinost niya ito para ipakita kung paano “the Russian army became an analogue of the fascist army” (naging analogue ng fascist na hukbo ang hukbo ng Russia). Bilang bahagi ng kanyang apela, sinabi niya na siya ay isang journalist at naniniwala na mahalagang maintindihan ng mga tao kung ano ang nangyayari, lalo na sa oras ng digmaan.
6. Mga submission ng Meta
Sa dahilan na ibinigay ng Meta sa Board, sinuri ng kumpanya ang content ng kasong ito batay sa tatlong iba’t ibang patakaran, na nagsimula sa Hate Speech. Nagtuon ng pansin ang Meta sa kung bakit binaliktad ng kumpanya ang orhinal na desisyon nito, sa halip na ipaliwanag kung paano nito nabuo ang orihinal na desisyon nito. Ayon sa Meta, ang pagsasabing gumawa ng mga krimen ang mga sundalong Russian sa konteksto ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hindi bumubuo sa pang-aatake sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech dahil pinapayagan sa platform ang “mga kwalipikadong pahayag tungkol sa gawi”. Ipinaliwanag din ng Meta na isang pampulitikang ideyolohiya ang fascism, at ang pag-uugnay lang ng hukbo ng Russian sa ilang pampulitikang ideyolohiya ay hindi bumubuo sa pang-aatake dahil “ang hukbo ng Russian ay isang institusyon at kaya hindi grupo o subset na may protektadong katangian na sakop ng patakaran sa Hate Speech (kumpara sa mga sundalong Russian, na mga tao).” Panghuli, isinaad ng Meta na ang iba’t ibang excerpt ng tulang “Kill him!” na binanggit sa text ng post (halimbawa: “kill a fascist” (patayin ang fascist), “kill at least one of them” (patayin ang kahit isa sa kanila), “kill him!” (patayin siya!)) ay tumutukoy sa “mga Nazi” sa konteksto ng World War II, at ang mga Nazi ay hindi protektadong grupo.
Sinuri rin ng Meta ang post batay sa patakaran nito sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Dahil dito, ipinaliwanag ng Meta na ang pagsasabing “Ukrainians will also want to repeat… and will be able to repeat” (Gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin) pagkatapos ng mga pangyayari sa Bucha ay hindi nag-a-advocate ng karahasan. Sinabi ng Meta na ito ay isang “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahihinatnan,” na binigyan ng kahulugan ng kumpanya bilang pinapayagan sa ilalim ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Sinabi rin ng Meta na ang pagbanggit sa tula ni Simonov ay paraan ng pagbibigay ng kamalayan tungkol sa potensyal para sa pag-ulit ng kasaysayan sa Ukraine. Panghuli, ipinaliwanag ng kumpanya na ang pag-a-advocate ng karahasan laban sa mga indibiduwal na sakop sa patakaran sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon, tulad ng mga Nazi (tinutukoy bilang “mga fascist” sa tula ni Simonov), ay pinapayagan sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen.
Ipinaliwanag din ng Meta na ang babalang screen at naaangkop na mga paghihigpit sa edad ay inilagay sa post sa ilailm ng patakaran nito sa Marahas at Graphic na Content dahil nagpapakita ang image na kasama sa post ng marahas na pagkamatay ng isang tao. Kinumpirma ng Meta na ipinapakita ng image ang isang indibdiuwal na nabaril sa Bucha, Ukraine.
Bilang pagtugon sa mga tanong ng Board, nagbigay ang Meta ng karagdagang paliwanag ng mga inisiyatiba na binuo nito sa konteksto ng gulo sa Ukraine. Kinumpirma ng Meta, gayunpaman, na wala sa mga inisiyatibang ito ang may kaugnayan sa inisyal na pag-alis ng content sa kasong ito o ang desisyon na ibalik ito nang may kasamang babalang screen. Idinagdag ng kumpanya na gumawa ito ng maraming hakbang na alinsunod sa Mga Gumagabay na Prinsipyo ng UN sa Negosyo at Mga Karapatang Pantao para matiyak ang due diligence sa mga panahon ng kaguluhan. Kasama sa mga hakbang na ito ang pakikipag-ugnayan sa Ukrainian at Russian na civil society, at Russian independent media para humingi ng feedback sa epekto ng mga hakbang na ginamit ng Meta sa pagsisimula ng gulo.
Tinanong ng Board ang Meta ng 11 tanong, at tinugunan lahat ito ng Meta.
7. Mga komento ng publiko
Nakatanggap ang Oversight Board ng walong komento ng publiko kaugnay sa kasong ito. Tatlo sa mga komento ang na-submit mula sa Europe, apat mula sa United States at Canada at isa mula sa Latin America at ang Carribean. Tinakalay sa mga submission ang mga sumusunod na tema: internasyonal na armed conflict, ang kahalagahan ng konteksto sa pag-moderate ng content; ang tungkulin ng mga journalist sa mga magulong sitwasyon; ang dokumentasyon ng mga war crime; at artistic na pagpapahayag.
Para basahin ang mga komento ng publiko na-submit para sa kasong ito, paki-click dito.
8. Pagsusuri ng Oversight Board
Inisyal na sinuri ng Board kung pinapayagan ba ang content sa ilalim ng mga patakaran sa content ng Meta, binigyan ng kahulugan kung saan kinakailangan batay sa mga pagpapahalaga ng platform, at pagkatapos ay na-assess kung ang pagtrato sa content ay alinsunod sa mga responsibilidad ng kumpanya sa mga karapatang pantao.
Pinili ng Board ang kasong ito dahil ang pag-alis sa post na ito ay nagdulot ng mahahalagang alalahanin tungkol sa artistic na pagpapahayag at mga pag-uugnay sa kultura na ginamit sa mga bagong konteksto na posibleng nanghihimok ng karahasan sa mga magulong sitwasyon. Partikular na mahalaga ang mga lugar sa online para sa pagpapahayag para sa mga taong apektado ng digmaan at dapat magtuon ng pansin ang mga social media company sa pagprotekta ng kanilang mga karapatan. Ipinapakita ng kasong ito kung paano mapipigilan ng kakulangan ng pagsusuri ng konteksto na karaniwan sa pag-moderate ng content nang malawakan ang pagpapahayag ng mga user ng mga opinyon tungkol sa gulo, at panghihikayat ng nang-uudyok na mga katumbas sa kasaysayan.
8.1 Pagsunod sa mga patakaran sa content ng Meta
Nalaman ng Board na nilalabag ng content sa kasong ito ang Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech o ang Pamantayan sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Nalaman ng karamihan sa Board na hindi nilalabag ng content ang Pamantayan ng Komunidad sa Marahas at Graphic na Content.
I. Hate Speech
Ipinagbabawal ng patakaran ng Hate Speech ng Meta ang pang-aatake ng mga tao batay sa mga protektadong katangian, kasama ang nasyonalidad. Nakakatanggap ang propesyon ng “ilang mga proteksyon” kapag tinutukoy kasama ng protektadong katangian. Ang internal na mga alituntunin ng kumpanya para sa mga moderator ay higit pang nilinaw na “ang mga subset na quasi-protected,” kabilang ang mga grupong tinukoy sa pamamagitan ng protektadong katangian at propesyon (halimbawa: mga sundalong Russian), ay karaniwang may karapatang makatanggap ng proteksyon laban sa mga pang-aatake na nasa Tier 1 ng Hate Speech. Bukod sa iba pa, kabilang sa mga nasabing pang-aatake ang “marahas na salita” at “hindi makataong salita... sa mga pagkukumpara, panlalahat, o hindi kwalipikadong mga pahayag tungkol sa gawi” “sa o tungkol sa... marahas at mga sekswal na kriminal.” Ang patakaran sa Hate Speech ng Meta ay hindi nagbibigay ng proteksyon sa “mga grupong inilarawan na gumagawa ng mga marahas na krimen o mga sexual offense.”
Ang mga pangkalahatang paghayag na gumawa ng mga krimen ang mga sundalong Russian ay maaaring lumabag sa patakaran sa Hate Speech ng Meta depende sa content at konteksto. Ang mga nasabing pahayag ay maaaring mapabilang sa pagbabawal ng “hindi makataong salita” sa ilalim ng patakaran, sa anyong “hindi kwalipikadong mga pahayag tungkol sa gawi.” Sinasabi ng patakaran ng Meta ang pagkakaiba sa pagitan ng: (i) ang pagkakaugnay ng masamang ugali o hindi ninanais na mga pag-uugali sa isang grupo batay sa etnisidad nito, bansang pinagmulan o iba pang protektadong katangian (ito ang ibig sabihin ng Meta sa “panlalahat”); (ii) ang pagpuna sa mga miyembro ng isang grupo nang walang konteksto (ito ang ibig sabihin ng Meta sa “hindi kwalipikadong mga pahayag tungkol sa gawi”); at (iii) ang pagpuna sa mga miyembro ng isang grupo para sa kanilang nakaraang gawi (ito ang ibig sabihin ng Meta sa “mga kwalipikadong pahayag tungkol sa gawi”). Sa kasong ito, ang mga pahayag tungkol sa lumulusob na mga sundalong Russian ay ginawa sa konteksto ng kanilang mga aksyon sa gulo sa Ukraine, hindi sa pangkalahatan.
Ang tanong dito ay kung ang pagkukumpara ng user sa mga sundalong Russian sa mga German fascist sa panahon ng World War II, at ang kanilang pagiit na ginahasa nila ang mga babae, pinatay ang kanilang mga ama, at pinatay at na-torture ang mga inosenteng tao, ay nilabag ang patakaran sa Hate Speech ng Meta. Parehong napagpasyahan ng Meta at Board na hindi bumubuo ang post sa marahas at hindi makataong salita sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech, bagaman ito ay para sa iba’t ibang mga dahilan. Bahagi lang ito ng patakaran sa Hate Speech na natukoy bilang may kaugnayan sa post na ito.
Iginiit ng Meta na hindi lumalabag ang post dahil ang mga pahayag ng pag-aakusa ay pinupuntirya ang hukbo ng Russia, na isang institusyon, at hindi mga sundalo ng Russia, na mga tao. Nalaman ng Board na ang pagtukoy sa kaibahan na ito ay hindi naaangkop sa kasong ito, dahil salit-salitang binabanggit ng user ang “hukbo” at “mga sundalo”.
Gayunpaman, nalaman ng Board na ang pag-aakusa ng user na gumawa ng mga krimen ang mga sundalong Russian na maikukumpara sa mga Nazi sa konteksto ng paglusob ng Russia sa Ukrain ay pinapayagan. Ito ay dahil ang pag-uugnay ng mga partikular na aksyon (halimbawa: “nagsimula talaga sila para maghiganti – nanggahasa ng mga babae, ginilitan ang kanilang mga ama, nag-torture at pumatay ng mga tahimik na tao sa mga outskirt ng Kyiv”) at pagkukumpara sa mga aksyon ng mga sundalong Russian sa Ukraine sa iba pang mga hukbo na kilalang gumawa ng mga war crime (halimbawa: “ang hukbo ng Russian, pagkatapos ng 70 taon, ay ganap na inulit ang sarili sa Germany at ang [hukbo] ng German sa Ukraine”) ay “kwalipikadong” mga pahayag, kaugnay sa gawi na nakita sa partikular na gulo.
Kaya nalaman ng Board na ang pagkumpara sa mga aksyon ng mga sundalong Russian sa partikular na konteksto sa mga krimen ng mga Nazi ay pinapayagan sa ilalim ng Mga Pamantayan ng Komunidad, pinapayagan man o hindi ang pangkalahatang pagkukumpara sa mga Nazi. Ayon sa internal na mga alituntunin ng Meta, ang materyal na maaaring bumuo sa hate speech ay hindi lumalabag sa patakaran kung tina-target nito ang mga grupong “inilarawang gumawa ng mga marahas na krimen o mga sexual offense.” Mas malawak pa rito, hindi nito nilalabag ang patakaran sa hate speech para i-report ang mga paglabag ng mga karapatang pantao sa partikular na knoteksto, kahit na tinukoy ang mga taong iyon sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang bansang pinagmulan.
Higit pang nalaman ng Board na ang iba’t ibang excerpt ng tulang “Kill him!” na binanggit sa content (halimbawa: “kill a fascist” (patayin ang fascist), “kill at least one of them” (patayin ang kahit isa sa kanila), “kill him!” (patayin siya!) ay hindi dapat ituring na “marahas na pananalita” dahil kapag babasahin kasama ang iba pang bahagi ng post, nauunawaan ng Board na ang user ay nananawagan ng pansin sa cycle ng karahasan, sa halip na nanghihimok ng karahasan.
Panghuli, nagpasya ang Board na tina-target ang mga sundalong Russian sa post dahil sa kanilang tungkulin bilang mga manlalaban, hindi dahil sa kanilang nasyonalidad. Ang mga pahayag ay hindi mga pang-aatake na pumupuntirya sa isang grupo “batay” sa kanilang mga protektadong katangian. Kaya ang content ay hindi hate speech, dahil walang kabilang na protektadong katangian.
II. Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen
Sa ilalim ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, inaalis ng Meta ang “mga panawagan para sa lubhang matinding karahasan,” “mga pahayag na nag-a-advocate ng lubhang matinding karahasan,” at “aspirational o conditional na mga pahayag na gumawa ng lubhang matinding karahasan,” bukod sa iba pang mga uri ng pagpapahayag. Higit pang nililinaw ng internal na mga alitutnunin ng Meta para sa mga moderator na binibigyan ng kahulugan ng Meta ang Mga Pamantayan na ito para payagan ang mga pahayag na may “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahinatnan ng isang aksyon o babalang nagpapayo.” Dagdag pa rito, ipinapaliwanag ng internal na mga alitutunin na pinapayagan din ang “content na nagkokondena o nagbibigay ng kamalayan sa marahas na mga banta” sa ilalim ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Naaangkop ito sa content na “malinaw na sinusubukang magbigay ng impormasyon at kaalaman sa iba tungkol sa partikular na topic o isyu; o content na nagsasabi ng karanasan ng isang tao bilang tina-target ng banta o karahasan,” kasama ang mga report ng akademiko at media.
Ipinaliwanag ng Meta sa Board na nagpasya itong ibalik ang content na ito dahil hindi nag-advocate ng paglabag ang post. Inilarawan ng Meta ang pahayag ng user na “Ukrainians will also want to repeat … and will be able to repeat” (Gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin) pagkatapos ng Bucha bilang “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahihinatnan,” na binibigyang kahulugan ng kumpanya bilang pinapayagan sa ilalim ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Sinabi rin ng Meta na ang pagbanggit sa tula ni Simonov ay isang paraan ng pagbiibgay ng kamalayan tungkol sa potensyal ng pag-ulit ng kasaysayan sa Ukraine. Panghuli, sa pagtuon sa katunayan na pinupuntirya ng tula ni Simonov ang mga German fascist, sinasabi nito na ang pag-a-advocate ng karahasan laban sa mga indibiduwal na sakop sa patakaran sa Mapanganib na Mga Indibiduwal at Organisasyon, tulad ng mga Nazi, ay pinapayagan sa ilalim ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen.
Bahagyang nakumbinsi ang Board sa dahilan na ito. Sumasang-ayon ito na ang pangungusap na “Ukrainians will also want to repeat … and will be able to repeat” (Gusto ring umulit ng mga Ukrainian... at magagawa itong ulitin) ay hindi nananawagan o nag-a-advocate ng karahasan. Kapag binasa nang literal, sinasabi lang ng bahaging ito ng post na maaari ring tumugon nang marahas ang mga Ukrainian sa mga aksyon ng hukbo ng Russian gaya ng ginawa ng mga Soviet sa mga Nazi. Sa madaling salita, ito ay “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahihinatnan,” na pinapayagan ayon sa pagbibigay ng kahulugan ng Meta sa patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, na nilinaw sa internal na mga alituntunin na ibinigay sa mga content moderator.
Nalaman din ng Board na ang mga excerpt sa marahas na salita sa tuladng “Kill him!” na binanggit sa itaas, ay maaaring basahin bilang naglalarawan, hindi nanghihikayat ng state of mind. Kapag magkakasamang babasahin sa buong post, kasama ang larawan, ang mga excerpt ay bahagi ng mas malawak na babalang mensahe ng posibleng pag-ulit ng kasaysayan sa Ukraine. Ang mga ito ay nasa artistic at pag-uugnay sa kultura na ginamit bilang rhetorical na payo ng user para maihatid ang kanyang mensahe. Kaya, nagpasya ang Board na ang bahaging ito ng content ay pinapayagan din ng internal na mga alituntunin ng Meta.
Nagpasya ang Board, gayunpaman na hindi makatotohanan ang Meta kapag sinusuri nito ang post na parang ito ay panawagan lang ng karahasan laban sa mga Nazi. Nilinaw ng user na itinuturing niya ang mga sundalong Russian sa Ukraine ngayon bilang nauugnay sa mga German sa Russia noong World War II. Sa lawak na ang post kasama ang mga binanggit sa tula ni Simonov, ay maaaring ituring na tumutukoy sa mga sundalo ngayon na gumagawa ng mga atrocity laban sa mga sibilyan, mayroong panganib na mababasa ito bilang panawagan ng karahasan laban sa mga sundalong Russian ngayon. Gayunpaman, sumasang-ayon ang Board sa pagpapasya ng Meta na hindi nilalabag ng post ang Pamantayan sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen dahil ang pangunahing kahulugan nito, sa konteksto ay babala laban sa cycle ng karahasan.
III. Marahas at Graphic na Content
Sa ilalim ng patakaran nito sa Marahas at Graphic na Content, naglalagay ang Meta ng mga babalang label sa content “para alam ng mga tao ang graphic o marahas na katangian nito bago nila i-click ang mga ito para makita.” Ganito ang sitwasyon para sa “[l]arawan na nagpapakita ng marahas na pagkamatay ng isang tao o mga tao sa pamamagitan ng aksidente o pagpatay.” Sa internal na mga alituntunin nito para sa mga content moderator, na inilalarawan ng Meta bilang “tagasaad ng marahas na pagkamatay” na graphic na larawan ng “resulta ng marahas na pagkamatay kung saan makikitang mukahng patay o walang kakayahan ang biktima, at mayroong mga karagdagang visual na tagasaad ng karahasan,” tulad ng “dugo o mga sugat sa katawan, dugo sa paligid ng biktima, namamaga o walang kuay na katawan, o mga katawan na hinukay sa mga debris.” Higit pang ipinaliwanag ng internal na mga alitutnunin na ang mga katawan na walang “anumang makikitang tagasaad ng marahas na pagkamatay” o nang walang “kahit isang tagasaad ng karahasan” ay hindi dapat ituring bilang pagpapakita ng “marahas na pagkamatay.”
Ang litrato ay mayroong kasamang content na nagpapakita ng view ng kalsada na mayroong nakahigang tao sa lupa na hindi gumagalaw. Walang makikitang mga sugat. Nakumpirma ng Meta na nabaril ang tao sa Bucha, Ukraine. Sinabi ng Board na ang mga content moderator na nagtatrabaho nang malawakan ay hindi kinakailangang magkaroon ng access sa ganitong uri ng impormasyon. Nalaman ng karamihan sa Board na hindi nilalabag ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content dahil walang malinaw na mga visual indicator ng karahasan ang image, gaya ng inilarawan sa internal na mga alituntunin ng Meta para sa mga content moderator. Kaya, nagpasya ang karamihan na hindi dapat gumamit ng babalang screen.
Isinasaalang-alang ang konteksto ng armed conflict sa Ukraine at ang debris na ipinapakita sa image, nalaman ng minority ng Board na nilalabag ng content ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content.
IV. Enforcement action
Ni-report ng user ang content para sa Marahas at Graphic na Content pero inalis ito sa ilalim ng patakaran sa Hate Speech. Ibinalik lang ito pagkatapos itong sabihin ng Board sa Meta. Bilang pagtugon sa mga tanong mula sa Board, ipinaliwanag ng Meta na hindi na-escalate ang content ng kaso sa mga eksperto sa patakaran o paksa para sa karagdagang pagsusuri. Ang "na-escalate para sa pagsusuri" ay nangangahulugan na sa halip na balikan ng mga content moderator ang desisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang pagsusuri, ipinapadala ito sa internal team sa Meta na responsable sa nauugnay na patakaran o paksa.
8.2 Pagsunod sa mga pagpapahalaga ng Meta
Nalaman ng Board na ang pag-alis ng content, at paglalagay ng babalang screen sa image na kasama nito ay hindi alinsunod sa mga pagpapahalaga ng Meta.
Nababahala ang Board tungkol sa sitwasyon ng mga sibilyan na Russian, at mga posibleng epekto ng marahas na pananalita na tina-target ang mga Russian sa pangkalahatan. Gayunpaman, sa kasong ito nalaman ng Board na hindi nagdudulot ang content ng tunay na panganib sa “Dignidad” at “Kaligtasan” ng mga taong magbibigay ng katwiran sa pag-aalis ng “Boses,” lalo na sa konteksto kung saan dapat tiyakin ng Meta na ang mga user na apektado ng digamaan ay mapag-uusapan ang mga implication nito.
8.3 Pagsunod sa mga responsibilidad sa mga karapatang pantao ng Meta
Nalaman ng Board na ang inisyal na desisyon ng Meta na alisin ang content at ang desisyon ng Meta na maglagay ng babalang screen sa content ay parehong hindi naaalinsunod sa mga responsibilidad ng Meta sa mga karapatang pantao bilang negosyo. Ipinangako ng Meta sa sarili nito na igagalang ang mga karapatang pantao sa ilalim ng UN Guiding Principles on Business and Human Rights ( UNGPs). Ayon sa Pang-corporate na Patakaran ng Facebook sa Mga Karapatang Pantao na kasama rito ang International Convenant on Civil and Political Rights ( ICCPR).
Malayang pagpapahayag (Article 19 ICCPR)
Ang saklaw ng karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag ay malawak. Nagbibigay ng pinaigting na proteksyon ang Article 19, talata 2, ng ICCPR sa pagpapahayag, kasama ang artistic na pagpapahayag, sa mga pampulitikang isyu, at mga komentaryo sa public affairs, pati rin sa mga usapan ng mga karapatang pantao at mga nakaraang pahayag ( Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 11 at 49). Kahit ang pagpapahayag na maaaring ituring na “lubhang nakakasakit” ay maaaring bigyan ng proteksyon (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 11). Ang content na sinusuri ng Board sa kasong ito ay naglalaman ng matinding salita. Gayunpaman, katumbas ito ng pampulitikang paghahayag at nakakakuha ng pansin sa mga pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa konteksto ng digmaan.
Ang content sa kasong ito ay may kasamang mga quote mula sa kilalang tula sa digmaan, na ginamit ng user bilang nang-uudyok na pag-uugnay sa kultura para bigyan ng kaalaman at balaan ang kanyang audience tungkol sa mga posibleng kahihinatnan ng mga aksyon ng sundalong Russian sa Ukraine. Binigyang-diin ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag na kasama sa artistic na pagpapahayag “ang fictional at hindi fictional na mga kuwento na nagbibigay ng kaalaman o nagdi-divert o nang-uudyok” ( A/HRC/44/49/Add.2, talata 5).
Hinihiling ng Article 19 ng ICCPR na kung saan ang mga paghihigpit sa pagpapahayag ay ipinapatupad ng state, dapat nilang matugunan ang mga kinakailangan ng legalidad, lehitimong layunin, at pangangailangan at proporsyonalidad (Article 19, talata 3, ICCPR). Hinikayat ng UN Special Rapporteur sa kalayaan sa pagpapahayag ang mga social media company na magabayan ng mga prinsipyong ito kapag nagmo-moderate ng pagpapahayag sa online ( A/HRC/38/35, talata 45 at 70).
I. Legalidad (pagiging malinaw at pagiging naa-access ng mga panuntunan)
Hinihiling ng prinsipyo ng legalidad sa mga panuntunan na ginagamit ng mga state na limitahan ang pagpapahayag para maging malinaw at naa-access ito (Pangkalahatang Comment 34, talata 25). Binanggit pa ng Human Rights Committee na “maaaring hindi magbigay ng walang limitasyong paghuhusga ang mga rule para sa mga paghihigpit ng malayang pagpapahayag sa mga taong napatawan pagpapatupad [ng mga ito]” (Pangkalahatang Comment 34, talata 25). Ang mga indibiduwal ay dapat may sapat na impormasyon para malaman kung at kung paano maaaring limitahan ang kanilang pagpapahayag, para ma-adjust nila ang kanilang pag-uugali nang naalinsunod. Ginamit sa mga panuntunan sa content ng Meta para sa Facebook, dapat maunawaan ng mga user kung ano ang pinapayagan at kung ano ang ipinagbabawal.
Ang dalawang seksyon sa internal na mga alituntunin ng Meta sa kung paano ie-enforce ang Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen ay partikular na may kaugnayan sa pagpapasyang ginawa ng parehong Meta at board na dapat manatili sa Facebook ang content. Una, binibigyan ng kahulugan ng Meta ang patakaran na ito para payagan ang mga mensahe na nagbabala ng posibilidad ng karahasan ng mga third party, kung ang mga ito ay mga pahayag na may “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahinatnan ng isang aksyon o babalang nagpapayo.” Pangalawa, pinapayagan ang lumalabag na content kung ito ay “nagkokondena o nagbibigay ng kamalayan sa marahas na mga banta.” Sinabi ng Board, gayunpaman na hindi kasama ang internal na mga alitutunin na ito sa public-facing na tuntunin ng Pamantayan ng Komunidad sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen. Maaari itong magdulot na paniwalaan ng mga user na ang content tulad ng post sa kasong ito ay lumalabag, miski hindi. Dapat isama ng Meta ang mga seksyon na ito sa public-facing na tuntunin ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, para maging sapat na malinaw ito sa mga user. Alam ng Board na ang pagsasapubliko nang mas maraming detalye sa mga patakaran sa content ng Meta ay maaaring pahintulutan ang mga user na may mapaminsalang layunin na mas madaling maiwasan ang Mga Pamantayan ng Komunidad. Gayunpaman, isinasaalang-alang ng Board ang pangangailangan ng paglilinaw at nangingibabaw ang pagiging partikular sa alalahanin na maaaring subukang “paglaruan ang sistema” ng ilang user. Dahil hindi alam na pinapayagan ang “walang kinikilingang mga pagtukoy sa posibleng kahihinatnan,” “mga babalang nagpapayo,” “nagkokondena” o “nagbibigay ng kamalayan” tungkol sa mga marahas na banta ay maaaring maging dahilan para iwasan ng mga user na magsimula o makisali sa mga usapan tungkol sa kapakanan ng publiko sa mga platform ng Meta.
Nababahala rin ang Board na sa kasong ito, ang desisyon ng Meta na maglagay ng babalang screen ay hindi alinsunod sa internal na mga alituntunin nito sa mga content moderator. Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng kahulugan ng Meta sa patakaran sa Marahas at Graphic na Content ay maaaring hindi malinaw sa mga user. Dapat sikapin ng Meta na linawin sa public-facing na tuntunin ng patakaran kung paano binibigyan ng kahulugan ng kumpanya ang patakaran, at paano nito nalalaman kung ang image ay “nagpapakita ng marahas na pagkamatay ng isang tao o mga tao sa pamamagitan ng aksidente o pagpatay,” sa konteksto ng gulo, ayon sa internal na mga alituntunin ng Meta sa mga content moderator.
Dagdag pa rito, sinabi ng Meta sa Board na walang mensaheng ipinadala sa user na orihinal na nag-report ng content para sabihin sa kanya na ibinalik din ng kumpanya ang post. Nagdudulot ito ng mga alalahanin ayon sa batas, dahil ang kakulangan ng may kaugnayang impormasyon para sa mga user ay maaaring makahadlang sa “kakayahan ng indibiduwal na hamunin ang mga aksyon sa content o i-follow up ang mga reklamo na may kaugnayan sa content” ( A/HCR/38/35, sa talata 58). Sinabi ng Board na ang pagbibigay ng abiso sa mga nagre-report ng ginawang enforcement action laban sa content na ni-report nila, at ang may kaugnayang Pamantayan ng Komunidad na na-enforce, ay tutulungan ang mga user na maunawaan nang mas mabuti at masunod ang mga panuntunan ng Meta.
II. Lehitimong layunin
Anumang paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay dapat ding hangarin ang isang "lehitimong layunin." Nabatid dati ng Board na Pamantayan ng Komunidad sa Hate Speech ay sinisikap na magkaroon ng lehitimong layunin na protektahan ang mga karapatan ng iba (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 28), kasama ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kawalan ng diskriminasyon batay sa etnisidad at bansang pinagmulan (Article 2, talata 1, ICCPR). Kaya, ang pagprotekta sa mga Russian na tina-target ng galit ay isang lehitimong layunin. Gayunpaman, nalaman ng Board na ang pagprotekta sa “mga sundalo” mula sa mga pahayag ng maling gawain ay hindi lehitimong layunin, kapag tina-target sila dahil sa kanilang tungkulin bilang mga manlalaban sa digmaan, hindi dahil sa kanilang nasyonalidad o ibang protektadong katangian; pagpuna ng mga institusyon tulad ng hindi dapat pagbawalan ang hukbo (Pangkalahatang Komento Bilang 34, talata 38).
Kapag binuo at ginamit nang tama ang Pamantayan sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen, gumagawa ito ng lehitimong layunin para protektahan ang mga karapatan ng iba. Sa konteksto ng kasong ito, hinahangad ng patakarang ito na pigilan ang pagtindi ng karahasan na maaaring humantong sa pinsala sa pisikal na seguridad (Article 9, ICCPR) at buhay (Article 6, ICCPR) ng mga tao sa mga bahaging apektado ng gulo sa Russia at Ukraine.
Sinabi ng Board na mayroong mga karagdagang complexity na kabilang sa pagsusuri ng marahas na pananalita sa konteksto ng armed resistance sa panlulusob. Ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay kinikilala sa ibang bansa bilang labag sa batas ((A/RES/ES-11/1), at ang paggamit ng puwersa bilang self-defense alaban sa mga nasabing acts of aggression ay pinapayagan (Article 51, UN Charter). Sa konteksto ng internasyonal na armed conflict, pinapayagan ng international humanitarian law sa asal ng mga partido sa mga hostility ang mga aktibong manlalaban na ma-target nang ayon sa batas sa haba ng armed conflict. Hindi ganito ang sitwasyon sa mga taong ayaw nang makibahagi sa mga hostility, kasama ang prisoners of war (Article 3, Geneva Convention kaugnay sa Pagtrato sa Prisoners of War). Kung hindi labag sa batas ang karahasan ayon sa internasyonal na batas, ang salita na nag-uudyok ng nasabing karahasan ay nagpapakita ng iba’t ibang mga konsiderasyon na dapat suriin nang hiwalay. Bagaman nalaman ng Board na hindi lumalabag ang content sa kasong ito, hinihikayat ng Board ang Meta na baguhin ang mga patakaran nito para isaalang-alang ang mga pangyayari ng pangingialam ng militar na labag sa batas.
Kaugnay sa desisyon ng kumpanya na maglagay ng babalang screen sa larawan, sinabi ng Meta na ang patakaran sa Marahas at Grpahic na content ay nilalayong mag-promote ng isang kapaligiran na maayos para sa iba’t ibang paglahok sa pamamagitan ng paglilimita sa "content na pumupuri sa karahasan o ipinagdiriwang ang pagdudurusa o panghahamak ng iba." Sumasang-ayon ang Board na lehitimo ang layunin na ito sa konteksto ng layunin ng Meta na isulong ang inclusive na platform.
III. Pagiging kinakailangan at proporsyonalidad
Isinasaad ng prinsipyo ng pagiging kinakailangan at proporsyonalidad na ang anumang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagpapahayag ay “dapat naaangkop para makamit ang tungkulin nitong magbigay ng proteksyon; ang mga ito dapat ay hindi masyadong nanghihimasok na instrumento sa mga maaaring makagawa ng tungkulin nito para magbigay ng proteksyon; [at] ang mga ito dapat ay proporsyon sa kapakanan na dapat protektahan” (Pangkalahatang Komento 34, talata 34).
Para ma-assess ang mga panganib na dulot ng marahas o mapoot na content, karaniwang ginagabay ang board ng six-factor test na inilarawan sa Rabat Plan of Action, na nag-a-assess sa advocacy ng galit sa bansa, lahi o relihiyon na bumubuo sa panghihimok ng hostility, diskriminasyon o karahasan. Sa kasong ito, nalaman ng Board na sa kabila ng konteksto ng patuloy na armed conflict at ang may tensyon na pag-ugnay sa kultura na ginamit ng user, hindi malamang na hahantong sa pinsala ang post na isang babala laban sa cycle ng karahasan. Nagpasya ang board na hindi kinakailangan ang inisyal na pag-alis ng content. Dagdag pa rito, karamihan sa Board ay nalaman na hindi rin kinakailangan ang babalang screen, samantala ang minority sa Board ay nalaman na pareho itong kinakailangan at proporsyonal.
Isinasaalang-alang ang mga nauugnay na factor dito, nagpasya ang Board na sa kabila ng konteksto ng labag sa batas na paglusob ng Russia sa Ukraine kung saan posibleng dagdagan ng masasakit na salita ang mga tensyon, ang nakikitang intensyon ng user (pagbibigay ng kamalayan tungkols a digmaan at mga kahihinatnan nito), ang sumasalamin na tono na ginamit sa pagbanggit ng tula sa digmaan, at ang pagpapalaganap ng iba pang mga komunikasyon tungkol sa nakakakilabot na mga pangyayari sa Ukraine, ay nangangahulugan na hindi malamang na mag-ambag ng malaking paglubha ng karahasan ang content.
Nagpasya ang karamihan sa Board na ang paggamit ng babalang screen ay pipigil sa kalayaan sa pagpapahayag at hindi kinakailangang pagtugon sa pangyayaring ito, dahihil walang malinaw na ipinapakitang mga tagasaad ng karahasan ang larrawan, gaya ng inilarawan sa internal na mga alituntunin ng Meta sa mga content moderator, na magbibigay ng katwiran sa paggamit ng babalang screen. Dapat isaalang-alang ng mga social media company ang hanay ng mga posibleng pagtugon sa may problemang content para matiyak na maiaakma nang may limitasyon ang mga paghihigpit ( A/74/486, talata 51). Kaugnay nito, isinasaalang-alang ng Board na dapat bumuo pa ang Meta ng mga customization tool para makapagpasya ang mga user sa kung makakakita ng sensitibong graphic content nang mayroong mga babala o wala sa Facebook at sa Instagram.
Nalaman ng minority ng Board na kinakailangan at naaangkop na hakbang ang babalang screen na iniakma nang tama para hikayatin ang paglahok at kalayaan sa pagpapahayag. Naniniwala ang minority na, sa pagsasaalang-alang sa dignidad ng mga pumanaw na tao, lalo na sa konteksto ng armed conflict, ang mga posibleng epekto ng mga image na nagpapakita ng pagkamatay at karahasan sa maraming user, maaaring magkamali ang Meta sa bahagi ng pag-iingat sa pamamagitan ng paglalagay ng mga babalang screen sa content tulad ng sa sinsusuri.
9. Desisyon ng Oversight Board
Binaliktad ng Oversight Board ang orihinal na desisyon ng Meta na alisin ang content, at ang kasunod na pagpapasya ng Meta na nilabag ang patakaran sa Marahas at Graphic na Content, na nagresulta sa paglalagay ng kumpanya ng babalang screen sa larawan na nasa post.
10. Pahayag ng policy advisory
Patakaran sa content
1. Dapat idagdag ng Meta sa public-facing na tuntunin ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen na binibigyan ng kahulugan ng kumpanya ang patakaran para payagan ang content na mayroong mga pahayag na may “walang kinikilingang pagtukoy sa posibleng kahinatnan ng isang aksyon o babalang nagpapayo,” at ang content na “nagkokondena o nagbibigay ng kamalayan sa marahas na mga banta.” Inaasahan ng Board ang rekomendasyon na ito, kung maipapatupad, ay hihilingin sa Meta na i-update ang public-facing na tuntunin ng patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen para maipakita ang mga pagsasama na ito.
2. Dapat idagdag ng Meta sa public-facing na tuntunin ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Marahas at Graphic na Content ang detalye mula sa internal na mga alituntunin nito tungkol sa kung paano pagpapasyahan ng kumpanya kung ang image ay “nagpapakita ng marahas na pagkamatay ng isang tao o mga tao sa pamamagitan ng aksidente o pagpatay.” Inaasahan ng Board ang rekomendasyon na ito, kung maipapatupad, ay hihilingin sa Meta na i-update ang public-facing na tuntunin ng Pamantayan ng Komunidad nito sa Marahas at Graphic na Content para maipakita ang pagsasama na ito.
Enforcement
3. Dapat i-assess ng Meta ang feasibility ng pagpapatupad ng mga customization tool na papayagan ang mga user na mahigit sa 18 taon na magpasya kung makikita ang sensitibong graphic na content nang mayroon o walang mga babalang screen, sa parehong Facebook at Instagram. Inaasahan ng board na ang rekomendasyon na ito, kung maipapatupad, ay hihilingin sa Meta na i-publish ang mga resulta ng feasibility assessment.
*Note sa pamamaraan:
Ang mga desisyon ng Oversight Board ay inihanda ng mga panel na may limang Miyembro at inaprubahan ng majority ng Board. Hindi kinakailangang kumatawan ang mga desisyon ng Board sa mga personal na pananaw ng lahat ng Miyembro.
Para sa desisyon sa kasong ito, gumawa ng independent research sa ngalan ng Board. Isang independent research institute na naka-headquarter sa Unibersidad ng Gothenburg at bumubuo ng isang team ng may mahigit sa 50 social scientist sa anim na kontinente, pati na rin ang mahigit sa 3,200 eksperto sa bansa mula sa buong mundo. Tinulungan din ang Board ng Duco Advisors, isang advisory firm na nakatuon sa pag-uugnay ng geopolitis, tiwala at kaligtasan, at teknolohiya. Ang kumpanyang Lionbridge Technologies, LLC na ang mga espesyalista ay fluent sa mahigit sa 350 wika at nagtatrabaho mula sa 5,000 lungsod sa buong mundo, ang nagbigay ng expertise sa wika.
Retour aux décisions de cas et aux avis consultatifs politiques